Chereads / More than a Friend / Chapter 17 - Chapter 15²

Chapter 17 - Chapter 15²

Chapter Fifteen (2) -->> GAME PART 2

Queeny Point of View

PAGKATAPOS ng isang minutong paghihintay sa dalawang kinulong namin sa loob ng CR dahil nga iyon ang dare namin kay Kriston ang makulong sila ni Ericka sa CR ng isang minuto ay pinagpatuloy na namin ang paglalaro.

Inikot naman na ni Kriston yung bote pare- parehas kaming naghihintay sa kung sino ang sunod na tatanungin ng truth or dare or aray-aray. Pahina na ng pahina ang pag- ikot ng bote, hanggang sa hanggang sa tumigil iyon sa tapat ni Alexander. Pasalamat ako kasi hindi pa ako yung natapatan, kasi baka ngayon kung ano nang pinagawa o nasabi ko sa mga ito.

"Alexander, Truth or Dare or aray-aray?" tanong ni Ericka. Ito na yung nagtanong. Mukhang hindi naman ni Alexander alam kung anong pipiliin, marami kaming hindi alam sa taong ito, kasi masyado tong malihim. "Alexander ano, Truth or Dare or aray-aray" pag- uulit ni Ericka sa tanong.

"Sige na babe, pumili ka na. Magti- three o'clock na, sayang pa yun, pwede pang itulog yun." sabi naman ni Mandy.

"Wala na ngang tulugan ate guys, diba" may pataray na sabi ko. Naiirita kasi ako sa kanilang dalawa pagsweet, hindi naman sa wala akong support sa kanilang relationship, pero pagnaiisip ko si Harrysen na nalulungkot parang naaawa ako don sa tao. Hindi sa may gusto ako kay Harrysen ahh, bilang kaibigan lang kung baga, at tsaka may King ako, remember.

"Si ate gurl nagtataray" sabi pa nito. Bihira na nga ngayon magsalita mang- aasar pa.

"Tsk. ewan ko sa inyo" sabi ko na lang.

"So ano na nga Alexander, Truth or Dare or aray-aray" pang- ikatlong ulit na iyon ni Ericka, pero hindi pa niya iyon sinasagot, bakit takot ba siyang may malaman kasi kung truth ang piliin niya, o natatakot siyang may ipagawa kami sa kanya. Kung ganon mag- aray-aray na lang siya. Gaya ni Ericka nag- aray-aray na lang para hindi malaman ng mga kasali o ng mga makakarinig yung sagot niya sa mga posibilidad na tanong.

"Aray-aray na lang" sabi na lang nito. Mag- aaray-aray lang pala pinatagal pa.

"Okay" sabi naman ni Ericka at naghanda para hawakan ang kamay ni Alexander at pigain na parang basang basahan pero bago pa niya iyon mahakan ay nahawakan na ni Kriston yung kamay ni Alexander. Halata naman sa mukha nito na masakit yung ginawa ni Kriston. Gago talaga yung pero sabagay baka gumaganti sa iba.

"Aaaarrrraaaayyyy...., Kuya Kriston, masakit na, Bro, Utol" sabi lang nga nito. Dahilan para bitawan naman na agad ni Kriston yung kamay nito. Ano naman kayang problema nito ni Kriston kay Alexander.

"Kuya may galit ka ba kay Alexander" sabi naman ni Mandy sa kapatid.

"Wala sorry napalakas ata, sorry Bro. Ganyan rin kasi ginawa ni Queeny sa akin ehh" sabi lang ni Kriston at tumingin akin. Grabe to.

"Kriston, Game to, wala munang friend pag may parusa" sabi ko rito. Tama naman ehh, hindi naman to groupings para may magkampihan.

"Ayy grabe siya ohh" sabi naman ni Ericka. Si Harrysen naman nagthumps- up lang, bilang pagsang- ayon sa sinabi ko.

"Tama si Queeny, bakit pa tayo maglalaro nitong Truth or Dare or aray-aray" sabi naman ni Harrysen ng ibaba niya na yung pagkaka- thumps- up.

