Chapter Four --> CampBarkada
Harrysen Bautista Point of View
MAKALIPAS ang ilang oras na byahe, papuntang Batangas ay nakarating na rin kami rito. Ginising kaming lahat ni Kriston at Ericka. Pagkatapos ay pinalabas na kami sa van at bumungad sa amin ang isang gate na may kalumaan na rin at may nakasulat ritong CampBarkada. Binuksan ito ni Ericka at pinasok naman ni Kriston ang Van sa loob kasama ang lola nito at ang bunsong kapatid na natutulog pa.
"Welcome guy's to CampBarkada" sabi ni Ericka ng mabuksan ang gate.
"Bakit pa tayo bumaba Ericka, kung ipapasok rin lang naman yung Van" sabi ni Queeny na halatang antok na antok pa sa byahe.
"Guys, gusto ko kasing makita niyo yung maganda rito, para na rin mabuhay ang ispirito niyong natutulog pa" sabi nito.
"Ehh pagod na kami ehh, at saka 2'clock pa lang ehh" pagmamaktol ni Queeny habang tinitingnan ang relo.
"Ede tara na, simulan na natin ang paglalakad para madali na tayong makapunta sa tutulugan natin" sabi ulit nito.
At nagsimula na nga silang maglakad. At hindi nga ito nagkamali napakaganda ng lugar na ito, mukhang makakabuhay talaga ng katawan, sabay pa rito ang malamig na simoy ng hangin, sa gilid naman ng side walk ay may mga puno kaya malilim ang aming nilalakaran.
"Wow, naman" sabi ni Queeny na mukhang nabuhayan nga ng kaluluwa at pinuntahan ang direksyon ng mga bulaklak at nag selfie, pinicturan rin nito ang mga bulaklak habang hawak nito.
"Ohh diba Queeny, nagustuhan mo yung mga beautiful views dito" sabi ni Ericka kay Queeny na napatigil sa kakaselfie.
"Alam mo naman ako the, bihira magpalit ng profile pict sa Facebook, kaya hayaan mo na lang ako" sabi naman ni Queeny. At hinayaan naman ang mga itong mag selfie sumama rin naman sa selfie si Ericka, kaya nauna na siya ritong maglakad. Napatigil ako ng mahagip ng mata ko ang Lover sa grupo namin.
"Babe, selfie rin tayo" sabi sa matinis na boses ng babae na alam kong si Mandy iyon kasama ang kasintahan si Alexander, pumwesto ang mga ito sa may puno at nag selfie.
"Sure, babe" sabi naman ni Alexander kay Mandy.
Nauna na lang akong maglakad sa kanila. Pero ng malayo layo na rin ako sa kanila ay kumaha rin ako ng letrato tama naman kasi si Queeny kanina bihira nga lang naman magpalit ng profile,
PAGKATAPOS ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa van na sinakyan namin kanina. Nakita niya naman si Kriston na naglalabas ng mga gamit nila, huli na ang bag niya sa loob ng van kaya siya na ang kumuha dahil may mga maaaring mabasag. At pumunta naman siya sa gilid ng van kung saan naroon si Kriston at nakaupo sa naka bukas na pinto ng van at hinihingal habang sa baba nito ay may dalawang bag na mukhang kay Queeny at Ericka.
Pagkatapos ay tumayo ito at tinahak ang pinaglalagyan nito ng mga gamit nila.
"Mukhang pagod ka ata man ha!!!" sabi ko rito at napatingin naman ito sa kinaroroonan ko.
"Mga walang hiya kayo, ang babagal niyo" sabi nito. "Hinayaan niyong ilabas ko sa van na ito ang mga gamit niyo" dagdag pa nito.
"Bakit bro, sino ba nagsabi sayo na ilabas mo na mga gamit namin ha!!!" sabi ko habang natatawa.
"Sino pa ba, ede yung babaeng kinaiinisan ko" sabi nito na muling tinahak ang pinaglalagyan ng gamit namin.
