Chapter 23 - Chapter 23

Sa loob ng isang buwan ay maraming nagbago sa mga alipin noon pero ngayon ay hindi mo aakalaing napagdaanan nila ito lalo pa't ngayon ay ibang iba na sila lalo pa't madami na silang nalaman at natutunan dahil na rin sa tulong ni Van Grego sa kanila (nagbabalat-kayo pa rin siya), lahat ng kanilang pangangailangan ay natutugunan lahat ito ni Van Grego.

Hindi niya tinitipid sa Cultivation Resources ang mga Cultivator bagkus ay tinulungan niya pa ang lahat ng mga epektibong pamamaraan ng pagcultivate kagaya na lamang ng State of Calm na siyang isang Basic Ancient Technique na mabilis na nagpapakalma sa kahit na sinong mga Cultivator lalo pa't hindi lamang napapabilis ang pagtaas ng lakas ng Martial Artist kundi ay napapadali ang pagsasayos ng mga magulong enerhiya sa katawan at maiiwasan ang maaaring masamang epekto na magdudulot ng pagka-crippled ng isang Cultivator.

Sinanay sila sa mga mahihirap na mga situation na sinusubok ang kanilang husay at galing. Bawat department ay sinanay sa field na kailangang pagtuunan ng pansin. Maging ang mga  fields ng mga ibang Department ay itinuro din upang mas mapalawak pa lalo ang kanilang mga kaalaman mapapisikal man o mental na pagtuturo ay nagawa nilang mapagtagumpayan.

Gumawa si Van Grego ng ilang mga Illusion Technique na kayang bigyang buhay ang alinmang nilalang katulad ng pagsagupa ng Martial beast o mga sundalo sa isang giyera, napakadelikado ngunit mas napapatalas nito ang persepsyon ng bawat isa na siyang magpapaintindi ng mga hakbang kung pano solusyunan ang isang napakadelikadong pangyayari. Halos ito ang naging training sa pagpapatalas ng utak at maging isang eksaminasyon kung paano ang masusing pagpaplano.

Ibang-iba na ang bawat isa. Bawat Department ay mayroong inatasang magiging lider at walang naging favoritism na nangyari upang maiwasan ang pagkakampi-kampi at pag-aaway. Malaki pa rin ang respeto at utang na loob nila kay Van Grego kung Kaya't hindi nila nanaising magalit ito sa kanila lalo pa't siya ang naging tanglaw nila sa madilim nilang panahon noon. Hindi nila aakalaing may sasagip sa kanila.

Hindi lamang pagsagip kundi pagpapalakas pa lalo sa kanilang loob na magpapatuloy sa buhay. Nstapos na ang puspusang training nila. Maging ang mga kabataang kadugo nila ay naengganyong magtraining upang lumakas. Maraming bagay ang nakatulong sa kanila na binigay ni Van Grego.

Bawat miyembro ng  Department  ay malalakas na ang pinakamababa ngayon ay Martial Warrior Realm at ang lider ng bawat Department ay nasa Martial Ancestor Realm na.

Ang mga kabataang mapababae man o lalaki na edad labing-siyam pababa ay May pinakamataas na Cultivation na Martial Emperor pababa. Masasabi mong napakatalentado ng mga kabataang nakaapak sa True Martial Realm (Martial knight pataas)sa murang edad.

Nanatiling  Peak Martial Emperor Realm ang rank ni Van Grego sapagkat nauna sa pagputol ng seal ng kontinenteng ito kung Kaya't napakahirap ng sitwasyon lalo pa't hanggang ngayon ay patuloy sa pagrefine ng mga unpure Martial Qi Energy na siyang nagpapahirap sa kanya sa paglevel up. Hindi niya pa alam kung kailan matatapos ang pagrefine niya ng hidi purong  Martial Qi. Nabigla ang mura niyang katawan niya isama pa ang napakabatang edad niya kung Kaya't nagdulot ito ng masusing pagrefine, mabuti na lamang at isang talentadong Cultivator si Van Grego kung Kaya't aabutin lamang siya ng ilang buwan lamang ang kaniyang ilalaan.

Samantala...

Sa lahat ng Department ay mas mahalaga ang naging papel ng Alchemy Department at Production Department kung Kaya't mas mahirap ang naging training nila sapagkat malaki ang papel nila sa pagpapalawak ng negosyo sa iba't ibang parte ng Kontinente o sa hinaharap ay balak niyang palawakin ito sa mga karatig na Kontinente.

Ayaw niyang biguin ang mga taong susuporta sa kanya. Mas palalawakin niya pa ito at hindi niya hahayaang mabigo siya sa mga pinaplano niyang mabuti hangarin sa Asosasyong ito. Gagawin niya ang lahat ng kanyang  makakaya upang walang sinumang tao o mamamayan ng kontinenteng ito ang magdusa sa kamay ng mga mababagsik na Cultivator.

Halos naturo niya na ang pangunahing training pero hindi pa ito ganun kasapat o katibay lalo pa't mahigit isang buwan lamang naging puspusang pagsasanay niya sa mga tauhan niya. Sinigurado niyang lahat ay makakasabay sa training.

Kahit ang mga bata ay binigyan ng training na may magaan lamang na pagsasanay para naman kahit papaano ay masulit nila ang kabataan nila. Sa lagay ni Van Grego, matagal niya ng isinuko ang kaniyang kabataan lalo pa't alam niyang wala siyang aasahan na tutulong sa kanya.

