Chapter Fifteen (3) -->> GAME PART 3
[A/N: Hi guys this chapter po ay ang sumula ng love story nina Harrysen and Mandy. Ngayon lang talaga magsisimula kasi on this game palang sila magkakaroon ng closure kaya ngayon pala lang talaga magsisimula. Hope you like it. And Vote and Comments naman po diyan hehehe]
Harrysen Bautista Point of View
TINULOY na nga namin yung game at ako na ang nagpaikot ng bote. Nakakainis lang kasi ako na nga yung nagpaikot sa kanya tapos sa akin lang pala titigil nakakainis diba. Parang sariling sikap lang hehehe. At dahil nga ako yung natapatan ng ulo ng bote at tinanong syempre nila ako ng Truth or Dare or aray-aray. Sasagot na sana ako ng may tawagin si Mandy at si Alexander iyon.
"Babe, tara pa dito sali ka pa" iyon yung sinabi niya doon kay Alexander kaya tumingin naman kami kung saan naroon iyon, si Queeny lang talaga ang hindi tumingin rito, na binalewala ko lang naman.
"Babe, inaantok na ako ehh, masakit na rin katawan ko kaya tataas na ako lang ako don sa kwarto namin" sabi naman ni Alexander rito habang lumalapit sa amin.
"Osige Babe, taas ka na don ha!" (≧▽≦) nakakatawa lang kasi lumapit pa siya sa amin kung ipapataas lang naman ni Mandy, aww sad naman (≧▽≦)
"Osige Babe" sagot lang nito at tumikod na at tumaas na sa aming kwarto.
"So Truth or Dare or aray-aray, Harrysen." pag- uulit ni Ericka sa tanong. Hindi ko rin alam kung ano bang dapat ang isagot ko.
"Ano Bro, bubunyagin na ba natin ohh may kiss on forehead, kiss on batok or leeg" pang- uuto ni Kriston sa akin, gago talaga to, kapatid niya yun tapos kung makapagsabi ng ganon parang wala lang sa kanya.
"Aray-aray na lang" iyon na lang ang pinili ko naghanda naman si Kriston para gawin nga yung aray-aray sa kamay kong nakaintertwined na. Pinikit ko muna yung mata ko para ihanda sa sakit na mararamdaman, perp hindi ko iyon naramdaman.
Ang naramdaman ko ay parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko ng may humawak ito sa kamay ko. May konting lakas yung paghawak niya sa kamay ko kasi siguro nga kasi aray-aray yung pinili ko.
Nagmulat ako ng mata para tingnan kung sino iyon kasi hindi naman kamay ni Kriston iyon ehh, para pating kamay ng babae, siguro si Ericka iyon pero bakit naman ako makakaramdam ng kuryente rito. Pero mali pala lahat ang inakala ko, kaya pala may dumaloy na kuryente sa kamay ko ng hawakan niya iyon dahil si Mandy iyon, nagulat naman ako, bakit siya yung nagparusa sa akin, akala ko si Kriston yung gagawa sa akin ng aray-aray pero bakit siya. Binawi ko naman na yung kamay ko rito na kinatutol ng katawan ko, mukhang nag- enjoy ito sa maliit na oras na hawak ni Mandy yung kamay ko. Parang gusto nga nitong ipatong ulit yung kamay niya sa kamay ko para maramdaman ko ulit yung kuryenteng dumaloy kanina sa akin.
"Ano Bro ayos ba" may bumulong naman sa tenga ko dahilan para matauhan na ako at bumalik sa kasalukuyan. Tiningnan ko naman kung sino yung dahilang ng pagbabalik ko sa kasalukuyan at ng kilingan ko iyon ay si Kriston na nakangisi pa sa akin.
Minura ko naman ito pero pabulong lang at alam kong kami lang ang makakarinig. Tiningnan ko naman sina Queeny at Ericka na ngingiti- ngiti rin. Si Mandy naman ay nakayuko lang. Mukhang nagulat sa ginawa niya kaya ngayon ay mukhang nahihiya siya sa ginawa niya.
"So ano, itutuloy pa ba natin tong game o ano?" tanong sa amin ni Queeny, habang may kilig pa ring makikita sa labi nito.