"Baka naman yung babaeng minamahal mo" sabi ko sa kanya.
"Gago" sabi nito na kinatawa ko dahil sa inis sa pagmu-mukha nito. "Kahit kailan hindi ko yon mamahalin ni magustuhan ko iyong babaeng yon ay hindi ko tatangkain"
"Hahaha, Alam mo Kriston, gasgas na yan ehh, lagi mo na lang yan sinasabi sakin, lalo na kung may pinag iinitan kang chicks" sabi ko rito at nilapitan at inakbayan ito. "Dadaanin mo sa pang iinis tapos pag napaiyak mo na to, don mo na dadamove-san"
"Hoy pare, hindi naman ahh lahat ng naging jowa ko ay nadaan ko sa pagiging sweet at gentleman ko" pangangatwiran nito.
"Oo sabihin na natin na nadaan mo nga sila sa pagiging sweet at gentleman mo, pero bago mo magawa yon ay iniinis mo sila at sa papaiyakin ang mga ito" sabi ko ulit.
"Ericka, picture-an mo ko sa part na to bhe, maganda yung background dito sigurado ako" rinig namin mula sa likod na ang nagsa-salita ay si Queeny.
"Mamaya na, Queeny, at pagod na pagod na ako" sabi ni Ericka kay Queeny. At lumapit ito sa amin at tiningnan si Kriston. "So, Tapos mo na ba, ilabas lahatng gamit namin" sabi nito na nakaitaas pa ang isang kilay.
"Sa tingin mo, Ericka hindi pa, pagod na pagod na siguro yung maganda kong katawan, ano!!!" sabi ni Kriston na itinaas pa ang damit at pinakita nito ang abs kahit may Babae sa harapan nito. "At hagard na hagard na ang gwapo kong mukha" sabi pa nito na hinawakan pa ang baba ni Ericka para ipatingin sa mukha nito na inilapit pa hanggang sa kasing laki na lang ng hinlalaki and distansiya ng mga labi nito at mukhang ramdam na ng bawat isa ang hininga ng mga ito.
"Ohh, bakit hindi ka makakibo Ericka. Tumingin ka sa gwapo kong pagmu-mukha" sabi ni Kriston kay Ericka.
"Oo sabihin na natin na gwapo ka, oo hindi ko yun ipagkakaila, pero may mas matindi pa dyan ehh" Sabi ni Ericka na hinaharap na ito.
"Ano pa yun, Gummy Bear ha, anu pa yun" sabi nito kay Ericka na hindi man lang nagpadala dahil halatang hindi na ito na shocked sa sasabihin ng kaibigan. At mukhang alam na rin naman kasi nito ang mga sasabihin.
"Ano pa iyon?" sabi nito at nagpunta sa likod ng kaibigan at pagkatapos ay humarap sa likod nito. At ang kaibigan naman niya ay tumayo ng tuwid at humarap sa dalaga. "Ede iyang pagiging badbreath mo" sabi nito habang inilalapit ang mukha kay Kriston at si Kriston naman ay napalayo ang mukha at inamoy ang bibig.
Nagulat ako sa sinabi ni Ericka kay Kriston dahil, hindi naman iyon totoo, malinis sa katawan ang kaibigan. At never itong nagkaroon ng mga masamang amoy sa katawan. Pero kahit ganon ang alam niya tungkol sa kaibigan ay natatawa parin siya sa sinabi ni Ericka.
"Wala naman ahh, walang hiya ka masyado akong malinis sa katawan, para magkaroonng badbreath" sabi nito na nilalapit ulit ang mukha nito sa mukha ng babae.
"Wala ka ngang badbreath" sabi nito at nag-iwas ng tingin at pagkailang sigundo ay tumingin ulit ito kay Kriston. "Pero amoy cheese naman iyang bibig mo dahil kinuha mo at kinain mo yung sitsirya ko sa bag habang natutulog ako" sabi ulit nito na kinagulat ni Kriston. At ito naman ang umiwas ng tingin.
