Masayang masaya ang lahat ng matapos ang kasal ni Jodi at Richard. Hindi nila iniisip na darating pa ang sandaling ito sa buhay ng kanilang pinaka mamahal na bunso. Sa dami ng pagsubok na dumaan sa buhay nito walang makapag sasabing heto siya ngayon at masaya na sa piling ng lalaking kanyang minahal.
Agad lumipad patungong Japan ang mag asawa, hindi para sa honeymoon kundi para puntahan ang magaling na cardiologist.
Nais makasigurado ni Richard na wala na silang aalalahanin pa ayaw niyang muling manganib ang buhay ni Jodi. Hindi mawaglit waglit ang tingin ni Jade sa larawan ng kanyang nag-iisang kapatid, nais niyang yakapin ito ng mahigpit. Tunay ngang pinagpala ito sa buhay, sapagkat ngayon masasabi nilang wala na silang dapat pang ipag-alala sa kalagayan nito dahil hindi lamang sila ang mag aalaga rito.
Marahang lumapit ang kanyang ina sa kanya at nakitingin sa mga larawan ng bagong kasal na kaka-deliver lamang sa mansion nina Richard.
"Kay sarap pagmasdan ng mga ngiti ng iyong kaptid hindi ba? Kitang kita ang kinang sa kanyang mga mata maging ang pag ibig nila sa isa't isa ay madarama mo sa tuwing sila ay mag titinginan." Madamdaming pahayag ng kanyang ina.
"Nay, sa palagay mo po ba kung hindi ako nag kamali noong una sa mga desisyon ko sa buhay ay suswertihin rin ako katulad ni bunso?" nahihiya niyang tanong sa kanyang ina.
"Alam mo Jade, napakabuti mong kapatid, anak at ina sa iyong mga anak. Nag kamali ka man noong una, alam kong magagawa mo paring ayusin ang sarili mong buhay. Maaari mong itama ang pag kakamaling iyon at sana huwag mong pag sisihan sapagkat kung hindi ka nagkamali noon ay wala tayong Jaden at Jadelyn na ubod ng kukulit ngayon."
"Nay kahit kailan naman po ay hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng mga anak, ang pinagsisisihan ko lamang po ay di ako pumili ng magiging ama nila. Puso ko ang aking pinairal at hindi ang isip. Kung sana ay nakapag hintay ako ng tamang panahon natapos ko sana ang aking pag-aaral at natulungan ko kayo upang makaahon sa hirap."
"Huwag mo nang balikan ang nakaraan Jade, dahil kung patuloy mo iyang iisipin ay hindi ka matatahimik. Alam kong puno ng galit ang puso mo anak, ang hiling ko lang sana saiyo ay matuto kang mag patawad. Pagkat pag nangyari iyon alam ko magiging maganda ang daloy ng iyong buhay. Mag-aral kang muli Jade, magtutulungan kami ng iyong Mamang upang matapos mo ang iyong kurso tutal naman ay iisang semestre na at makaka graduate ka na at mabibigyan mo ng magandang buhay ang iyong mga anak." madamdaming saad ng kanyang ina.
"Pag iisipan ko po Inay."
Sa loob ng silid na inoukupa ng mag-iina ay pabalik balik na naglalakad si Jade, nang mapagod ay naupo siya sa sofa at pinagmasdan ang natulog na kambal. Muling bumalik sa kanyang alaala ang kanilang nakaraan.
Maayos ang kanilang pamumuhay noong siya ay bata pa, sa Maynila napiling manirahan ng kaniyang Ina pagkat dito ito ibinili ng bahay ng kanilang ama. Masaya silang namumuhay noon, ayon sa mga kwento ng kanyang Mamang (lola Zenny) ay masagana sila sa lahat, pagkat mayaman ang kanyang ama.
Nang malaman nito na nag dadalang tao ang kanyang ina sa kanya ay agad itong bumili ng bahay at lupa at iniuwe sila roon mula sa Quezon. Hindi agad naipakilala sa kanilang angkan ang kanyang ina sa pagkat may kulturang sinusunod ang angkan ng kanyang ama. Isa itong purong intsik at nag iisang anak na lalaki kaya naman nais ng magulang nito na intsik rin ang maging asawa nito. Nanatiling lihim ang pag sasama ng kanyang mga magulang kung kaya hindi na umalis sa tabi nila ang kanilang lolo at lola.
