Pinagmamasdan ni Andy kung anong magiging reaksyon ni Jade matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nang mapansin niyang tila nagulumihanan ito ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa. Agad naman itong tumingin sakanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala at kalituhan.
Isang malamim na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita.
"Hey! Are you okay? You look worried." Nag-aalala niyang tanong dito.
Tumikhim muna siya bago sumagot, "O-okay lang ako ah… a-ano nga ang sinasabi mo…nasan na nga ba tay----" Hindi na siya pinatapos ni Andy sa pagsasalita, mabilis nitong kinuha ang kanyang mga kamay at hinawakan itong pareho.
Tinitigan niya ang mga mata ng dagala, "Jade I love you, that's the reason why I want to protect you." Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito, ayaw niyang maapektuhan ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"B-but why me?"nagdududang tanong niya rito.
Napangiti siya sa tanong nito. "Bakit? hindi ba pwedeng ikaw? Look Jade, lahat ng hinahanap ko sa isang babae ay nasasaiyo na. Sabi ko noon hindi na ako muling magmamahal pa, kaya nga pinilit kong ilayo ang sarili ko sa lahat ng mga taong nakapalibot sa'kin. Pero dumating ka at pinasok mo ang buhay ko, dahil dun….natatakot akong pag-alis mo baka dala mo na ang puso ko. Willing akong maghintay Jade, kahit ilang buwan o taon pangako hihintayin kita. Pero sana hayaan mo akong protektahan ka, alagaan ka at suyuin ka. Gusto kong makilala ka pa ng lubusan at gusto ko rin na makilala mo kung sino ba talaga ako." Mahabang paliwanag ni Andy kay Jade.
Tuwa, pagkalito at pagkabigla ang agad na naramdaman ni Jade ng magpahayag ng kanyang damdamin si Andy. Alam niya sa sarili niyang mahal rin niya ang lalaki, ngunit dahil sa kanyang pangako sa kanyang Inay at kapatid, na hindi muna siya magnonobyo ay biglang naglaho ang kanyang saya.
May lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang binatang nasa harapan. "Ahmn..Andy… Ano kasi eh….hindi pa ako handa at ayoko namang paghintayin ka ng matagal dahil unfair naman yun sa'yo." Mahina niyang sabi rito.
"Jade hindi ka ba nakikinig sa mga sinabi ko?I said willing akong maghintay kung kelan ka magiging ready. Ang gusto ko lang hayaan mo akong ipakita at iparamdam saiyo ang pagmamahal ko at higit sa lahat sana hayaan mo akong protektahan ka lalo na kay Greg."
Ilang segundong katahimikan, dahil Alam ni Jade sa sarili niya na mahalaga rin sa kanya ang lalaking kaharap ay nag desisyon siya na payagan ito sa hinihiling nito. Naisip rin niya na para naman sa kaligtasan niya ang mga sinabi nito.
"Sige pero, walang pressure ha…" Parang batang sinabi niya rito na ikinatawa naman ng huli. "Pwede ko bang malaman kung anong magiging set up natin sa ospital kasi sabi ni Dr. Reyes doon na rin du-duty si Gregory?" muling bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ng nakatitig sa mga mata ng dalaga. "If it is okay with you, let's pretend in front of Dr. Reyes and Gregory. That's The only way para hindi ka niya laging lapitan. Siguro naman ay may kahihiyan pa siya, kung gagawin nanaman niya yung ginawa niyang pang-aagaw sa mga minahal ko sa nakaraan baka hindi ko na siya mapatawad pa. Isusumpa ko siya habang buhay." Nakatiim bagang pa nitong sabi.
"Pero ayokong mapahamak ka ng dahil sa'kin. Baka pag-initan ka niya. Sa paraan ng pagkakahawak niya sa kamay ko kanina ay naramdaman kong ibang klase siyang tao siya. Kahit yung boses lamang niya ang narinig ko sa cellphone parang kinikilabutan na ako. Hindi ko alam kung OA lang ba ako o talagang may something siya." Kinikilabutan niyang salaysay sa kaharap ayaw niyang madamay ito kung saka sakali.
