Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Maagang gumusing si Andy, sa mansion siya natulog dahil iyon ang hiling ng kanyang mga magulang. Tulog na ang mommy niya ng makauwi siya kaya naman wala ng tanungan pangnangyari. Daddy niya ang nag-intay sa kanyang pag-uwi at sinabing madaling araw pa lamang ay aalis na ang mga ito patungong Baguio para sa isang business meeting doon at para narin bisitahin ang bahay bakasyunan nila. Ginising lamang siya ng mga ito para magpaalam bago umalis, naging mababaw na ang kanyang tulog at eto alas singko palamang ay gumagayak na siya susunduin niya si Jade sa boarding house nito para sabay na silang pumasok.

Bitbit ang mga gamit na kakailanganin niya sa ospital dumaan siya sa kusina para kunin ang ipinabalot na almusal, balak sana niyang sabay silang kumain ni Jade ngayong umaga. Ng makuha ang dala at nakapagpasalamat sa tagapagsilbi nila ay agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan patungo kay Jade.

Isang malakas na busina ang nakapagpabangon kay Jade sa higaan, "Ano bay un aga aga ingay agad." Sabi pa niya habang lumalakad patungong bintana at sinilip kung saan nagmula ang ingay na iyon.

Tumatakbong papasok ang isa niyang ka boardmate at halos nabangga pa siya nito. " AJ!" Impit nitong sigaw na para bang naiihi at hindi mapakali. "May bisita ka bilisan mo….dali…..dali…" at hinila siya nito palabas ng pintuan. Agad niyang nakita ang isang napaka gwapong lalaki na nakatayo sa labas ng pinto at nakangiti sa kanya.

Nagkagulo ang mga ka-boardmate niya, at hinila na papasok ang kanyang bisita. Hiyang hiya si Jade dahil bagong gising siya at gulong gulo ang napaka haba niyang buhok at hindi pa siya nakapaghhihilamos. "Mabuti pa ay maupo ka na muna dito sa sofa, mag-ccr lang ako kakagising ko lang kasi eh." Nahihiya niyang sabi rito habang lumalakad patalikod.

"Okay Babe, take your time." Nakangiti nitong sagot sa nobya.

Nagmamadaling pumasok sa cr si Jade at kaagad na naligo, ipinagpasalamat nalang niya at bakante ang isang banyo. Nangmakatapos siyang maligo ay agad na nagbihis ng simpleng pambahay, maaga panama para sa pagpasok sa ospital. Nakangiti siyang lumabas ng silid at nakita naman niyang tumayo si Andy mula sa pagkakaupo.

"Bakit ang aga mo?" nakangiti niyang tanong rito at nabigla siya ng lumapit ito at hinalikan siya sa noo.

Kitang kita niya ang pagkagulat sa mukha ng nobya ng halikan niya ito sa noo. "Goodmorning, hindi na kita nabati kanina eh. Nagpaluto ako ng almusal kay Manang Fe." At itinaas nito ang bag na daladala upang ipakita sa kanya. "Gusto kong sa unang araw na girlfriend kita ay makasabay kang kumain ng agahan."

Matamis na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng dalaga. "Ang sweet naman ng mahal ko, baka naman masanay ako at hanap hanapin yan sige ka ikaw din hahaha." At pareho silang natawa. Hinawakan ni Jade ang kamay ng nobyo at hinila ito patungong dining area, may mahaba silang lamesa roon. Pinaupo niya ito at saka siya kumuha ng plato at kubyertos, nilabas rin niya ang pitsel na may lamang tubig mula sa ref.

Pinapanood ni Andy ang bawat kilos ng dalaga, speechless siya. At naisip niya na kung ito ang mapapangasawa niya paniguradong napaka asikaso nito sa kanya at sa magiging mga anak nila.

Napansin naman ni Jade ang pananahimik ni Andy, "huy! Bakit natutulala ka d'yan? Gusto mo ba ng kape?" tanong niya rito.

