Chapter 11 - Chapter 11

Naghatid ng tuwa kay Van  Grego ang ginawang pagpagitna ng Sphere sa kanya at ng Tribulation.

Nalilito siya pero naghatid din ng tuwa sa kanya lalo pa't parang may buhay ang sphere niya Kaya't parang may humaplos sa puso niya. Naalala niya naman ang kanyang mga karanasan. Nawala siya sa pukos at nawili siya sa kakaisip.

Lumalaki pa lalo ang Tribulation at wala pa siya sa pukos at malakas na naririnig niya ang tunog ng naglalakihang mga kidlat na parang mabagsik na leyon na umaastungal pababa sa kalupaan na wari'y tutupukin ang kung sino man ang haharang sa kanyang daraanan.

Mabilis ang naging pangyayari at lumaki ng husto ang mata ni Van Grego kasabay ng mga naglalakihang mga butil ng pawis na lumalabas kanyang noo maging halos ang buo niyang katawan. Alam niyang ito na kawakasan niya kapag natamaan siya nito.

Sa hindi inaasahang pangyayari, dahil sa nakaharang ang sphere sa ibabaw ng uluhan ni Van Grego ay ito ang unang tatamaan at sunod na si Van Grego at ang kalupaan.

Bago pa man tumama ang kidlat sa natatanging sphere ay nagliwanag ang formation sa itaas at sa ibaba ng sphere. Ang mabagsik na kidlat ay parang nalulusaw na yelo sapagkat bawat tama ng kidlat ay nalulusaw at parang naging purong enerhiya na dumadaloy sa sphere sa hindi agresibong paraan.

Ayon sa libro na kanyang nabasa, karamihan sa mga sphere ay nagtatago sa ibabaw ng kalupaan sa simula ng Tribulation at magbabalik lang kapag naging matagumpay ang isinagawang Tribulation.

Wala pang itinalang cultivator na nagkaroon ng sariling pag-iisip sng sphere, masyadong kamangha-mangha iyon sapagkat napakanatural na sabihing walang buhay ang sphere. Kapag may nakasaksi ng Tribulation na ito ay magugulat sila sa makikita nila.

Napakapambihirang makasaksi nito at siguradong hindi ito palalampasin ng kahit sino pa man lalo pa't isang bata lamang ang may kaya nito. Walang makakapantay sa abilidad nito maging ang mga tao noon ay hindi nagawa makatawag ng nakakapangingilabot na Tribulation na ito.

Patuloy pa rin ang paghigop ng enerhiya na gawa sa kidlat na ikinanganga at laglag ang panga ni Van Grego.

Akala niya ay poprotektahan siya ng Sphere, iyon pala ay manghihigop at magre-refine pala ito ng enerhiya galing sa kidlat. Parang walang kabusugan ang misteryosong sphere ni Van Grego.

Yung kaninang damdamin ni Van Grego na humaplos sa puso niya ay nawala, mas nanaig ngayon ang pagtataka at pagkadisgusto pero may pagmangha pa rin.

Hindi niya aakalaing may mas halimaw pa pala sa mga beast at sa nagngangalit na Tribulation at iyon ay ang kakaiba niyang sphere. Grabe kasi makahigop ng enerhiya ang sphere at ayaw niya itong gambalain sa ginagawa nitong walang katapusang pagrefine at paghigop ng enerhiya.

Halos patapos na ang isinasagawang tribulation pero may hindi inaasahang pangyayari ulit na halos gumimbal sa pagkatao niya. Halos hindi makakilos, parang natuod siya sa kanyang sariling mga paa.

Matapos mawala ang Tribulation ay medyo umangat din ang sphere ng ilang daang metro pataas wari'y sinusukat nito ang lakas ng Tribulation at masasabing isa itong paghahamon sa kalangitan.

Napahampas nalang sa noo si Van Grego dahil sa kapilyuhan ng sphere na ito. Na wari niya'y isang napakalaking ulo ang sphere niya sapagkat hamunin ba naman ang Kalangitan sa pamamagitan ng Tribulation?

Isa itong kahangalan sa iba maging kay Van Grego pero ano ang magagawa niya?