Hindi alam ni Jade kung bakit ba magaan ang loob niya sa kaharap, kahit na suplado ito alam niya sa sarili niya na pwede itong pagkatiwalaan.
Di tulad ng iba pagnalaman na taga probinsiya siya ay para bang pinandidirian siya o iniiwasan. Kaya nga tanging si Kristel lamang ang kaibigan niya dahil simula ng tumuntong siya sa unibersidad na pinapasukan nila ay ito lamang ang lumalapit sa kanya ng walang ka plastikan.
May mga nakikipaglapit rin naman sakanya ngunit alam naman kaagad niya ang dahilan. Kalimitan ay para lamang magpatulong sa home works nila dahil nga isa siya sa pinaka matalino sa kanilang klase. Ilang beses na siyang pinasasali sa mga beauty contest ngunit tinatanggihan niya pagkat wala naman siyang kakayahan upang umarkila ng gown at magbayad ng make up artist. Yung mga gagastusin para sa contest ay ibabayad nalamang niya sa boarding house na tinutuluyan niya.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng marinig ang boses ng binata at ng tingnan niya itong muli ay nakatayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa. Nakapasok ang kanang kamay nito sa bulsa ng pantalong suot.
"Maiwan ko muna kayo rito, if you want pwede ka munang magpahinga then gisingin ko nalang kayo pagpaalis na sila. Siguro naman at that time eh okay na si Kris, and don't worry sa tinutuluyan mo kung hindi ka nila pag buksan pwede kanaman sigurong makitulog kay Kris." At saka ito lumabas ng silid tanging tango lamang ang naisagot ng dalaga rito.
May kung anong damdamin ang unti unti ay nagpapalambot kay Andy. Simula ng makita niya ang dalaga noon ay humanga na siya sa aking ganda nito ngunit pinilit niyang ikubli iyon. Mas lalong tumindi ang paghanga niya ng malaman niya ngayon ang ilan sa pagkatao nito.
Kung titingnan sa panlabas ay hindi mo iisiping probinsyana ito dahil mas maganda pa ang kutis nito sa mga kakilala niyang anak mayaman. Pag nag-aayos ito ng tulad ngayon ay tunay na kakaiba, walang bakas ng probinsya kang makikita. Isa pa kahit kailan ay hindi siya nanghusga sa tao lalo na kung ang magiging dahilan lamang ay ang pinanggalingan nito. Talaga lamang lagi siyang paiwas at nagsusuplado upang di masyadong lapitan ng kababaihan. Tanging mga kaibigan lamang niya ang nakakasalamuha niya ayaw na ayaw niya ng distraksyon sa kanyang pag-aaral. Ngunit heto siya ngayon iniisip ang mukha ng babaeng kanina lamang ay kaharap at kausap niya. Ipinikit niya ang mga mata at mukha nito ang agad ang sumilay sa kanyang alaala.
"Pre! Ano yan ha lasing na agad? Bweno kami ay mauuna na pero kung gusto mong sumama sa amin pwede rin naman, gusto kasi ng tropa na mag Bar muna tutal eh wala namang pasok bukas. Hindi ka nila mayaya kasi alam na alam nila ang dialogue mo." Tumatawang saad ni Harold sa kanya.
"Thank you pre, pero next time nalang. Na lasing si Kris eh and sa palagay ko di niya kakayaning mag-drive pauwe." Paliwanag niya rito na inakbayan pa ito.
Inihatid ni Andy hanggang sa elevator ang mga kaibigan niya at doon sila nagpaalaman. Nang pabalik na siya sa unit niya ay agad niyang pinag-isipan kung papaanong ihahatid ang dalawang dalaga. Ngunit nagulat siya sa pagbukas niya ng pintuan.
"What are you doing?" agad niyang inagaw ang mga kalat na niligpit ni Jade.
"It's okay sanay ako sa gawaing bahay." Nginitian nito ang lalaki at saka ipinagpatuloy ang gawain. Napatingin ang dalaga sa wall clock. "Ala una na pala ang sarap pa ng tulog ni Kristel."