"Ehh wala naman iyang aray-aray na iyan ahh, bakit ba meron niyan ngayon" pagrereklamo naman ni Alexander.

"Oo nga, wala naman iyang Aray-aray na iyan ahh" pagsang-ayon naman ni Mandy. Wow kinampihan pa yung magaling niyang jowa.

"Bakit, sinabi ba namin iyon yung piliin ng boyfriend mo, hindi naman diba. Pangthird choice lang iyon, may two choices pa na pwede niyang pagpilian. Bakit ba iyon yung pinili niyan ni Alexander ha?" sunod- sunod na pagtalak ko rito.

"Ano ba kayo, hindi naman yan dapat na pag- isyuhan ehh. Laro lang to guys" sabi lang ni Harrysen. Dahilan para tumigil na lang kami at ituloy na ulit yung laro. Inikot na lang naman iyon ni Harrysen at nagpa- ikot-ikot naman yung bote sa phone ko. Don nga kasi kami naglaro sa application na truth or dare or aray-aray. Pahina ng pahina na ulit yung pag- ikot ng bote hanggang sa.. hanggang sa... hanggang sa tumigil iyon sa harap ng pangalan ko. 'Bwisit' sabi ko na lang sa isip ko.

"Queeny, ano Truth or Dare or aray-aray" tanong lang naman ni Ericka. Linag- isipin ko muna kung ano yung dapat kong isagot. Sa Truth kasi maaari nilang itanong sa akin kung anong problema ko kay Alexander, and kung dare naman maaaring may ipagawa sila sa akin na maaaring hindi ko kayanin, wala naman akong pakealam kung sa aray-aray, baka aray aray na lang.

"Okay, I choose Dare" huh! anong dare wait, okay naman ako sa aray-aray ehh. Papalitan ko na sana yung aking sinagot pero may nagsalita na kung ano yung dare nila sa akin.

"And because you choose'n Dare. I dare you na magkulong rin kayo ni Alexander sa CR, but not only one minute, also not five, but ten minutes. We locked you and Alexander for almost ten minutes" sabi naman ni Mandy, nahihibang ba siya. No.

"What! No I don't accept that dare, masyado na iyan" sabi ko lang rito.

"Okay na rin yun Queeny, para naman magkaintidihan kayo, halos magkakasama na tayo ng ilang taon wala naman sanang maging problema don diba. Sayang naman yung mga pinagsamahan natin, kung may dalawang hindi nagkakasundo" sunod sunod na sabi ni Ericka. Napabuntong- hininga naman na lang ako, may point naman ito pero basta, may iba akong nararamdaman sa lalaking ito. Simula kasi kanina nung nakita ko yung balat ni Alexander sa likod na halos kagaya nga ng kay Charlie ehh nag- iba na yung tingin ko kay Alexander.

Ewan ko ba naging matalik ko kasi na kaibigan si Charlie noon, alam kong mayroon ring paghanga si Charlie kay Mandy gaya ng nararamdaman ni Harrysen para kay Mandy.

Miss na miss ko na yung taong yun. Hindi naman sa may gusto ako don sa tao ha! pero wala akong feelings para sa kaibigan kong iyon. Siguro dahil lang talaga na siya yung laging kasama ko kapag wala sina Harrysen. Siya palagi kasa- kasama kahit puro libro yung hawak non. Minsan nga naiinis na ako sa ugali niyang ganon kasi akala ko hindi nakikinig pero aang astig niya lang kasi kahit nagbabasa yun ng libro alam niya kung anong pinagsasa- sabi ko.

Hay miss ko na talaga yung taong iyon. Hindi ko rin talaga lubos maisip na kung patay na ba iyong taong iyon, na masakit sa kalooban ko kung iisipin. Hindi ko nga alam kung totoo ba yung sinabi ni Mandy kanina nung nasa falls kami at ng matuklasan ko yung peklat ni Alexander sa likod ehh. Nagtataka din ako kung bakit naman si Mandy yung sasabihin niya na nasa ibang bansa siya at nagpapagamot dahil may sakit, ehh ang lakas lakas nung taong iyon. Mas malusog pa nga yun kesa sakin ehh. So paano naman kaya siya mamatay kung may sakit talaga siya. Sana kasi ainabi niya kung ganon pero bakit hindi.

