Chereads / More than a Friend / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Chapter Twelve -->> ALALANG- ALALA

Mandyzon McBride Point of View

NANG TUMAAS na ako rito sa aming kwarto, ay naisipan ko na lang munang matulog ngunit ayaw naman ng kaluluwa ko. Dahil na rin siguro iyon sa kakaisip ko pa rin sa bagay na kanina ay pumasok sa isip ko. Ang tulang iyon kasi ang pinaka masakit na narinig ko sa kanya, mas masakit pa nga iyon kesa sa mga sinabi niya ng umamin na siya sa akin ehh. Pagkatapos rin pala ng kakaisip ko roon ay makakaramdam ako ng antok. Kaya naisipan ko nang ipikit ang aking mata, pero bago pa iyon ay may nakita na akong nagbukas ang pinto. Ang niluwa niyon ay si Harrysen. Ano na naman kayang gagawin nito rito. Sa kadahilanang gusto kong malaman ang gagawin nito ay nagtulog- tulugan na lang ako. Naramdaman ko naman na umupo na siya sa tabi ko, pagkatapos ay nagbutong-hininga bago magsalita.

"Ayos ka na ba Mandy, kung hindi pa idadala ka na namin sa ospital ha! baka kung ano na yang nararamdaman mong iyan ehh" concern parin pala siya sa akin kahit may kakaibang tension sa pagitan namin. Akala ko kasi non, simula ng iba na yung pakikitungo namin sa isa't-isa, wala na siyang pakialam sa akin. Palagi kasi niyang pinapamukha sa akin na hindi na niya ako kailangan pa sa buhay niya.

"Alam ko kung anong iisipin mo, kung harap- harapan ko tong sabihin sayo, sigurado ako na iisipin mo at sasabihin mo na kung may pake ba ako, pero syempre alam kong hindi ka naman maniniwala. Paano mo ba naman paniniwalaan yung mga sasabihin ko, lalo na kung katulad ng. Ganito!" Alam ko naman na concerned ka pa sa akin ehh, kaya wag ka namang mag-isip ng ganyan. Kilala kita, kaya wag mo namang isipin yan. Kahit naman kasi may tampuhan kami hindi naman nagbago yung tingin ko sa kanya, siya parin naman yung kinilala kong boy best friend.

"Isa pa, napakarami ko sayong pinamumukha sa school, hindi ko naman iyon sinasadya ehh, sorry kung pinapamukha ko sayo yon, gusto lang sigurong ipamukha sayo na sinayang mo ako, or should I say BINALEWA" ouch, sakit non. Ganon ba talaga tingin niya. Akala ko natural lang iyon, kasi bago naman siya umamin sa akin, ehh ganon naman talaga kami. Nagpapaligsahan palagi.

"Kung naririnig mo lang rin iyon siguro iisipin mo na natural lang ang iyon. Mali ka. Kasi una pa lang pagpapakitang- gilas na iyon. Pero ng magka- alaman na, alam mo hindi na iyon yung iniisip ko, sabi ko kasi sa sarili ko nong mga days na yon, kailangan ng magbago, isa na iyon sa nagbago, ang pagpapakitang- gilas ko sayo noon ay tinuring ko ng pagpapamukha dayo na may isa kang binalewala. And ayon nga I decided na baguhin ang lahat and that is because of you. Thanks ha!, you are the reasons why I'm here now, sa kalagayan kong to ngayon" salitag lang pala ako pa yong dahilan ng pagbabago niya. So Nice, pero nakakalungkot lang kasi miss ko na kung ano siya dati.

Pagka- ilang segundo pa ay wala na akong narinig na boses mula rito. Hanggang sa bumukas na ang pinto. Napatayo naman ito, at nagsalita na ang pumasok sa pinto.

"Ohh, Harrysen, bakit ka narito sa kwarto nina Mandy" sabi nito, na mukhang si Alexander.

"Ahh, wala lang. Inutusan lang ako ni Kriston na dalhan ko ng gamot si Mandy" pagkasabi non ay naisipan kong bumangon.

"Ohh, anong ginawa niyo rito" inosenteng sabi ko. At pagkatapos ay bumaling naman sa akin ang mga tingin ng mga ito. Kitang kita ko rin sa mga mata ni Harrysen ang pagkagulat, marahil iniisip nito na kung may narinig ako sa mga sinabi niya. Lumapit naman sa akin si Alexander.

"Babe, ayos ka na ba! Dalhin ka na kaya namin sa ospital" sabi ni Alexander ng tuluyan ng makalapit sa akin.

