Chapter Nine -->> HINALA
Ericka Anderson Point of View
NAGLALAKAD- lakad ako sa likod ng bahay dito ng makita ko si Alexander na pumunta sa isang tagong lugar dito. Sinundan ko ito dahil, masama ang kutob ko rito. Ng maabutan ko na ay narinig kong may tinawagan ito.
"Hello Pa" sabi nito sa telepono, may papa pa pala siya akala ko wala na, akala ko hindi na niya tinuturing na ama. Lalapit na sana ako ngunit naisipan kong hayaan na muna ito, at umalis na lang ngunit narinig ko pa itong nagsalita na kinataka ko. "Sorry Pa, napagtanto ko kasi na hindi pa ito ang time para gawin natin ang binabalak, siguro hayaan na muna natin silang magpakasaya, tutal nandito naman sila para magpakasaya pa diba" sabi nito. Lumapit ako ng konti para mas marinig ko pa ang usapan ng mga ito. "Oo naman Pa" sabi pa nito. Hindi ko marinig ang boses ng katawag- tawagan nito, pero tinatawag niyang itong Pa, ama siguro niya talaga iyon pero ano yung binabalak nila. Masama iyon o mabuti, ohh baka naman hindi dapat kabahan pero hindi naman yun maiiwasan ehh sabi ko sa isip ko. "Ohh sige Pa, basta ia-update na lang kita" sabi pa nito. Pagkatapos non ay tinawag ko na ito, para hindi rin naman niya ako paghinalaan na nakiki tsismis sa kanya.
"Alexander" tawag ko rito, na aakalain mo sa boses na sa boses ko ay hindi pa dito kanina. Alam ko kasing parang may mali, kaya nagpanggap akong walamg narinig.
"Ohh, Ericka" sabi nito sakin
"Anong ginagawa mo rito" sabi ko naman dito.
"Wala, may tinawagan lang ako" sabi ito. "Kanina ka pa ba riyan"
"Hindi naman, sino palang tinawagan mo" tanong ko naman rito.
"Kung ano man yang iniisip mo" sabi nito. "Hindi yan totoo, hindi ko niloloko si Mandy" sabi nito na mas kinataas ng kilay ko. Para na rin hindi ito mag- isip ng iba.
"So, bakit ka nagtatago rito" sabi ko rito.
"Hindi ako nagtatago no, dito lang talaga malakas yung signal" mukhang
nagsisinungaling ito sakin. Kayq inulit ko ulit ang tanong ko rito.
"So bakit ka nga nandito" sabi ko na nga dito.
"Sinabi ko na nga di ba, may tinawag lang ako" sabi ulit nito. Alam kong naiinis na ito sa akin, kayya pinaulit ulit ko na lang yung tanong ko rito.
"So, bakit nga dito" sabi ko pa rito na kinainis naman nito.
"Okay, dito ako tumawag kasi dito malakas yung signal" sabi nito. "Diyan ka na nga" at iniwan na nga ko rito.
"Bwisit" bulong nito sa sarili pero narinig ko naman at alam kong ako ang sinabihan nito.
Iba ang hinala ko rito, kahit kailan naman talaga pero, wala akong tiwala sa lalaking ito. Oo sabihin na natin na, boyfriend to ni Mandy pero never akong nagkaroon ng tiwala rito. Kung tutuusin ang mas gusto kong maging boyfriend ni Mandy ay si Harrysen, hindi lang naman sa pagiging mabait nito, sa pagiging matalino nito, pero syempre alam kong mas karapat- dapat ito sa kaibigan ko.
Pero hindi naman ako yung dapat na magdecide para sa nararamdaman ng kaibigan ko diba. Kaya tahimik lang ako, ipakikita ko na lang sa mga ito na support ko relationship nila.
At dahil nga sa natuklasan ko, naisipan ko na dapat na malaman ito ni Harrysen, alam kong may maaari itong maisip na gawin para malaman namin na tama ang hinala ko rito. Na may iba itong balak sa amin.
Harrysen Bautista Point of View
NAKAUPO ako sofa dito sa sala ng hilahin ako ni Ericka papuntang kwarto ng Tito Mark nila, sabi niya bawal pumasok rito, pero bakit nagpunta kami rito, tinatanong ko kung anong gagawin namin doon pero hindi ito nagsasalita.
