"Ano bff tara na?" Tanong ni Kristel kay Jade habang inaayos ang gamit nila sa kanilang locker.
"Hindi naba tayo mag papalit manlamang ng uniporme?" Tanong nito sa kanya.
"Siyempre mag papalit no, baka mamaya nandon yung pinsan ni Andy si James ang ultimate crush ng bayan at crush ko hahaha. Gusto ko mapansin nya na ako this time, kaya bilisan mo na ng makapag bihis na tayo." Kinikilig pang anyaya nito sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.
Nagmamadali silang sumakay sa kotse ni Kristel at dumiretso sa sariling condo unit nito. At siyempre hindi nanaman siya tinigilan ng kaibigan, inayusan siya at pinahiram ng damit na maisusuot. Halos mag kasing katawan lamang silang dalawa sexy at maganda rin si Kristel morena nga lamang ito hindi katulad niya na maputi ang kutis.
"Wow! Napakaganda mo talaga Jade bagay na bagay saiyo ang kulay yellow lalu ka ng namuti. Tssk eh kapag ako nagsuot niyan baka lalo akong mangitim, at sigurado pagtatawanan pa ako ni Andy doon." Naka ngusong sabi pa nito habang pinag mamasdan ang ka buoan niya.
"hay naku! Hayan ka na naman sa pagsesentimyento sa kulay mo ang ganda kaya ng morena. Mas pipiliin ko ang kulay ng balat mo kesa sa'kin aba Pilipinang Pilipina ang kayumanggi hindi ba?" tumatawang pinaglulubag niya ang kalooban ni Kristel.
"Sige lang Bff tawanan mo ako" astang nag tatampo pa ito sa kanya kaya naman lalo na siyang napatawa rito.
Nang masiguradong ayos na ang kanilang itsura ay may pag mamadali na silang pumunta sa parking lot at muling sumakay sa kotse ni Kristel patungo sa condo ni Andy. Ngunit sa kasamaang palad ay naipit sila sa traffic ang kalahating oras na biyahe ay naging isang oras na kung kaya't inis na inis si Kristel.
Nang marating nila ang parking lot ng building kung nasaan ang condo unit ni Andy ay bahagya pang nag retouch si kristel sa kotse at saka pinakialaman muli ang kanyang mukha na nilagyan ng light make up. Hinayaan niyang naka lugay ang mahabang buhok na medyo kulot ang laylayan.
Hindi alam ni Andy na darating si Kristel na kasama si Jade dahil ni hindi manlamang siya binati ng kaibigan ng magkita sila kanina sa ospital. Nagkakasiyahan sila ng ilang kaibigan wala sana siyang planong mag celebrate ngayon ngunit dumating ang makulit na pinsan niyang si James at dala pa ang ilan nilang barkada. Isang oras na ang nakakalipas ng simulan nila ang party, at nakarinig sila ng sunod sunod na katok.
"May darating ka pa bang bisita bro?" tanong ni James kay Andy .
"Actually no, pero kaya kong hulaan kung sino yang kumakatok na yan hahaha…" biro niya rito at nag tawanan naman ang kasamahan nila. Hindi narin naman kasi lingid sa kaalaman nila na may gusto si Kristel kay James sapagkat tahasan iyong ipinakikita ng dalaga.
Dali daling binuksan ni Andy ang pintuan at naghiyawan ang buong barkada ng bumungad si Jade sa kanila. Tulala naman si Andy dahil di niya inaasahan ang kaharap.
Nang makarating sa tapat ng pintuan ng unit ni Andy sina Jade ay agad itong kumatok ng sunod sunod, ngunit di sinasadyang nalagot ang shoulder bag nito at naglalagan ang laman kaya naman agad nitong pinulot ang mga iyon. Siya namang pag bubukas ni Andy ng pintuan at tila ba gulat na gulat ang reaksyon nito ng makita siya, ganon din ang mga kasama nito sa loob ng unit na tila ba kinikiliti at nag tatawanan pa ngunit bigla ring napatigil ng makita siya.
Matapos pulutin ang mga gamit na nanlaglag ay agad namang tumayo si Kristel at sinunggaban ng halik sa pisngi ang kaibigang si Andy.
"Happy birthday Andz, surprise!" at itinaas pa nito ang hawak na bote ng red wine.
"Oh… ah t-thank you. Nag-abala ka pa come and join us." Nauutal na paanyaya niya sa mga ito.
"Isinama ko nga pala ang bff ko I hope its okay lang." sabi pa nito habang pumapasok sa loob ng Unit nito at hila hila na naman ang kaibigang si Jade.
"It's okay don't worry, come and let me introduce her to everyone." At saka ito nag patiunang tumuloy sa munting salas kung saan sila nag-iinuman.