"Hindi ahh, baka nalaglag lang bago tayo umalis, baka nahulog sa bahay nina Harrysen" mukhang nagsisinungalin ang kaibigan sa dalaga dahil hindi na ito makatingin kay Ericka.
"Kriston ako ang huling lumabas ng bahay, at wala naman akong nakitang kahit na anong maaaring maiwan niyo, sabihin mo na lang kasi ang tototo, besides halata naman sa manggas mo na may pinunas kang pagkain na natira dyan sa bibig mo." sabi ko, wala naman talaga kasi akong napansin na kahit na anong bagay na maiiwan ng mga ito.
"See, Kriston kahit na si Harrysen ay alam iyang katakawan mo" sabi ni Ericka.
"Hindi naman sinabi ni Harrysen na matakaw ako ha, sabi lang niya na may mantya ako sa manggas ko" sabi nito sa boses na pangbata. Ito kasi ang pang inis pa lalo sa mga taong inaaway niya.
Ericka is Giggled "Bahala ka na nga diyan" sabi nito at iniwan ang kaharap at pumunta naman sa kaniyang direksyon "Harrysen eto susi ikaw na magbukas sa harapan, pupunta lang ako sa likod" sabi ulit nito at binigay na sa akin ang susi na kinuha ko naman. Nang makapunta na sa likod si Ericka ay siya namang pagdating ng iba nilang kasama.
"Ang ganda sa lugar na to ha, in fairness" sabi ni Queeny "Ohh, guys bakit di pa kayo pumapasok"
Pagkasabi non ni Queeny ay pinakita ko ang susi ng bahay at pinatunog iyon. "Ikaw na lang magbukas Queeny, pakidapala na lang ng gamit mo sa loob, para naman makabawas sa ibang dadalhin namin" sabi ko at binigay na ang susi kay Queeny na kinuha naman nito at dali- daling pumunta sa front door ng bahay, hindi naman matuturing na bahay lang ito,mala mansion ang style nito, dahil labas pa lang ay pang-mansion na.
Pumasok na rin ako at dinalana ang ibang bag na dapat ko nang ipasok, Si Kriston naman ay sumunod na sa akin na dala dala rin ang ibang bag na naiwan sa labas. Nang binaba ko na ang mga bag namin ay tinulungan ko sina Queeny na magbukas ng bintana. Pagkatapos ay pinuntahan ko ang pintuang na mukhang pinto sa likod at pagkabukqs ko nga ay nandoon asi Ericka na nakaupo sa isang upuan.
"Ohh, Ericka binuksan na namin yung mga bintana at pinto" sabi ko.
"Ahh, ganon ba" sabi nito. "Magpahinga na muna kaya tayo"
"Mabuti pa nga, pagod na rin ako ehh dahil sa mahabang byahe natin" sabi ko naman habang hinihimas ang leeg na masakit na talaga. "So tara na sa loob kasi ikaw yung may alam rito. Saan pala kami matutulog, mukhang maraming kasing kwarto ang bahay na ito ehh"
"Osige, tara na, ituturo kona kung saan kayo matutulog" sabi nito at nauna na maglakad
"Sandali lang Ericka, wala bang namamahala rito, wala kasing tao mula ng dumating tayo hanggang ngay---" natigil ako sa sasabihin ko dahil nakarinig kami ng tili na mukhang mula kay Queeny. Nagkatinginan kami ni Ericka sa narinig at tumakbo sa lugar kung nasaan ang tumili.
Pagkarating namin ay nakita namin si Queeny na may pinapalo na dalawang tao na isang matandang lalaki at bababe. "Sino kayo, layas layas layas..... Guys aswang!!!" sabi ni Queeny sa dalawang matanda na mukhang nasa 60-70 na ang edad. May mga uling ang mga mukha nito kaya siguro inakala ni Queeny na aswang.
"Aray ko iho, maghunos dili ka nga" sabi ng matandang lalaki na mas marami ang uling sa mukha kesa sa babaeng matanda "Sino rin ba kayo, at pumasok kayo sa bahay na ito"
"Ako po yung unang nagtanong, kaya kayo po muna ang sumagot" sabi ni Queeny.