"If it's okay with you pwede naman kayong matulog rito, tomorrow nalang siguro kayo umuwi. Medyo nakainom rin kasi ako kaya hindi ako makapag offer na ihatid kayo. Alam mo na magaling na ang nag-iingat." Nakangiti rin nitong sabi sa kanya kaya naman ginantihan niya iyon ng ngiti.
Magkatulong nilang tinapos ang mga ligpitin si Jade narin ang naghugas ng mga baso at pinggan na ginamit. Habang naghuhugas siya ay naka tayo sa may tabihan niya si Andy at siyang nagtutuyo ng mga hinugasan niya.
Marami silang nalaman tungkol sa isa't isa. Ayaw ni Andy ng makulit tanging si Kristel lamang ang nakakapangulit dito 4th cousin na niya ito at halos kasabay lumaki kaya naman wala siyang magawa kundi pagbigyan ang kakulitan nito. Nagkaroon na ito ng girl friends pero walang tumatagal dahil sa lagi itong walang oras.
"How about you? If you don't mind…ah…nakailang boy friend ka na?" tanong nito na ikinabigla ni Jade.
"A--ako? Mukha ba akong mahilig magboyfriend?" natatawa niyang balik tanong rito.
"No! ahmn.. what I mean is … maganda ka and imposibleng hindi ka pa nagkaka boy friend." Para namang napapahiyang paglilinaw ni Andy sa kanyang tanong.
"Thank you sa papuri, pero hindi pa talaga ako nagkaka boy friend." Seryosong sagot niya dito.
"Bakit?" naka kunot noo pang tanong nito sa kanya.
"Anong bakit? Hindi ka pa ba nakakakita ng babaeng walang boy friend?" at bahagya pa siyang natawa.
"hindi naman sa ganon, pero… kasi… gaya ng sinabi ko kanina maganda ka, idagdag pa natin na matalino at mabait ka naman… so I think…uhm… Siguro pihikan ka ano?" himig nag bibiro ngunit nagtataka rin nitong tanong sa dalaga dahil hindi niya inakala na wala talaga itong nobyo. Inakala pa nga niya na kaya ito umiiwas sa mga nais manligaw rito dahil may boyfriend na ito.
"Hindi naman sa pihikan. Gaya mo ayaw ko ng distraksyon sa pag-aaral ko. Pinaghihirapan nina Nanay ang bawat sentimo na ginagasto sa akin kaya gusto kong maibalik yun sakanila. Kasi pano kung nagkaboyfriend ako at mawala ang focus ko sa pag aaral. Sayang naman yung scholarship ko kung mawawala diba. Mas priority ko lang talaga ang pamilya at pag-aaral sa ngayon kesa sa pakikipag nobyo." Mahabang paliwanag niya rito habang tinutuyo ang mga kamay sa basahang nakabitin sa pintuan ng ref.
"Saludo na talaga ako sayo, napakabuting anak mo. Alam mo magiging maganda ang future mo kasi ngayon palang maganda na ang plano mo sa pamilya mo."
"Salamat."
"Pano mag pahinga ka na muna at bukas ng umaga nalamang kayo umuwi ni Kris."
"Okay sige, pasensya na sa abala ha at salamat ulit."
"It's okay. Kasalanan naman ni Kris idinamay ka lang hahaha." At inihatid siya nito sa pinto ng silid kung saan natutulog ang kaibigan.
Nang makapasok ay napasandal siya sa likod ng pintuan at napahawak sa kanyang dibdib sa tuwing titingin at ngingiti sa kanya si Andy ay tila ba nalulusaw siyang parang yelo. Hindi niya mawari ang pakiramdam. Nuong suplado pa ito sa kanya at walang pakialam ay humahanga na siya rito ano pa kaya ngayon na kinakausap na siya nito. Nakangiti siyang sumampa sa ibabaw ng kama at tinabihan ang kaibigang natutulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinikap makaidlip.
