Now playing: Mahika - Adie & Janine Berdin
Violet POV
Araw ng linggo ngayon kaya marami pa ring customers dito sa Coffee Shop. Hindi maiiwasan lalo na iyong mga kagagaling lamang sa simbahan, plus family day ngayon, maraming mga nag-di-date at maraming may mga lakad na magkakaibigan.
Habang abala ako sa pag-aasikaso sa mga customers ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagparada ng isang itim na sasakyan sa tapat ng Coffee Shop. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari nun, walang iba kung hindi ang aming Boss na si Nicole.
Halos muntikan ko pang mabuhos yung inilalagay kong kape sa dahilang hindi ko mapigilang hindi s'ya sundan ng tingin, magmula noong lumabas ito sa loob ng kanyang kotse, hanggang sa makapasok siya sa Shop.
Kaya naman mas minadali ko nang ibigay sa customer ang kanyang kape para mas malaya kong makita iyong itsura niya, na halatang puyat na puyat pa.
She looks so exhausted, ke aga-aga.
Noon naman naalala ko iyong nangyari kagabi. I saw her last night at the bar, I was going to approach her when my girlfriend came with her friends. Kaya hindi na ako nagkaroon pa ng oras para batiin at lapitan siya.
Isa pa, when my girlfriend is around, wala akong ibang priority kung hindi siya lamang. Especially sa mga matataong lugar katulad na lang ng bar. Syempre, priority ko ang safety ng girlfriend.
Kahit pagsulyap kagabi, hindi ko magawa. As I respect na rin syempre sa girlfriend ko. Nasa harapan ko na nga siya tapos titingin at susulyap pa ako sa iba? Hindi yun pwede.
Besides, mukhang safe naman si Nicole kagabi dahil panay VIP person ang kasama niya. Anak ng mga maempluwensya at mayayamang tao na mismong may ari ng Baylight.
Isama mo pa na kaibigan pala siyang matalik nina Skyler at Autumn. Haaay! Small world nga naman. I didn't expect na mag-be-bestfriends sila.
Nawala ang malalim kong pag-iisip nang may biglang mapatikhim sa harap ko.
It's Nicole, na hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala.
"G-Good morning ma'am!" Magalang na pagbati ko sa kanya at napaiwas na rin ng tingin. Baka kasi isipin n'ya, inisnob ko lang siya kagabi.
Well, parang ganun na nga.
Napahinga lamang ito ng malalim bago ito napahawak sa kanyang noo. Habang ako naman ay napapailing na pinagmamasdan lamang siya ng palihim, bago inabot sa kanya ang isang ibuprofen, binigyan ko na rin ito ng isang basong tubig.
"Here, it will help for your hangover and headache." Sabi ko sa kanya. Dahan-dahan niya naman itong kinuha mula sa akin bago ako binigyan ng may pagkaalanganing ngiti.
"T-Thanks!" Pasasalamat nito at agad na ininom ang gamot. Pagkatapos ay pilit na inilibot nito ang kanyang paningin sa buong Shop.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagguhit ng maliit na ngiti sa kanyang labi.
"Ang daming customer, 'no?" Masayang komento niya bago muling napaharap sa akin.
"Anyways, hindi nga pala ako magtatagal. Meron akong mga meeting na kailangang puntahan." Biglang ani nito.
"Sa araw ng Linggo?" Tanong ko sa kanya. Napatango siya.
"Yep! You know, there are other businessmen who will set an appointment with you even on Sunday, and you have no choice, lalo na kung ang order ay galing sa nanay mo." Sarkastikong paliwananag niya sa akin bago napangiti.
Yes, I get her. Kaya isa iyon sa mga dahilan bakit ayaw kong magtrabaho sa kompanya ng Mama Pearl. Hindi ko kasi magiging hawak talaga ang oras ko.
Hindi na ako umimik pa pagkatapos non. Agad na tumalikod na rin siya sa akin at sandaling nagtungo muna sa kanyang opisina. Pag-alis nito ay siya namang pagdating ni Jordi mula sa pag-se-serve ng ibang foods and drinks ng customer mula sa labas ng Coffee Shop. May mga pwedeng maupuan din kasi sa labas eh.
"Marunong ka bang magmaneho?" Agad na tanong nito sa akin.
Awtomatiko namang napakunot ang noo ko.
"Of course! And why?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Hindi ba niya alam na may sports car ako na hindi ko naman talaga sadyang ipinaparada rito?
Agad naman itong napamusyon sa direksyon kung nasaan ang office ni Nicole.
"Ipagmaneho mo na muna kaya si Ma'am. Eh kasi baka mapano. Mukhang napuyat na naman kagabi." Wika nito at hindi maalis sa mga mata niya ang concern at pag-aalala. Hindi ko naman napigilan ang mapatawa.
