Chapter 5 - Chapter 5

Hindi inaakala ni Van na magiging maswerte siya kahit na madaming mga bagay at pangyayaring naging dagok sa buhay niya sa nakalipas na dalawang taon. Kahit na marami siyang naranasang hindi maganda pero ngayo'y alam niyang magiging malakas at matatag na siya upang haraping muli ang mga susunod na mga pagsubok sa buhay.

Dahil sa aksidenteng pagkapadpad sa lugar na ito, hindi niya inaasahang magiging maswerte pa rin talaga siya. Akala niya'y magiging katapusan na ng buhay niya noong nakaraang araw. Sa dalawang araw na nakalipas ng halos mawalan siya ng pag-asa ay ngayon ay mas umayon ang tadhana sa kanya. Alam niyang marami pang bagay ang kanyang mararanasan.

Hindi niya namalayang napuno na lahat ng mga bagay o mga kagamitang nakolekta niya sa kanyang Interspatial sack dito sa Ancient Place na ito. Ikalimang kwarto palang ang nabuksan niya at sobrang namangha siya dahil sa tinagal- tagal ng lugar na ito ay siya palang mismo ang nakaapak muli dito. Sobrang nasiyahan siya dahil dito.

Dahil sa pagiging wais niya at bunga ng kanyang tiyaga at buwis- buhay na pagdiskubre ng mga bawat kwarto ay nagbunga ang lahat ng ito. Napakaswerte niya, yun ang kaniyang iniisip ngayon. Natutwa siyang isiping parang panaginip ang lahat ng ito pero totoo itong nangyayari sa kanya.

Dahil sa pagkapuno ng kaniyang Interspatial sack ay minabuti niyang lumabas muna at surrin ang mga nakuha niya mula noong nakaraang dalawang araw. Napag- alaman niyang napakaraming patibong at mas naging mabagsik at malakas ang mga patibong kung kaya't napakahirap pasukin ang bawat palapag at kwarto nito.

Nasa una palang siyang palapag kung kaya't alam niyang mas delikado ang mga susunod na palapag ng Ancient Place na ito. Hindi niya alam pero may kutob siyang malalakas ang mga taong namalagi dito noon at sa mga kayamanan palang ito ay masasabi niyang hindi ordinaryong tao lamang ang nandirito noon.

Tone- tonelada na ng mga bagay ang mga bagay na nakuha niya. Napagdesisiyunan niyang suriin ang mga ito. Wala siyang ginawa noong nakaraang mga araw kung hindi ang mangolekta ng kayamanan lahat ng bagay, maliit man o malaki ay kinukuha at inilalagay niya sa kanyang Interspatial sack. May low, Middle, High quality na Interspatial sack ang mga nandito kung kaya't iba-ibang porsyento ng kayamanan ang kanyang mailalagay dito.

Pabalik- balik lang siya palagi kapag napuno ito. Ikalabing- lima niya ng pabalik-balik dito kung Kaya't halos naging tambakan ng kayamanan ang lupa na malapit sa Sagradong lawa. Nasa matas na bahagi ng lupa niya inilagay ang mga kayamanan upang masigurong Hindi maaanod ng tubig.

Pabalik na siya sa lugar kung saan nakatambak angmga kayamanang kanyang nahakot at nakolekta.

Masyadong madami ito kung Kaya't baka abutan siya ng gabi pero dahil maliwanag naman ang kapaligiran at dahil sa malakristal na liwanag ng Sagradong lawa na ito ay hindi siya namomroblema dahil dito. Napagdesisiyunan niya munang pansamantalang ititigil ang pagpasok sa mga susunod na palapag.

Marami siyang natuklasang mga kakaibang bagay dito. Dahil sa tulong ng mga nagkakapalang libro ay sinimulan niyang basahin ang mga bagay-bagay ukol dito.

Marami siyang nabasang mga importante at nakakamanghang bagay na nakapaloob dito. Binasa niya muna ag kabuuang libro, pinag-aralan at inalam niyang mabuti ang mga bagay na kanyang nalaman.

Namamangha siya sa mga natuklasan niya. Dahil dito, nawili siya sa kakabasa ng libro na patungkol sa kahanga- hangang bagay sa mundong ito.

Dahil sa kapal ng libro ay natagalan siyang basahin ang mga ito. Kahit na halatang luma ang libro ay pinagtiyagaan niyang basahin ito. Naging interesado siya sa mga ito.