"Queeny, Queeny, Queeny, Anong nangyayari sa iyo" rinig ko naman sa nagsalita sa harapan ko na si Harrysen at Ericka at niyugyog naman ni Kriston yung balikat ko. Hindi ko pala namalayan na natutulala na ako.

"Ha....Ha! bakit" iyon lang ang nasabi ko.

"Ano ayos na ba sayo yung dare namin" sabi lang ni Ericka. Mukhang iba yung mood niya ngayon, ano kayang nangyari sa kanila ni Kriston sa loob ng CR in one minute.

"O..Oo sige na lang" iyon na lang ang sinabi ko at tumayo na at pumasok na sa CR. Naramdaman ko namang sumunod na pala ito sa akin, siya na rin yung nagsara ng pinto na hindi ko alam kung bakit may kaba akong naramdaman ng lumapat na ang pinto.

Umupo lang ako sa sahig na may kalayuan sa kaniya. 'Bahala na siguro si Batman' sabi ko na lang sa isip ko. Isang minuto na ang lumilipas pero wala pa rin atang gustong magsalita sa amin. Puro lang kami buntong- hininga, mukhang don lang kami magsasagutan, pero hindi naman pala kasi nagsimula na ito.

"Queeny, ano bang problema mo sa akin ha!" may konting galit ang pagkakabigkas sa sinabi nito. Pero hindi ito nakatingin sa akin. "Hindi ka naman ganyan sa akin makitungo nung nasa city pa tayo" sabi pa nito pero sa puntong iyon ay tumingin na ito sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya kaya hindi na lang ako umimik. "Queeny ano bang problema mo sa akin, sagutin mo yung tanong ko." ulit nito sa tanong niya kanina. Sa puntong ito nagbuntong-hininga muna na ako bago magbitaw na ng mga salita rito.

"Unang- una Alexander, wala akong problema sayo. Pangalawa, hindi ko naman kasalanan kung naiirita ako kapag nakikita ko kayo ni Mandy na naghaharutan, pumili naman kasi kayo ng lugar para gawin iyon. At pangatlo..." hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin sa kanya kaya napatigil na lang muna ako.

"So, wala ka ngang problema sa akin, kasi hindi lang pala ako, kasi nasa amin ni Mandy may. Wala naman kaming ginagawang masama ahh, may karapatan rin naman kaming maging sweet sa maraming tao, kasi couple kami, wala kaming pakealam sa mga sasabihin ng kung sino man kahit kayo kahit sayo, Queeny"

"Ang tanong mahal mo ba talaga si Mandy, ohh may ibang nagmamahal talaga kay Mandy ha!" dere-deretso kong tanong rito, mukhang natigilan naman ito sa sinabi ko, mukhang hindi niya nainitindihan yung sinabi ko, pero may part rin na parang nagtatanong yung mga mata niya ng kung ano na hindi ko naman alam kung ano iyon.

"Hi...hi...hindi ko...ko mai...intindihan yu...yung si...sinasabi mo Queeny, bakit mo naman itatanong yang bagay na iyan sa akin ha" sabi lang nito, nung simula siyang nagsalita ay nauutal siya pero pinigilan niya ng hindi mautal sa pagsasalita na kinatagumpay naman niya.

"Ewan ko, hindi ko alam kung bakit ko iyon natanong sayo, basta ang alam ko may iba sa iyo, at kung ano man aalamin ko iyon. So tell me Alexander, mahal mo ba si Mandy, or should I say, minahal mo ba siya" sabi ko lang rito habang pinapaulit ulit yung huling sentence na sinabi ko sa kanya hangang sumagot na siya. Mukhang gulong gulo na ito, hindi na alam kung anong meron sa pag- iisip nito, kaya pinilit pilit ko pa iyon.

"Yes, syempre minahal ko si Mandy, aabot ba kami ng isang taon kung hindi ko siya mahal Queeny" iyan lang ang nasabi ni Alexander na mga salita ng pinilit ng pinilit kong umamin na ito.