"Bakit ba tayo rito nagpunta, Ericka" tanong ko rito. Umupo naman ako sa kama at umupo rin naman ito.
"May sasabihin ako sayo" sabi nito sakin na kinataka ko, parang napaka halaga naman kasi niyon.
"Ano naman iyon, bakit parang mahalaga naman, at tsaka bakit dito pa diba bawal tayong pumasok rito, sabi mo" sabi ko rito.
"Syempre kailangan walang ibang makakarinig, tayo lang muna makaka alam, lalo na at bawal ito malaman ni Mandy" sabi pa nito.
"Ano ba kasi yan, ano buntis ka at si Kriston ang ama, alam niyo naman na bata pa kayo, gumagawa na kayo ng himala" sabi ko rito, at sinapak naman ako nito. "Hoy Ericka, masakit yun ha, bakit mo ginawa yun sakin"
"Ang OA mo kasi, at saka hindi ako buntis no, hindi ko pa nga nakikita yung ano niyon ehh" sabi nito sakin.
"So gusto mong makita" pang iinis ko naman rito.
"Gago" mura nito sakin.
"So, ano nga yun, ha" sabi ki rito at nilagay ang mga braso sa may dibdib at pinagcrus iyon. Nagbutong- hininga naman ito bago magsalita.
"Pano ko ba to sisimulan" panimula nito.
"Try mong simulan sa gitna, o kaya sa hulihan para mas may intense" sabi ko naman rito at pinaningkitan ako ng mata nito. "Okay, simulan muna na nga lang" sabi ko na lang rito at nagbutong-hininga ulit ito.
"Okay, ahm" sabi nito. Mukhang mahirap talagang simulan kung ano man ang sasabihin nito. "Si Alexander" sabi naman nito na kinataka ko naman. Anong meron naman sa lalaking iyon.
"Ohh, anong meron don kay Alexander" sabi ko naman rito.
"May iba akong hinala sa lalaking iyon, parang may tinatago siya sa atin" sabi naman nito.
"Paano mo naman nasabi yan Ericka" sabi ko naman rito. Totoong may iba sa lalaking iyon pero gusto ko munang marinig kung ano mang dahilan nito para pag isipqn niya ng ganito ang lalaking iyo.
"Okay, narinig ko siya kanina, may kausap sa phone niya tinatawag niya itong Pa--" pinatagigil ko muna ito dahil papa lang naman pala ang tinatawagan nito.
"Wait Ericka" sabi ko na nga. "Anong naman masama kung tawagin niya ang Papa niya" sabi ko naman rito. Oo nga naman kasi anong masama doon.
"Akala ko wala na siyang ama" sabi pa nito.
"Meron, hindi niya lang tinuring na ama" sabi ko naman rito. "So ano naman nga ang masama dun Ericka"
"Narinig ko kasi siya, sabi niya napagtanto kasi niya na hindi pa daw iyon yung time para gawin nila yung binabalak nila. Hayaan daw muna tayong magpakasaya, tutal nandito naman daw tayo para nga magpakasaya" sunod- sunod nitong sabi.
"Nung tatawagan ko si Mama Bago mag camp fire tayo. Nakita ko si Alexander sa likod nong malaking puno, tinatawagan niya rin yung sinasabi mong Papa" sabi ko rito. "Pero before ko siyang tawagin may narinig rin ako sa kanya. Sabi niya narito yung dalawa Pa, sinama nila rito kaya wala sila diyan" pagpapatuloy ko naman rito.
"Ha, sino naman yung dalawang iyon" sabi nito."Sa tingin mo sino kaya sa atin yung dalawang iyon"
"Ewan ko, pero sa tingin ko si Mandy at Angela iyon" sabi ko naman rito. Sa aming lahat naman kasi sila lang ang may karanasan na masama, at naranasan nila ito noong patayin ng sarili nilang tito na si Tito Andrae nila na saksi naman sila roon.
"Paanong magiging sina Mandy at Angela iyon, na magjowa yung dalawa, hindi naman siguro kaya ni Alexander na saktan si Mandy lalo na't mukhang mahal na mahal nito si Mandy" sabi naman nito.