Tipid siyang ngumiti, "So… nag aalala ka din pala sa'kin tulad ng pag-aalala ko sayo."
Kibit balikat siyang sumagot rito. "Oo naman, hindi naman ako makasarili para hindi mag-alala sa iba." At saka siya napatingin sa kanyang orasang pambisig. "Oh my God 8;30 na pala baka masarhan ako ng gate sa boarding house." Pasigaw nitong sabi sa binata.
Agad namang tinawag ni Andy ang waiter na kanyang nakita at saka sumenyas rito upang hingin ang kanilang bill, agad naman itong lumapit sa cottage nila. " Doc. Andy, na settle na po ng papa ninyo ang bill kaya po wala na kayong babayaran." Sabi nito na ipinagtaka naman ni Jade dahil sa pagkakaalam niya ay wala rito ang mga magulang ni Andy.
Nakuha naman ni Andy ang ibig itanong ng dalaga, dahil halatang halata sa mukha nito ang pagtataka.
"He is my grandpa." Nakangiti niyang sabi rito at lalo itong naguluhan.
Napapakamot sa taingang nagtanong si Jade, "lolo mo yung waiter?" At sa di inaasahan ay napabunghalit ng tawa si Andy.
Bahagya niyang pinisil ang pisngi ng dalaga saka siya tumayo at inalalayan itong makalabas ng cottage. "Yung sinabi ni Cristoffe ahmn-- yung waiter, yung sinasabi niyang papa ko si Mr.Lee ay lolo ko. Siya ang may ari nitong resto, one of this days balik tayo rito para makilala mo siya."
"You mean ipapakilala mo ako sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Jade.
Patuloy na inalalayan siya ni Andy hanggang sasakyan ng makasakay na sila ay saka lamang siya nito sinagot.
"Yes, I want you to meet my Papa. He is so cool,mahilig kumanta at magaling mag play ng guitar. He also like to play piano, he's very good singer promise." Mababakas sa boses nito ang pagkamangha sa kakayanan ng lolo niya.
"Parang gusto ko na siyang makilala agad agad." Nakangiti niyang nasabi iyon.
"And why is that?" Nagtataka namang tanong ni Andy ng maaninag ang kumikislap na mata ng dalaga.
Bigla itong nalungkot, "May lolo din ako, we called him papang. He also love singing and playing guitar, actually siya ang nagturo sakin kaya naman kaming dalawa ng kapatid ko ang panlaban sa barangay naming pagdating sa kantahan sa pista."
Malungkot man siya ay mahihimigan mo ang pagmamalaki sakanyang tinig.
"Wow! hindi ko alam na may babae pang mahilig sa gitara sa panahon ngayon. Kasi yung mga kabarkada naming girls puro arte sa katawan lang ang alam." Tumatawang kumento nito.
"Ikaw talaga salbahe ka." Napansin niya ang gate ng boarding house nia inuupahan niya. "Pano, bukas nalang ulit ha. At salamat sa masarap na hapunan, ituloy mo bukas yung kwento tungkol sa lolo mo este papa pala."
Malapad ang ngiti sa labing tumango si Andy. "Don't worry malapit mo na siyang makilala." Agad na itong bumaba ng sasakyan at tinulungan ang dalaga na makababa. Hinintay muna niyang makapasok ito saka siya sumibad.
Dumaan ang anim na linggo walang Gregory na nagparamdam kay Jade, hindi rin sila nagpapangita sa ospital kahit bali-balita na na doon ito na duty.Kahit wala ito sa palibot ay pinagpatuloy nina Andy at Jade ang pagpapanggap nila, alam na rin naman ni Kristel ang set up nilang dalawa. Maraming nagtaas ng kilay ng malaman na sila na, lalo na sa University. Sa tuwing papasok sila ng magkasabay ay puro bulungan ang maririnig mo, minsan pa ay may humila ng kanyang buhok para lamang sabihan siyan ambisyosang malandi. Tiniis niya iyon at hindi pinakinggan, ipinagtatanggol naman siya ni Kristel san tuwing may mga Usi (usisera) sa palibot nila.
