Chapter 21 - Chapter 21

Pangatlong araw na ito ngayon ni Van Grego sa pangunahing ruta. Nabisita niya na ang kalagayan ng pagpapatayo ng malaki at malawak na gusali na iyon. Mabilis ang pagtatrabaho. Malaki din ang pasasalamat ni Van Grego kay Mr. Vic dahil sa hindi niya na kailangang mamroblema sa pag-aasikaso ng malaking proyektong ito.

Ngayon ay pupunta siya sa lugar na tinatawag na Martial Spirit Store upang bumili ng mga ordinaryong Martial Spirits. Una niyang pinuntahan ang mga pinakamalakihang pamilihan na matatagpuan sa gilid ng kalsada. Pumasok siya rito at binili niya ang lahat ng mga ordinaryong mga Martial Spirits. Nagulantang ang nagbebenta at ipinalabas lahat ng mga mga mamimili. Lahat ng mga ordinaryong Martial Spirits ay ibenenta sa kanya sa halagang 500 million Martial Money na halos mahigit kumulang limampung bilyong martial Spirits ang kanyang nabili na siyang ikinatuwa ng may-ari ng tindahan na ito.

Hindi na siya pumunta sa ibang mga shop dahil madami na siyang nabili at siguradong maliit na porsyento lamang ng Martial Spirits ang makokolekta niya kung Kaya't nagplano siyang bisitahin muna ang pinapagawang construction sa pagpapatayo ng imprastraktura. Nagbigay na rin siya ng 300 million Martial Money kay Mr. Vic dahil na din sa hindi na muna makakadalaw at dadalaw na lamang siya kapag tapos na pagpapatayo ng Gusali dahil sa mga importante niyang gagawin.

Inihabilin niyang disenyuhan na din ang paligid at kumuha ng isang magaling na Architect at isang Landscape Designer upang disenyuhan ang paligid ng gusali, pinaalala niya ding ipa-renovate ang maliit na bahay upang palakihin at gawing 6 floor na siya ring ikinatuwa niya lalo pa't umani rin diya ng papuri at pagtitiwala kay Mr. Van.

Itinatak lahat ni Mr. Vic ang lahat ng mga paalala at tagubilin ni Mr. Van sa kanya lalo pa't naging malaki ang respeto niya dito lalo pa ngayon tuluyan ng gumaling kanyang asawa at patuloy paring natutustusan ang mga pangangailangan ng kanyang anak. Hindi din lumaki ang mga ulo nito bagkus ay nagsumikap pa sila lalo. Para sa pamila Ignacio ay hulog ng langit ang pagdating ni Mr. Van sa kanila. Lahat ng mga gawain sa malaking proyektong ito ay malaking biyaya sa maraming trabahador at maging sa mga Inhenyero, Architect, at Landscape Designer. Napakalaki ng sweldo na ino-offer at marami pang benefits ang nakukuha nila in advance.

Kahit na ang mga negosyante sa labas ay nagulantang sa pangyayaring ito lalo pa't agaw-atensyon ito kung Kaya't naisipang lagyan ng matataas na harang ang mga buong lote na walang makakaalam o nakamasid sa ginagawang construction works.

Kinagabihan ay sinuri niya ang painting. Gamit ang kanyang immortal eye ay nalaman niyang isa itong pambihirang artifact. Ito ang MYRIAD PAINTING OF THOUSAND MOUNTAIN RANGES AND FORESTS.

Hindi niya makita ang nasa loob ng Myriad Painting. Winasak ni Van Grego lahat ng mga Formation Arrays na nakaharang sa lagusan patungo sa loob ng Myriad Painting. Maraming mga pagsabog ang maririnig sa loob ng lagusan malapit sa Sacred water. Nagtamo si Van Grego ng malalim na sugat sa buong katawan ngunit pilit niyan dineactivate ang mga harang o mga Formation. Sa tulong ng immortal eye Technique ay mabilis niyang nasisira ang kahit anong Formation.

Sa wakas ay tuluyan na ring nabuksan ang Myriad Painting of thousand mountain ranges and forest. Ginamot niya muna ang sarili niya bago tuluyang pasukin ang Painting.

Sa wakas ay umayos na din ang kanyang lagay. Hindi niya alam ang sikretong nakatago sa painting kung Kaya't ng sinubukan sinubukan niyang pagmasdan ang loob ng painting at lubos siyang namangha sa tanawin kagaya ng kabundukan, kagubatan at ang isang malawak na kapatagan na nagsisilbing platform at mainam para magcultivate ang mga Martial Experts o kaya ay Cultivator.

