Chapter 13 - TBAB: 11

Now playing: 8 letters - Why don't we

Violet POV

"You want a beer?" Tanong ko kay Nicole nung sandaling inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng isang convenience store.

Mataman na tinitigan ko lamang ito sa kanyang mukha. Dahan-dahan naman na gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi, kaya napangiti na rin ako atsaka napakagat sa aking labi.

"Stop smiling and staring like that!" Saway nito sa akin sabay iwas ng tingin.

"What? Masyado kang maganda para hindi ko titigan." Komento ko habang hindi pa rin nabubura ang aking mga ngiti.

"Ang bolera! Bumili ka na kaya nang makaalis na tayo." Utos nito sa akin ngunit napapakagat rin sa kanyang labi. Napalunok ako bago natawa ng mahina.

"Sure, ma'am!" Pagkatapos ay binigyan ko muli ito ng isang ngiti sabay kindat bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Pagkaraan ng ilang sandali ay agad na bumalik na rin ako ng sasakyan, bitbit ang anim na can ng beer na nabili ko, pati na rin ang ilang pagkain na pwedeng makain namin mamaya kung sakaling magutom.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin at parang may balak ka yatang mag-overnight dun?" Tatawa-tawa na tanong nitong muli sa akin habang binabaybay na namin ang daan.

Medyo madilim na rin ang paligid. Sakto pagdating namin doon alam kong mas maganda na ang view na matatanaw namin, perfect para sa malamig na beer, 'yung presko at malamig na simoy ng hangin plus si Nicole na nasa tabi ko. Gosh! 

I really can't wait to be there with her. I'm sure magugustuhan niya roon.

Habang nagbibiyahe, hindi ko maiwasan ang hindi mapasulyap palagi kay Nicole. Hindi parin kasi nawawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Actually, pati rin naman sa akin.

At sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kiliti sa aking t'yan at sikmura. Para bang may kung anong bagay akong nararamdaman sa loob. And it feels so good. Lalo na sa tuwing mahahawakan ko ang kamay niya, sa tuwing maglalapat ang mga palad namin, ugh! Grabe! Parang ayaw ko nang bitiwan ito. 

Haaaay! Napapahinga na lamang ako ng malamim.

I don't know kung ano ba talaga ang meron sa kanya but she literally makes my world go round every time I'm with her. Para bang ang gaan lamang ng lahat. Nakakalimutan ko ang maraming mga bagay-bagay.

Nakakalimutan mong taken na kayo pareho? Tuyo ng aking isipan.

Muli akong napahinga ng malalim bago napasulyap sa cellphone ko, para tignan kung mayroon bang text o tawag si Katie pero so far, wala naman.

At noong muling inilapag ko ito ay agad na napatingin ako kay Nicole dahil agad niyang kinuha ang cellphone ko bago mabilis na tinurn-off iyon. Kinuha rin nito ang kanyang cellphone at ganoon din ang ginawa niya. Nagtatanong naman ang mga mata na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kalsada.

Nagkibit balikat lamang ito. "Para naman pareho tayong hindi na mag-alala sa mga maghahanp sa atin. So, we can enjoy this night together. Right?" Napatango ako bago siya binigyan ng ngiti.

"Bright idea." Pagsang-ayon ko naman sa kanya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Nakangiti na muling nagbaling ako kay Nicole, ngunit nakatulog na ito.

Napagod yata sa biyahe. Ani ko sa aking sarili.

Hindi ko maiwasan ang mas lalong mapangiti pa ng malawak, atsaka mas inilapit ang aking mukha sa kanya. Naging pagkakataon ko na kasi ito para mas matitigan siya ng ganitng malapitan. Iyong walang ibang titingin sa kanyang kagandahan kung hindi ako lamang.

Para talaga siyang isang barbie doll na nabuhay sa tunay na buhay. Mula sa kulay blonde at mahaba niyang buhok na napaka-natural ng kulay, sa matangos niyang ilong at makakapal n'yang mga kilay ngunit hindi magulong tignan, sa mahahaba niyang pilik mata, ang kanyang maputi at makinis na mukha at balat, lalo na ang kanyang lips na mayroong perfect heart shape. 

Gosh! I always wonder what it tastes like. 

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin lalo na noong bumaba ang mga mata ko sa expose niyang leeg kung saan kitang-kita ang kanyang collarbone. Bumaba pa ang mga mata ko hanggang sa kanyang dibdib, alam kong nakatago sila dahil nakasuot ito ng long sleeve polo na nakatupi hanggang sa kanyang siko, pero bakit pakiramdam ko tumatagos ang paningin ko sa loob ng suot niyang damit?

Dahil doon ay tuluyan na akong napaiwas ng tingin dahil ramdam kong unti-unti nang umiinit ang pakiramdam ko, pinagpapawisan na rin ng malamig ang noo ko.