Isang umaga ay nakatanggap siya ng text mula kay Andy.Hindi raw siya masusundo nito dahil uuwi ang mommy at daddy niya. Nais niyang sorpresahin ang mga ito siya ang susundo sa airport at saka ihahatid sa mansion ng mga Yhang. Dahil mga magulang ang dahilan nito hindi naman siya nagtampo, isa pa naisip niya na hindi naman maaaring lagi siyang nakadepende rito kahit na nobya pa siyang tunay nito.
Pumasok siya ng mag-isa nag-commute lamang siya patungong University, malayo palamang ay natanaw na niya ang kumakaway na kaibigan sa may gate.
"Bff nag-commute ka?" tanong nito sa kanya na tila ba sinisilip pa ang binabaan niyang jeep.
Hinihingal siyang sumagot, "Oo eh, susunduin kasi ni Andy ang parents niya sa airport kaya hindi raw niya ako masusundo at maihahatid." Sabi niya sa kaibigan at tumuloy na sila sa paglalakad patungong classroom nila upang um-attend ng kaisa isa nilang klase ngayong araw, saka sila papasok sa ospital na tatlong kanto ang layo mula rito sa eskuwelahan nila.
"So uuwi pala sina tita, sigurado maraming chocolates na dala yun, paborito kasi ni Andy ang sweets especially chocolates, naku!!! mag-aaway kayo pagpinakialaman mo ang laman ng ref ng walang pasabi." Natatawa nitong kwento sa kaibigan.
Madaling natapos ang klase nila kaya naman agad silang pumunta sa ospital. Dumaan ang ilang oras maging ang tanghalian ay hindi nila namalayan dahil sa pagmamadali.
Maraming naging pasyente nung araw na iyon at hindi lamang sila basta nag-observe, bagkus ay gumawa sila ng mga bagay na hindi na nila sakop. Halos hapon na ng humupa ang tao sa ER. Oras na ng miryenda nagmamadali silang pumunta sa canteen dahil parang ngayon lamang sila nakaramdam ng matinding gutom at pagod.
Masayang kumakain sina Kristel at Jade ng biglang lumitaw ang bulto ng isang lalaki sa harapan nila. "Hi! Beautiful Nurses, can I join you? Wala na kasing bakanteng table eh." Tanong nito na dumiretso na sa upuan kahit hindi pa sila nagbibigay ng signal.
Nag-aalinlangang sumagot si Kristel, "Okay lng po Doc.Greg." Saka niya ito nginitian ng pilit, hindi naman nabago ang posisyon ni Jade, nagpanggap itong busy sa pagkain.
" Mukhang nagutom ng husto si Nurse Jade ah, here eat a lot para naman magka laman ka." Ipinatong nito sa harapan niya ang isang sandwich at salad ganoon din si Kristel agad nitong inabutan. Saka lamang nila napansin na puno pala ng pagkain ang tray na dala nito.
Napapahiyang nag-angat ng tingin dito si Jade. "ahh..thank you Doc. Pero busog napo ako, actually nagmamadali kami dahil may patient na ini-assign samin para makapag miryenda naman yung kasamahan namin." Walang kagatol gatol niyang sabi rito kahit na nagsisinungaling siya.
Biglang nalungkot ang mukha nito at saka sila binalingang magkaibigan. "Sayang naman akala ko ay may makakasabay ako sa pagkain, kaya nga madami akong binili kasi napansin ko kayong dalawa."
Nakonsensya naman si Jade, "Don't worry Doc. Dadalhin nalamang namin itong mga ibinigay mo para pagnagutom kami ay may makain kami mamaya ni Kris." At bigla niyang siniko sa tagiliran ang kaibigang nagtatakaw sa pagkain ng sandwich na galling kay Gregory.
