Chereads / More than a Friend / Chapter 19 - Chapter 16

Chapter 19 - Chapter 16

Chapter Sixteen -->> BANTA

Mang Ador Point of View

"Sige lang Mang Ador, tumakbo ka lang, mahahabol rin kita. Sige lang Mang Ador" sigaw iyon ng isang lalaking may dala- dalang matalim na kutsilyo. Ako naman ay hingal na hingal na sa kakatakbo, at dahil nga hindi ko na kaya ay nadapa na ako, pero mabutina lang at may kalayuan pa ako sa lalaking gustong pumatay sa akin. Kaya mabilisan na lang akong tumayo para hindi na niya ako mahabol pa, nagpatago naman na muna ako sa isang malaking puno na malapit sa nadapaan ko para magpahinga.

"Mang Ador, nasaan ka na. Papatayin lang naman kita, kaya lumabas ka na sa pinagtataguan mo. Sige ka, si Manang Selya na lang papatayin ko, sige ka. Anong gusto mong klase ng pagpatay yung gawin ko kay Manang Selya. Putol ulo, Chop- chop, laslas lahat ng parte ng katawan, o kaya gusto mo yung parang ipapalabas natin na nagpakamay si Manang Selya ano gusto mo huh!" sabi ng lalaking gustong pumatay sa akin, malapit ito sa punong pinagtataguan ko. Walang hiya talagang lalaki to, may tama na ata sa ulo ehh.

Mukhang nakalayo naman na yung lalaking humahabol sa akin, kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Mabilis naman ulit akong tumakbo, nabawi ko naman na yung lakas na nawala sa akin kanina ng takbo ako ng takbo. Hanggang sa makakita ako ng liwanan at may isang tao don na nakatayo. Tinakbo ko naman yung lugar na iyon hanggang sa makarating ako sa liwanag. 'Salamat makakahingi na rin ako ng tulong' sabi ko iyon sa isip ko, mukhang walang gustong lumabas na boses sa bibig ko, hindi ko alam kung bakit, pero ang nasa isip ko ay gusto kong tawagin para humingi ng tulong. Malapit na ako sa lalaki ng kumiling ito kaya namukhaan ko kung sino iyon, may hawak pa itong kutsilyo sa kaliwang kamay.

"Charlie" iyon yung unang lumabas sa bibig ko hindi ko alam kung bakit yung Charlie yung tinawag ko rito pero mukhang mali ako, dahil tumawa ito sa sinagot ko sa kanya.

"Tsk, tsk tsk tsk... Kawawang Mang Ador. Hindi ako si Charlie, hindi pa naman ito kaya ni Charlie gawin ehh. Pero huwag kang mag- aalala, tuturuan ko naman siya ehh" iyon yung sinabi naman niya sa akin.

"Alexander, walang hiya ka, matanda na kami ni Selya, Alexander. Madali na kaming mamatay kaya parang awa mo na iho"

"Ayaw mo yun Mang Ador, mapapadali na pagpunta niyo sa impyerno" sabi nito habang tumatawa na parang demonyo. "Huwag kang mag- alala isusunod ko naman sayo si Manang Selya ehh, tapos si Queeny, tapos si Ericka, tapos si Harrysen, si Lolq Berta, and of course yung tatlong McBride yung huli, kaya ngayon ikaw yung una Mang Ador." at tumawa ulit ito na parang demonyo.

"Hayop ka, Alexander" mukhang nagalit naman ito sa akin sinabi, dahil itinaas nito yung kamay na may hawak na kutsilyo, dahilan naman iyon para mapaupo ako sa lupa, at dahil sa nagsimula na ito maglakad ay nagsimula na rin akong umatras kahit naka upo pa sa lupa, minadalian ko na ang pag- urong dahil mabilis na rin itong maglakad. Hanggang sa.... hanggang sa.... hanggang sa.... hanggang sa dumikit na yung likod ko sa isang bagay, kinapa ko naman kung ano iyon, hindi naman ako nagkamali kung ano iyon, puno iyon, na ang ibig-sabihin lang ay dead end na. Malapit na si Alexander, at itinaas na ulit niya yung kanyang kamay na may hawak na kutsilyo at... at.... at...

"Ador, gising, gising Ador. Nanaginip ka" napabangon naman ako, panaginip lang pala iyon. "Mukhang masama iyang napanaginipan mo Ador, ano ba iyan"

"Wala naman iyon, Selya. May humahabol lang raw sa akin" sabi ko rito.

"Ahh... Ador ikaw muna yung magluto ng kakainin nina Ericka, mukhang sasama yung pakiramdam ko ehh" sabi ni Selya sa akin. Umupo naman ito sa kama kaya nilapitan ko ito, Nilagay ko rin yung ibabaw ng kamay ko para tignan kung mainit ito.

"Mukhang lalagnatin ka nga Selya, magpahinga ka na muna rito, ako na lang yung magluluto at gagawa ng mga gawaing bahay rito, magpapatulong na lang rin ako sa mga bata" sabi ko lang rito, pagkatapos ay ihiniga ko siya.