Ngunit noong sandaling napaiwas na ako ng tingin ay hindi ko napigilan na muling ibalik ang aking mga mata sa kanya, but this time, sa mga mahahaba at mapuputing legs na niya. Kung bakit naman kasi naka denim skirt lamang siya ngayon? Mas lalo tuloy na-fe-feed ang ideya ko ng kung anu-anong imahe na hindi dapat.

"Enjoying the view?" Nagulat na lang ako noong magsalita ito. Kaya naman mariin na napapikit ako ng aking mga mata. I didn't expect na mahuhuli niya akong nakatingin sa mga legs niya. Mabuti na lang at sa legs lamang niya.

"Chill, I was just admiring your beauty." Pagsisinungaling at pagtatanggol ko sa sarili bago nakangising sinalubong ang mga mata niya.

"My beauty or my...ahem," Napatikhim muna ito bago nagpatuloy. "my body?" Pagpapatuloy niya, "Or should I say, my boobies?" Atsaka ito napatawa ng malutong habang inaayos ang kanyang sarili para makalabas na ng sasakyan.

Napapailing na lamang ako dahil sa pagkadismaya sa aking sarili. Atsaka inayos ang ilang gamit na kakailanganin namin.

"Ugh! Hmmmm! This is so relaxing, Violet." Komento ni Nicole habang nakapikit at nakangiting ninanamnam ang malamig at preskong simoy ng hangin.

Habang ako naman ay lihim na pinagmamasdan lamang siya at mapapaiwas ng tingin sa tuwing alam kong mahuhuli na niya akong nakatingin sa kanya.

"My pleasure!" Mayabang na sabi ko naman bago nagbukas ng pangalang can ng beer. Tig tatlo kasi kami. Ako pangalawa ko na ito, habang si Nicole naman ay hindi pa rin nauubos ang unang iniinom niya.

"And the view, gosh!" Tuluyang iminulat na nito ang kanyang mga mata. 

Nandito lang naman kami sa isang burol kung saan natatanaw mula rito ang nagkikislapan at nagkakagandang mga ilaw na nagmumula sa mga gusali sa ibaba."Paano mo nalaman ang ganitong spots?" Curious na tanong niya. Napangiti ako.

"Me and Mama Pearl used to ride at night noong teenager pa lamang ako. Hanggang sa napadaan kami sa lugar na ito. Binalik-balikan namin, hanggang sa naging tambayan na namin noon with my nana Erica." Pagkukwento ko sa kanya.

"Hmmm. Teenager, means?" Hindi ko napigilan ang mapatawa.

"Oh, I am two years older than you, Nic." Pag-amin ko sa kanya.

"Seryoso?" Namimilog ang mga na tanong niya.

"Mm-hmmm. That's right." 

"So, ate na pala kita?" Pag-aasar nito bago pilyang napakindat sa akin. Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapairap sa kanya.

"Close kayo ng family mo, 'no?" Tanong nito sa akin at pagkatapos ay nahiga ito habang nasa kalangitan ang kanyang mga mata at pinagmamasdan ang mga bituin. Nagsilbi naman nitong unan ang kanyang dalawang braso. 

Dahil doon ay hindi ko na naman napigilan ang lihim na muling pasadahan siya ng tingin sa kanyang kabuohan. Lalo na sa kanyang legs na halos kalahati na lang ang haba sa kanyang hita dahil sa na-i-stretch sa kanyang paghiga.

Agad na bumilis ang kabog ng dibdib ko at muling napaiwas ng tingin bago pa man niya ako tuluyang mahuli.

"Y-Yes, medyo." Sagot ko sa kantangungan niya at tuluyang nilagok ang huling laman ng pangalawang beer na iniinom ko.

Nandito kami ngayon sa ibabaw ng kanyang kotse. Habang ako ay nakaupo, siya naman ay nakahiga na. Right!

Sa langit na lang tayo tumingin, Violet. Pangkukumbinsi ko sa aking sarili. At baka ibang langit ang makita mo, mahirap na.

"How about you? Close ba kayong family mo?" Tanong ko sa kanya. Mataman na binigyan muna ako nito ng tingin bago siya napangiti.

"Yes." Tipid na sagot niya. "Masyado lang talagang busy ang parents ko sa kanya-kanyang career nila. At syempre, businesses. I know gets mo'ko." Dagdag pa niya.

Nagkibit balikat lamang ako. "Well, ganun din naman ang parents ko." Sagot ko sa kanya bago tuluyang nahiga na rin sa tabi niya.

Ganoon lamang kami hanggang sa inabot na kami ng alas tress ng madaling araw. Pareho naming hindi na namalayan pa ang pagtakbo ng oras. Ang sarap niya kasing kakwentuhan. Para bang nagiging natural lamang lahat ng words and actions ko kapag siya ang kasama at nasa harap ko.

Hindi ko kailangang magkunwari o ang magpanggap, hindi ko kailangang lagyan ng filter ang mga sinasabi ko. With Nicole, I can be real with myself. 

Panay tawanan lamang ang maririnig sa aming dalawa, hindi mabura ang mga ngiti sa aming mga labi at ang mga tinginan na tanging mga mata lamang namin ang nag-uusap at ang tanging nakakaintindihan.