"Ako ho si Edwardo Magsaysay o Mang Ador, ang taga-pamahala sa bahay na ito, habang wala ang may ari ng CampBarkadang ito" sabi ng matandang lalaki. "At ito naman ang asawa kong si Cecilia Magsaysay" sabi nito. Ng marinig namin iyon ay lumapit na kami ni Ericka sa mag asawa, kasabay naman niyon ay ang pagpasok sa bahay nina Kriston, Mandyzon at Alexander.
"Wow Mang Ador kapangalan ko po kayo" sabi ni Queeny habang palapit na kami sa kanila.
"Ahh ganon ba, Ador din palayaw mo" sabi ng lalaking matandang lalaki na nagngangalang Mang Ador.
"Sa ganda ko pong to Ador ipalayaw Mang Ador. Ano po yon Ang Probinsyano, kakambal ako ni Cardo" sabi ni Queeny na kinatawa naman ng matandang babae. Na sinabayan naman naming lahat. "Tawang- tawa sila ohh" sabi ulit nito.
"Ahm, hello po" sabi ni Ericka. "Kayo po pala sina Mang Ador at Manang Selya"
"Sino ka Eneng, sino ba kayo, at bakit kayo narito" sabi ng matandang babae na tiwanag naman ni Ericka ng Manang Selya.
"Ahh, ako po si Ericka Anderson, pamangkin po ako ni Tito Mark Anderson" sabi ni Ericka sa dalawang matanda.
"Ahh ikaw ba yung dalaga na dinala niya rito noong nakaraang taon" sabi nito. "Abay ang dami mo naman agad na magbago"
"Hindi naman po" sabi naman ni Ericka.
"Sus, eneng totoo naman ehh, mas gumanda ka nga lalo" sabi ni Manang Selya.
"Salamat na lang po Manang Selya, at saka nga po pala bakit po ba ganyan pagmu-mukha niyo puro uling" sabi ni Ericka. "At saka po wala kayo kanina ng dumating kayo, pumasok na nga lang kami para na rin makapahinga na ehh!!"
"Pasensiya na kayo di na kami nakapaghilamos, nasunugan kasi kami ng bahay" sabi ng matandang babae na si Manang Selya.
"Ahh kayo po ba yung nasunugan don sa malapit rito" sabi ni Kriston, nakita na pala nito ang nangyari di man lang sa amin sinabi.
"Ikaw Kriston wala ka man lang sinabi sa amin" sabi ko.
"Ehh Tulog kayo whh, ayaw ko naman kayong gisingin" sabi nito.
"Ikaw talaga, ang sama mo" sabi naman ni Ericka sa pabulong na boses pero maririnig parin kahit malayo at sa boses nito ay halata ang galit na nararamdaman
"Oo iho amin ang isang bahay doon. Ehh naisipan naming dito na muna tumira, kasi wala naman kasi kaming matitirhang iba sa ngayon" sabi ng Mang Ador. "Wala naman sigurong problema kasi, tagapamahala naman kami rito di bha, at wala rin naman sigurong problema sayo dibha Eneng" sabi ulit nito.
"Ahh, syempre po, walang problema lalo na't pinagkakatiwala naman sa inyo itong bahay ni Tito Mark" sabi ni Ericka. "Mabuti nga po iyon at magkakaroon kami ng mga kasamang mas kabisado ang lugar na ito"
"Ahh Ok iha, Ohh sige na muna maghihilamos na muna kami, at ipapasyal na namin agad kayo rito" sabi ni Manang Selya.
"Bukas na Manang Selya, Masyado ng hapon ngayon at pagod na rin kami, I think, we need to rest, and afyer that we just preparing for our Dinner" sabi ni Ericka. "Right guys" sabi nito na tiningnan pa kami at tinanguan ko naman at ang iba ay ganun din ang ginawa ng iba kahit ang couple sa aming grupo. Masyado akong naiirita sa dalawang ito, mukhang ayaw talaga maghiwalay. Huli kong pinansin ang mga ito noong nagse- selfie ang mga ito, at hanggang ngayon ay ang lalandi parin ng mga ito.