Ipinilig pilig pa ni Andy ang sariling ulo at natatawa sa sarili. "Coffee with cream and not too sweet please, kasi sa sobrang sweet mo baka magka-diabetes na ako mahirap na." at saka ito tumawa ng may kalakasan.

Nakanguso namang hinarap siya ng dalaga, "Ang corny mo Doctor Andy Lee Yhang!" sabi pa nito sa kanya at masaya silang kumain ng agahan, ng matapos sila ay muli niya itong iniwan sa salas upang makapagbihis siya ng uniporme niya sa kanyang silid.

Matiyaga namang naghintay si Andy kay Jade, hindi rin naman iyon nagtagal at lumabas ng nakauniporme na. Napakaganda nitong pagmasdan sa suot nito, maganda ang hapit sa katawan ng kanyang blusang kulay puti, at maging ang katerno nitong palda na hindi naman kaiklian ay ay nagpalitaw sa maumbok niyang pwitan at mabibilog na hita. Nakalugay pa ang lampas bewang nitong buhok.

Hindi napigilan ni Andy ang purihin ito, "You look so pretty and sexy babe, hindi pwedeng mag-pants nalang pag du-duty ka sa ospital?" nakangiting tanong niya rito.

Namumula naman ang pisngi ni Jade dahil sa papuri ni Andy. "Kung pwede lang nga sana eh, sa totoo lang kasi ayaw ko naman na ganito yung suot, kasi nakakailang sa pakiramdam." Mula sa damdamin niyang ipinahayag ang saloobin.

Hinawakan ni Andy ang baba ng dalaga at iniangat iyon upang magtagpo ang kanilang mga mata. "Face your fear babe, and to tell you the truth…..wala ng masgaganda pa saiyo kaya dapat na hindi ka makaramdam ng hiya o pagkailang. You are the most beautiful woman I ever met." At kitang kita niya ang lalong pamumula ng pisngi ng dalaga.

"Tayo na nga baka tanghaliin tayo eh, puro ka pambobola d'yan." Iniiwas niya ang paningin sa mga mata nito, dahil lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Agad nalang nitong hinila ang kamay ng binata upang hindi na makaangal pa.

Hindi nila namalayan na nakarating na sila sa ospital, dahil masaya silang nagkukwentuhan sa byahe. Inihatid lamang ni Andy ang nobya sa nurse station at punta na siya sa 3rd floor kung saan siya naka-assign.

Mabilis lumipas ang oras, sumapit ang tanghalian hindi nakababa si Andy para sabayan si Jade sa pagkain, dahil sa dami ng pasyenteng bata na inaasikaso sa pediatric ward.

"Bff okay kalang ba? Huwag kang mag-alala nandito naman ako eh at pangako ko saiyo na hindi kita iiwan." Madamdaming pahayag ni Kristel kay Jade ng mapansin ang lungkot sa mga mata nito.

Ngumiti siya sa kaibigan wala itong kaalam alam sa mga naganap kahapon ang tanging alam ng lahat ay hindi nila alam kung sino ang may kagagawan ng kaguluhan kahapon.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Jade bago niyaya ang kaibigan sa canteen. "Tayo ng kumain, baka maubos ang oras natin sa pagkukwentuhan." Pilit ang ngiti niyang sinabi rito.

Nasa canteen sila at nakaupo na sa isang sulok, hinihintay nalamang nila ang waiter na i-serve ang order nila ng biglang umalingawngaw sa lakas ng tunog ang cellphone ni Jade. Nakalimutan niya iyong hinaan kanina, sadya niyang nilalakasan sa gabi para any time na tumawag ang inay niya ay magigising siya. Napansin niyang napatingin ang karamihan sa kanya, dahil sa lakas ng tunog ng cellphone niya.

Inilapat niya ito sa tainga ng makitang si Andy ang natawag. "Hello?"

"Kumain ka na ba? Sorry babe toxic lang talaga dito, I mean super busy. But don't worry babawi ako sayo." Paliwanang nito sa dalaga.