Sa kabilang silid ay parang batang hindi mapakali si Andy, bakit ba sa tuwing ngingiti si Jade ay natutulala siya. Dati naman wala siyang pakialam sa magagandang babae.
Humahanga siya rito oo pero yung nararamdaman niya ngayon ay kakaiba. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Nahiga na siya sa kanyang kama at pinilit na mawaglit sa kanyang isipan ang babaeng gumugulo rito.
Sinubukan niyang matulog ngunit bigo siya. Napatingin siya sa cellphone niya sa tabi ng kama, inabot niya iyon at tiningnan ang oras mag-aalas kwatro na ng umaga ngunit di parin dalawin ng antok. Nagtalukbong siya ng unan sa mukha at mga ilang saglit pa ay nagpatangay narin sa antok.
Alas nuebe ng umaga, nagising si Andy sa lakas ng tunog ng kanyang cellphone. Tawag iyon na nagmula sa kanyang ina.
"hello mom, goodmorning" bati niya rito.
"Hi son, belated happy birthday. Sorry hindi kita nabati kahapon busy kasi kami dito ng daddy mo. Medyo maraming intindihin maraming meetings." Paliwanag ng ina niya na nasa China ngayon.
"Are you okay son?" biglang may pag-aalala sa tinig nito.
"Yes mom, parang lalagnatin lang ako. Siguro gawa narin ng sipon."
"Inom agad ng gamot ha, at magpa check up ka. Tumawag ka na rin sa ospital at sa school para mainform agad sila na hindi ka makakapasok."
"Okay mom, don't worry to much."
"Okay anak mag pahinga ka at kumain ng marami call your yaya papuntahin mo muna d'yan sa condo para may kasama ka. Sige na anak ibababa ko na ito ha tumawag lang talaga ako para batiin at kumustahin ka. The meeting will be start in a few minutes. I love you so much, take care." Mahigpit ang pag-aalaga ng mommy niya sa kanya nung naririto pa sila sa Pilipinas kaya naman nagdesisyon siyang bumukod na lamang, dahil ayaw niya ng bini-baby siya.
Bumangon na si Andy mula sa pagkakahiga sa kama at saka dumiretso sa banyo niya para maligo. Huli na ng maalaala niya na may bisita nga pala siya nagmamadali siyang maligo at mag bihis saka lumipat sa katapat na pinto at kumatok. Ngunit nakakailang katok na siya ay wala ni isang tugon siyang narinig dahan dahan niyang inilapat ang tainga sa dahon ng pinto, wala kahit isang ingay kaya binuksan nalamang niya ito.
Malinis ang kama ni anino ng mga babaeng natulog dito kagabi ay wala. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina wala ring tao. Napahawak pa siya sa kanyang sintido dahil bahagya itong kumirot. Dumako ang kanyang paningin sa dining table, nakita niya ang ilang pinggan na nakahain at may taklob, isa isa niyang binuksan iyon. Fried rice, egg, bacon at isang cup noodles na wala pang ininit na tubig, ngunit katabi nito ang heater at napansin rin niya ang isang papel na napapatungan ng flower vase. Dahan dahan niya itong kinuha at binuklat upang basahin.
Doc. Andy,
Thank you sa pa papatulog mo sa amin. By the way nag handa ako ng almusal mo para makabawi manlamang sa pang-aabala naming dalawa ni Kris saiyo last night. May cup noodles din diyan lagyan mo nalang ng hot water, para matanggal yung hangover mo.
Anna Jade😊
Napangiti siya ng mabasa ang sulat at sinunod niya ang sinabi nito. Matapos lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay inintay niya itong lumambot at saka siya kumain ng almusal. Hindi na siya tumawag sa ospital o sa school dahil nasisigurado naman niyang maayos na siya bukas.
Samantalang pangiti ngiti si Jade habang naka higa sa kanyang maliit na kama pinilit niyang makatulog kaninang madaling araw ngunit isang oras lang ang naging tulog niya kaya naman ipinaghanda na lamang niya ng almusal si Andy.
