Chapter 5 - Chapter 5

๐˜”๐˜ณ. ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด 13 ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ค๐˜ข๐˜ณ. ๐˜๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ง๐˜ข๐˜ณ ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ 16 ยฝ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ. ๐˜๐˜ฐ๐˜ธ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฌ?

Iyan ang math problem na nakasulat sa blackboard sa may klase nina Sam. Kasalukuyan silang nagkakaroon ng graded recitation at ang kasalukuyang nakasalang ay ang kaklase nilang si Ryan Arcilla. Ilang minuto na rin itong nakatayo sa may harapan pero hindi pa rin nito nasasagutan ang problem. Actually, hindi talaga nito sinasagutan iyon.

"Hindi ko po alam iyong sagot, Ma'am," diretsahan nitong wika sa teacher nila.

"Ang dali-dali lang niyan, Mr. Arcilla. Hindi mo pa masagutan?" Humarap ang teacher sa buong klase. "If you want to pass in my class, you better study your lessons at hindi iyong pagpapa-gwapo at pagpapaganda lang ang inaatupag ninyo."

Ryan looked mischievously at his teacher. "So Ma'am, ibig sabihin, gwapo ako?"

The class laughed at his question. Isang tiger look naman ang ibinigay sa kanya ng teacher nila. Ryan just smirked.

"Anyone who could solve the problem on the board?"

Babalik na sana si Ryan sa upuan niya nang pigilan siya ng kanilang teacher.

"No, Mr. Arcilla. You're not yet sitting down."

"Ma'am, hindi ko naman alam kung paano i-solve iyang napaka-imposibleng math problem na iyan. Kayo po ba, alam ninyong i-solve iyan?"

"Of course," anang teacher.

"Eh bakit sa akin n'yo pa ipinapa-solve?"

Tawanan ulit ang buong klase. Napatingin na lamang si Sam sa kanyang mga kaklase. Obvious naman na sinasadyang sagut-sagutin ni Ryan ang kanilang teacher. He was known as the resident bully and problem student of their teachers. Sam wondered if ganoon ito mula noong elementary ito. Kung ganoon ay paano ito nakapasok sa first section ngayong high school? Influence na naman ba? The guy belongs to the Arcillas who are well known in the Tarlac for their numerous garment factories and the leading couturier shop in the town, the Casa Rafaela.

Halata namang nagtitimpi lamang ang teacher nila. Huminga ito ng malalim upang makalma ang sarili. Nagtawag na lamang ulit ito ng susunod na sasagot sa harapan.

"Mr. Oliveros, solve the problem on the board and explain to Mr. Arcilla very well with full details how you got the solution."

Uupo na sana ulit si Ryan nang pigilan siya ng kanilang teacher.

"Did I not tell you to remain standing, Mr. Arcilla? If you refuse, I will tell the guidance counselor to have your parents summoned to school tomorrow."

Tigagal si Ryan sa narinig. Mukhang natamaan ng teacher ang kinatatakutan nito. Wala itong nagawa kundi ang panoorin na lamang si Kenneth sa pagsagot ng math problem sa blackboard.

Hindi na nagulat pa si Sam nang madaling masagutan ni Kenneth ang math problem, pati na ang perfect English nitong pag-explain pagkatapos.

"Very good, Kenneth," anang teacher nila sa kaklase niya. "At least there's one of you who study his lessons."

"Eh Ma'am, si Kenneth iyan, eh! Magaling talaga iyan," ang sabi naman ni Ryan.

"Ginaya ko lang naman iyong example ni Ma'am kahapon. Kapareho lang naman kasi niya iyon," paliwanag ng nahihiyang si Kenneth.

"That's right," anang teacher nila. "Kung nakikinig ka lang kasi, Mr. Arcilla, alam mo rin kung paano sasagutin iyan. Thank you, Kenneth. You may now sit down. And you, Mr. Arcilla, baka gusto mong manatili pa rin diyan sa harapan para naman maituro ng iba mong kaklase face to face iyong solution ng mga susunod na problems na iso-solve nila?"

Sam was amazed at her teacher's demeanor towards Ryan. Siguro ay napuno na ito sa mga kalokohan nito. Napatingin siya kay Ryan. Napakunot ang noo niya nang makita ang reaksiyon nito bago umupo, partikular na ang pagtingin nito ng masama kay Kenneth.

Mukhang hindi nagustuhan ni Ryan iyong nangyari kanina. Napahiya nga yata ito dahil doon. At mukhang hindi maganda ang binabalak nito kay Kenneth base na rin sa pagtingin nito sa kanya.

Huwag naman sana. Lihim na naihiling ni Sam na wala sanang gawing masama si Ryan na makakapagpahamak sa kaklase nilang si Kenneth.

*********************************************************************************************************

Kagaya ng dati ay mapayapang nagla-lunch si Kenneth sa basketball court ng high school department. Nang bigla na lamang dumating si Ryan kasama ang mga katropa nito.