Isa-isa niyang sinuri ang mga bagay dito. Dahil sa mga natuklasan niya ay marami siyang nakita na katulad sa libro.

Isa na dito ay ang Interspatial ring na kung saan gawa ito sa top quality na kagamitan. Nakakamanghang bagay na siyang makakatulong sa pagdala at pagtago ng bagay na ito. Mahigit limang daang Interspatial rings ang kanyang nakolekta. Hundi niya alam na may ganitong klaseng kayamanan dito.

Marami pang mga bagay siyang natuklasan kagaya na lamang ng mga sandata na nakolekta na karamihan nga lang ay mga low-tier elite Armaments pero meron ding dalawang mid-tier Armaments at isang Top- Tier Armaments na isang sibat. Malagintong kulay ito na halata namang napakahalaga nito at bihira lang itong makita sa kanilang lugar.

Marami pa siyang natuklasang nakakamanghang bagay. Isa na rito ay ang Pill Creation na talaga naman nakakamangha dahil ayon sa nabasa niya ay napakabihira lamang nito dahil napakadalang lang ng mga taong nabigyan ng kakayahang maging Alchemist sa mundong ito.

Kinakailangan mong magtaglay ng kakaibang apoy na siyang ikinagulat niya. Marami siyang nabasa ukol dito na siyang ikinasaya niya. Nalaman niyang kapag umabot ka sa siyam o sampong gulang ay lalabas ang kapangyarihan ng isang Alchemist, hihina ang Cultivation mo at dadami ang lalabas na impurities sa katawan na siyang magiging resulta na biglang pagbagal ng Cultivation ng isang Adventurer na aabot hanggang sa ikaw ay maglabing isa.

Dahil sa nalaman niya ito ay nagimbal siya. Noong siyam na taong gulang siya ng mangyaring may lumabas sa katawan niya noon na apoy na silvery white ang kulay na siyang tumupok sa isang kubo sa isng kisap- mata.

Laking pasalamat niya nalang na puro lupa ang kanyang tinatapakan at malayo sa mga damo o kahit anong bagay na maaaring matupok ng kakaibang apoy sa kamay niya.

Nakakagimbal na pangyayari iyon na naging mapait na karanasan iyon para sa kanya. Dahil sa araw ding iyon, kinabukasan ay nawalan siya ng kakayahang ipagpatuloy ang kakayahang mapataas ang Cultivation na kalaunan ay humina.

Ang apoy pala na nasa kamay niya ay isang patunay na isa siyang batang biniyayaan na maging Alchemist. Naging interesado siyang basahin ang nakasulat sa bawat pahina ng libro ng Alchemy. Maraming siyang nabasang nakakamanghang bagay ukol dito.

Nalaman niyang may klasipikasyon pala ang kulay ng apoy ng isang Alchemist na siyang magdidikta kung gaano ka epektibo ang paggawa ng mga pills. Mas lalo siyang nagimbal sa nalaman niyang pinakamalakas na apoy ang taglay niya. Ang silvery white na apoy pala ang pinakamainit at pinakamalakas na apoy na itinuturing na isa sa mga matataas na uri ng Sacred Divine Flames.

Kaya pala halos umabot ng dalawang taon ito, nalaman niyang mga sampong taon o higit pa ang gugugulin niya o ng kung sinuman nagtataglay ng ganitong klaseng apoy upang tuluyang mawala ang impurities nito sa katawan kaya nga nalaman niyang halos matatanda na ang maraming Alchemist dahil dito.

Nalaman niyang may isa sa mga maraming tribo ang may tinataglay na Alchemist flame at Divine Body of Alchemy.

Ito ay ang Chandelo Tribe na noong nakaraang mga taon pa natalo dahil sa paglusob ng Slavery City at kasalukuyang alipin nito. Iyon lamang ang nakalagay na impormasyon sa libro Kaya't ipinagkibit-balikat niya lamang ito

Ang mga bumarang mga impurities sa Dantian ay lubhang makakaapekto sa Cultivation ng isang Cultivator.

Tanging ang mga high quality na medicinal herbs lamang ang pwedeng ipanglunas dito o kaya ang pagbabad ng limang araw sa isa sa alinmang Sagradong mga tubig na siyang napakaimposibleng makita sapagkat sa isang sikretong lagusan at napakatagong lugar lamang makikita ang mga ito na siyang ikalulumo ng mga biniyayaang maging Alchemist sa hinaharap. Tunay nga napakaswerte ni Van Grego.