"Hindi tuloy natin syempre, at tsaka si Mandy na lang yung hindi napipili sa atin ehh, kaya tuloy ang laro" sabi naman ni Ericka na may kilig ring makikita sa mga labi.
"Ehh pano kung hindi na tayo maglaro niyan ng truth or dare or aray-aray na iyan" suggestion naman ni Kriston na mukhang alam ko na kung anong gustong mangyari nito.
"Okay Kuya Kriston game ako" sabi naman ni Mandy, game ba talaga siya.
"Okay, ang dare namin sa Mandy ay magkukulong kayo ni Harrysen sa CR rin ng fifteen minutes" sabi ni Kriston. Hindi na ako nagulat kung iyon nga yung ide- dare nila kay Mandy. And beside halos kami lang ni Mandy yung hindi pa nila kinukulong. Mabuti narin siguro to, baka dito siguro kami magkakaroon ng closure nitong si Mandy.
"Ohh sige Kuya Kriston" sabi pa ni Mandy at tumayo na at pumunta na sa CR.
"Bro, ikukulong lang kayo don ha. Baka kung anong gawin mo kay utol ha, tandaan mo Bro kapatid ko pa rin yon si Mandy" bulong ni Kriston sa akin.
"Kriston, huwag mo nga akong itulad sayo, at tsaka remember may kasunduan tayo" sabi ko naman sa tukmol na to.
"Kasunduan, ano naman kasunduan iyang pinagsasasabi niyo diyan" tanong naman ni Queeny. Mukhang narinig ata nito yung pagbubulungan namin ni Kriston.
"Wala, wala lang iyon" sabi ko lang rito.
"Ede kung ganon, pumunta ka na don Harrysen, baka makatulog na don si Mandy sa CR, kaka intay sayo" pagpapa alala ni Ericka sa akin na nandon na pala si Mandy sa CR. Tumayo naman na ako at pumunta na sa CR. Pagpasok ko ay nakita ko si Mandy na nakaupo lang sa sahig. Tumingin naman lang ito sa akin pero hindi naman nagtagal.
Umupo na rin ako sa sahig pero may kalayuan sa kaniya. Nahihiya kasi ako kung malapit akong masyado sa kanya, baka nga matapos yung time na hindi kami nagkikibuan o kaya baka walang ni isang boses sa aming mga bibig. Ilang minuto na siguro kaming puro lang buntong-hininga, mukhang may gusto na sa aming magsalita pero talagang nagkakahiyaan kaming dalawa. Gusto ko na rin namang magsalita kasi malay mo talaga eto yung dahilan ng pagkakaroon na namin ng closure diba. Hinahanda ko na yung sarili ko para magsalita baka rin kasi iyon yung hinihintay niya ang may mauna, ilang buntong- hininga ang pinakawalan ko para nga ihanda na ang sarili ko ng magsalita siya.
"Harrysen, pwede ba itigil mo iyang pagbuntong- hininga mo. It irritate me" may konting inis yung boses niya kaya nagsorry na lang ako sa kanya. Bakit naman kaya siya maiirita sa pagbuntong-hininga ko, ehh wala namang dapat na ikairita sa pagbuntong- hininga diba. Natahimik naman na ulit yung surroundings naming dalawa. Kaya hinanda ko na talaga yung sarili ko para magsalita na. Ayaw ko ng sayangin yung time na to.
"Ahh Mandy" pagkasabi ko non ay tumingin naman siya sa akin kaya natigilan na lang ako.
"Kung tatanungin mo ako, Harrysen. Kung bakit pumayag akong ikulong tayo rito. Pumayag akong ikulong tayo rito kasi gusto kong magsorry sa ginawa ko kanina" bakit naman siya nagsosorry ehh wala naman iyon sa akin.
"Ano ka ba Mandy, wala lang iyong kanina, game iyon, at tsaka aray-aray yung pinili ko diba kaya tama lang na gawin yun sa akin kasi iyon nga
diba iyon yung pinili ko"
"Ang totoo niyan hindi naman talaga don ako nagsosorry ehh, ang totoo niyan nagsosorry ako sa sinabi ko sayo noon, yung mga bagay na ginawa ko sayo noon, yung mga ginawa ko para masaktan ka" sunod sunod na sabi niya sa akin.
