Chereads / Back Into Your Arms Again / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo.

Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot.

Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi.

Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya't nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun din ng lip gloss. Hindi siya komportable sa lipstick dahil pakiramdam niya ay nabigat ang maninipis niyang labi.

Pinagmasdan niya ang kanyang mukha at ng mkunteto ay agad na siyang nagbihis at isinuot ang isang pares ng wedge sandals na regalo ng nakababatang kapatid. Nagwisik rin siya ng pabango at saka muling hinagod ng suklay ang kanyang buhok na hinayaan niyang nakalugay.

Makalipas ang isang oras at kalahati ay narito siya sa ibabaw ng kanyang single bed at kasalukuyang inaayos ang laman ng shoulder bag niyang dadalhin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone, sa pag-aakalang ang kanyang inay o kapatid ay hindi na niya ito sinilip pa at basta nalamang pinindot ang answer button, saka iniipit sa kanyang tainga upang malayang makakilos ang kanyang mga kamay.

"hello beautiful nurse." Sabi sa kabilang linya, tila ba tumayo lahat ng balahibo niya pati narin ang buhok niya dahil sa pamilyar na boses na kanyang narinig.

Pigil hiningang tinanong niya ito, "h—hello? Who's this please? Habang taimtim na umuusal ng panalangin na sana ay mali ang kanyang hinala.

"Ang bilis mo naman akong nakalimutan------toot----toot----tooot…. Naputol ang tawag kaya naman agad niyang tiningnan ang cellphone niya at nakitang wala na iyong bateriya.

Agad niyang hinanap ang charger at isinaksak iyon ngunit di agad binuhay, napasulyap siya sa alarm clock na nakapatong sa maliit niyang mesa sa tabi ng kama . 'Mag-aalasais na ng hapon at mayamaya lamang ay darating na si Andy.' Bulong niya sa isip, hindi nawala ang kabang nadarama niya at hindi rin niya lubos maisip kung bakit ba parang takot ang nararamdaman niya ng marinig ang boses sa kabilang linya.

Pauli uli siyang naglakad sa loob ng maliit na silid na inuukopa niya.

Hanggang sa, Beeeep…beeeep…beepppp… Malakas na busina ng sasakyan ang nagpabalik ng kanyang diwa.

Nagmamadali siyang hinugot mula sa pagkakasaksak ang charger at isinilid iyon sa kanyang bag ang cellphone naman ay nanatiling hawakhawak niya, habang papalabas ng bahay ay muli niyang binuhay ang cellphone kaya naman hindi siya nakatingin kay Andy na kasalukuyang bumababa ng sasakyan upang aalalayan siya sa pagsakay.

"Hi, sorry ang traffic.." salubong nito sa kanya habang pakamut kamot pa sa ulo at iniaabot sa kanya ang isang bungkos ng sariwa at mapupulang rosas.

Napangiti si Jade at agad nawala ang pag-aalala na nadarama niya kanina, kinuha niya ang mga bulalak at bahagyang inamoy ang mga ito.

"Thank you, ikaw talaga nag-abala ka pa." nahihiya niyang sinabi rito habang sinusuri ang kabuuan ng binata. Napaka gwapo nitong tingnan sa suot nitong longsleeves na light blue na pinarisan ng maong na pantalon.

"Pa'no tara na? para maihatid kita ng maaga." At agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan hinintay siya nitong makasakay at saka muling isinara.

Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo kung saan sila kakain ng biglang mag-ring ang cellphone ni Jade, kinakabahan niyang sinilip iyon at bahagyang nanlaki ang mga mata ng makitang unregistered number ang tumatawag.

Nag-alin langan siyang sagutin ito ngunit sa huli ay mas pinili niyang i-end call nalamang ito.

Nagtataka namang sinulyapan siya ni Andy. "Bakit hindi mo sinagot?" tanong nito na sa daan na muli nakatingin at pinakikiramdaman lamang ang babaeng katabi.