Dumaan ang mga panahon na tila ba nag nanakaw nalamang ng oras ang kanyang ama upang sila ay mabisita sa kanilang tahanan. Sa mga panahong iyon rin ay nalaman ng kanyang ina na nagdadalang tao na ito sa kapatid niyang si Jodi.
Muling napadalas ang pag uwi ng kanilang ama hanggang sa makapanganak ang kanyang Nanay, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan ay nag laho na ito ng tuluyan hinintay lamang na mapabinyagan ang kanilang bunso at dina muling nag pakita pa. Ang tanging paalam nito ay may aasikasuhing negosyo sa ibang bansa at babalik rin ka agad.
Isang araw ay sinugod nalamang sila ng ilang kalalakihan at sapilitang pinalayas sa kanilang tahanan. Dahil wala sa pangalan ng kanyang ina ang lupa at bahay na kanilang tinitirhan ay wala silang nagawa kung hindi ang bumalik nalamang sa kanilang probinsya. Doon ay namuhay sila ng tahimik sa tulong ng kanilang mga lolo, at lola na kahit minsan ay hindi maririnig na sinumbatan o pinag salitaan ng hindi maganda ang kanyang ina. Nagtulungan ang tatlo upang mabuhay silang dalawa ni Jodi.
Maraming pag subok ang dumating sa kanilang buhay ngunit kanilang nalampasan. Hanggang sa dumating siya sa kolehiyo pinili ng kanyang Ina na sa Maynila siya pag-aralin dahil masmalaki raw ang posibilidad na matanggap agad siya sa trabaho kung sa magandang paaralan siya mag mumula. Sariwa pa sa kanyang mga alaala ang lahat.
"Jade this is my friend future doctor yan kaya bagay na bagay kayo, Andy Lee Yhang. And Andy this is my best friend Anna Jade Chen."
Pakilala ni Kristel sa kanilang dalawa.
Nag kamay naman sila bagama't nahihiya si Jade ay di niya iyon ipinahalata. Si Andy naman ay tila walang pakialam sa lahat mukha itong seryoso at laging naka kunot ang noo. Matangkad, gwapo at maputi ito, mga katangian na pagnakita ng mga kababaihan ay sigurado ng pag kakaguluhan at pag aagawan.
"Nice to meet you Miss Chen, by the way mauna na ako sa inyo may dadaanan pa ako sa library." Malamig ang boses at walang kagatol gatol na pamamaalam nito sa dalawang dalaga, ni hindi nito hinayaan na makapag salita si Jade at agad narin itong tumalikod patungong library.
"Sorry bff ha, sadyang ganyang ang personality niyang si Andy pero maniwala ka sa akin pag nakuha mo na ang loob niyan paniguradong magkakasundo kayo." Hinging paumanhin ni Kristel sapagkat napahiya ito sa inasal ni Andy sa harapan ni Jade.
"Paano mo naman nasabing mag kakasundo kaming dalawa gayong ni hindi nga niya ako tinapunan kahit isang sulyap. Sayang magandang lalaki na sana kaso suplado."
Nag rereklamong pahayag niya kay Kristel.
"Magkakasundo kayo kasi pareho kayong baliw hahaha…. baliw sa mga libro. Yung tipong pag kaharap na ang libro ay parang wala nang ibang naririnig at nakikita kung hindi mga letra hahaha." Pang aasar ng kaibigan sa kanya, tama ito siya ang tipo ng babae na mas gugustuhing magbasa maghapon kesa sumama sa barkada upang gumimik.
Dumaan ang mga araw nag OJT na sila sa ospital kung saan naka assign din si Andy, para namang magnet kung makakapit itong si Kristel kay Andy kung kaya wala na rin itong magawa kung hindi ang sumama sa kanila sa canteen sa oras ng miryenda o kaya naman ay tanghalian.
Naalala ni Jade kung paanong nahulog ang loob ni Andy sa kanya. Minsan isinama siya ni Kristel sa condo ni Andy dahil birthday daw nito. Wala siyang nagawa sa mga oras na iyon kahit ayaw niyang pumunta.
"Bff samahan mo ako sa condo ni Andy mamaya ha please…." Pakiusap nito habang pinatutulis ng husay ang sariling nguso upang magpaawa sa kaibigan.
"Ano kasi eh… Bff sorry ha, pero baka hindi ako makasama medyo madami kasing kailangang review-hin alam mo naman diba exam na natin next week." Tanggi naman ni Jade sa paanyaya ng kaibigan.
"Pero sandali lang tayo doon at promise ko sayo hindi tayo magtatagal iaabot ko lang ang ragalo ko kay Andy then aalis agad tayo."