"So, another Question, minahal mo bilang..." iyan lang ang sinunod kong tanong, lahat ng mahal may position, minsan kasi hindi mo alam kung anong love yung tinuturing ng isang tao. Hindi mo kasi malalaman kung anong love yung pinapakita niya sayo, maaari kasing as a close lang, minsan naman friends, minsan rin best friend, minsan naman more than a friend or should we say lovers.

"Can you please Queeny, wala namang kwenta iyang mga tanong mong iyan, syempre minahal ko siya bilang jowa ko. Magtatagal ba kami ng ganito kung wala akong nararamdaman kay Mandy" sabi lang naman nito.

"Alexander, hindi na basehan ngayon ang tagal ng pinagsamahan, wala na ngayon iyan sa tagal, kasi hindi naman basehan ang matagal na relasiyon kung wala namang pag- ibig na nararamdaman sa isa't isa, Alexander. Sabihin na nating tumagal nga kayo, pero wala naman kayong mutual feelings na nagaganap. Ibig sabihin lang non ay niloloko niyo lang yung sarili niyo, naglolokohan kayong mahal niyo ang isa't isa pero ang totoo nagtitiis lang kayong dalawa kasi ayaw niyong may masaktan sa inyo" sunod na sabi ko, hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung mga salitang lumalabas sa bibig ko, pero alam kong totoo at tama ang mga iyon. Kasi wala naman talaga iyan sa tagal. Sa nararamdaman iyan.

"Pwede ba Queeny, wala namang kwenta iyang mga sinasabi mo sa akin ehh" nagulat naman ako sa sagot nito, walang kwenta lang iyon sa kanya, wow huh!.

"Baka ikaw yung walang kwenta, kasi nakikisali ka sa aming grupo, isa pa bakit naman mawawalan ng kwenta yung mga sinabi ko sayo ha, lahat ng iyon may katotohanan, lahat iyon may saysay, at lahat ng iyon maaaring maramdaman ng isang couple na sinasabi mo"

"Pwede ba Queeny, tumigil ka na nga, ayaw kong saktan ka Queeny, kaya tumigil ka na" sabi lang nito. Mukhang nasasaktan na itong kasama ko rito sa CR, nakakatawa lang kasi felling ko nagpapanggap lang siyang nasasaktan at halatang- halatang umaarte lang, parang ganon.

"So ano, nasasaktan ka? Bakit ka naman masasaktan ha! hindi ka naman dapat masaktan sa mga sinabi ko kung walang kwenta iyon diba. Ikaw pa nga nagsabing wala iyong kwenta diba. So bakit ka naman masasaktan?" sabi ko lang rito, gusto ko pang inisin tong Alexander na ito, alam ko kasing may iba sa kaniya, at may tinatagong hindi ko alam na dapat kong tuklasin, at kapag natuklas ko na iyon, lagot to sa akin.

"Please lang naman Queeny, wala namang katotohanan iyang mga sinasabi mo sa akin ehh. Tumigil ka na please lang kasi wala kang alam kung gaano ko kamahal si Mandy, kaya please lang Queeny" pag- iinarte pa nito. Akala siguro niya madadala niya ako sa paganyan niya, Sorry na lang nagkakamali siya.

Hindi na na pero ako umimik sa sinabi nito at palihim na tumatawa na sa isip ko ay parang akong mangkukulam na tumatawa dahil nakagawa ng hindi maganda sa tao. Lumipas naman yung ilang minuto pa hanggang matapos yung sampung minuto at binuksan na nila yung pinto. Si Harrysen naman yung bumantang sa amin ng bumukas na ang pinto.

"Ano guys, ayos na kayo" sabi naman nito ng maluwang na ang pagkakabukas ng pinto. Tiningnan ko naman si Alexander na nakatingin lang sa tiles na parang binibilang iyon.

"O....Oo ayos na kami Harrysen, diba Alexander" sabi ko lang rito at tumingin naman ito sa akin na pinangdilatan ko naman ng mata, pagkatapos non ay tumingin naman kay Harrysen.