"Jordi, hindi naman driver ang trabaho ko---"
"Ako na munang bahala dito. Sige na. Tignan mo naman, mukhang lantang gulay." Pangungulit pa niya. Napakamot naman ako sa batok.
"Eh bakit hindi na lang ikaw?" Ganting opinyon ko naman sa kanya. Napasulyap ako kay Nicole na ngayon ay nakalabas nang mulu ng kanyang opisina, halatang handa na para sa kanyang pag-alis.
"Nakakaawa kasi. Hindi kasi yan sanay uminom. Kaya madalas may hangover lalo kapag mga kaibigan niya ang kasama niya. Eh sa lakas ba naman uminom ng mga yun, malamang manghihina siya at mahihirapan." Paliwanag pa nitong muli na halatang kinokonsensya lamang ako. Tss!
Pero kasi may punto rin naman talaga si Jordi eh. Mukhang pagod na pagod na kasi si Nicole kahit na napakaaga pa naman.
"Hays! Oo na, okay na." Napilitan na tuluyang pagpayag ko bago napasulyap kay Nicole na kunot noong tinitignan kami ni Jordi habang nagbubulungan.
"Alis na ako. Jordi, ikaw nang bahala rito." Paalam niya.
"Sure ma'am!"
Agad na tulamalikod na ito sa amin habang ako naman ay hinubad ko na muna ang apron at sombrero ko bago nagmamadali ring sinundan siya sa labas bago pa man ito tuluyang makasakay sa kanyang sasakyan.
"Kaya mo bang mag-drive?" Tanong ko kay Nicole. Natigilan ito at napaharap sa akin. Ini-unlock na nito ang kanyang kotse bago binuksan ang driver seat at sasakay na sana nang magpatuloy ako.
"Eh mukhang kulang ka pa sa tulog eh. Plus may hangover." Dagdag ko pa. "Sure ka bang kaya mo?" Dagdag ko pa na halata namang hindi niya kaya.
Ba't ko pa ba kasi siya tinatanong? Tsk!
"Kaya ko---"
"Ako na lang magmamaneho. Tara na!" Putol ko sa kanya sabay haplot sa hawak nitong susi.
"What?!" Tanong nito ngunit hawak ko na siya sa kanyang braso habang iginagaya papunta sa kabilang side ng sasakyan, kung nasaan ang passenger seat.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at hinintay na makasakay muna sa loob kahit na pilit nagpoprotesta siya.
Sabi ni Mama Pearl, always be a gentlewoman. Hindi nakakamatay yun at mas lalong hindi nakakabawas ng pagkatao. Kahit na gaano pa kataray ang isang babae o ano pang attitude nito, they still deserve to be treated right and respected. And it should always be in a gentle way, para raw 'SWABE'. Hehe.
"Let's go, ma'am." Pagkatapos ay nginitian ko ito ng matamis na matamis at iyong mabubura na yung mga mata ko sa paniningkit.
Hindi naman nito napigilan ang mapairap.
"Kung maka-ma'am ka naman para naman akong gurang na!" Reklamo nito kaya napatawa ako.
"Fine!" Sabi nito nang tuluyang makapasok ng sasakyan, pagkatapos ay napahikab na naman.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya noong makasakay na rin ako at habang binubuhay ang makina.
May sinabi itong address sa akin kaya agad na pinasibad ko ang sasakyan pagkatapos.
Habang nasa biyahe, tahimik lamang kami pareho. Medyo awkward pa nga dahil sa labas lamang talaga ng bintana nakatutok iyong mga mata niya at nakabaling ang ulo niya.
Para naman kami nitong nagkakatampuhang mag jowa.
Hindi nagtagal ay siya na rin mismo ang nagbasag ng katahimikan. Napatikhim muna ito bago nagsalita at dahan-dahan na napaharap sa akin.
Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin. Iba kasi ang tensyon kapag ganitong dalawa lang kayong dalawa ang nasa loob ng sasakyan. Plus, she's not my girlfriend but my boss.
Isang hottie na boss.
"Does your girlfriend know that you are too nice to other girls?" Tanong nito sa akin. Agad naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa kalsada. Pagkatapos ay mawalak ang ngiti na iginawad sa kanya.
"Kaya nga ako minahal nun eh." Proud na sabi ko sa kanya. Remembering my girlfriends beautiful face.
Hindi ito kaagad nakasagot. May ilang segundo pa itong natahimik bago nagpatuloy sa kanyang susunod na katanungan.
"Eh ikaw? Bakit mo naman siya minahal?" Tanong niya habang diretsong nakatingin lamang sa akin ang kanyang mga mata.