"Ericka, hindi ko naman sinasabi na sina Mandy at Angela iyon, sabi ko sa tingin ko lang. Malamang naman kasi na ikaw o si Kriston iyon, ano yun may makiki- third wheel sa inyo" sabi ko naman rito at minura naman ako nito. "Syempre hindi naman kami ni Queeny iyon, ewan ko lang kay Queeny, pero alam ko na wala akong kaaway, matapos ng nangyari sa amin ni Mandy noon, wala na akong naka away" sabi ko pa rito. Nagbutong-hininga naman ito at umupo na sa tabi ko.
"Hindi ko alam pero, kinakabahan ako. Ayaw ko naman kasi na umuwi tayo ng may masamang nangyari dito. Baka sisihin niyo pa ako na kung hindi na lang tayo nagpunta rito, ehh di sana walang nangyari sa atin" sabi naman nito. Nilagay ko ang kamay ko sa balikat nito at pinaharap sa akin.
"Ericka, wag ka ngang mag- isip ng ganyan" sabi ko rito, para macomfort na rin. "Walang mangyayaring masama sa atin, at kung meron man, hindi mo yun kasalanan, besides masaya naman tayong pumunta rito ahh. Baka nga magpasalamat pa ako sayo, kasi pumunta tayo rito, at ng dahil doon kaya masaya ako" sabi ko pa rito. "Pero kung meron ngang masamang mangyari sa atin, ede siguro, dapat na lang tayong mag-ingat, mas maging secured tayo sa isa't- isa, para wala ng masamang mangyari sa atin" sabi ko pa rito.
"Sana nga walang mangyaring masama sa bawat isa sa atin" sabi naman nito at may pumatak na luha sa mata nito.
"Walang mangyayaring masama sa atin, Ericka. Huwag kang mag- alala narito naman kami ni Kriston para bantayan kayo" sabi ko pa rito. At nagpunas naman ito ng luha niya. Ng mapunasan na talaga ni Ericka ang kanyang luha ay may narinig kaming tumatawag sa aming dalawa mula sa labas ng kwartong ito, kaya lumabas na kaming dalawa.
"Hi guys" sabi ko ng makalabas na kami ni Ericka, lumapit naman si Kriston at Queeny sa amin pero may konting kalayuan pa sa amin, at may mga pagtatakang nakatingin sa amin.
"So, bakit kayo nandiyan sa loob, akala ko ba... bawal pumasok diyan" sabi naman ni Queeny habang mataray na nakatingin sa amin ni Ericka. "Anong ginawa niyo, ha" sabi pa nito.
"Wala!" sabay na sabi namin ni Ericka at nagkatinginan naman kami nito. "Ano ba kayo, wala naman kaming ginawang masama, nag- usap lang naman kami" sabi ko sa mga ito.
"Nag-usap? Ehh, bakit diyan pa kayo nag-uusap sa loob, diba bawal tayo diyan pumasok" mataray parin na sabi sa amin ni Queeny at lumapit ito sa amin.
"Okay!" sabi lang naman nito at tumalikod na. Pagkatapos ay humarap uli ito sa amin at sinampal ako na kinagulat ko at ng katabi kong si Ericka.
"Bakit, ginawa mo yun" sabi ko rito, mabuti nga't hindi ako bad mood kung hindi baka matutulog na ito.
"Walang hiya ka Harrysen Bautista" sabi nito in my full name. "Kailan pa kayo nagtataksil sa akin ha, sabi mo Harrysen ako lang ang mamahalin mo. Na ako lang ang iibigin mo, pero ano to nagtaksil ka, ano bang hindi ko pa nabibigay sayo ha" sabi pa nito sa akin.
"Can you please, Queeny, wag ka ngang mag-isip ng ganyan" sabi ko rito. "And huwag ka ngang mag- assume walang tayo, diba nung nerd pa ako pinagtabuyan mo na ako, sabi mo hindi ka papatol sakin. Kaya wag kang mag acting diyan na parang girlfriend ko" sabi ko rito, natakot ako na baka masaktan ko to sa sabihin ko pero mukhang hindi naman ito nasaktan sa sinabi ko.
