Chereads / More than a Friend / Chapter 25 - Chapter 21

Chapter 25 - Chapter 21

Chapter Twenty_One --> LQ

Kriston McBride Point of View

HINDI PA rin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi, hindi naman talaga ako ganon nalasing ng beer kagabi ehh, nalasing ako dahil siguro sa tanawin na nasa harapan ko noong mga oras na iyon. Hindi ko nga namalayan ang sarili ko noon na palapit na pala sa mukha niya ehh, sa pisngi ko naman talaga siya gustong halikan noon, pero tumingin siya sa akin ehh kaya ayun, sa labi nito nalapat ang mga labi ko.

Hinayaan ko lang ang sarili ko noong mga oras na iyon. Alam kong maaaring magalit siya sa mga oras na iyon, pero hinayaan niya lang na magkalapat ang aming mga labi kaya bakit ko naman iyon pakakawalan pa diba.

Nakarinig ako ng kantok dahilan para mapabalik ako sa kasalukuyan. Nandito kasi ako sa kwarto at hindi pa lumalabas kahit tanghali na, ayaw ko kasing lumabas dito sa kwarto kasi nahihiya akong magpakita kay Ericka, alam niyo na yung nangyari kagabi.

"Bro, kakain na, labas na riyan" mukhang boses iyon ni Harrysen.

"Sige na Bro, mamaya na lang ako" sabi ko rito. Pumasok naman na ito sa kwarto.

"Kriston, ano ka Bro, hindi mo naman siguro sinasadya iyon ehh, tsaka ano bang kinakatakot mo" sabi pa nito sakin.

"Wala naman bro, nahihiya lang talaga ako sa ginawa ko, ninakawan ko siya ng halik. masaklap pa don, first kiss niya iyon. I'd secretly furtive it to her, I'd get her first kiss without any permission from her." sabi ko rito.

"Ede magsorry ka" sabi nito na alam naman niyang mahirap gawin.

"That's not easy Harrysen, saying sorry to your enemy in rhyme is not easy, masyadong mahirap gawin iyon Harrysen"

"Bro, kapag may LQ sa isang relasyon kailangang may magsorry, dapat magsorry ang may kasalanan, at sa sitwasyon niyo, mukhang ikaw ang may kasalan" sabi pa nito, bago tumayo. Natawa lang ako kasi LQ daw kami, grabe. "Kaya Bro, lumabas ka na diyan at kakain na tayo"

"Sige Bro, sunod na lang ako" sabi ko rito at sumunod na nga. Pagkalabas ko naman ng pinto ay hindi ko inaasahang pqgkalabas ko ay makikita ko siya kasama si Mandy. Napayuko naman agad si Ericka ng makita ako.

"Hay,,,, mahirap talaga kapag may LQ" sabi ni Harrysen, habang nakangisi sa harapan ko. Minura ko naman to at nauna ng maglakad papunta sa dining room.

Pagdating ko naman roon ay nasa upuan na sila. Kahit sina Lola Berta, Manang Selya at Mang Ador ay nandito na rin.

"Ohh Mang Ador, mabuti nandito na kayo, Okay ka na po ba Manang Selya, wala na bang nararamdamang kung anong masakit sayo" sabi ko nga rito.

"Ayos naman na ako Kriston, salamat sa pag-aalala" sabi ni Manang Selya.

"Walang anuman po"

"Sige na Kriston, umupo na kayo ni Harrysen, at kakain na tayo" sabi pa ni Manang Selya. May dalawa na lang na upuan sa isang side ng table na si Ericka at Queeny palang ang nakaupo na parehas na nasa dulo. Napapa- gitnaan ng dalawa ang dalawang bakanteng upuan. Kaya para mabigyan ko ng space si Ericka ay kay Queeny ako tumabi at si Harrysen naman ang tumabi kay Ericka.

"Apo bat diyan ka tumabi kay Queeny, dito ka tumabi kay Ericka, para maganda" nagulat ako sa sinabi ni Lola.

"Dito na lang ako Lola sa tabi ni Queeny" sabi ko naman rito. Tinitingnan lang naman kami ng iba naming kasama, at mukhang naghihintay na ng susunod na mangyayari. Si Ericka naman hindi nakatingin sa amin, dahil nasa malayo ang tingin nito.

"Hindi diyan ka sa tabi ni Ericka" sabi pa ni Lola.

"Dito ka na lang Bro" may pabulong na sabi ni Harrysen sakin. Kaya ginawa ko na lamang ang gusto ni Lola.

"Ohh diba bagay, mas maganda" sabi pa ni Lola.

