Chapter 16 - TBAB: 14

Now playing: Lowkey - Niki

Violet POV

Hindi ko mapigilan ang lihim na mapatitig sa magandang mukha ni Nicole habang kapwa naming pinagmamasdan ang magandang pagsikat ng araw. Actually, nadala ko na siya sa lugar na ito, ito rin kasi ang lugar kung kailan at saan kami unang nagkasama ng magdamag.

Tanaw kasi mula rito ang pagsikat at ang paglubog ng araw. Napaka-perfect ng spot, 'di ba? Perfect para sa mga katulad ni Nicole.

Hindi ko pa nadadala si Katie rito, wala pa kahit na sino. Pero pagdating kay Nicole, ewan ko ba, hindi ako nagdadalawang isip palagi na ipakita at i-welcome siya sa mundo na meron ako. Napakakomportable lang kasi talaga niyang kasama.

Ang saya-saya ng puso ko ngayon. Ang saya-saya ko na tila ba ayaw ko nang matapos pa ang mga sandaling ito.

Pwede bang ganito na lang kami habambuhay? Pwede bang hindi na kami umalis pa rito? Pwede bang magkasama na lang kami palagi? Magkahawak ang mga kamay na tila ba ayaw nang bumitaw pa isa't isa?

Sana...kung pwede lang. Sana.

Pero alam ko naman sa sarili ko na nakaw na sandali lamang ang mga pagkakataon na ibinibigay sa amin ngayon. Nakaw na sandali at patago.

Kaya ano pa nga bang magagawa ko? Ang magagawa lang naman namin sa ngayon ay ang sulitin ang bawat sandali at pagkakataon na ibinibigay sa amin. I will just be thankful for those moments when I can hug and hold her, especially now that I can kiss her whenever I want.

Hindi ko mapigilan ang lalong ma-amazed sa kagandahang taglay niya lalo na noong napasulyap ito sa akin. At talagang tumatama pa sa kanyang mukha ang pagsikap ng araw. Lalo tuloy nagnining-ning ang mga mata niya, especially now that she's also smiling at me.

Kusa namang nangamatis ang aking mukha noong mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang aking mga mata sa kanyang mukha.

"Ang ganda." Hindi ko napigilang sabihin.

Napangiti ito ng mas malawak. "Ng view?" Tanong nito.

"Ang ganda-ganda mong pagmasdan." Sinasabi ko iyon habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata n'ya, iyong mababasa niya kung gaano ako ka-sincere sa sinasabi ko.

Haaaay! How I wish nakikita niya sa mga sandaling ito kung gaano ko siya pagmasdan ngayon. Baka sakaling maintindihan niya kung bakit ganito ko siya gustong makasama palagi. At baka sakaling mahulog din siya sa sarili n'ya.

Lumapit si Nicole sa akin at dahan-dahan na hinawakan ako sa magkabilaang pisngi ko, iyong mayroong panggigigil.

"Kung meron mang maganda rito, ikaw yun. Swear!" Komento nito at pagkatapos ay hinalikan ako sa tungki ng aking ilong.

Habang ako naman ay agad na hinawakan siya sa kanyang beywang at mas hinapit pa ito palapit sa aking katawan. Iyong dikit na dikit na nararamdaman ko na ang hinaharap naming nagbabanggaan.

Napalunok ako ng mariin at walang sabi na ipinagdikit ang aming mga labi at pagtapos ay...

*click*

*click*

I took a picture of us with the sunrise.

At pagkatapos ay muling ipinaghiwalay ang aming labi. Mas malawak naman ang ngiti na pinakawalan namin sa isa't isa, habang tinitignan ang aming litrato.

"Thank you, Violet. Thank you for making me happy every moment I'm with you. Thank you for always making me feel special." Buong puso na pagpapasalamat niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Muli akong napalunok ng mariin at marahan na inabot para haplusin ang pisngi niya. Napapikit ito habang dinadama ang palad ko.

"I wish I could say everything I want to say to you, Nic." Napahinga ako ng malalim. "But sometimes, I still want to hold myself back kasi baka makalimutan kong taken na tayo pareho at hindi na kita isuli sa boyfriend mo." Nalulungkot ang mga mata na sabi ko sa kanya ngunit mabilis ko iyong naitago para hindi na rin siya mag-alala pa.