"Sige, Ador" iyon lang ang sinabi niya.

"Ohh sige dito na ako, magluluto na ako ng agahan natin at ng mga bata" iyon na lang ang sinabi at tumango lang naman ito sa akin kaya lumabas na ako.

Pagdating ko sa kusina ay wala pa naman sila, siguro ay tulog pa iyong mga iyon, kagabi kasi nakita ko silang nanonood ng TV kahit mag- aalasdos na. Kaya siguro tulog pa yung mga iyon.

Hinanda ko na lahat ng kakailanganin ko sa pagluto, fried rice yung gusto nilang agahan kaya iyon yung iluluto ko, tapos yung ulam naman nila ay scrambled eggs at fried chicken.

Tapos na akong lutuin yung fried rice sunod naman ay yung uulamin nila, kukunin ko na sana yung egg na binatik ko na ng may pumasok sa kusina. Nung una hindi ko iyon pinansin kasi alam kong magsasalita lang kung sino iyon pero ng marinig ko yung boses ng taong pumasok dito sa kusina ay kinabahan ako kaya tumingin ako rito, hindi naman ako nagpakita rito ng motibo na kinakabahan ako.

"Anong niluluto mo Mang Ador" sabi lang nito. My iba sa tingin nito, parang hinuhuli niya yung kiliti ko kumbaga.

"Ohh Ale...Alex...Alexander. Nan...nadiyan ka pala" utal- utal na sabiko hindi ko alam kung bakit ako nauutal- utal pero mukhang dahil iyon sa kabang nararamdaman ko. Tumawa lang naman ito.

"Hahaha, bakit ka naman nauutal-utal diyan Mang Ador. Bakit natatakot ka" sabi naman nito. Mabilis ring nagbago ang emosiyon nito, yung kaninang nagtatanong ay ngayon na ay may galit sa tingin nito. Lumapit naman ito sa akin kaya napaatras ako, hanggang sa tumama na yung likod ko pader, mas lumakas naman yung kabang nararamdaman ko, malapit na siya sa akin, pero bago siya mas lumapit sa akin ay kinuha niya yung isang kutsilyo sa may lalagyan nito. Tri-nay niya pa kung matalim talaga yung hawak niyang kutsilyo.

"Alam mo Mang Ador, yung nakita mo kagabi, huwag mong ipagpkakalat huh. Alam kong may narinig ka rin sa mga pinagsasabi namin ni Charlie"

"Sinong Charlie, Alexander" pagsisinungaling ko rito baka kasi umepekto yung sinabi ko. Pero mukhang hindi iyon umepekto Kasi mukhang mas kinagalit niya iyon. Mas lumapit pa ito sa akin na galit na glit.

"Huwag mo na ngang i-deny pa Mang Ador, alam kong nakita mo si Charlie kagabi, at alam kong nagtataka kung bakit kami magkmukha ni Charlie, pero kung iniisip mong magkakambal kami, hindi iyan totoo, magkamukha lang talaga kami. Kaya once na malaman nina Mandy na nandito si Charlie, malalagot ka sa akin, hindi lang ikaw Mang Ador, pati na rin si Manang Selya, at lahat ng angkan mo Mang Ador. Kaya kung ayaw mong may mangyari sayo at sayong pamilya, manahimil ka na lang" dere-deretsong sabi nito sa akin. "Ohh kaya, tulungan mo na lang kami ni Charlie, para mas mapadali na yung plano namin. Madali lang naman Mang Ador ehh"

"Anong dapat kong gawin Alexander, lahat gagawin ko, huwag mo lang saktan pamilya ko" sabi ko lang rito.

"Madali lang naman Mang Ador ehh. First, manahimik ka, lahat ng nalalaman mo at malalamam mo pa ay ililihim mo. Second, kung anong ipagawa ko sayo gagawin mo"

"Kahit pumatay ako Alexander, gagawin ko"

"Yes, gagawin mo, once na hindi mo ginawa buhay mo or buhay ng isa sa kapamilya mo yung mamamatay. And then Third, next time na iyon, wala pa akong maisip" sabi nito.

"Bakit mo ba ito ginagawa Alexander, bakit parang ang laki ng galit mo sa isa sa mga kaibigan mo" sabi ko lang rito.

"Hindi ko sila kaibigan, Mang Ador. Sumama lang kami ni Charlie rito para dito namin gawin yung plano"

"Plano, ano bang plano iyan Alexander?"

