Now Playing: Babalik Sa'yo - Moira Dela Torre
Violet POV
I was just holding back.
And I always remind myself that it's not possible. And whatever this feeling I had for Nicole, I had to stop it.
But I can't help it, she's always running through my mind. I can't stop thinking about her because it's hard to do. Hindi ko alam kung ano ba ang meron kay Nicole na para bang gustong-gusto kong mas lumalim pa 'yung connection na meron sa aming dalawa.
She's so addicting. Ugh!
I told her that the flowers didn't really come from me, I thought that was the right thing to do, to tell her the truth, pero kanina noong makita ko na kusang nawala ang kislap sa mga mata niya dahil sa pagtatapat ko, gusto ko siyang yakapin at bawiin lahat ng mga sinabi ko.
Pero hindi ko ginawa. Isa pa, alam kong kapag ginawa ko iyon ay mapupuno lamang kami pareho ng emosyon at baka mauwi lamang sa bagay na baka pagsisihan naming dalawa.
Ayaw kong mangyari iyon.
Ngayon, nandito ako sa loob ng kotse ni Skyler habang binabaybay namin ang daan patungong Goldin Hills. Para lamang sunduin si Nicole.
Panay rin ang pagbuntong hininga ko dahil sa napi-pressure na naman ako. Bakit ko ba kasi ito naging kaibigan? Ang hirap tanggihan! Tsk!
"Can you please stop stressing yourself?" Usal nito habang magkasalubong ang mga kilay. "Alam mo kung ayaw mong sumama pwede ka namang tumanggi eh." Dagdag pa niya.
"Why don't you just call her parents? Kung wala siyang driver at hindi kayo kampante sa driving skills ni Nicole, then hire a driver. Sayang naman 'yung pera nila kung---"
"Hindi papayag si Nicole. Pinakaayaw niya sa lahat ay 'yung may bumubuntot-buntot sa kanya." Pagdadahilan nito.
"Edi ikaw na lang 'yung gumawa instead na ako---"
"Wait a minute." Putol ni Skyler sa akin. "Ba't parang ako ang may ideya nito? Hindi ba ikaw ang may gusto at nakiusap sa akin in the first place, na kung pupwede ay ihatid-sundo ko siya?" Dahil sa sinabi nito ay natahimik ako.
Yeah. She's right. Hindi ko alam kung nag-aalala lang ba talaga ako kay Nicole o nagi-guilty na hindi ko siya nahahatid sundo katulad ng girlfriend ko. To the fact na, hindi naman kami magkaano-ano.
"Besides, para namang hindi mo gusto na makikita mo siyang muli ngayon." Dagdag pa niya. Napatawa na lamang ako sa sinabi nito.
"Bakit? Natawa ka kasi totoo. Kasi kung hindi mo naman gusto wala ka ngayon sa kotse ko in the first place. Sabi ko nga, pwede kang tumanggi. Yes or no lang naman palagi ang sagot." Napapailing na pagpapatuloy niya.
"Sky, don't forget na may girlfriend." Pagdadahilan ko pero yun ang totoo.
"I know you have a girlfriend. Pero hindi ko naman sinabi na ligawan mo si Nicole at gawin mo siyang kabit." Medyo matalim na ang dila na sagot nito. Kaya naman natahimik na lamang ako.
"Okay, I'm sorry." Agad na paghingi nito ng tawag. "Binabalik ko lang ang pabor, kahit ngayon lang. Please! Nagtalo kasi kami kaning umaga kaya hindi ko na muna siya masusundo. And I know na may dala siyang sasakyan kanina kaya, sinundo na lang kita sa Coffee Shop. Para ikaw na ang magmamaneho ng sasakyan mamaya." Paliwanag nito.
Nagulat kasi ako, bigla siyang dumating sa Coffee Shop at agad akong ipinagpaalam kay Jordi. Ito namang si Jordi, agad ding pumayag at hindi man lamang muna hinintay 'yung magiging desisyon ko.
"At paano naman 'yung kotse ko sa Coffee Shop na naiwan?"
"Jordi will take care of it. Don't worry." Walang nagawa na napapailing na lamang ako bago napatingin sa labas ng bintana. Noon naman ay isang ideya ang naisip kong gawin.
Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking labi bago napalingong muli kay Skyler.
---
Nicole POV
Katatapos ko lamang mag-type ng message para kay Jordi at agad na isinend iyon. Sinabi ko kasi na hindi pa rin ako makakadaan ng Shop ngayon. Alam kong mag-iisang linggo na akong hindi nakakadalaw doon, alam ko rin na dapat labas ang trabaho ko,sa kung ano mang emosyon na nararamdaman ko ngayon, pero iba na kasi ang usapan ngayon.
Lalo na dahil mas lalo akong nagkaroon ng hiya para harapin si Violet.