"Ano ka ba Mandy, wala ka namang kasalanan don ehh, ako. Ako yung may kasalanan kasi nagkagusto ako sa dapat na kaibigan lang ang ituring ko, kaya Mandy huwag kang magsorry kasi it's all my fault. It's all my fault because I fell in love to my friend, to my friend that I treat you like more than to friendship" alam kong paulit ulit lang iyon kahit mukhang trinanslate ko lang sa English yung last.
"No Harrysen, may kasalanan rin kasi ako, kasi hindi man lang kita noon binigyan ng chance na magkagusto sa akin, na hindi man lang kita binigyan ng pagkakataong iparamdam iyan sa akin" sabi lang niya, ano bang pinagsasasabi niya,
"Ano bang pinagsasasabi mo Mandy, matagal naman na iyon, at tsaka may boyfriend ka na kaya naka move-on naman na ako sayo" sabi ko lang rito.
"Ganon, so nice naman pala" sabi lang niya, pero may kinataka ako ng sinabi niya iyon, para kasing may pagkahinayang siya ng sabihin niya iyon. "Ehh ngayon, may gusto ka na bang ibang babae ngayon, may nililigawan ka na ba" nagulat naman ako sa sinabi nito.
"Wa...wala, alam mo naman si Mama, may isang tao lang na gusto non para sa akin diba" sabi ko lang sa kanya, alam naman niya yung ibig kong sabihin, kasi ng maging close kamk ni Mandy noon, ay pinagkasunduan ni Mama at ng magaling kong best friend na si Kriston na kami daw ay ikakasal once nasa tamang edad na kami, and syempre pagnakatapos na kami ng pag- aaral.
"Oo nga pala, naalala mo non, pinagkasundo tayo ni Kuya Kriston at ni Tita na ikasal sa tamang edad" sabi niya, na aalala rin pala niya pa iyon.
"Naalala mo rin pala iyon, iniisip ko palang iyon ehh" pagiging honest ko rito.
"Oo nga ehh, parang baliw non sina Kuya Kriston, ipagkasundo ba naman tayo non na ikasal"
"Oo nga ehh, pero hindi naman iyon mangyayari kasi syempre may boyfriend ka na"
"Boyfriend pa lang naman iyon Harrysen, malay mo magbreak kami ni Alexander" sabi pa nito. Nagulat naman ulit ako sa sinabi ni Mandy pero hindi ko sa kanya iyon pinahalata. Bakut niya naman iyan sinasabi, parang nagi- guilty siya, na parang ewan, hindi ko alam kung bakit niya iyan sinasabi sa akin ngayon pero ayaw ko naman nang umasang may pagkakataon na ako sa kanya ngayon.
"Ano ka ba Mandy, huwag ka ngang magsalita ng ganyan, mukhang mahal na mahal ka ni Alexander at mahal mo rin naman siguro siya, kaya huwag kang ngang magsalita ng mga ganyan Mandy kasi" baka umasa ako' hindi ko na nasabi yung sa last kasi bakit ko pa ipapaalam sa kanya diba.
"Kasi ano Harrysen?" tanong naman niya.
"Kasi, masaya ka naman na kay Alexander, at tsaka masaya kayo sa isa't isa kaya bakit mo naman iisipin iyang mga iyan" tama naman diba masaya sila sa isa't isa, mag- aanniversary na nga sila ehh, hindi naman siguro sila aabot ng ganon kung hindi sila masaya sa isa't isa diba.
"Wala lang. Pero tanong ko ulit wala ka ba talagang nililigawan ngayon, kasi ang laki na ng pinagbago mo Harrysen, isa ka na sa matatawag na heartthrob sa school, sure akong marami ng nagkakagusto sayo"
"Ang tanong may gusto rin ba ako sa kanila" deretsahang tanong ko sa kanya.
"Malay mo, matutunan mo rin silang mahalin" sabi naman niya, kung ganon lang sana kadali iyon siguro naka ilang girlfriend na ako. Pero wala talagang katulad niya ehh.
"Hindi naman ganon kadali iyon ehh, lalo na kung may mahal kang hindi nila matutumbasan" deretsahang sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya pero mga ilang segundo lang naman.