"Huwag na Babe, ayos lang naman na ako ehh"

"Sige, Labas na ako" sabi naman ni Harrysen. Ng malapit na man na ito sa pintuan ay tinawag ito ni Alexander.

"Harrysen, nasaan na pala yung sinasabi mong gamot" tanong ni Alexander. At kinuha ang gamot na sinasabi nito sa kanyang bulsa at binigay iyon kay Alexander.

"Eto pala ohh, sige dito na ako" at tuluyan na nga itong lumabas rito sa silid.

"Babe, oh. Inomin mo na tong gamot na to"

"Siguro Babe, maya na ako iinom niyan, tulog na muna siguro ako" sabi ko rito.

"Pero Babe..." hindi na nito tinapos ang sasabihin dahil tiningnan ko ito sa mata niya at pinaka na okay lang ako. "Sige na nga" at humiga na nga ako sa higaan ko, kinumutan naman ako rito kaya pinasalamatan ko ito. "Pahinga ka na ha! eto yung gamot, inumin mo na lang Babe." kinabahan naman ako sa pagkasabi nito ng pahinga, parang may ibang ibig- sabihin iyon. Pero hindi ko na lang iyon inintidi, bakit naman niya iisipan ako ng ganon.

"Labas na muna, ako Babe, tawagin mo na lang kami kung may kailangan ka ha" pagkatapos ay hinalikan ako nito sa ulo ko. Tinanguan ko na lang ito, pagkatapos ay lumabas na ito. Pinikit ko na lang ang aking mata at madali naman akong dinalaa ng antok. Hanggang sa nakatulog na nga ako.

Queeny Point of View

"Ahh guys, dito lang ba talaga tayo" sabi ko sa mga kasama ko rito. Kasalukuyan kaming nasa sala at nanonood ng TV. nabobored na kasi ako kaya.

"Ehh saan naman tayo pupunta, wala naman tayong alam dito" sabi naman ni Harrysen, habang nakatingin sa cellphone niyo. Sigurado ako Wattpad na naman iyan. "Ikaw Ericka, may alam ka bang malapit ditong pwede nating pasyalan" at binalingan naman nito ng tingin si Ericka.

"Wala ehh, baka sina Mang Ador merong alam" sabi naman ni Ericka rito.

"Akala ko ba Camp Barkada tawag rito, ehh bakit parang hindi naman to Campsite" taray na sbi ko rito.

"Ehh kasi, hindi nam--" hindi na ni Ericka natapos yung sasabihin nito dahil may nagsalita na mula sa likod ko.

"May alam akong falls malapit rito, gusto niyo bang puntahan" sabi nga ni Mang Ador. Nagkatinginan naman kami ni Ericka sa sinabi ni Mang Ador, at tumingin ulit rito at tumango na lang para sa pagsang- ayon sa sinabi nito. "Pero tanghali na ehh, siguro mga two o'clock na lang tayo pumunta, may gagawin rin ako ehh"

"Osige ho, Mang Ador, tulog pa naman si Mandy ehh, kaya mamaya na, masyado pang mainit para maglakad tayo papunta don" sabi naman ni Kriston, habang nagse- cellphone rin, siguro nagmo- Mobile Legend to at si Alexander kaya ganyan.

"O sige ho, Mang Ador, mga two o'clock na lang tayo, pupunta don" sabi ko naman rito.

"O sige na rin ha, dito na muna ako, at may gagawin pa ako ehh" sabi naman nito at umalis na.

"Sana maganda, yung falls dito, para makakuha tayo ng magandang ipopost sa Facebook, Instagram, sa Tweeter, sa Grindr..." natigil naman ako sa sinabi ko.

"Nagga- Grindr ka?" Tanong naman ni Kriston. Hindi naman ako nakapag- react agad sa sinabi nito. "Diba gay app yan, way pati yan para magmeet kayo diba, tapos hanggang sa may..." natigil ito sa sinasabi habang nage- ML at tumingin sa akin ng nakakaloko.

"Hoy, Kriston. Kung ano man yang iniisip mo, hindi yan totoo, Oo nakikipag meet ako, pero hanggang don lang iyon. Kung alam ko namang may iba g pakay iyon kameet ko, umaalis na ako no." sabi ko rito, totoo naman ehh, kung alam ko naman ng may pakay sa aking iba yun ehh, umaalis na ako.

"Baka naman Queeny, meet tayo minsan" biro nito sa akin. Wow ha seriously. Naghanap naman ako ng mababato rito at nakita ko yung malapit na unan sa akin, kaya ayun, binato ko rito. Tawang tawa lang naman ito.