Nang makatapos siyang magluto ay siyang gising naman ni Kristel na nagmamadaling umuwi kaya hindi na rin sila nakapagpaalam pa sa binata. Hanggang ngayon ay naaalala parin niya ang mga papuri na nagmula sa binata at kinikilig parin siya rito. Hanggang sa maka tulog ay iyon parin ang naglalaro sa kanyang isipan.
Dumaan ang ilang linggo naging malapit na sila sa isa't isa. Hindi na ito kinukulit pa ni Kristel para makisabay sa lunch or merienda nila, dahil kusa na itong lumalapit sa kanila para sumabay, ilang beses rin na ito mismo ang naghintay sa kanila sa canteen dumating sila na nakaorder na ito para sa kanilang dalawa ng kaibigan. Masasabi niyang maganda ang kanilang naging simula.
Hanggang sa isang araw ay nakiusap ito kay Kristel na ito na ang maghahatid sa kanya pauwi sa boarding house dahil may gusto raw itong sabihin sa kanya. Hindi niya mawari ang nararamdaman pagkat wala siya ni katiting na ideya kung bakit gusto siya nitong makausap. Kaya naman lunch palang ay hindi na siya nakakain ng ayos at hindi mapakali, binibilang niya ang oras sa isip. Papalapit ng papalapit ang oras ng uwian at natutulala nalamang siya napansin ito ng kaibigan kaya naman agad siyang hinila nito sa isang sulok ng nurse station.
"Bff may problema ka ba? Kasi napapansin ko kanina kapang tulala pati yung lunch mo hindi mo na inubos. Nag-aalala na ako sayo, magsabi ka lang kung masama ang pakiramdam mo ha." Seryosong sabi pa nito at hinimas himas pa ang kanyang likuran.
"Kris okay lang ako, ano ka ba?" Pagtanggi niya, ayaw niyang malaman ng kaibigan na kinakabahan siya dahil lamang sa ihahatid siyang pauwi ni Andy.
"Are you sure? Eh bakit ka nagkakaganyan?" Muling tanong pa nito.
"promise wala ito, naaalala ko lamang sina Inay, Mamang, Papang at ang kapatid kong sing kulit at sing daldal mo si Jodi." Iyon na lamang ang dahilan na naisip niya upang hindi na siya nito kulitin pa, at mukha namang nakumbinse niya ito.
Samantalang hindi narin maintindihan ni Andy ang gagawin habang lumalapit ang oras ay kinakabahan siya. Hindi ito normal para sakanya sapagkat ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. "bakit ba ako kakabahan wala namang masama na ihatid ko siya pauwi, sana lang ay masabi ko sakanya ang nais kong sabihin, sana hindi ako abutan ng hiya at kaba." Bulong niya sa sarili. At muling ibinalik ang atensyon sa kanyang gawain.
Dumating ang oras ng uwian at dumiretso na sa nurse station si Andy para sunduin si Jade at bahagya pa siyang napaurong at agad nagkubli sa isa sa mga haligi ng ospital na iyon.
Nakita niya si Dr.Perez kasama ang anak nitong si Gregory na ipinakikilala kay Jade at nagulat siya sa sarili ng makaramdam ng inis lalo na ng makitang nakipag kamay dito ang dalaga. May pagkapresko si Gregory kilala niya ito dahil kaklase niya ang binata, nakita pa niyang hinalikan nito ang kamay ni Jade.
Makikita ang pagkailang sa mukha ng dalaga lalo na ng ayaw pang bitawan ng binata ang kamay nito. Kaya naman lumabas siya sa pinagkukublihan at marahang lumapit sa mga ito, tumikhim ng malakas upang maagaw ang atensyon ng tatlo agad siyang lumapit kay Jade at tiningnan ng makahulugang tingin sa mga mata. Saka ipinulupot ang kanang kamay sa bewang ng dalaga at hinapit niya ito palapit sa kanya, bahagya niya pa itong hinalikan sa sintido na ikinabigla rin ng huli.