Habang kumakain hindi ako mapakali, feeling ko kasi ang liit lang ng espasyo para saming dalawa ni Ericka, at alam kong ganon din siya.

Gusto kong magsorry sa kanya dahil sa nagawa ko sa kanya kagabi. Gusto kong maging maayos kami ni Ericka, gusto ko na maging enemy in rhyme ulit kami nito.

Ayaw kong ganito kami ni Ericka, ayos na sakin na enemy in rhyme kami at hindi sa ganitong paraan. Ayaw ko na umabot kami sa puntong maging katulad kami ni Mandy at Harrysen.

Sana nga lang ay kapag humingi ako ng kapatawaran sa kanya ay patawarin niya ako. Dahil mukhang hindi ko kakayaning kapag hindi ko siya iniinis o makausap man lang. Feeling ko'y mababaliw ako kapag hindi ko talaga siya nakausap man lang ng isang minuto o araw, lalo na kung linggo pa at buwan.

"Ahm, Ericka" sabi ko rito, navulat naman ako sa ginawa ko. Napatingin naman lahat sa akin, maliban lang kay Ericka, pero tumigil ito sa pagkain tulad ng kasama ko.

"Kriston mamaya ka na magsalita, nakikita mo naman sigurong kumakain pa tayo diba" sabi naman ni Ericka, at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Pero Ericka" mukhang ayaw ko talagang ganito kaming dalawa, hindi ko na matiis na magsorry sa kanya, kasi ba naman ang tanga- tanga ko. Pero sana na lang ay sinunod ko na lang ang gusto nito.

"Pwede ba Kriston, ayaw kong marinig ngayon lahat ng sasabihin mo, kaya pwede ba" sabi nito na may galit sa kanyang boses. Tumayo naman na ito sa kanyang kinauupuan at umalis na. Tinawag naman ito nina Mandy pero hindi ito tumingin sa amin, at dere-deretso lang sa paglalakad.

Naiinis ako sa sarili ko kasi, bakit ba sa dinami- rami pa ng babae sa mundo'y si Ericka pa ang napili nito, ang enemy in rhyme ko pa, masyado talagang mapaglaro ang tadhana, masyado talagang magaling pumili ng makakapareha mo.

"Anong nangyari kay Ericka, Kriston" sabi ni Lola Berta pero walang sumagot rito.

"Bro sundan mo si Ericka, baka kung saan pa iyon pumunta" sabi ni Harrysen sakin.

"Hayaan na muna natin si Ericka, Harrysen, kailangan niya ng space" sabi ko rito, hindi naman na nagsalita si Harrysen at kumain na lang.

Tama naman ang sinabi ko diba, Ericka needs more space. At kailangan kong ibigay iyon sa kanya, wala naman sigurong masama kung ibibigay, ang totoo nga niyan ehh maaaring mapabuti pa iyon. Siguro magtitiis na muna ako na hindi kami magkibuan.

Kahit mahirap titiisin ko parin, kahit mahirap basta alam kong maaaring mapabuti sa sitwasyon namin, okay lang. Kahit masakit, ayos lang kasi nararapat gawin, kahit masakit basta for the best even if it's not easy to me.

Sana nga lang ay may ikabuti ang gagawin ko, sana nga lang ay maganda ang kalabasan ng pagtitiis ko, sana nga lang, sana nga.

Ericka Anderson Point of View

NANDITO ako ngayon sa palagi kong tinatambayan, dito sa upuan sa likod ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko kanina. Kasi naman si Kriston ehh, alam naman niyang iniiwasan na siya nung tao tapos kakausapin pa niya ako, nakakainis bida.

"Ericka" napatigil ako sa mga iniisip ko ng may magsalita sa likod ko, na mukhang alam ko na kung sino iyon.

"Pwede ba Kriston, ayaw ko munang marinig o maramdaman ka man lang, kaya pwede ba" sabi ko rito habang hindi ito tinitignan. Pagkasabi ko non ay pumunta ito sa harapan ko at lumuhod.