"Sige po Doc. Greg mauna na kami, salamat sa miryenda ha." At saka parang batang nakasimangot si Kristel na binalingan ang kaibigan. "O tayo na bilisan mo at baka mahuli tayo naku…naku…" singhal niya kay Jade. Dinala nga nila ang mga pagkain na bigay ni Gregory, habang pabalik sa nurse station ay patuloy na kinain ni Kristel ang sandwich na dala. Samantalang isinilid naman ni Jade sa bag ang kanya at agad bumalik sa trabaho.
Napapangiti si Gregory, alam niyang wala ang asungot na si Andy kung kaya't gumawa siya ng paraan upang mapalapit kay Jade, yun nga lamang mukhang mahihirapan siyang isagawa ang plano niya dahil lagi itong umiiwas. Hindi parin siya sumusuko, nag-order siya ng dalawang lemon shake at saka boluntaryong inihatid iyon sa nurse station kung nasaan naka puwesto ang dalawa. Walang tao roon kung kaya't dinukot niya kaagad ang dalawang paketeng maliit na naka silid sa bulsa at itinaktak iyon sa mga inumin. Pinangalanan niya ang mga baso gamit ang pentelpen na nakita niya sa lamesa. Agad narin siyang lumayo doon at pumunta sa opisina kung saan siya naka puwesto.
Makalipas ang ilang minuto ay may pagmamadaling bumalik sa Nurse Station ang magkaibigan, parehong hinihingal sa pagod. May nagwawalang pasyente sa ER kaya naman tinulungan nila ang naiwang tao ruon upang maturukan ng pampakalma ang pasyente.
"Kaimbyerna na ha!" bulalas ni Erica ang isa sa mga nurse na kasamahan nila. "Oi kaninong shake yan painom naman." Sabi nito habang sinisipat ang mga naka sulat sa baso.
"Girl kita mo naman diba pangalan naming, so wala ka hindi yan sayo. Akina na nga yang sakin at sobra akong inuhaw doon ha grabe…" hiyaw ni Kristel habang ipinapaypay pa ang kanang kamay sa kanyang mukha, at saka ininom ang shake na nakapangalan sakanya.
Nakatingin naman si Jade sa shake at iniisip kung kanino iyon nanggaling. "Ah…Erica, sige saiyo nalamang yung shake na para sa'kin. Inumin mo na, busog pa kasi ako at tubig lamang ang nais ko sa ngayon." Nakangiti niyang turan dito.
Pumapalakpak naman sa tuwa si Erica, "Salamat ng marami Girl buti ka pa hindi madamot katulad ng isa dito." At saka nito nginusuan si Kristel bago ininom ang shake na para sana kay Jade.
Dumating ang oras ng uwian nagkakagulo ang mga kasamahan nila dahil nawalan daw ng malay si Erica pinagtulung-tulungan itong buhatin sa ER para ma-check ng doctor. At natawa ang lahat dahil ayon sa doctor ay natutulog lamang ang dalaga. Di umano ay may nainom itong pampatulog kaya naman ganon ang kina hinatnan nito.
Agad na kinabahan si Jade at naalala ang shake na ibinigay niya rito. Nagmamadali siyang hinanap si Kristel at hindi siya nagkamali inabutan niya itong nasa sahig ng nurse station. Agad niyang tiningnan ang pulso nito, okay naman kaya agad siyang humingi ng tulong. Habang nagkakagulo sa pagbuhat sa dalaga papuntang ER ay agad siyang nag text kay Andy. Tanging tulong lamang ang nai-text niya at hindi na niya nasundan pa ng kung-ano dahil sa pagmamadali.
Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang shake na natagpuan nila sa nurse station, ibig sabihin silang dalawa ni Kristel ang target ng kung sinumang naglagay ng pampatulog sa inuming iyon.