Hindi ko naman napigilan ang lalong mapangiti sa aking sarili. Iyong mas malawak kaysa kanina. Lalo na noong maalala ang mga bagay bakit minahal ko ang girlfriend ko ngayon.
"Nakakainis naman yang ngiti mo!" Inis na saway nito. "Ang sarap lang burahin!" Dagdag pa niya bago napaiwas ng tingin.
Napalingon akong muli kay Nicole bago napatawa ng malutong.
"What? Masaya ako eh." Honest na sagot ko sa kanya. "Alright, si Katie? Bakit ko siya minahal?"
"So, Katie. That's her name, your girlfriend." Tanong nitong muli habang napapatango. Kaya naman, napatango na rin ako.
"I love her, kasi alam mo yun? Napakasimple niya. Tho, she came from a wealthy family. Sobrang matulungin sa kapwa. Kaya nga kami nagkakilala, kasi isa siya sa palaging tumutulong dati sa akin sa mga projects ko na hindi ko matapos-tapos, dahil masyado akong abala sa pagiging Student Council." Pagkatapos ay napatawa pa ako habang inaalala yung mga araw namin ni Katie nung college.
"Atsaka, sobrang napaka-understanding, grabe yung respeto niya sa kapwa niya, sa ibang tao. And even sa family niya? Grabe! Hindi ko nga alam kung paano niya napagsasabay-sabay yung responsibility niya eh. Sobrang organize niyang tao at marami pang bagay akong hinahangaan sa kanya kaya ko siya minahal." Pagpapatuloy ko pa.
Tahimik napatango-tango lang naman si Nicole noong marinig ang mga sinabi ko, habang nasa labas nang muli ng bintana ang kanyang mga mata.
"Wala ka na bang sasabihin? No comment?" Tanong ko sa kanya.
"Why? Tinanong kita, sinagot mo yung tanong ko. So I think, okay na." Tipid na sagot nito sa akin dahilan para ikakunot ng noo ko.
"Eh ba't parang nagagalit ka ata, MA'AM?" Bigay diin ko sa huling sinabi para mas inisin pa siya. Alam ko kasing naiinis siya sa tuwing binibigyan ko ng daan ang word na yun kapag kausap ko siya.
At hindi nga ako nagkamali noong napatirik ang mga mata niya.
Kaya naman nakaisip ako lalo ng paraan para mas bwisitin pa siya.
"Alam mo kung hindi lang kita boss, iisipin kong crush mo ako at nagseselos ka sa girlfriend ko---"
"What the!" Biglang putol nito sa akin. "Excuse me ha! That's not gonna happen! Even in your dreams!" Pagsusuplada nito kaya mas lalong naging malawak pa ang pag ngiti ko na halos mapunit na ang bunganga ko.
"Sus! Kaya naman pala hinalikan mo ako agad noon." Bulong ko sa sarili ko at sinigurado kong hindi niya maririnig. Bahala siya d'yan ma-curious.
"What did you just say?!"
"Nothing, ma'am." Nakangiti pa ring sagot ko sa kanya. "Ang sabi ko po, ang ganda niyo lalo kapag nagsusungit." Kusa namang nangamatis ang itsura nito pagkatapos ay napairap muli sa akin.
Pinili na lamang nito ang manahimik muli, ganoon din ako. Hanggang sa siya na naman mismo ang nagbasag ng katahimikan na bumabalot sa amin.
Hindi rin nakatiis. Ani ko sa aking sarili.
"What if..." Natigilan siya sandali.
"What if?" This time, ako naman ang na-curious.
"What if, mawala 'yung mga dahilan kaya minahal mo ang girlfriend mo, will you still love her?" Seryoso na tanong nito sa akin dahilan para mapaisip ako.
"I mean, don't get me wrong ha. Pero sabi kasi nila, if you truly love someone, dapat hindi ka tumitingin palagi sa mga reasons, dahil once na nagbago siya at nawala yung mga bagay na minahal mo sa kanya, paano na?" Dagdag pa nito.
Sandaling napaisip ako and then I smiled and said, "Kung magbabago man siya at mawala ang mga bagay na minahal ko sa kanya, it's okay. Siya naman mismo ang minahal ko, bonus na lang yung mga yun. So I'll embrace kung ano man ang changes na mangyayari sa kanya and I'll continue to love her. As simple as that." Sagot kong muli bago napasulyap sa kanya na ngayon ay nakayuko na habang napapatango.
"Good." Tipid na muling sagot nito.
"Good?" Tanong ko sa kanya. Napatango siya.
"Yes. Stay loyal and faithful to your girl. I-I'm glad na may mga partner pa ring tulad mo." She said while smiling.
But why do I see her eyes saying something different?
Something that I can't understand and explain.
Para bang nalulungkot sila? I don't know. O baka assuming lang ako.