And at that moment, I found out what is the difference between Nicole and Katie. I don't want to compare the two but I can't help it. 

Malayong malayo ang personality nilang dalawa. Parehas silang mabait, yes. But with Nicole, hindi ko kailangang lagyan ng maskara ang sarili ko para lang magustuhan niya. Para lang maging fit sa mundo niya. Hindi ko maramdaman ang pressure na kailangang baguhin ang sarili ko dahil alam kong mas gugustuhin niya ang kung sino o ano ako.

At hindi ko man alam kung ano ang meron sa aming dalawa, because honestly, I don't even know what to call our relationship. Ang tanging alam ko lamang ay boss ko siya at empleyado niya ako, pero kapag nasa labas na kami ng trabaho, hindi ko alam kung ganoon pa rin ba ang matatawag sa amin o magkaibigan ba kami or...more than friends? I don't know.

But one thing I'm sure of is that I know we're happy in each other's company. 

Nasa ibabaw pa rin kami ng kotse ngayon. Pansin ko na hindi na ito umiimik pa kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kanya at sa hindi inaasahan ay muntikan nang magldikit ang aming mga labi dahil sa nakaharap din pala ito sa akin ngayon habang tinitignan ako. Kapwa kami napasinghap, ngunit walang isa sa amin ang gustong magsalita at wala rin ang gustong magbawi ng mga mata.

Napalunok ako ng mariin habang nakatingin pa rin sa mga mata niya, ganoon din ito sa akin. Hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa nakaawang niyang labi. Pilit na nilalabanan ko ang kung ano mang bumubulong sa aking isipan, na mas ilapit pa ang aking mukha at idikit ang aking labi sa kanya.

Ramdam ko ang panginginig ng bawat paghinga ko. I know that we are both holding back in these moments, I know that we have the same thing in our minds, that when we kiss again, pwedeng iyon na ang magiging simula at dahilan na hinding-hindi na namin ito titigilan.

So, before I lost my self control, ako na mismo ang unang nagbawi ng aking mga mata mula sa kanyang labi at sa halip ay marahan at dahan-dahan na hinalikan ko na lamang siya sa tungki ng kanyang ilong.  Awtomatiko naman na napahinga ito ng malalim at napapikit ng kanyang mga mata sa paglapat ng labi ko sa kanyang balat.

At pagkatapos ay walang nagawa na ipinagdikit ko na lamang ang aming mga noo.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad. "We cannot break the boundaries that we have. It's too risky." Dagdag ko pa.

Agad naman itong napatango bago ako binigyan ng ngiti. Iyong ngiti na nage-gets niya ako at naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"I understand." Sagot nito. "And thank you." Dagdag pa niya. Agad naman na napakunot ang noo ko.

"Thank you for what?"

"For not breaking the boundary." Muling sagot niya. "Because I know I will lose control when that happens, so thank you." Pagpapatuloy nito. Awtomatiko naman na napangiti ako habang nakatingin sa mga mata niya.

Napangiti rin ito. "What? What do those smiles mean?" Tanong nito sa akin. Napailing ako at napakagat sa aking labi para pigilan ang aking pag ngiti.

"Kasi parang hinihintay mo lang na i-break ko ang boundary? Ganun ba?" Tanong ko sa kanya. Pabiro naman na hinampas ako nito sa aking braso.

"Sira! Kagatin kita d'yan eh!" Sabay irap na sabi niya. This time, hindi ko na napigilan pa ang muling mapatawa.

"Ay! Nangangagat. Paanong kagat ka ba yan?" Tatawa-tawa na tanong ko sa kanya. "Yung masakit o 'yung... masarap?" Pilyang pagpapatuloy ko pa at muling natawa kaya napatawa na rin ito ng tuluyan.

"Hmmm. Yung kagat na mapapa-moan ka." Sabay kindat na dagdag at sakay din niya kaya mas malutong na tawa pa ang pinakawalan ko. Noon naman ay napabusangot na ito.

"Alright, alright! I'll stop na." Pagsuko ko ngunit nandoon pa rin ang nagbabadya kong pagtawa.

"Good." Dagdag pa niya atsaka kami nagkatinginang muli at pagkatapos ay sabay na muling tumawa.

Parang mga baliw lang eh, ano?

Pagkaraan ng ilang sandali, napansin namin na malapit nang lumiwanag kaya nagpasya na kaming umuwi na. Ako, hinatid ako ni Nicole sa Coffee shop para madaan ko ang kotse ko. Habang siya naman ay dumiretso na pauwi.

Bagay na mas lalong ikinabahala ko dahil puyat kami pareho at hindi ko na siya maihahatid pa pauwi. Sana naman safe siyang makakarating sa kanila. At good luck din sa duty ko mamaya, weekend ngayon kaya sure akong maraming tao na naman.

Sabaw na naman 'to mamaya, sure ako. Argh!

Ginusto mo yan! Pang-aasar ng aking isipan.