Ipinakilala ni Andy sa lahat ng naroroon si Jade halos di naman maalis ni James ang tingin sa dalaga ganoon rin si Harold, at dahil sa hindi naman lingid sa iba ang malalagkit nilang tingin sa dalaga ay nagparinig na si Ella.
"Boys ngayon lang ba kayo naka kita ng mala dyosang ganda at ganyan nyo nalamang titigan yang si Jade aba baka matunaw nayan ha!" biro nito at tila napapahiya si Jade kaya itinuon nalamang niya ang kanyang paningin sa sahig .
"Halika rito upo ka sa tabi namin huwag kang lalapit sa mga boys baka hindi ka na makauwi ng kompleto sa inyo hahaha." Segundang biro ni Beth.
Agad namang tumalima si Jade lumapit sa kabilang panig ng sofa kung saan naka upo ang dalawang magagandang babae na sina Ella at Beth, sumunod rin naman kaagad si Kristel at tumabi sa kanya. Inabutan sila ng glass wine ni Enzo ang boyfriend ni Beth, ngunit agad na tumanggi si Jade.
"Thank you, pero hindi kasi ako umiinom." Bahagya pa niyang ikinaway ang kanyang kamay tanda ng pagtanggi.
"Wine lang yan parang juice promise hindi ka malalasing dyan." Sabi naman ni Enzo na naka ngiti sa kanya.
"ah…eh.. S--sige kayo nalang salamat at pasensya na talaga, hindi ko rin kasi kayang uminom ng mga ganyang wine. Thanks nalang ha." Pahina ng pahina niyang tugon rito.
"Okay lang yan come with me, may juice sa kitchen hindi ko alam ang flavor at timplang gusto mo kaya sasamahan nalang kita." Anyaya ni Andy sakanya na tila ba hindi pa makapaniwala sa sarili dahil nginitian niya ang dalaga. Agad namang tumayo ang dalaga at sumunod sa kanya halos iisa ang mata na nagkatinginan ang lahat at dumako ang paningin sa dalawang mag kasunod na naglalakad patungong kusina.
Nagkakailangan ang dalawa kaya naman walang nangahas na magsalita. Agad na kinuha ni Andy ang apat na flavors ng juice at inilagay sa lamesa bago muling tumalikod kumuha ng yelo, baso at malamig na tubig saka inilapag muli sa lamesa. Samantalang nanatiling nakatayo si Jade sa may pintuan ng kusina at pinapanood ang bawat kilos ng lalaki.
"halika rito hindi ako nangangagat kaya pwede ka namang lumapit, pumili ka ng gusto mo at ikaw narin ang magtimpla hindi ko naman kasi alam kung anong papatok sa panlasa mo." Mahabang litanya nito seryoso na muli ang itsura nito, lumapit si Jade at pinili ang orange powdered juice saka nagtimpla sa baso.
"Okay na sa'kin ito Doc. Thank you….ahmnnn halika na sa labas." At asta siyang lalabas ng kusina at lalampasan ang lalaki ng bigla itong magsalita sa kanyang tagiliran. Bahagyang napatuwid ang kanyang likod ng maramdaman ang init ng hininga nito sa kanyang tainga.
"Andy ang pangalan ko at hindi Doc. Wala naman pati tayo sa ospital diba?" Mataman nitong tinititigan ang dalaga habang sinasabi iyon at natatawa siya dahil kitang kita niya ang biglang pamumula ng pisngi nito habang nakatingin sa juice na ginawa para sa sarili. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba tila natukso siyang bumulong sa tainga nito. Naamoy niya ang kakaibang bango ng dalaga.
"ah…eh…sige …pasensya na nasanay na kasi ako." Hiyang hiyaman ay pinilit niyang tumugon ng hindi nauutal at itinuon ang paningin sa juice na hawak upang maitago ang pamumula ng pisngi niya.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa taong kausap mo? Alam mo Jade kung hindi lang kita kilala iisipin kong kinakausap mo yung juice kasi dyan ka nakatingin eh." Pinilit ni Andy na maging pabiro ang kanyang tono dahil nakikita niya na may pagkamahiyain ang dalaga. At natameme siya ng inilipat nito ang paningin nito sa kanyang mga mata.
Dahil sa sinabi ni Andy ay nakaramdam ng pagkapahiya si Jade kaya naman agad na inilipat niya ang paningin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung namalik mata lamang ba siya o kung totoo ang nakita niya sa kaharap.
Tila ito ipinako sa kina tatayuan pagkalipat na pagkalipat ng kanyang paningin rito at nakita pa niya ang bahagyang pagkagulat nito.
"Pasensya na hindi lang talaga ako sanay."