"Oo Harrysen, ayos na kami, misunderstanding lang pala kanina" sabi naman nito.

"Ganon, so tara na, tuloy na natin yung game" sabi naman nito, kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas na, Si Alexander naman hindi pa tinatayo na mukhang napansin ni Harrysen.

"Alexander tara na" ang galing rin naman ni Harrysen magpanggap rito kay Alexander kasi kahit nasasaktan na siyang nakikita na masaya sina Mandy sa isa't isa ehh nakukuha pa niyang makisama rito.

"Sige na mauna n kayo, magsi- CR lang ako then baka hindi na ako magjoin sa game, tataas na lang ako matutulog na rin siguro ako, masakit na katawan ko ehh" sabi lang nito.

"Osige Alexander" sabi ko lang naman rito at umalis na kami ni Harrysen.

"Ohh anong nangyari Queeny, ayos na ba kayo ni Alexander" bungad sa akin ni Ericka. Tinanguan ko lang naman ito.

"Ehh nasaan naman na si Alexander" tanong naman ni Mandy. Sasagutin ko na sana si Mandy pero si Harrysen na ang nagsabi rito na matutulog na si Alexander.

"So ano tuloy pa natin tong game na ito" sabi naman ni Ericka. Lahat naman kami ay umoo kaya umupo na ako sa dati kong inuupuan. Ako naman na yung nag-ikot ng bote hanggang sa tumigil iyon at tumapat kay Harrysen. At tinanong naman namin ito ng truth or dare or aray-aray.

Alexander Kim Point of View

PAGKATAPOS nina Queeny at Harrysen umalis rito sa CR kung saan kami kinulong kasi iyon yung dare nila sa amin ay hindi na muna ako umalis, nagpalipas muna ako ng mga ilang minuto at lumabas na.

Nang makalabas naman na ako ay itinutuloy pa nila yung laro, at mukhang si Harrysen na ang sunod na tatanungin. Hahakbang na sana ako paakyat sa hagdan ng tawagin ako ni Mandy.

"Babe, tara pa dito sali ka pa" iyon yung sinabi niya sa akin. Napatingin naman sina Harrysen, Kriston at Ericka sa dereksiyon ko, si Queeny lang ang hindi.

"Babe, inaantok na ako ehh, masakit na rin katawan ko kaya tataas na ako lang ako don sa kwarto namin" sabi ko lang rito habang lumapit sa mga ito. Ng makalapit na ako sa kanila ay doon na rin nagsalita si Mandy.

"Osige Babe, taas ka na don ha!" sabi nga nito.

"Osige Babe" tipid na sabi ko rito at tumalikod na sa mga ito. Ng makarating na ako sa kwarto ko ay tinawagan ko si Charlie. Sinagot naman agad iyon ni Charlie.

"Hello, bakit Alexander"

"Mukhang maling ngayon tayo nagpalit"

"Huh! bakit naman?"

"Kasi dapat ikaw na sana muna yung nakipaglaro sa kanila"

"Nakipaglaro, sa oras na ito naglalaro kayo"

"Nagkaayaan ba naman, akala ko lang talaga manunuod lang kami sabi kasi nila nung una magmo-movie marathon kami kaya ayun sumama na ako"

"So tapos?"

"Tapos ayun nga, nag- isip sila nang game, at napili nila yung game na suggest ni Ericka"

"So bunyag na ba, magagawa pa ba natin yung mga plano"

"Oo syempre, mabuti nga at hindi pa nabubunyag ehh"

"Anong hindi pa, ehh yung nangyari kanina, si Mang Ador pano iyong matandang iyon"

"Ako na bahala basta maghintay ka lang diyan, at paghandaan ang mga gagawin nating plano"

"Osige Alexander, sige na matutulog na rin ako"

"Osige Bro" sabi ko lang rito at pinatay ko na ang call at nahiga na sa kama at natulog.

[A/N: End of Chapter fifteen part two, hope you like it guys. Please Vote and Comments naman po diyan hehehe]

Please Vote and Comments po.....