"Yuck! Nagga- Grindr ka. Eww, lalaki rin pala yung gusto mo" sabi naman ni Ericka.

"Hindi no, eskera inuuto kosi Queeny, at tsaka sayang naman tong kagwapuhan ko kung magbabakla lang ako no" sabi pa nito at nagreact naman kami ni Ericka na parang nasusuka sa sinabi nito tapos tatawa. "Grabe naman tong mga to, Harrysen ohh inaaway nila ako" sabi pa nito at pinulupot ang kamay sa braso ni Harrysen, nainis naman si Harrysen sa ginawa nito.

"Pwede ba Kriston, tumigil ka nga. Kita mong nagbabasa ako ehh, ang ingay ingay pa" sabi naman ni Harrysen. Inalis pa nito yung kamay ni Kriston na nakapulupit sa braso niya.

"Iyan, iyan kasi ehh, umamin ka na Kriston, tatanggapin ka naman namin ehh, si Queeny nga tinanggap namin, ikaw pa kaya." sabi naman ni Ericka rito. At dahil nga sa napasok sa usapan namin yung Grindr, may naalala akong hindi ko malilimutan.

FLASHBACK

NASA application ako ng Grindr at naghahanap ng gwapong makakameet. Pero wala man lang akong natitipuhan ngayon. Ilang beses naman na akong nakipag meet, pero lahat yun epic fail, hindi ko kasi talaga sila matype-an. Wala sa kanila ang hinahanap kong lalaki. Puro lang sex ang habol ng mga una kong nakameet. Kaya pag alam kong iyon na ang habol ng mga makakameet ko ay umaalis na ako. Mabuti nga at hindi na nila ako sinusundad at kinalkaladkad gaya ng iba kong gay friends. Aalis na sana ako sa app na iyon ng may makita akong nagmessage, kaya tiningnan ko muna, ng tingnan ko na nga ay galing kay King iyon ang pangalan niya o alter dito sa app, binuksan ko iyon.

(Yung nakapahilig o naka- slanting is ung kachat ni Queeny)

"Hi Ms. Queeny" iyon ang nabasa kong message niya.

"Hello" tipid na reply ko naman rito.

"You know what, sayang ka, may taglay ka pa namang kagwapuhan pero mukhang bottom ka"

"Wala kang pake, bakit? nanghinayang ka ba kasi mas gwapo yung bottom, kesa sayo!!!" Hindi ito nagreply, baka totoo yung sinabi ko. Natawa lang alo sa inisip ko. Ilang segundo pa ay nagsend lang to ng picture. Niya Napanganga naman ako sa sinend nito, tiningnan ito mula sa baba ng pic hanggang taas. Mala adonis ang katawan, may six pack abs, maputi, gwapo, matangos pa ang ilong, may pagkasingkit ng konti lalo na ay nakangiti ito, may pagkaredish pink at manipis na lips, at perfect na gums ang white teeths.

"Oh, tama na yang titig sa pic ko" natauhan naman ako sa nireply nitom

"Bakit sa tingin mo ba maniniwala akong ikaw yan, poser ka"

"Gusto mong malaman, let's meet, treat ko naman ehh"

"At bakit naman ako makikipag- meet sa isang stranger ha!"

"To know what's the truth"

"I don't need to know the truth, because I have so many man that I meet before, at hindi ako natuwa sa kinalabasan non"

"So Let's meet"

"Okay" hindi ko alam kung bakit ako umoo, trinay kong i-delete pero bago pa iyon ay may natanggap na naman akong message mula rito.

"Oh, pumayag ka na, wala ng bawian ha!" Nakakainis talaga

"Hindi, wrong send sorry" pagsisinungaling ko.

"Kahit wrong send pa yan, let's meet, if you want susunduin kita sa inyo"

"Huwag na"

"Basta hihintayin na lang kita, malapit sa inyo, okay bukas"

"Bukas, sige bye na" pagkatapos ay umalis na ako sa site na iyon at in-off ko yung phone ko para wala na talaga akong ma- received na message mula doon. At dahil gabi na ay natulog na ako.

Kinaagahan ay narinig ko si Mama na tinatawag ako, hindi ko naman alam kung bakit. Kaya napabangon na lang ako, at dere- deretsong bumaba sa hagdan pagkakita ay wala si Mama, nasaan kaya yun, hanggang sa makarinig ako ng tawanan mula sa aming kusina. Kaya pumunta ako roon at nakita ko naman si Mama na may kausap na lalaki sino kaya yun.