"Mukhang may gusto ka pa sa akin Harrysen ahh" dere-deretso niyang sabi. Kung ganitohan lang siguro nga deretsahan mga salita rin yung sasabihin ko.
"Sa tingin mo Mandy, nawala ba?"
"Siguro Harrysen, maganda ring nakulong tayo rito, kasi atleast nagka heart-to-heart talk tayo diba" hindi niya sinagot yung tanong ko pero atleast tama siya maganda ngang nagka heart-to-heart kaming dalawa.
"Oo nga ehh, alam mo ba kaninang iniisip ko na baka ito yung way para magkaroon tayo ulit ng closure"
"Ganun, so ibig sabihin ba nito close na ulit tayo " tumango naman ako.
"Siguro parang ganon nga" sabi ko lang rito, lumapit naman na siya sa akin at niyakap niya ako.
"I miss those days Harrysen,.kung alam mo lang" sabi niya, tinugon ko naman yung yakap niya na. Mga ilang minuto na rin siguro kaming magkayakap ng bumukas na yung pinto.
"Hoy anong meron" si Queeny yung nagsalita, naghiwalay naman na kami ni Mandy sa yakap na naganap sa amin ni Mandy.
"Wala, close na ulit kami" dere- deretsong sabi ni Mandy rito.
"Close lang ba talaga" singit naman ni Kriston na nasa likod pala ni Queeny.
"Yes Bro, bakit ano pa bang gusto mong mangyari" sabi ko naman rito.
"Wala, malay mo baka lumagpas pa ron"
"Kuya Kriston kung lumampas man iyon syempre Friends na iyon kasi close to become friends" sabi pa ni Mandy
"And Friends to more than a friend" sabi naman ni Queeny.
"Ede, Best friend na iyon" sabi naman ni Ericka, nasa likod pala ni Kriston.
"Ohh nandiyan ka na pala" sabi ni Kriston kay Ericka. Bakit saan ba si Ericka galing.
"Bakit saan ba galing si Ericka" tanong naman ni Mandy.
"Ayy naku, tumaas nagCR" sabi naman ni Queeny.
"Ehh bakit hindi dito na lang siya nagCR" sabi ko naman.
"Syempre nandito kaya kayo" sabagay tama naman si Queeny. "So ano, diyan na lang ba kayo, hindi ba kayo diyan tatayo" tumayo naman ako at tinulungan si Mandy na tumayo. Nilahad ko na yung kamay ko kay Mandy na hindi naman nito tinanggihan bagkus ay pinatong na lang nito yung kamay niya sa palad ko. Ng idikit na niya iyon ay nakaramdam na naman ako ng kuryenteng nanggagaling rito.
Hindi ko na lang inintindi iyon, kaya lumabas na lang kaming masaya na gaya ng dati. Masaya nang matutulog hanggang gumising sa bagong araw na wala ng bahid ng galit sa isa't isa. Masaya na walang kagalit, masaya na walang katampuhan, masaya na ayos na ang mga gusot sa aming dalawa. At masaya dahil babalik na kung gaano kami kasaya dati.
Mandyzon McBride Point of View
HINDI NA kami naglaro pa ng truth or dare or aray-aray, nagdesisiyon na lang kami na matulog kasi sayang naman kung hindi pa namin iyon itutulog lalo na't magpo- four na. Gusto ko na ngang matulog pero mukhang ayaw ng kaluluwa ko, tulog na rin si Ericka, si Angela rin tulog pa, at si Lola Berta naman nandun na sa labas naglalakad- lakad na. Naabutan nga kami ni Lola na gising pa pero syempre hindi naman iyon yung inisip ni Lola. Ang akala niya ehh kakagising lang namin.
Kahit anong pilit ko hindi parin ako makatulog. Dapat nga madali akong makatulog kasi magpo-four na, and isa pa na bati na kami ni Harrysen. Pero bakit parang hindi dapat ako matulog ngayon, parang dapat na may gawin pa ako, ilan lang iyon sa parang gustong gawin ng katawan ko ang may gawin na kahit ano dapat yung gawin at ano rin ba yung gustong gawin ng katawan ko.
Please Vote and Compments po..
Follow me naman po hehee....
darkranger143 in Wattpad