"At baka makalimutan ko ring taken ka at hindi na kita isuli sa girlfriend mo?" Ganting sabi rin nito sa akin bago napabuga ng hangin sa ere at niyakap ako.

"Please, stay still." Pakiusap nito. "I just wanna hug you more dahil alam kong pagkatapos nito ay maghihiwalay na naman tayo at babalik na sa kanya-kanya nating mundo." Kaya naman wala na rin akong nagawa pa kundi ang yakapin siya ng mas mahigpit.

Pagkatapos ng ilang sandali ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan. Hindi naman na kasi kami lumabas pa dahil masyadong mahamog, ayaw ko naman kasi siyang magkasakit no? Pinuyat ko na nga magkakasipon pa.

Isa pa, natataw at nakikita naman ang sunrise mula rito sa loob ng sasakyan dahil overlooking view.

"Who said I'm going to bring you home?" Napapangiti na sabi ko habang sinisimulang baybayin ang daan.

"Huh?" Gulat na gulat na reaksyon n'ya.

"May isa pa tayong pupuntahan." Wika ko.

"At saan naman? It's already five in the morning. Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong nitong muli.

"Nah. Ano 'yung antok? Kapag kasama kita bawal ang salitang antok at matulog." Pagkatapos ay napatawa ako. "Basta, relax ka lang d'yan." Atsaka pinihit ang sasakyan patungo sa aming bahay.

Pagdating sa bahay ay saktong mag-aala sais na ng umaga. Maayos na ipinarada ko ang aking sasakyan at bumaba ng kotse para pagbuksan si Nicole. Nagtataka naman ang mga mata na inililibot nito ang kanyang paningin sa buong paligid.

Halatang wala siyang ideya kung saan ko siya dinala at para saan bakit ko siya rito dinala.

"Violet, where are we? And what are we doing here?"

Ngunit binigyan ko lamang ito ng isang matamis na ngiti at iginaya siya papasok sa loob. Agad naman kaming sinalubong ng dalawang maid para batiin kami.

"Good morning ma'am, V. Ready na po ang breakfast ninyo." Sabi nito sa akin. Nagpasalamat lamang ako sa mga ito bago hinanap sa kanila ang mga magulang ko.

"Pababa na raw po sila in five minutes." Sabi ng mga ito. Muling napatango ako at napalingon kay Nicole na ngayon ay halos kulang na lang ay pasukan ng langaw ang kanyang bibig.

"You brought me to your house without telling me? And I'm going to meet your parents looking like this?!" Nag-hi-hysterical na sabi nito sa akin ngunit pinagtawanan ko lamang ito.

"Stop overacting, Nic. You're beautiful. At isa pa, mga simpleng tao lang sila." Sabi ko sa kanya bago lumapit sa isang upuan para ipaghila siya. Agad naman na napamusyon ako sa kanya na maupo na. Mabuti na lang at hindi na ito nagprotesta pa.

Habang ako naman ay naupo sa tabi niya. Mukha kasi siyang hihimatayin na sa kaba. Hindi naman nangangain ang parents ko ah.

"Pwede bang mag-relax ka lang d'yan?" Bulong ko sa kanya.

"How could you! Paano ako mag-re-relax eh magpapakilala ako sa parents mo tapos hindi man lang pinag-ready!" Marahan naman na hinawakan ko ang kamay nito.

"Please, Nic. They won't eat you alive. And one more thing, you are safe with me." Pagbibigay ko ng assurance para naman kumalma na siya ng tuluyan.

"Good morning, Violet." This time, ako naman ang biglang nanigas noong marinig ko ang maawtoridad na boses ni Mama Peral.

Napalingon ako kung saan siya nanggaling at binigyan siya ng ngiti. Ganoon din si Nana Erica na nakasunod sa kanya.

"Good morning, Ma! Good morning Na!" Pagbati ko sa kanilang dalawa. Ngunit ang mga mata ko ay diretsong nakatingin lamang kay Mama Pearl, na ngayon ay titig na titig kay Nicole.