"Grabe! Ang saya sigurong kumain dito sa court!" ani Ryan sabay pwesto sa bench kasama ang kanyang mga alipores. "Kahit hindi air conditioned, mahangin din naman. Dito na lang tayo mag-lunch!"

Nag-settle silang apat sa bench at inihapag ang mga dala nilang pagkain. Pero kung gaano kasinop si Kenneth sa pagkain ay ganoon naman sila kaburara. Tuloy, nadumihan ang court na sinadya nilang gawin.

Hindi naman nakatiis si Kenneth. Dahil sa pagiging part na rin ng basketball team, pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang court. Sinita niya sina Ryan sa pagiging burara ng mga ito.

"Konting ingat lang sa pagkain. Bawal kasing madumihan ang court." Mahinahon pa rin naman ang pagkakasabi niya noon. Ayaw rin naman kasi niyang makipag-away sa mga ito.

Pero minasama kaagad iyon ni Ryan. He gave him a stern look. "At sino ka para pagsabihan kami? Hoy, sino ba ito?" Tinanong ni Ryan ang mga kasama. "Kilala n'yo ba ito?"

"Si Kenneth iyan, ang Dakilang Isko," anang isa sa kanila.

"Ah, oo nga pala! And dakilang isko na pinapaaral lang ng ibang tao kaya nakayang makapasok dito sa CPRU. Tapos kung umasta akala mo kung sino. Ganyan yata talaga ang mga dukhang squatters, ano? Iyong akala nila sino sila, eh umaasa lang naman sila sa iba para mabuhay!"

Tawanan ang mga kasama ni Ryan. Nilakasan talaga ng mga ito ang tawanan para mapahiya si Kenneth. Na medyo napahiya nga dahil doon. Pero tinapangan pa rin niya ang loob at pinakiusapan sina Ryan.

"Estudyante din ako dito katulad ninyo. Kaya sumusunod ako sa rules. Sana kayo rin."

"You have no right to tell me what to do. Kung gusto mong maging malinis itong court, eh di sige! Linisin mo. Hayan!" Lalo pang nagkalat si Ryan sa court. "Linisin mo iyan ng mabuti."

Natulala na lamang si Kenneth sa ginawa ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin ang pagtapon ng pagkain at inumin nina Ryan sa kabuuan ng basketball court.

"Halina nga kayo," ani Ryan sa mga kasama pagkatapos. "Doon na lang tayo sa cafeteria kumain. Parang sumama ang ihip ng hangin dito."

Umalis na silang lima. Naiwan naman si Kenneth na nasundan na lamang sila ng tingin. Pagkatapos ay sa mga kalat napatingin si Kenneth. Lumapit siya dito upang iligpit ang mga iyon.

Noon dumating si Coach Cesar.

"What happened here?"

Gulat na napatingin si Kenneth sa guro. Para itong batang nahuli sa ginawa nitong kasalanan, kahit hindi naman siya talaga ang gumawa.

"Kenneth, ano iyang mga kalat na iyan?"

Napatingin si Kenneth sa mga kalat. Paano ba niya ipapaliwanag ang nangyari kanina? Hanggang ngayon ay shocked pa rin siya sa mga pangyayari.

"Sino'ng may gawa niyan?"

"H-Hindi po akoโ€ฆ" Iyon na lamang ang nasabi niya.

"I know. Alam ko namang nasa matino kang pag-iisip at hindi mo gagawin iyan. Pero sino nga ang may gawa?"

Sasabihin ba niya ang totoo kay Coach Cesar? Iyon naman ang dapat. Iyon nga lang, baka balikan naman siya ni Ryan. Baka sa susunod ay hindi lang simpleng pambubully ang gawin nito sa kanya. Baka mamaya, maapektuhan iyong scholarship niya or worse, baka pisikal ang maging pagganti nito sa kanya.

"Kennethโ€ฆ Who did this?"

Napayuko na lamang si Kenneth. "Sorry Sirโ€ฆ"

Coach Cesar looked at him. Para namang naintindihan nito ang hesitation nito. Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Okay. If you don't want to tell me, then don't. Gumawa ka na lang ng paraan para malinis ito. Tawagin mo iyong janitor para malinis itong court. And please, Kenneth, make sure this will not happen again."

"Opo Coachโ€ฆ"

"Sige. Maiwan na kita diyan."

Alam ni Kenneth na umpisa pa lang iyon ng pambubully sa kanya ni Ryan. Dati-rati ay hindi naman siya nito pinapansin, pero alam niyang ang galit nito sa kanya ay nag-ugat doon sa recitation nila kahapon. At alam niyang hindi ito basta-basta titigilan nito.

Dahil doon ay nagpasiya siyang huwag nang mag-lunch sa basketball court. Ilang linggo na rin naman siya doon sa CPRU kaya alam na niya kahit papaano ang pasikot-sikot doon. May alam na siyang ibang lugar na pwede niyang pagtambayan tuwing lunch. Siguro ay doon na lamang siya tatambay tuwing lunch break upang hindi na madamay pa ang basketball court sa pambubully sa kanya ni Ryan Arcilla.