"Ayy, Oo nga pala, sorry practice lang, malay mo magkatotoo" sabi naman nito habang kinikilig- kilig pa.
"Ano ba Queeny, minsan tigil- tigilan mo na nga yang kakabasa mo sa Wattpad ng BxB stories, mukhang naiimpluwensiyahan ka na kakaisip na mangyayari iyon sa totoong buhay ehh" sabi ko rito. "Queeny, storya lang iyon, hindi iyon totoo"
"Nakakahiya naman sayo, Harrysen. Parang hindi ka pa nagbasa ng BxB" sabi naman nito na kinatigil ko. Well Oo nakapagbasa na ako pero isa lang iyon. Na- curious lang naman ako ehh.
"Well Oo, pero one time lang yun" nasabi ko na nga.
"Ohh at least, nag try kang basahin iyon, at Harrysen gusto mo bang sabihin ko sayo na nakita na kitang pinapanood yung Mga Batamg Poz" sabi nito, nakita pala niya ko noon. "Ang wait, alam ko pang nasa library mo yun sa Wattpad, nilagay mo pa nga sa reading list mo ehh, at alqm kong may libro ka pa non" sabi pa nito.
"Well ang ganda kasi ng story niya, kahit na BxB yun, maanda yung story" sabi ko pa rito.
"Sus, palusot sabi pa nito, diyan na nga kayo" sabi nito at umalis.
"Harrysen, sunod na ako kay Queeny, ha. Iyong pinag usapan natin tayo lang makaka alam non ha" sabi naman nito at tinanguan ko lang ito. At sumunod na nga ito. Binaling ko naman ang attention ko rito kay Kriston na nakayuko at mukhang masama ang aura. Alam ko na to nagseselos to.
"Hey Bro" sabi ko rito.
"Don't call me Bro" sabi nito at tumalikod na at naglakad palayo sa akin. Sabi ko nagseeslos to. Tinawag ko ito pero hindi ito lumingon sa akin. Bagkus ay tinahak ang destinasyon patungo sa aming kwarto.
"Bro ano ba" sabi ko rito ng pumasok na kami sa kwarto.
"Akala ko ba, walang kayo, akala ko ba... Ang kay Kriston ay kay Kriston at ang kay Harrysen ay kay Harrysen" sabi nito ng hindi lumilingon sa akin,bagkus ay nakatalikod ito sa akin ng sabihin niya iyon.
"Oo naman bro, ang sayo ay sayo at ang akin ay akin" sabi ko naman rito, alam ko na kung saan naman to tutungo ehh.
"Ehh, bakit mukhang kayo na" sabi nito.
"Anong kami, walang kami. At kung kami naman, ano namang sayo" pang- iinis ko rito.
"Pre, sana sinabi mo na lang sakin matatanggap ko naman ehh, o kaya nagpaligsahan na lang tayo, na kung sino man ang manalo sa atin ede kanya na" sabi nito.
"Ehh kung sabihin ko sayong... hindi na yan kailangan" pang-iinis ko pa rito.
"Bakit, kayo na ba?" sabi pa nito na mukhang ilang segundo na lang ay iiyak na ito. First time ko tong nakita tong umiyak ng dahil lang sa isang babae.
"Sa tingin mo?" tanong ko rito, na mukhang dahilan na nga ng pag-iyak nito, dahil yumuko na ito. Lumapit naman ako rito, at inakbayan ito. "Bro, bakit ka naman umiiyak diyan" sabi ko rito.
"Alam mo Bro, ngayon mo lang naramdaman na magmahal ng ganito, pero mukhang kailangan ko na tong tapusin to, kasi nanalo ka na ehh" sabi nito at humarap na sa akin at nilagay sa harap ko ang kamay nito. "Congratulation Bro" sabi nito na kinatawa ko naman. "Bakit ka naman tumatawa diyan, ha" sabi pa nito habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Wala lang, ang drama mo kasi ehh" sabi ko rito.
"So ano nga kayo, hindi naman pwedeng wala lang" sabi pa nito.
"Okay, friends, were only frie-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na ito.