Halata na sinisipat nito ng mabuti si Nicole. Pagkatapos ay huminto siya sa mismong harapan ni ni Nicole. Habang si Nana Erica naman ay sa tabi ni mama Pearl naupo, which is sa harap ko.

"And you must be Katie." Nakangiting wika ni Mama Pearl kay Nicole. Hindi naman mapigilan ng mga mata ko ang mamilog noong marinig ang sinabi nito.

Patay! Lihim na napasulyap ako kay Nicole noong tumayo itong muli para pormal na makipagkamay kay Mama Pearl.

"Mrs. Torres, I am so glad to meet you." Pagkatapos ay magalang na inilahad nito ang kanyang kanang kamay sa aking ina. "I've been hearing your name for a long time in the industry and you are admired by many. Especially my moms, who once became your competitor in a bid."

Hindi tinanggap ni Mama Pearl ang kamay ni Nicole, sa halip ay mabilis na nagbaling ito ng kanyang mga mata sa akin. At tinignan ako ng 'what are you doing look' na sa likod nito ay alam ko na ang kanyang ibig sabihin. Kaya napayuko na lamang ako bago siya binigyan ng ngiti na may pagkaalanganin.

"You are not Katie, don't you?" Pagtanong nitong muli kay Nicole. Napatango naman si Nicole. Habang ako naman ay pasimpleng hinawakan ang kaliwang kamay niya na nanlalamig na sa sobrang kaba.

Pero hindi halata sa itsura niya dahil mukhang punong-puno pa rin siya ng confident habang nasa harapan ng aking ina.

"Because as far as I remember, Breeze Sullivan's daughter's name is not Katie, right Nicole?" Pagkatapos ay napapangisi na tuluyang tinanggap na nito ang kamay ni Nicole. "Nice to meet you, hija." Dagdag pa niya. "Please, have a seat."

"And this is my wife, Erica." Pagpapakilala naman nito kay Nana Erica. Nakipagkamay din si Nicole sa kanya.

"Napakagandang bata." Komento naman ni Nana Erica kay Nicole. Napatawa ako ng mahina. Lahat naman kasi sa paningin niya ay maganda sa sobrang busilak ng puso niya.

Parang sa buong umagahan namin ay hindi ko na muling nakausap pa si Nicole dahil ang atensyon nito ay napunta na lahat kay Mama Pearl. I am so glad that they got along right away. They talked about nothing but business and many other serious topics.

Natutuwa rin ako dahil ang daming similarity ni Mama Pearl at Nicole, kaya siguro ganoon na lamang sila kabilis na nagkapalagayan ng loob. At habang pinagmamasdan ko silang dalawa na nagtatawanan at nag-uusap sa harap ng hapagkainan ay para bang sila pa ang mas mukhang mag-ina.

Hanggang muling napadako ang mga mata ni Mama Pearl sa akin.

"Violet, can I have a moment with you?" Tanong ni Mama Pearl sa akin. Tapos na ito sa kanyang pagkain, ganoon din ako. Napatango naman ako at agad na tumayo. "In my office, please." Pagkatapos ay napatingin ito kay Nicole.

"Can I borrow her for a moment?"

"Sure Mrs. Torres, I will just wait here." Pagpayag naman ni Nicole at nagsimulang makipag-kwentuhan na sa aking Nana Erica.

Habang ako naman ay hindi ko alam kung tungkol saan naman at bakit ako kakausapin ni Mama Pearl. Mukhang seryosong usapan kasi. At kung tungkol naa naman ito sa kompanya, alam naman na niya ang sagot ko riyan matagal na.

"What happened to you and Katie?" Agad na tanong nito sa akin noong makapasok kami ng tuluyan sa kanyang opisina.

Agad naman na bumilis ang pagtibok ng aking puso. Alam ko na talagang mangyayari at mangyayari ito at hindi niya palalampasin ang araw nang hindi niya iyon naitatanong.

"We're good. Going strong and---"

"And why can't you introduce her to us?" Biglang putol nito sa akin in a serious tone. "I thought she was the one you would introduce because you have been in a relationship for two years and yet you have not even once introduced her to us. Have respect, Violet. We are your parents."

Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko magawang maipakilala si Katie sa mga magulang ko. Sigiro dahil alam kong ganoon din siya sa akin? Hindi niya rin ako magawang maipakilala for some other personal reasons.

Kaya wala akong maisasagot kay Mama Pearl kundi ang salitang, 'Sorry'.

"Wag mo silang pagsabayin!" Madiin na sabi nito sa akin. "I know her parents and I don't want Torres and Sullivan to have a conflicting relationship just because of our children's secret relationship. Do you understand?"

Napatiimbagang ako habang nakayuko.

"Ma, hindi ko naman pinagsasabay." Pagtatanggol ko sa sarili.

"And what do call with that? Friends lang kayo? Tropa tropa, ganern? Lowkey? Private relationship kahit na alam mong may girlfriend kang iba?" Sarkastiko na tanong nito sa akin.

"Wala naman sanang kaso kung single ka but you are already in a relationship, anak." Bigla naman akong nanlambot, hearing the 'anak' word from my Mama Pearl makes my heart ache.

Kasi alam kong concern lamang ito sa akin.

Lumapit ito at marahan na iniangat ang baba ko, ngunit hindi ko pa rin siya magawang tignan.

"Hey, look at me." Malambing at malumanay ang boses na sabi nito kaya naman dahan-dahan na sinalubong ko ang mga magagadang mata ni Mama Pearl, kung saan ko rin namana ang mga mata ko.

"I told you before, to be a good lady you have to be firm in your decisions. And that includes making decisions about love." Panimula nito habang nakatingin lamang ng diretso sa mga mata ko. "I don't want you to repeat the same mistake I made with your Nana Erica and you know that." Napahinga ito ng malalim bago tuluyang inilayo ang kanyang sarili sa akin.

"Hindi mo sila kailangang pagsabayin. A woman's heart is fragile and easily broken. And you should know better because you are also a woman like them." Paalala ng aking ina sa akin.

Napalunok ako ng mariin.

"So you have to choose, which of the two would you rather be with? And which of them do you need to let go of? I will leave the decision to you because it is your relationship, basta kung ano man ang magiging desisyon mo, I can always support you, kami ng Nana Erica mo. Okay?" Bago ito lumapit muli sa akin atsaka hinalikan ako sa aking noo.

"Minsan, maiipit talaga tayo sa kung ano ang tama at mabuti para sa atin. Pero palagi mo sanang pipiliin 'yung taong hindi ka ipapahamak at paninindigan ka sa kahit na pinakamahirap na sitwasyon. At yun, ang magiging TAMA at MABUTING desisyon na magagawa mo para sa iyong sarili." Dagdag pa niya.

"Thanks, ma." Buong puso at naluluha na pasasalamat ko sa kanya bago siya niyakap.

Isang nakakaloko at makahulugang ngiti naman ang muling ibinigay nito sa akin noong kumalas ako mula sa pagyakap sa kanya.

"And what is the meaning of that smile?" Natatawa na tanong ko sa kanya.

"Hmmm. Nothing, but, I like Nicole. Ang ganda ng lahi!" Isang matulong na tawa naman ang pinakawalan ko dahil sa sinabi ng aking ina noong palabas na kami ng kanyang opisina.

"Lahian ko na ba ma?" Ganting panunukso ko naman sabay taas baba ng aking kilay.

"As if naman." This time siya naman ang napatawa. "You have to choose first. It's either Katie or Nicole, I'll support you. Basta, DAPAT isa lang." Bigay diin nito sa kanyang sinabi.

"Right, Nicole?" Sabay baling nito ng tingin kay Nicole noong makabalik kami sa aming hapagkainan.

Clueless naman na napahinto sila ni Nana Erica sa kanilang kwentuhan at nagtatanong ang mga mata na napatingin sa amin, especially kay Mama Pearl.

"Umuo ka na lang." Tatawa-tawa na sabi ni Mama Pearl habang si Nicole naman ay awtomatikong nangamatis ang itsura bago kami sabay-sabay na napatawang lahat.