"Ohh sige Eneng, kami na lang pati maghahanda ng pagkain niyo mamaya" sabi ni Manang Selya.
"Wag na po Manang Selya, nakakahiya na po ehh" sabi naman ni Ericka.
"Wag ka ng mahiya sa amin eneng, tutal pamangkin ka naman ni Sir. Mark ehh" sabi naman ni Mang Ador.
"Ohh sige po, ahm... Magpapahinga na po kami Mang Ador at Manang Selya, diyan na muna po kayo. Bye" sabi nito sa dalawang matanda.
"Ohh sige, Eneng" sabi ng dalawa.
"Ahh, tara na guys" sabi ni Ericka sa amin at sumunod na kami pataas sa hagdan papuntang second floor. "Ahh, boys diyan kayo sa left matutulog, kami namang girls sa right" sabi nito.
"Ahh Ok" sabi ni Queeny. "Tara na Ericka".
"Sinong nagsabi sayong sa amin ka sasama ha!" sabi ni Ericka.
"Sabi mo dito sa right yung girls" sabi ulit nito.
"Girl ka ba?" tanong naman ni Mandyzon kay Queeny.
"Ahh Oo" sabi nito, at tiningnan namin ito ng hindi kaaya-aya at hindi umimik. "Oh!! Sige na dito na ako sa left side matutulog, pero wait may guest room namandito dibha don na lang ako" sabi pa nito.
"Don ko na sila Manang Selya patutulugin, at kung may tanong pa about sa isa pang kwarto sa baba ehh sorry ka na lang, ayaw nina Tita Melanie at Tito Mark na may ibang matutulog sa room nila" sabi ni Ericka.
"Aw anu?" sabi nito. "Ede dito na talaga ako, bakit ba ilan lang ang bedroom nito ang laki ng bahay ehh ilan lang yung kwarto" sabi pa ni Queeny.
"Kasi ayaw nina Tito Mark na maraming anak, kaya nga dalawa lang, room for girl and room for boy" sabi naman ni Ericka.
"Ano ba yan?" pagmamaktol na ni Queeny.
"Queeny, tumigil ka na nga, wala naman kaming gagawin sayo" sabi ni Kriston.
"BAKIT?, BAKIT?" sigaw nito.
"Bakit ano?" tanong naman ni Alexander.
"BAKIT wala" sabi nito. Nagkatinginan kami nina Kriston at Alexander sa sinabi ni Queeny.
"GAGOO!!!" Sabay- sabay na sigaw naming tatlo.
"Tara na nga kayo, hayaan niyo na yang Ador na iyan" sabi ni Kriston.
"Sinong Ador, my name is Queeny" sabi nito. Iniwan na namin ang ito kasabay rin ng pag punta ng girls sa kanilang kwartong pagpapahingahan.
Pagkapasok namin sa loob ay nakita namin na may dalawang higaan na kasya ang dalawa o tatlong tao. Nahiga na ako sa isa at si Kriston naman ay umupo sa kabila, sila daw ni Alexander ang magtatabi at kami naman ni Queeny ang magkatabing matutulog, hindi naman kasi ito bastos sa amin.
Pagkailang minuto ay naramdaman ko na ang antok, kaya umayos na ako sa pagkakahiga at pagkailang segundo ay nakatulog na talaga ako, pero kahit tulog na ako ay nalaman kong may tumabi sa akin na alam kong si Queeny. Na hindi ko na pinansin dahil na rin sa pagod sa byahe at antok na rin kasi ang kaluluwa ko.
A/N: May mga typing error po itong bawat chapter na na susulat ko kaya sorry na lang kasi nabobored po kasi akong mag- edit minsan. Wish ko na ma- understand niyo.
Please Vote and Comment po.....