"It's okay, I understand." Matamlay niyang sagot rito.

"After mong kumain pwede bang pumunta ka sa Admin office, susunod nalang ako doon pinatatawag tayo ni Director Maximor." Anas nito.

"Okay sige, see you later kakain muna kami ha, bye." Paalam niya rito bago pinindot ang end botton, dahil namataan niya si Gregory sa di kalayuan na nakatingin sa puwesto nila. Hindi ito pumasok sa canteen bagkus ay lumakad ito papalayo. "Kris pwede ba nating bilisan?" tanong niya sa kaibigan.

Nilingon nito si Jade at saka tumango, "sige bilisan natin in-order ko nga pala si Andy ng food ha, dalhin mo nalang sa kanya para hindi siya malipasan ng gutom."

"okay salamat ha." At ipinag patuloy nila ang pagkain, at ng makatapos ay dumiretso na siya sa 2nd floor kung saan naroon ang Admin office. Kakatok palamang sana siya ng biglang nabuksan ang pintuan at lumitaw ang naka ngiting si Director Maximor sa kanya.

Bahagya siyang yumukod tangda ng pagbibigay galang rito. "Magandang Tanghali po Director."

"Tuloy ka na sa loob Nurse Jade, naroon na sila." Mahina ang pagkakasabi nito sa kanya.

Halos magkasunod silang pumasok at tama nga ang director, nasa loob na ng opisina ang lahat na kaharap rin nila ng nagdaang gabi maliban sa isa. Wala ang admin nila na si Dr. Sales, iniuli niya ang paningin at lumabas mula sa isang kwarto si Andy na agad nakatingin sa kanyang mga mata. Bakas sa mga mata nito ang lubhang pag-aalala at galit.

Nang makita ni Andy ang nobya ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili, sa loob ng opisinang ito ay may isang kuwarto kung saan naroroon ang mga monitor at mapapanood mo ang kuha sa bawat mahahalagang parte ng ospital. Nilapitan niya ang nobya at hinalikan ang noo nito, saka umupo sa katabing upuan at hinawakan niya ang kamay nito ng ubod ng higpit, hindi na niya binitawan pa iyon.

Nagsimulang ilahad ng director ang plano nila na sa gabi ring iyon isasagawa at sinabi niya ng walang kagatol gatol ang mga nasubaybayan nila kay Gregory, kasalukuyang nasa Medical mission ang ama nitong si Dr. Reyes at para sa nakararami ay mas mabuti na iyon upang hindi ito madamay sa kasalanan ng anak. Hindi makapaniwala si Jade ng malaman niya na hanggang sa bahay ay minamanmanan siya, dahil sa tauhan ni Dr. Cortez ay agad napasubaybayan ang mga ikinikilos ni Gregory mula nang nakaraang gabi matapos nilang mag-usap usap.

"Naisaayos na ang lahat, ang tanging kailangan nyo nalang gawing dalawa ay huwag magsabay sa pag-uwe mamaya si Nurse Kristel ay nagawan ko narin ng paraan kaya wala na kayong dapat ipag-alala pa." Seryong seryoso sa pagsasalita ang Director at mababakas ang galit sa tinig n ito pagkat nakatiim ang mga bagang nito.

"Huwag po kayong mag-alala director, gagawin ko po ng maayos ang parte ko." Magalang at buong tapang na sinabi iyon ni Jade, kahit na taliwas iyon sa nararamdaman niya.

Lumapit si Dra. Analiza Gomez at may iniabot kay Jade, agad naman iyong tinanggap ng dalaga at pinagmasdan. "Ilagay mo sa isa mong tainga ang itim na iyan upang marinig mo kami, yung dalawang maliit naman at camera ilagay mo sa damit ko kung saan makukunan ang mga mangyayari. Basta hwag kang kakabahan mamaya, nasa likod mo kami." Mahigpit na bilin ng hindi pa naman katandaang Doctora.