"It's okay tara na sa labas."ngumiti ito at saka sila muling lumabas sa salas ng magkasabay.
Nag patuloy sa kwentuhan at inuman ang mga ito habang si Jade ay pangiti ngiti lamang at patingin tingin sa kanila. Napansin nito na parang nalalasing na si Kristel dahil mas lalo itong dumaldal at hindi narin ito nahihiyang maglalapit kay James. Kumuha lang ng tyempo si Jade at nilapitan si Kristel saka dinala sa kusina at pinaupo roon inabutan niya ito ng tubig na malamig at saka niya binasa ang panyo sa gripo. Pinunasan niya ang mukha nito at saka inayos ang buhok. Lingid sa kanyang kaalaman na sumunod pala si Andy sa kanila at sumandal ito sa pintuan ng kusina habang pina panood siya.
"Kris, umayos ka please! Hindi ako marunong mag-drive at hindi rin kita iiwang mag-isa rito." Bulong niya sa kaibigan.
"Don't worry Jade okay lang ako, nag-aalala ka nanaman eh. Kaya naman mahal na mahal kita bff kasi never mo akong pinabayaan."
"Bukas humanda ka talaga sa'kin sasabunutan kita" biro nito sa dalaga. At nagulat pa ito ng biglang tumakbo si Kristel sa gripo at duon nagduduwal. Hinimas niya ang likuran nito at inabutan ng tubig.
"Dalhin muna natin siya sa kwarto para makapagpahinga, pagnakatulog siya kahit isang oras ay gaganda na ang pakiramdam niya." Biglang singit ni Andy na nilingon naman agad ni Jade.
"k—kwarto?" nauutal pang tanong ni Jade rito.
"Yes, sa kwarto samahan mo nalang siya kung hindi ka komportableng iwan siya mag isa." At saka nila pinagtulungan na alalayan si Kristel inihiga nila ito sa kama at saka tinanggal ni Jade ang sapatos nito at kinumutan.
Pinag mamasdan ni Andy si Jade, natatawa siya dahil halos balutin nito ang kaibigan na parang suman. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng babae. Hindi marunong uminom, sobrang mahiyain at maalaga sa kaibigan.
Normal lamang kasi sa kanilang mag babarkada ang nalalasing at kung saan saan nalamang inaabutan ng antok. Hindi muna lumabas ng silid si Andy naupo ito sa isang mini sofa niya sa silid saka tinitigan ang dalaga na pinapanood ang paghinga ng kaibigan.
"You look so worried, why is that?" tanong nito.
"ah.. ano kasi.. lumalalim na ang gabi at baka hindi na ako papasukin sa boarding house hanggang alas nuebe lamang kasi kami maaaring mangatok roon."
"So nag bo-board ka pala. Wala kabang kamag-anak dito sa Manila na maaari mong tuluyan?" muling tanong nito sakanya.
"Wala, taga Quezon kasi ako, at pinipilit lamang ng Nanay, Lola, at Lolo ko na mapag aral ako dito sa Maynila. Naniniwala kasi silang kung dito ako makakatapos ay mas magandang oportunidad ang mag hihintay sa akin sa aming bayan."
"What's your Family Business? Don't get me wrong ha. Kasi hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang tuition fee sa school na pinapasukan natin."
"May maliit kaming karinderya Lolo at Lola, ko ang namamahala roon. Si Inay naman ay pag titinda ng kakanin sa palengke ang hanap buhay. Hindi sasapat ang kita nila pantustos sa pangangailangan namin ng kapatid ko kaya naman ginagalingan ko sa lahat ng bagay para hindi mawala ang scholar ship ko, at the same time dean's lister din ako. Kaya naman kinakaya namin kahit na papaano ang mga gastusin." Mahabang salaysay niya sa binata.
"Ang talino mo naman at isa pa nakaka-inspire ka kasi kinakaya mo lahat. Parang ang gaan gaan lamang para saiyo." Lihim na siyang humanga sa dalaga. Kaya pala ganoon nalamang ito kumilos dahil laking probinsya ito. Ngunit nakakatuwa pagkat hindi nito ikinahihiya ang pinanggalingan bayan nito.
Unang beses niyang nakita ang dalaga ay humanga na siya sa aking kagandahan nito kakaiba ang mga mata nito, sa tuwing tititig sa kanya ay tila ba kay daming nais sabihin. Hindi rin ito katulad ng ibang kababaihan na lantarang ipinakikita ang pagkagusto sa lalaki. Maraming nagpapalipad hangin rito sa ospital ngunit wala itong pinapansin, hindi naman niya sinusungitan ang mga ito. Yun nga lamang hindi rin nito binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa kanya at yun ang nakaagaw ng pansin ni Andy.