"Gusto mong malaman Mang Ador, sige sasabihin ko sayo. Mukhang hindi ka naman na magsasalita ehh, since na may kasunduan naman tayo, sasabihin ko na. Tutal isa ka na rin naman sa nagsisinungaling sa kanila ehh" sabi pa nito, pagkatapos ay may nilabas na papel sa likod. "Nakikita mo ba to Mang Ador, Papeles ito na kailangang pirmahan nina Mandy o kaya ni Kriston o ni Angela. Papeles rin ito na nagsasabi na mapupunta sa amin ng Papa ko ang lahat ng kayamanan nina Mandy"

"Bakit mo ito ginagawa Alexander, mukhang may pinagsamahan naman kayo"

"A Simple question needs A simple answer. Madali lang naman iyang tanong mong iyan ehh. Simple lang, gusto kong maging maayos na kami ni Papa which means na Tito nina Mandy"

"Tito nina Mandy, ibig sabihin pinsan ka nina Kriston. So bakit mo jinowa si Mandy kung pinsan mo siya"

"Hindi ako yung jowa ni Mandy, si Charlie. Wala akong gusto sa taong iyon, masyadong akala mo kung sino minsan"

"So bakit mo nga ginagawa ito Alexander"

"Kasi nga gusto kong maging proud sa akin si Papa, never siyang naging proud sa akin, never rin niyang pinaramdam na mahal niya ako. Kaya gusto kong gawin yung gusto ni Papa para matanggap niya rin ako bilang anak"

"Pero masama yung gagawin mo Alexander"

"I don't even care, wala akong pake kung masama yung gagawin namin ni Papa, ang mahalaga ay maging masaya si Papa sa kung anong ikakasaya niya na ako mismo ang gumawa. I want my dad be proud on me." sabi nito pagkatapos ay yumuko.

"Alexander, marami namang paraan para matuwa sayo yung daddy mo ehh"

"But that is what he want to do. Ang kamkamin lahat ng yaman nina Mandy"

"Alexander" tawag ko rito.

"Pwede ba Mang Ador, kung

binibililog mo lang isip ko, tigilan mo iyan, hindi ako mapapalambot niyan. At kung nais mong baguhin yung isip ko, sorry ka. Wala ka ng magagawa Mang Ador. At kung magsasalita ka man sa mga lahat ng nalalaman mo, mabuti patayin na lang kita" sabi nito pagkatapos ay tinutok sa akin yung hawak niyang kutsilyo, hindi naman ako agad nakakilos.

"Alexander" may tumawag rito, mula sa likuran niya, na mukhang nasa may pinto.

"Lola Berta" sabi lang nito kay Berta. Oo si Berta ang nakakita sa amin. Pero mukhang hindi niya nakita na tinututok ni Alexander yung kutsilyo sa akin.

"Anong ginagawa niyo ni Ador" sabi lang nito

"Ahh wala po, magpapaturo lang po akong magluto" pagsisinungaling nito.

"Bakit ka naman magpapaturong magluto huh!"

"Kasi po diba malapit na Anniversary namin ni Mandy, so gusto ko naman pong ipagluto si Mandyzon" sabi pa nito. "Diba Mang Ador"

"Ha...O...oo. Gusto nitong matutong magluto" sabi ko lang rito.

"Ganon, ehh bakit kutsilyo yung hawak mo Alexander, hindi sandok" nakita pala nito yung hawak na kutsilyo ni Alexander.

"Kasi po, nasa pagtadtad pa lang po kami ng gulay" sabi nito at kinuha yung gulat na malapit sa kanya.

"Ahh, akala ko na kung ano ehh, ohh sige bilisan niyo na diyan, gutom na kasi si Angela"

"Ahh, ganon Berta, sige bibilisan na namin ni Alexander yung pagluluto, madali naman na ito ehh." sabi ko na lang rito.

"Ohh sige, dito na kami sa lamesa mag- aantay" tumango naman lang kami ni Alexander sa sinabi nito, pagkatapos ay lumabas na si Berta.

Ng makalabas naman na si Berta ay nagsalita naman na si Alexander. Inulit lang niya yung sinabi niya kanina, na papatayin niya ako o isa sa pamilya ko. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatakot sa kanya, siguro dahil na rin sa narinig ko sa kanya na gagawin niya pang iyong mga iyon dahil sa gusto niyang maging proud sa kanya yung daddy niya.

Pagkatapos naman niyang ulit ulitin yung mga sinabi niya ay lumabas na rin siya. Ako naman ay binuksan na ang kalan na sinarado pala ni Alexander kanina. Yung binatik ko naman na itlog kanina ay nilagay ko na sa kumukulong mantika. Kinuha ko naman na yung paglulutuan ko ng fried chicken na nilagyan ko na kanina ng crispy fry

Habang iniintay ko naman na maluto yung itlog at fried chicken ay nilagay ko na sa bowl yung sinangag. At dinala ko na sa kanila. Si Berta, Angela at Alexander pa lang naman yung nasa lamesa kaya ilang itlog at fried chicken yung niluto ko. Mukhang mamaya pa kasi gigising yung iba kaya para hindi na lumamig ay mamaya ko na lang lulutuin yung agahan nila.

Pagkatapos naming kumain ay dadalhan ko naman si Selya ng pagkain at gamot na siyempre.

[A/N: Short update po. hehehe ]

Please Vote and Comment po....

Follow me also @darkranger143

𝙻𝚊𝚋𝚢𝚊 𝚐𝚞𝚢𝚜!!!