Napahinga na lamang ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Makapunta na nga lang sa Penthouse nina Sydney at Kezia. Namimiss ko na rin kasi iyong dalawa na iyon. At sa kanila ako maglalabas ng sama ng loob dahil sa nangyari sa amin ni Skyler kanina.
Ngunit paparating pa lamang ako sa aking kotse nang makita ko ang isang mala-dyosang ganda na naka cross arms habang nakasandal sa hood ng kotse ko at mayroong nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Tila ba awtomatiko na namang nag-slow motion ang lahat sa paligid ko at tanging sa kanya lamang nakatutok ang mga mata at paningin ko. Naging sentro na naman siya ng attraction ko na para bang walang ibang nagi-exist sa aking paligid kundi kami lamang na dalawa.
Ngunit lakas loob na muling binawi ko ang aking mga mata at magkasalubong ang mga kilay nang tuluyang huminto ako sa harap niya.
"Why are you here?" Agad na tanong ko sa kanya bago nag-check ng oras sa suot kong relo. At mag aalas kwatro pa lamang ng hapon. "Hindi ba dapat nasa trabaho ka pa ngayon?" Dagdag na tanong ko pa.
Napatikhim muna ito at inayos ang kanyang pagtayo habang nandoon pa rin ang kanyang nakakalokong mga ngiti. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatirik ng mga mata.
"Para sunduin ka?" Patanong na sagot ito. "May ibang lakad kasi si Skyler kaya ako na muna---"
"T-Teka nga sandali." Putol ko sa kanya. "Hindi mo naman obligasyon na sunduin at ipasundo ako dahil hindi mo naman ako kaano-ano." Mataman na tinitigan lamang ako nito sa aking mukha.
Gosh! Ba't ba ang hilig niyang tumitig? Nakaka-intimidate.
"Awts!" Kunwari namang nasaktan na wika niya. "Nagmamagandang loob lang. Masyado kasing tiwala 'yung parents mo sa nobyo mo. Oh, tignan mo asan siya ngayon? Alam mo, bakit hindi ka na lang mag-hire ng driver. As simple as that." Dagdag pa niya.
"Sa tingin ko naman wala ka na dun." Muling bumukas ang bibig niya ngunit walang salita ang gustong kumawala. "Makakaalis ka na, Violet." Pagtatabuyan ko sa kanya.
Napakamot ito sa kanyang batok.
"Ang totoo niyan kasi...p-pinapunta rin talaga ako rito ni, Jordi." Hindi tuloy mapigilan ng mga mata ko ang mapaiwas ng tingin sa kanya dahil sa ang cute niyang tignan. May maliit na ngiti rin ang gumuhit sa gilid ng aking labi ngunit mabilis ko iyong naitago mula sa kanya.
"At sa tingin ko naman, hindi kasama sa sahod mo ang maging driver ko." Matigas na muling pagtanggi ko pa.
This time, siya na naman ang napahinga ng malalim at walang sabi na mabilis akong nilapitan.
"You know what? I don't care! Whatever you say." Atsaka ako basta na lang hinigit sa aking braso patungo sa passenger seat at sapilitang pinasakay roon.
"Hindi ba ito kinadpping?"
"Ang ganda ko namang kinapper." Bulong niya. Napatirik muli ang mga mata ko sa narinig.
Well, maganda naman talaga siya. Hindi lang maganda, UBOD ng ganda. At kung magiging kidnapper man siya? Sure akong walang tatanggi na kahit na sino at sasama talaga sa kanya.
"So, saan po ang destinasyon natin, mahal na Reyna?" Tanong nito sa akin habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Hindi ko alam kung nagiging sarcastic na naman ba siya or what.
Sandali akong nag-isip. Pupunta naman kasi talaga ako sa mga kaibigan ko eh. Pero huwag na lang muna siguro. Because I feel like I want to make the most of this moment with Violet.
Ngunit kusa na lamang na muling bumalik sa aking isipan ang mga sinabi nito sa akin kaninang umaga. Napahinga ako ng malalim, bago nagbaling ng paningin sa unahan ng sasakyan. Habang dahan-dahan na rin niyang pinasisibad ang sasakyan.
"Ikaw nang bahala." Tipid na sagot ko sa kanya na tila ba nawalan na lamang bigla ng gana. "Sa bahay na lang siguro." Dagdag ko pa.
Ngunit hindi na ito muling nagsalita pa. Kaya kapwa kami binabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan.
Nakakabinging katahimikan.
Medyo malayo na rin kami mula sa Goldin Hills nang muling itinabi nito ang sasakyan at huminto.
"Why'd you stop?" Tanong ko sa kanya. Ngunit tinapunan lamang ako nito ng isang ngiti bago may kinuhang bagay mula sa upuan sa likod.
"Bago ko tuluyang makalimutan. Nicole, for you." Hindi ko mapigilan ang mapasinghad sa gulat nang makita ang isang bouquet ng lavender with violet roses. Katulad na katulad ng ibinigay ni Skyler sa akin.