"Ma! sino yan" sabi ko rito, mukhang hindi ko kasi siya kilala. Tumingin naman ang mga ito sa akin at laking gulat ko na ito ay yung kachat ko sa Grindr kagabi.

"Anak, bisita mo siya diba" napatulala lang ako sa harapan ng mga ito, dahil na rin siguro sa kagwapuhan nitong tinataglay, mas gwapo pa pala to sa personal kesa aa picture lang.

"O....opo Ma!" iyon na lang aking nasabi.

"Anak lalabas daw kayo, bakit hindi ka pa nagbibihis, ni paghilamos eh hindi mo pa ginagawa" dahil doon ay nabalik ako sa kasalukuyan.

"Taas na muna ako Ma" sabi ko na lang at tumakbo sa aking kwarto at nagbihis. T-shirt lang na red at blue dark jeans ang aking suot, sa sneakers na sapatos. Ng alam kong pormal naman ang aking suot ay bumaba na ako. Ng makababa na ako ay nakita kong nandito na ang mga ito sa sala at masaya ulit na nag- uusap, para silang matagal ng magkakilala.

"Ma, alis na kami" sabi ko naman rito.

"Ganda naman" sabi sa akin ni King na hindi ko alam kung iyon nga ang totoong pangalan nito.

"O sige anak, Ohh King ingatan mo tong anak ko ha!!!" sabi nito, King ba talaga yun.

"Sure Tita, ako na ang bahala sa maganda mong anak" sabi naman nito kay Mama, at naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay si King iyon. "Tara na" tango lang ang nasagot ko at hinila na ako nito palabas at pinasakay sa kanyang kotse, at dinala sa isang kainan. Hindi pa rin talaga ako nakapag-react sa mga nangyayari sa akin, hindi ko rin alam kung bakit parang ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko nga rin alam kung bakit sumama ako rito ehh.

Ng makarating na nga kami sa kainan na sinasabi niya ay nagpaalam itong iihi ako naman ay naghanap na ng mauupuan. Pagkaupo ko naman sa napili kong upuan ay may lumapit sa aking isang lalaki. Matangkas at may taglay rin namang kagwapuhan pero mukhang sex lang ang habol sa lahat. Nagpakilala ito sa akin pero hindi ko ito pinansin.

Hanggang sa hilahin naman ako nito palabas rito sa kainan naming pinuntahan, pero pumalag ako pilit kong tinatanggal ang kamay nito sa aking braso, hindi naman ako nabigo at nakuha ko iyon,

"Pwede ba hindi kita kilala" sabi ko roon sa lalaki.

"Huwag ka na ngang choosey, malaki naman tong akin ehh" sabi naman nito.

"Sorry Man pero hindi mo siya pag- aari" sabi naman ni King rito. Dahilan para mapalingon kami sa dereksyon nito.

"At sino ka naman ha!" sabi pa ng lalaking iyon.

"Sino ako, well ako lang naman ang boyfriend nitong magandang lalaking ito" sabi pa nito at inakbayan ako. Umalis naman ang lalaking iyon, aoo naman ay nagpasalamat rito kay King. At pagkatapos non ay masaya na kaming kumain rito sa pinuntahan namin. "Ayos ka lang ba, Queeny, huwag kang mag- alala. Hangga't nandito ako walang dapat na manakit sayo, ako ang bahala sa lahat ng aapi sayo" sabi pa nito, dahilan para magblush ako.

PREVIOUS

"Hoy, Queeny, Queeny, Queeny" sunod sunod na sabi nina Kriston at Ericka.

"Ha! Bakit?" sabi ko naman sa mga ito.

"Sus ano bang nangyayari sa inyo at palagi na lang kayong natutulala" sabi ni Ericka at pinalo pa ang kanyang noo.

"Diba pwedeng may naalala lang kaya natutulala ng ganon"

"Sus ano na naman yang mga na aalala mong mga iyan ha!" sabi nanan ni Harrysen.

"Wala na po kayong pake" sabi ko lang sa mga ito.

"Ay grabe siya, Baks Ha! sino ba slash ano ba yang naalala mong iyan" sabi pa ni Ericka.

"Like what I'm saying, Wala na po kayong pake" sabi ko pa sa mga ito. Tumawa lang naman ang mga ogag hehehe. Ilang oras lang rin kaming nagkwentuhan bago kami maghanda sa pagpunta namin sa falls...

Pls Vote and Comment po.....