"Friends with benefits" sabi nito na kinagulat ko naman, bakit niya naman iyon iisipin, pero mabuti na nga lang at parehas kaming nasa mabuting kalagayan pa, kung hindi siguro ay baka nagpatayan na kami nito.
"Hindi Bro, never akong titikim sa mahal ng buddy ko" sabi ko rito at inakbayan ito. "Huwag mo kasing isipin na merong kami, kasi ang totoo walang kami. At kung meron man, ano naman sayo, sayo ba siya"
"Tama ka Bro, wala rin ngang kami." sabi nito at yumuko na naman. Mukhang magiging iyakin to, ngayon at sa mga susunod na araw.
"Ligawan mo na kasi" sabi ko naman rito dahilan para tumingnin sa akin.
"Pano naman, alam mong mortal enemy turing non sa kin ehh" sabi pa nito, habang nagpupunas ng luha s mata.
"Bro, kailan ka ba hindi nagka jowa, na hindi mo naka away" sabi ko rito.
"Pero ibang iba siya sa lahat ng mga naging girlfriend ko. At lahat ng iyon ay nasaksihan niya" sabi nito. "Sa tingin mo, papatol pa iyon sa akin"
"Bro ikaw naman ang may dahilan ehh, ikaw ang pumili na maging ganyan ugali mo. Kriston alam mo, sa story lang yang mga yan nangyayari, na kapag ikaw na bully ay nagustuhan ng girl na katulad ni Ericka, story lang yun Bro, pero ikaw ang bahala malay mo naman magkatotoo, sayo." sabi ko rito. Minsan talaga hindi ako naniniwala sa mga story sa wattpad, kahit na sabihing napaka adik ko roon. Hindi na kasi ako naniniwala na ang maganda o gwapo ay mapupunta sa pangit, ang bad boy maiinlove sa palaban na girl, nagbabasa man ako ng ganon pero minsan lang ako naniniwala, kung ako ngang dating nerd hindi nagustuhan ng nagandang girl, ehh pero kahit siguro nagbago na ako wala namang nagbago, ang mahal parin niya ay yung lalaking minahal talaga niya.
"Bro, ganun yung pinili kong ugali sa pagda- moves sa girl kasi yun yung ideal man nila" sabi nito, mabuti pala nag pause muna to bago magsalita.
"Ede bahala ka, mukhang may gusto naman si Ericka sayo" sabi ko rito.
"Sa tingin ko" sabi naman nito na makikita sa mukha nito ang pagka inosente. Tinanguan ko na lang ito bilang tugon. Ilang segundo ay hindi ito nagsalita pero binali niya lang iyon at nagsalita at tumingin sa akin. "So, Bakit nga pala kayo nasa kwarto ng Tito niya, diba bawal pumasok doon" sabi nga nito.
"Wala lang, at saka hindi naman ako ang may gustong doon kami mag- usap siya, siya yung may gustong doon kami mag- usap, siya kaya yung nanghila sa akin doon para doon mag usap" sabi ko rito.
"Ano nga kasing, pinag usapan niyo" sabi nito na may konting galit sa boses nito. Iba pala si Bro panagseselos. Nagbutong-hininga muna ako bago magsalita.
"Gusto mo bang malaman ang pinag-usapan namin ni Ericka" sabi ko pa rito.
"Yes Bro, I need to hear that" sabi nito na mukhang nae- excite na.
"Ahh, okay, buntis si Ericka at ikaw ang ama" sabi ko rito. At mukhang nagalit ito sa akin at hiniga ako sa kama at sinakal ako nito.
"Gago ka ba Bro, wala pa ngang nangyayari sa amin nabuntis ko na agad iyon, baka ikaw naman ang ama tinatago mo lang" sabi nito na sobrang galit sa sinabi ko.
"Joke lang yun Bro, joke lang" sabi ko rito, dahilan para tigilan nito ang pananakal na ginagawa niya sa akin.
"Harrysen, kung tinuturing mo yun na joke, hindi sa akin. Kasi gusto ko pa yun maasawa na walang nagagalaw" sabi nito sa akin. "Ikaw Harrysen, kung nalaman mong nabuntis si Mandy ni Alexander anong gagawin mo" sabi nito sa akin.