Kaya naman, walang nagawa na tuluyang napangiti na ako. Hindi lang labi ko ang nakangiti, pati ang aking mga mata nakangiti rin, lalong-lalo na ang aking puso na awtomatikong bumilis bigla sa pagtibok.
"This time, I wanna make sure it's really from me. And peace offering too, for what happened this morning and last time at the restaurant. I'm sorry." Pahayag niya. Agad naman na tinanggap ko iyon at may matamis na ngiti ang iginawad sa kanya.
"Awe! Violet, thank you. I really mean it." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya. "Sorry rin, medyo ang rude ko sa'yo nung gabi na yun." Dagdag ko pa.
"Medyo lang?" Natatawa na tanong niya kaya naman napa-pout na lamang ako.
Isang matamis na ngiti lamang din ang iginanti nito sa akin bago bumaba ang mga tingin niya mula sa mga mata ko patungo sa aking labi. Napalunok siya ng mariin bago napahinga ng malalim.
Habang ako naman ay tila ba bigla ring nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng mariin na paglunok niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng uhaw.
"So, kung wala kang maisip na puntahan," Napaiwas ito ng tingin at ibinalik na ang kanyang atensyon sa kalsada. "ako meron. I'm sure, you'll love there." Wika niya bago napasulyap sa akin at pinasibad nang muli ang sasakyan.
"Really?" Napatango ito. "Where?"
"Basta." Sagot naman niya.
"Okay, surprise me then." Napapakagat sa labi na sabi ko sa kanya bago inamoy ang mga bulaklak.
"Uhmm. Violet?"
"Yes?"
"A-Alam ba 'to ng girfriend mo? I-I mean, o-okay lang ba sa kanya na malaman niyang magkasama tayo?" Lakas loob na tanong ko sa kanya dahil may kung ano na naman ang gumugulo sa aking isipan.
Hindi ito nakasagot kaagad. "How about you? Your boyfriend wouldn't want to know this either, would he?" Ganting sagot nito sa akin.
"Please, don't answer me with another question."
"Exactly, so no more questions please." Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang tipid na ngiti. "From now on, bawal nang magtanong." Dagdag pa niya.
Nagtatanong naman ang mga mata na tinignan ko siya. Gusto ko kasing malaman kung bakit? Bakit niya ito ginagawa. Ano ba talaga ako para sa kanya?
"Just---" Napahinto ito sandali bago ako sandaling tinignan habang nakangiti. "Just go with the flow. Okay? Kasi pwede naman tayong maging masaya nang hindi na kailangan ikuwestyon kung bakit tayo masaya, 'di ba?"
"Edi pag nasaktan, damhin lang. Kasi sure naman ako na sa bawat sakit, mayroong saya na kapalit." Pagpapatuloy niya.
Napalunok ako ng riin. Para bang may kung anong bagay ang nakabara sa lalamunan ko. Magsusugal na ba siya sa akin? Sa amin? Wait, naguguluhan pa rin ako.
Parang ang bilis naman kasi ng mga pangyayari. Parang nagpapakiramdaman lang kami,tapos ngayon bigla niyang sasabihin ang mga bagay na ito sa akin.
"Violet, paano kung---"
Ngunit nagulat na lamang ako at kusang natigilan nang bigla kong maramdaman ang kamay nitong gumagapang sa may legs ko, hanggang sa mahawakan niya ang kanang kamay ko at dahan-dahan na ipinagdikit ang aming mga palad.
Hindi ko mapigilan ang mapayuko para tignan ito. Para iyong may milyon-milyong bultahe ng kuryente na agad na bumalot sa buong katawan at pagkatao ko. Nakakakaba, nakakatakot, ngunit mayroong excitement, ang saya at ang sarap sa pakiramdam.
Para akong inilulutang sa ere, iyong tipong bahala na, basta magkasama kami ngayon. Iyong tipong sinasabi niyang hindi ko kailangan mag-alala dahil magkakampi kami. Dahil sa ginawa niya, mas lalong lumakas pa ang kabog sa dibdib ko na animo'y sasabog na ito. Dahil sa ginawa niya, nawala lahat ng pangamba na nararamdaman ko at ang kailangan ko lang ay magtiwala sa kanya.
At doon, pumasok sa aking isipan ang salitang 'BAHALA NA'. No more holding back.
Muli itong nagbaling ng tingin sa akin atsaka ako binigyan ng isang matamis na ngiti. Marahan na piniga ko naman ang kamay nito na agad rin niyang ginantihan.
Walang gustong magsalita sa amin, ngunit makikita sa pagkislap ng aming mga mata, sa mga tinginan naming dalawa at sa lawak ng aming mga ngiti sa isa't isa, ang kilig at saya na aming nararamdaman sa mga sandaling ito.