"Tingnan ko muna ha, siguro hihintayin ko rin muna ang tawag ni Nanay para makapag paalam narin ako. Saka kailangan ko talagang makausap si Nanay kasi kulang na kulang yung naipadala nila ni Mamang nung isang araw dahil magbabayad pa ako sa boarding house at hindi ko naman pwedeng galawin yung pang tution fee ko dahil mag-eexam na nga tayo." Problemadong pahayag ni Jade sa kaibigan.
"Don't worry na sa pang bayad sa boarding house okay tutulungan kita doon, pahihiramin kita basta samahan mo lang ako please sige nanaman Jade, alam mo ba bff tatanda kang maaga niyan wala ka ng ginawa kung hindi ang mag aral minsan naman dapat relax relax din no." Pangungulit ni Kristel rito. Anak mayaman rin ito at sobra sobra ang allowance na ibinibigay ng mga magulang rito dahil nag iisang anak na babae ito at bunso pa, kaya naman lahat ng naisin ay nakukuha nito.
"Bff pwedi bang pag-isipan ko muna?" tanong ni Jade na may pag-aalinlangan talaga sa kalooban, oo at gusto niyang makita si Andy ngunit yung katotohanan na makakaapak siya sa condo nito ay di niya lubos maisip kung kakayanin ba niya pagkat nahihiya siya rito. Ayaw niyang may masabi ang lalaki sa pagpunta niya sa condo nito. Pinalaki siya ng kanyang ina na palaging ibinibilin na hindi dapat tumatapak ang babae sa bahay ng isang lalaki kahit kaibigan niya ito.
"Sige pag-isipan mo pero bago ang lahat eto ang cellphone ko saiyo na para hindi ka laging naka abang sa landline ng boarding house sa pagtawag ng pamilya mo." At iniabot nito ang isang paper bag na maliit kay Jade.
Tinanggap niya ito at binuksan napanganga siya ng makita ang laman niyon. Ang cellphone na araw araw ngang dala ni Kristel at may kasama pang charger at bagong case.
"ah…Bff ano ah… hindi ko matatanggap ito, pasensiya na pero alam ko kasing napakahalaga ng mga gamit mo sayo, sobrang mahal kaya dapat ingatan at alagaan. Natatakot akong makigamit dahil baka makasira pa ako eh… wala akong ibabayad." Nalilitong pagpapaliwanag niya habang iniaarong pabalik ang paper bag sa kaibigan.
"No but's bff. Hindi ka naman makikigamit, It's yours na binilhan kasi ako ni mommy ng new phone and ano namang gagawin ko diyan itatambak ko sa drawer ko. Much better kung ibibigay ko sayo para may magamit ka." Taos sa pusong paliwanag naman ni Kristel kay Jade.
"Naku nakakahiya naman talaga eh. Lagi mo nalamang akong tinutulungan sa lahat ng bagay at hindi ko na alam kung paanong mababayaran ka pabalik sa mabubuting bagay na ibinigay at ipinakita mo sa'kin." Maluha luha pa ito habang sinasabi ang nararamdaman.
"Sus! Huwag ka ng magdrama dyan kaibigan! Samahan mo nalang ako mamaya okay na sa akin ang lahat, Bayad ka na hahaha."
"bina-blackmail mo ako bff?" tanong niya habang tuamatawa.
"Oo bff kaya wala kang magagawa kung hindi ang samahan ako." At nagkatawanan ang dalawa.
Ayawman ni Jade ay napa oo siya sa kaibigan, dahil sa laki ng naitulong nito sakanya simula ng maging magkaibigan sila ay hindi niya ito magawang tanggihan. Ngunit may gumugulo sa kanyang isipan, Ano kaya ang magiging reaksyon ni Andy pagnakita siya nito? May munting pag-asa na sumibol sa kanyang damdamin. "Sana ay pansinin o batiin manlamang niya ako." Bulong niya sa sarili, dahil sa tuwing sabay sabay silang kumakain ay hindi mo ito kakikitaan ng reaksyon sa mga taong nakapalibot rito.Sabi nga ni Kristel bilang at pili ang barkadang sinasamahan nito. Ngunit kahit ganoon ay patuloy niya itong hinahangaan, oo humahanga siya kay Andy. Hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi dahil sa nakikita niyang dedikasyon nito sa pag-aaral. Alam niyang imposible siyang mapansin nito dahil kakaiba siya sa mga babaeng nakapalibot rito. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila ba umaasa parin siya na matatapunan kahit isang sulyap lamang ng binata.