"Simple lang, papatay ako ng tao" sabi ko rito at tiningnan ito ng masama.
"At iyon ang gustong gawin ko sayo" sabi naman nito sa akin at nagtawanan naman kami. Para kaming mga batang nagtatawanan. Natapos naman iyon at naging pormal ang tindig ko at nagbutong-hininga bago pa magsalita.
"Okay Bro, napag usapan naman na natin si Alexander" sabi ko rito.
"Ha! Ano namang meron kay Alexander" sabi naman nito. Alam kong magtataka eto sa narinig niya mula sa bibig ko.
"Diba gusto mong malaman yung pinag- usapan namin ni Ericka" sabi ko naman rito.
"Oo pero ano namang meron doon kay Alexander, bakit naman siya yung pinag- usapan niyo" sabi nito.
"Hayy, pano ko ba to sisimulan" sabi ko hindi ko talaga kasi alam kung paano sisimulan ang sasabihin. "Okay, ahh!! Si Ericka, narinig niya yung pinag- usapan ni Alexander at ng Papa niya"
"Ohh diba, hindi na nga niya yun tinuturing na ama" sabi naman nito. Usa pa nga iyon wala nga silang closure, pero mabuti naman siguro yun, pero syempre may kakaiba kasi ehh.
"Oo nga, pero iyon nga mukhang napatawad na niya ang ama niya" sabi ko naman rito.
"Ohh ano naman sa atin yun, it's great sa kanila kasi may closure na iyong mag- ama" sabi naman nito.
"Actually hindi lang naman iyon yung iniisip namin ni Ericka ehh" sabi ko pa rito.
"Ehh, ano pa bang meron kay Alexander" sabi naman nito. Nagbutong-hininga ulit ako bago magsalita.
"Narinig niya ngang kausap ni Alexander ang ama niya, and ang sabi nuto sa papa niya, na, napagtanto ni Alexander na hindi pa ito ang time para gawin nila ang binabalak, siguro hayaan na muna daw tayong magpakasaya, tutal nandito naman nga tayo para magpakasaya" sabi ko rito sa saktong sinabi rin sa akin ni Ericka.
"Baka naman maganda iyong binabalak na iyon, malay mo may surprise pala siya kay Mandy" sabi naman nito.
"Ehh pano mo naman maipapaliwanag sa akin, yung narinig ko rin bago ako magpunta sa bon fire at mag-ihaw ng marshmallow ha" sabi ko naman rito.
"Ano naman yun, ha" sabi naman nito.
"Sabi niya, nandito raw yung dalawa, hindi namin alam kung sino ang tinutukoy niya sa dalawa" sabi ko rito.
"Anong dalawa" sabi naman nito.
"Mukhang hindi yun ano, Bro. Kundi maaaring sino ang tanong Kriston" sabi ko rito. Pagkasabi ko noon ay bumukas ang pinto at niluwa ang pinag uusapan naming tao na si Alexander, kinabahan ako sa nangyari, at natatakot na rin na baka narinig nito ang pinagsasabi ko kay Kriston na tungkol sa kanya.
"Ohh, bat parang nakakita kayo ng multo" sabi naman nito sa amin.
"Ha, wa-wala lang. Ahh kanina ka pa diyan" sabi ko naman rito.
"Ahm, hindi naman, bakit?" sabi naman nito.
"Wala lang" tipid na sabi ko pa rito.
"Ahh, sige may kukunin lang ako" at pumunta na nga ito sa may bag niya at kumuha roon ng damit at nagpunta na sa CR. para magpalit. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ito. "O sige bye" sabi pa nito at sinara na ang pinto. "At tsaka pala mga ilang minuto na lang daw kakain na tayo" tumango na lang kami rito at umalis na ito.
"Sa tingin mo narinig kaya tayo" sabi ko rito.
"Aba'y ewan ko sayo. Pero kung may narinig man yun, sure ako na magsusumbong iyon kay Mandy, Bro" sabi naman nito.
"Tara na nga lang Bro, bumaba na tayo at kakain na" sabi ko pa rito at tumayo na at lunabas sa kwarto namin.
Please Vote and Comment po.....