Alam niyang hindi din makakatulong ang kahit na anong kaharia ng Kontinenteng ito lalo pa't isa lamang siyang estranghero, hindi lamang iyo dahil isa rin siyang bata na walang mahalagang papel sa lipunan.

Mahigit kumulang walong buwan na lamang ang natitirang panahon nila o mas maikli pa. Mayroong kasabihan na mayroong pakpak ang balita, kapag napaaga ang balitang ito, hindi man sila masasakop ng ibang mga kontinente pero magkakaroon ng mga mata ang magmamasid sa kanila.

Siguradong magpapadala ng mga espiya ang mga malalakas na Kontinente. Siguradong uubusin at aabusuhin lang lahat ng mga yaman ng Hyno Continent maging ang mga mamamayan dito.

Kailangan niyang malamangan ang kalaban hindi sa grupo o hukbo kundi sa kapangyarihan. At mayroon na siyang isang malaking baraha na siguradong mangangamba  ang kung sinuman sa mga ito pero hindi ito magagarantiyang magiging epektibo lalo't isa itong digmaan.

Agad siyang kumilos ngayon lalo pa't kulang na sila ng oras at panahon. Halos lahat ng mga alipin noon ay itinuring niya na itong pamilya. Puspusan pa rin ang pagsasanay ng mga ito upang hindi biguin si Young Master V ( nasa disguise pa rin si Van Grego bilang Binata). 

Napakabuti ni Young Master V sa kanila kung Kaya't masasabi nilang napakasuwerte nila sapagkat lahat ng pangangailangan nila ay ay kaniyang sinusuportahan at tinutugunan sa kahit na anong aspeto.

Napakasagana sa Martial Qi ang lugar nila  (tinutukoy nila ay ang Interspatial Dimension) kung kaya't ayaw todo ang pagpupursigi nila sa pagcucultivate maging ang training sa kanilang napiling department.

Halos lahat ay masaya at makikita mo ang galak sa kanilang mga mata lalo pa't isa itong magandang oportunidad sa kanila lalo pa't hindi na nila inusisa pa si Young Master V bagkos ay ginawa ang dapat gawin upang makatulong sila sa hinaharap.

Hindi pa rin sila pinapalabas sa Interspatial Dimension pero lubos pa ring tumataas ang kanilang Rank. Bawat isa ay ayaw na maging traydor o msging kalaban si Young Master V. Wala silang maisip na dahilan upang pagtaksilan ito lalo pa't iniligtas sila sa bingit ng kamatayan ng mga mabagsik na mga Opisyales ng Slavery City noon.

Naiisip rin nila ang mghigante lalo pa't andun pa rin ang iba sa kanilang itinuturing na bangungunot na siyudad na iyon ang kanilang mga kamag-anak. Pero alam nilang wala pa silang lakas na makakatapat sa lupain at kabuuang kapangyarihan ng Slavery City. Hindi pa sila handa sa anumang laban kung

Kaya't ang pangalawang pagkakataong ito ay sinusulit nila para malamangan ang umaapak sa mga mahihinang taong inapakan lahat ng sa kanila maging ang sagradong buhay ng mga inosenteng mga nilalang ay patuloy pa rin sa pagdurusa.

Ito ang nagbukas sa isip nila. Lahat ng mga sinabi noon ni Young Master V sa kanila ay tumatak sa puso't-isipan ng bawat isa sa kanila na inalipin at dinungisan ang kanilang mga moral. Nagsilbing ilaw sa madilim nilang araw ang bawat salitang narinig nila mula kay Young Master V na walang lugar sa mundong ito ang mahihina, tanging malalakas lamang ang aangat sa bawat lupain, lahat ng salita ay batas, at ang salita niya ang magsisilbing latigo sa bawat taong sasalungat sa malalakas.

Iyon ang gumising sa natutulog nilang damdamin. Halos natahimik ang lahat sa sinabi ng binata lalo pa't lahat ng iyon ay pawang katotohanang hindi magbabago sa mundo ng Martial Arts. Tanging laruan lamang ang magiging papel ng mahihina. Aabusuhin at itatapon dahil sa wala na ring silbi ang mga ito.

Pero iba ang nakikita nila sa mata ng binata. Hindi sa kakaibang mata ng binata( immortal eye) bagkos ay sa inilalabas na emosyon nito ng magsalita ito sa bawat isa sa kanila. Hindi nila inisip na ang binatang nasa harapan nila noon ang tutulong sa kanila, hindi dahil sa paghihiganti bagkus ay isulong ang kahalagahan ng mga nilalang na may buhay.

Lahat ng mga naitulong ng  binata sa kanila ay hindi nila masasabi isa-isa bagkus ay isinasapuso nilang wag bilangin ang binigay sa'yo bagkus ay bilangin mo ang ang mga araw na siyang biniyaya sayo." isang matalinhagang salita ang iniwan ng binata na maging ngayon man ay wala silang eksaktong naging sagot sa idiomang ito.

Hinihiling nilang sana ay makatulong sila sa binatasa mga hinaharap at hindi nila hahayaang sila pa ang sisira sa mga planong sa una palang ay alam nilang hindi sila ilalagay sa mga alanganing sitwasyon.