Napakasagana ng Martial Qi sa loob ng painting tanaw mo ang mala-paraisong halimuyak na mas magpapagana sa mga cultivator na magcultivate pa lalo at pataasin ang rank. Tanaw mo ang mga Martial Beast na gumagala sa iba't ibang parte ng kagubatan. Matutukoy ni Evor gamit ang kanyang immort eye na malalakas ang mga ito at ang iba'y kapantay niya ng lakas o kaya ay sobrang lakas. Hindi lahat ng Martial Beast ay makikita sapagkat maraming nagkakapalang mga puno at dahil na rin sa mga restrictions sa mga lupain kung Kaya't hindi lahat ng bagay ay makikita niya lalo pa't hindi pa kinokonsidera na malakas na siya. Isa pa lamang siyang itinuturing na mahihina maging sa labas ng kontinenteng ito.

Maya-maya pa ay napagdesisiyunang pumasok ni Evor sa Myriad Painting. Ng pumasok siya ay narating niya agad ang malawak na platform. Bihira lang gumala ang mga Martial Spirit Beasts dito at sa sobrang lawak nito ay hindi ka agad maiistorba lalo pa't tanging mga imahe n ng mga Martial Beasts ang makikita mo. Hindi mo din maririnig kahit na anumang ingay lalo pa't may kakaibang harang nakapalibot sa pagitan kapatagan na wari niya'y isang safezone ang kapatagan. Makita mo din sa kapatagan ang isang ilog na dinadaluyan ng malinis na tubig. Malapad ang ilog na ito na halos hindi makita ang pinagmumulan ng tubig maging ang hangganan nito dahil na rin sa restrictions ng immortal eye. Kaunting porsyento pa lamang ang nalalaman at nagagamit niya na mas mabisa ng sampong beses kumpara sa ibang mga Eye Technique.

Nalaman niyang nakakalabas-pasok siya sa harang at nagulat ng biglang inatake siya ng isang napakalakas na Martial Beast ay sa kabutihang palad ay nakapasok agad siya sa isang misteryosong Technique ng Spirit Beast gamit ang napakatalim na kuko. Naghuhumiyaw ang Martial Spirit Beast ng sinubukan niyang hablutin ang munting batang si Van Grego kaya lang ay natamaan niya ang mahiwagang Barrier kung Kaya't oras na natamaan ito ay maririnig mo ang tunog ng pagkabali ng buto at laman ng kanang bahagi ng Martial Beast. Sa wari niyay napakalakas ng Barrier na kayang i-restrict ang mga Martial Spirit Beasts na pumasok sa pagitan ng mga harang at labis siyang natuwa at nakahingang maluwag dahil baka naging hapunan na siya ng mabagasik na Spirit Beast na ito. Nasa Peak Martial Dominator na ang nasabing Martial Beasts at napakalaking banta ito kani-kanina lang sa kanya. Masasabing Marial Emperor ang pinakamababang Martial Beasts na gumagala sa paligid. Kaya nanatili siyang nagcultivate sa loob ng dalawang oras. Napansin niya pagcu-cultivate ang misteryoso ngunit mahiwagang barrier.

Dahil sa kuryusidad ay pinag-aralan niyang mabuti ito ang barrier lalo pa't maging siya ay nahihiwagaan sa kung anong klaseng barrier ito. Hindi niya malaman ang impormasyon ukol dito. Napakakapal ng enerhiya sa barrier at tanging mga hibla lang ng kakaibang enerhiya ang kanyang nakikita.

Sa pagitan ng makapal na barrier ngunit transparent ay may nakita siyang ilang mga bangkay ng mga Martial Beasts na kung saan-saan lalo pa't alam niya ito. May sistema rin ang mga Martial Spirit Beasts at iyon ay ang law of Jungle kung saan papatayin at kakainin ang mahihina o magsisilbi ang mga Martial Beast.

Kapag naging napakalakas ng Martial Beast ay magkakaroon ito ng pag-iisip, magiging matalino at mag-uumpisang magcultivate ng katulad ng sa tao. Halos kapantay lamang nila ang tao sa pamamagitan ng pagcu-cultivate lalo pa't may Martial Spirits ang mga taong Cultivator o Martial Experts kung Kaya't hindi din nagpapahuli ang mga ito.