"ah—ano kasi …. Ahmn …" hindi malaman ni Jade kung sasabihin ba rito ang duda niya kung sino ang tumatawag.

"You look nervous, is that your mom?" muling tanong nito na sinulyapan pa siya.

"A—actually hindi ko alam, unregistered number kasi eh…"

Bahagya siyang natawa, "Eh, bakit kasi hindi mo sinagot edi sana nalaman mo hahaha." Nakangiti parin siya dahil sa nakikitang pag-aalala at pag-aalinlangan sa mukha ni Jade.

"kasi.... kanina bago ka dumating eh may tumawag din sa'kin, akala ko sina nanay. Pero mali pala ako kasi nung sinagot ko parang kilala ko yung boses." Kinakabahan talaga siya.

"Kaninong boses?" muling tanong ni Andy na na-curious na din sa susunod na sasabihin ng dalaga.

"Boses ni G---Gregory." Sinabi niya iyon ng naka tingin sa lalaking nagmamaneho. At laking gulat niya ng bigla nalamang itong nagpreno, halos tumalsik siya paunahan.

Napasigaw siya at inulit pa ang pangalang sinabi ng katabi, "Gregory! Bakit daw?" Tanong nito sa dalaga at sa tingin ni Jade ay parang uminit ang ulo nito dahil salubong na ang kilay nito.

"Hindi ko rin alam, kasi namatay ang phone ko dahil lowbat na. Pero hindi ako maaaring magkamali boses niya yun eh at nag tataka ako kung saan niya nakuha ang number ko."

Pilit niyang kinalma ang sarili, "It's okay, don't worry too much.

Pag-usapan nalang siguro natin ito over dinner baka ma-late tayo sa reservation natin." Muli niyang pinatakbo ang sasakyan. At wala na ni isa sa kanila ang nagsalitang muli hanggang sa makarating sila sa isang maganda at mamahaling restaurant.

Nang nakababa na sila ni Andy ay may sumalubong na lalaking unipormado sa kanila, iniabot ni Andy ang susi rito at saka siya iginiya papasok sa loob. Napakaganda ng loob nito nakaka-relax dahil Native ang style nito, napansin naman agad ni Jade ang malaking pangalan nito sa may stage 'CHEF JESS'.

"Table for two sir?" tanong ng waitress na lumapit sa kanila.

" We a reservation miss, under Mr. Lee's name." sagot nito sa serbidora.

"This way sir, please follow me. Mr.Lee called us earlier for your reservation." Sabi ng waitress habang igina-guide kami papunta sa table namin.

Lubusang namangha si Jade sa kanyang nadatnan, ang gandang pagmasdan ng lugar. Punong puno ng maliliit na ilaw na siyang nagbigay ng liwanag sa kapaligiran maging ang mga puno ay napalilibutan rin ng ilaw kung kaya't lalong lumitaw ang ganda ng paligid. Dinala sila sa likurang bahagi ng resto kung saan may maliliit na cottage, open air iyon at tanging mga kulay puting maninipis na kurtina lamang ang nagsilbing dingding ng bawat cottage.

Ipinaghila ni Andy ng upuan si Jade, saka ito umupo sa upuan na nasa tapat ng dalaga. Di nagtagal ay may dumating na tatlong waiter, may mga dala na itong pagkain na ikinamangha muli ng dalaga dahil kararating lamang nila at hindi pa talaga sila nag-oorder.

Para namang nabasa ni Andy ang isip ni Jade.

"Nag-order na ako kanina bago kita sunduin, magugustuhan mo lahat yan promise." At saka ito ngumiti ng ubod ng tamis.

"Paano ka naman naka sigurado na magugustuhan ko ang lahat ng ito?" may himig panunuksong tanong ni Jade.