Kinakabahan man ay pinilit ni Jade maging kalmado, "Salamat po Dra. Gomez, sa inyo pong lahat salamat…. dahil handa kayong tulungan ako."

"It's okay, hindi lang naman ito para sa kaligtasan mo. Para ito sa kaligtasan ng lahat ng kababaihan na maaaring madigrasya at gawan ng masama ni Greg. Masyado na siyang nalulong sa masamang bisyo, kaya marahil ay naapektuhan na ang kaisipan niya." Dagdag paliwanag nito.

"Sige na! mabuti pa ay bumalik na kayo sa trabaho, baka may makahalata na nawawala kayo sa inyong mga pwesto." Sabad ng Director.

Agad na tumayo si Jade upang sana ay mauna ng lumabas ng opisina, ngunit naramdaman niya ang paghila ni Andy sa kanyang kamay kung kaya't nilingon niya ito. At saka lamang niya naalaala ang pagkaing binili ng kaibigan para sa nobyo.

"Eto nga pala, alam namin na hindi ka pa kumakain kaya naming binilhan ka ni Kris at ipinadala sa'kin. Kainin mo muna ito bago ka bumalik sa trabaho ha! Huwag kang magpapagutom." At iniwanan niya ng isang matamis na ngiti ang nobyo, saka may pagmamadaling lumabas ng silid na iyon.

Habang siya ay naglalakad, inaalala niya ang lahat ng sinabi at ibinilin ng mga nakatataas sa kanya. Alam niyang kaya niyang gawin iyon alang alang sa kaligtasan ng iba pang mabibiktima ni Greg.

Nakangiti ng, abot sa tainga si Kristel habang papalapit si Jade sa nurse station. Kaya naman agad iyong pinansin ng kaibigan, "Ano't ang lapad ng ngiti mo Kris?" tanong niya rito na himig nagbibiro.

Kinikilig pang napahawak sa dibdib si kristel, bago sinagot ang kaibigan. "eh kasi naman bff yung isang poging poging nurse, niyaya niya akong kumain sa labas mamaya. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasabahy kang pauwe sa jowa mo hihihi!" Nakangiti nitong komento.

Dumating na ang pinakaiintay nilang oras uwian na nila at dumiretso siya sa parking lot ng ospital kung saan nakaplano ng iintayin niya si Andy. Bahagya siyang napaiktad g marinig ang pagtunog ng cellphone niya may kadiliman sa kinatatayuan niya at mabibilang ang mga taong makikita na pawang kinukuha lamang ang sasakyan nila. Agad niyang sinagot ang tawag na iyon at sinunod ang napag kasunduan.

"hello, babe nasan ka na ba? Kanina pa kitang iniintay eh." Sinabi niya iyon sa may kalakasang tinig upang iparinig sa taong kanina pa nakamanman sa kanya.

"I'm so sorry babe, hindi kita maihahatid pauwe. Busy ako ang dami kong pasyente ngayon." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Okay magta-taxi nalamang siguro ako, bye ingat ka sa pag-uwe ha, see you tomorrow." Bago niya tuluyang tinapos ang usapang iyon.

Ilang minute pa siyang nagtagal sa kanyang kinatatayuan bago napagdesisyunang lumakad ng dahan dahan patungo sa sakayan.

Nakabantay sa monitor ang mga nagpakana ng lahat ng iyon, at kitang kita nila ang unti unting pagsunod ni Gregory sa dalaga. Kaya binigyan nila ito ng babala. "Enemy spotted, right side Nurse Jade, dahan dahan kalang para may oras siyang makalapit saiyo." Sabi ng nasa kabilang linya. Kaya naman iyon nga ang ginawa ng dalaga, nagkunwari itong may hinahanap sa kanyang daladalang bag. Nang walang ano ano ay may biglang sumunggab sakanya at may itinakip sa kanyang bibig at ilong, dahilan upang mawalan siya ng malay.