"Kasi tinanong ko muna si Kris kung ano yung mga kinakain mo. Kaya one hundred percent akong sure na magugustuhan mo yan." At saka ito bumaling sa mga nag silbi,pinasalaman niya ang mga ito bago umalis.

Masaya silang kumain ng hapunan, nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng maisip ni Andy na buksan ang usapan tungkol kay Gregory.

"Pwede ba akong humiling saiyo?" tanong nito na nasa pagkain ang tingin.

Nag-angat naman ng paningin si Jade sa binata, tumigil sa pagsubo ng pagkain at saka mahinang sumagot. "Ano yun, basta ba kayak o eh."

"Pagnakita mong papalapit sa'yo si Greg… ah I mean Gregory pwede bang pilitin mong iiwas ang sarili mo?" seryoso nitong sabi at ipinagtaka iyon ng dalaga.

"Ahmn.. siguro kailangan ko din ng kaunting paliwanag kung bakit kailangan ko siyang iwasan." Sagot naman nito na tila ba sinusukat ang sitwasyon.

"Dahil matagal ko na siyang kilala, at dati ko siyang kaibigan. Kaya naman alam na alam ko na ang likaw ng bituka niya." Salubong ang kilay na sabi nito at saka isinubo ang isang hiwa ng karne sa sariling bibig at muling nag focus sa pagkain.

Naguguluhan parin si Jade, nakatapos na silang kumain at dumating muli ang mga waiter para kunin ang kanilang mga pinagkainan saka pumasok ang isang waitress na may dalang dessert.

Hinintay lamang ni Jade na makaalis ang mga iyong saka siya muling naglakas loob na mag salita.

Iinumin na sana ni Andy ang red wine mula sa hawak niyang kopita ng marinig niya ang mahinang tinig ng dalaga.

"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa dati mong kaibigan, para naman alam ko na dapat ko talaga siyang iwasan. Siguro naman ay okay lang saiyo ang magkuwento, pero kung ayaw mo talaga okay lang din naman hindi kita pipilitin promise." Tila ba naninimbang ito kung ikagagalit niya ang sinabi.

Nag-isip isip rin muna siya habang pinagmamasdan ito, at masasabi niyang tama ito. Kailangang malaman nito ang pagkatao ni Gregory upang hindi ito tuluyang mapahamak.

Matapos Sumimsim sa hawak na kopita ay nagbuntong hininga muna siya bago nag-umpisang magkuwento.

"We're bestfriends since high school, lagi siyang napapaaway dahil sa kayabangan niya at pagkababaero. Ako daw yung super hero niya sabi ng iba, dahil tuwing may gulo siya ako yung nandon para awatin at paalalahanan siya para matigil ang kapraningan niya. Pero nasira yung pagkakaibigan namin sa isang iglap lang." At malungkot ang mga matang tumingin siya sa kawalan at pansamantalang nanahimik.

Nakatitig lamang si Jade sa binata at hinihintay ang bawat salitang lalabas sa labi nito. Pinili niyang bigyang laya ang nararamdaman nito, dahil bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay nararamdaman niya ang pait at galit na kay tagal nitong kinimkim.

Inobserbahan niya ang dalaga at nakita niya ang sinserong pakikinig nito, kaya naman nagpatuloy siya sa pagkukwento. "Si Kyla, siya ang unang babaeng minahal ko. Niligawan ko siya ng apat na taon, hindi kami pero… parang ganoon narin. Sundo sa maga,hatid sa hapon sabay nakain ng recess at lunch. Nagseselosan sa tuwing may lalapit sa sakin o sa kanya. Kaya kahit di niya ako pormal na sinagot, okay lang dahil ramdam namin na mahal namin ang isa't isa. Pero isang araw nanlamig nalamang siya sa'kin at halos ayaw na niya akong nakikita, madalas niya akong pagtaguan. Hanggang sa nalaman ko ang dahilan, nobyo na niya si Greg. Ilang araw siyang niligawan ng lingid sa kaalaman ko, masakit dahil pakiramdam ko ay ginag* nila akong dalawa. Dumaan ang dalawang taon ng hindi kami nag-iimikan ni Greg, nabalitaan ko nalamang na nabuntis niya si Kyla at hindi pinanagutan kaya lumipad agad ito patungong Korea upang itago ang pagdadalang tao niya. Humingi ng tawad sakin si Greg, muli ko siyang tinanggap at pinagkatiwalaan hanggang sa nakilala ko si Samantha at muli akong nagmahal. Ngunit gaya ng una, muli siyang inagaw sa'kin at ang masakit pa nun nawala si Sam." Muli siyang tumigil sa pagsasalita at sumimsim ng red wine, upang kahit na papaano ay mabawasan ang kirot na nararamdaman sa kanyang kalooban.

Malungkot si Jade habang pinakikinggan ang kwento ni Andy alam niyang napakasakit para rito na maagawan ng minamahal kahit na hindi pa naman siya nakakaranas na magmahal. Hindi iisa, kundi dalwang beses pa kaya naman tiyak na doble ang sakit na nararamdaman nito.

Nilakasan niya ang kanyang loob at tinanong niya ito sa mahinang tinig. "Bakit saan ba pumunta si Sam?"

"Nag pakamatay siya…. Ang bali-balita ay pinilit siya ni Greg na makipag-sex, ayaw niyang pumayag kaya naman nung minsang nagkainuman ang barkada sa isang bar ay pinilit siya nitong sumama at nangakong hindi na muli pang-uungkatin ang tungkol doon. Pero yun pala ay isang patibong, nilagyan nila ng drugs ang juice na iniinom ni Sam. To make the story short, he raped her with his barkada. Pinagpasa pasahan nila ang kaawa-awang babae. At ang masakit ay kinunan nila ng video ang nangyari nuong gabi ikinalat nila iyon. Nanahimik si Sam dahil ayaw niyang malagay sa kahihiyan ang buong pamilya niya. Pero ang hindi niya kinaya ay yung kahihiyang ginawa ni Gregory at ng barkada niya."

"Wait hindi ba sila nakasuhan? May video so may ebidensya." Nagtataka niyang tanong kay Andy.

Bahagya namang ngumisi si Andy bago muling nagsalita. "You look so innocent, mayaman ang pamilya ni Greg, maging ang kanyang mga kabarkada. Ginawa nila yung video at in-edit nila lumalabas duon na kusang ibinigay ni Sam ang sarili niya sa mga h***p nayon. Kaya masama ang tingin ng lahat sa kanya. At para maiiwas sa kahihiyan ang pamilya niya ay nag suicide nalamang siya, uminom siya ng maraming sleeping pills at nagkulong sa condo niya. Ilang araw bago natagpuan ang hindi na makilala niyang katawan."

Tinitigan ni Jade ang mga mata ng lalaki, "Kaya ba hinihiling mo na lumayo ako sa kanya?" tanong niya rito. At bahagya itong tumango.

"L—lahat ng minahal k—ko n-nawala sakin ng dahil sa kanya." Pautal utal niyang sinabi rito dahil sa tindi ng kabang nararamdaman. "Ayokong mapahamak ka, tulad nina Kyla at Samantha."

Hindi kaagad nakuha ni Jade ang nais iparating ni Andy. "Pero iba ako sa kanila, dahil sila ay pareho mong niligawan at minah---." bigla siyang natigalann hindi niya naituloy ang sanay sasabihin, muling nag flash back sakanyang isip ang sinabi ni Andy.

"Lahat ng minahal ko ay nawala sakin ng dahil sa kanya. Ayokong mapahamak ka, tulad nina Kyla at Samantha." Ilang ulit itong naglaro sa isipan niya at tila ba nawala siya sa sarili. Hindi na siya muling nakapag salita pa at itinuon ang mga mata sa natitirang dessert na nakahayin sa kanyang harapan.