"Pero Ericka, hindi ko kakayaning hindi ka kausapin o inisin man lang, kaya please naman ohh, hayaan mo namang humingi ako ng tawad sayo. Ericka Anderson patawarin moko kung ninakaw ko ang una mong halik, kung maaari ko lang ibalik iyon sayo gagawin ko, pero hindi ko kayang ibalik ang panahong nangyari na, Ericka" sabi ni Kriston, habang magkadikit pa ang mga palad na akala mo'y nanalangin para lang patawarin ko na. "Kung maaari ko lang talagang ibalik ang mga oras at panahon na dapat ibalik ginawa ko na, Ericka. Kaya sana patawarin mo na ako Ericka please lang Ericka hindi ko alam kung kakayanin kong hindi tayo magkibuan kaya please lang ohh patawarin mo na ako" hinayaan ko lang itong magsalita. Sa hinaba- haba ng sinabi nito ay alam kong may pagka seryoso talaga siya sa paghingi ng tawad.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko na hindi man lang siya tinitignan, hindi ko pa kasi talaga kayang patawarin siya ngayon, kailangan pa niyang ipakita sakin na sincere talaga siya sa lahat ng sinabi niya, hindi lang sapat na humingi siya ng tawad. Ganito naman talaga minsan diba, kailangan mong alamin kung seryoso ba ang isang tao. Minsan kasi hindi ka lang dapat makukuha sa paghingi hingi ng sorry, mas maganda parin talaga kung may action na gagawin ang isang tao. Sabi nga diba «action speaks louder than words» kaya siguro may hinihintay lang akong gawin niya para patawarin ko na siyang lubusan.

"Ericka please" sabi pa nito.

"Kriston, bigyan mo muna ako ng time at panahon pwede" sabi ko rito at tumalikod na, pero hinawakan niya ang braso ko at pinihit para mapalingon ako sa kanya, na nangyari nga pagkatapos non ay kinulong niya ako sa mga bisig niya.

"Ericka ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako" sabi pa nito. Pinilit ko naman na umalis sa mga bisig nito, noong una ay hindi ako makawala pero nung ikalawa na ay hinayaan niya na akong makaalis na sa kanyang bisig.

"Madali lang Kriston, give me time and space, para mahimasmasan ako Kriston" sabi ko rito.

"Pero hindi ko yon kaya Ericka, para akong mababaliw kung hindi kita kausapin o maramdaman man lang, kaya huwag Ericka please, huwag" sabi nito. Humarap ako rito, titignan ko na sana ito sa mata nito pero hindi ko kaya, masyadong nakakarupok ang mga mata ni Kriston.

"May tanong ako sayo Kriston, ano ba talagang turing mo sakin huh, ano ba ako sayo, ano ba ako sayo Kriston, ano ba" sabi ko rito, gusto ko ng iklaro niya sakin, kasi kahit halata naman na, gusto ko sa bibig niya na mismo manggaling, oo nga at sabi ko kanina sa isip ko ay «action speaks louder than words» ehh syempre iba naman sa point na ito.

Hindi naman ako sinagot nito, at umiwas ng tingin. Inulit ko yung tanong ko sa kanya. pero hindi talaga nito sinagot ang tanong ko.

"Kriston, bat di mo masagot, ano. Ano ba ako sayo" sabi ko. At dahil hindi niya ulit ako sinagot ay umalis na lang ako sa harapan nito.

Akala ko non ay tatawagin niya ako para pigilan pero ni pagpigil ay wala na itong ginawa.

TATLONG araw na ang nakalipas, simula ng huli kong nakikita si Kriston, at tatlong araw narin akong halos nandito lang sa kwarfo. Nasa iisang bahay lang kami ni Kriston pero hindi kami magkatagpo. Ewan ko ba, hindi ko alam kung nandito pa ba siya sa loob ng bahay o wala na.

Hindi na nga ako mapakali ehh, feeling ko kinakain ko lahat ng sinabi ko sa kanya. Dapat kasi pinatawad ko na lang siya ehh, mahirap pala talagang umiwas sa taong alam mong may puwang sa buhay mo, sadyang hahanap- hanapin mo talaga yung taong yon.

Hindi na talaga ako mapakali, paikot ikot na ako sa higaan ko, nakita na rin nga ako nina Mandy ehh, tinatanong narin nila ako kung anong nangyayari sakin, pero syempre ayaw kong sabihin kasi ayaw kong masabihan na baka nagsisisi na ako na hindi ko pa pinatawad si Kriston noong time na lumuhod na si Kriston at nagmakaawa na patawarin ko na ito.

Kaya siguro kapag nagkita kami'y patawarin ko na siya, hindi ko rin pala kayang hindi siya nakikita o nararamdaman man lang. Siguro kailangang ako naman ang gumawa ng paraan, para makita ko siya.

"Ericka" may tumawag sakin mula sa may pintuan pero pagtingin ko wala namang tao. Nagtaka naman ako kung sinong tumawag kaya lumapit ako sa may pinto. Pero pagtingin ko wala namang tao, hanggang sa may maapakan akong papel.

Nagtaka naman ako kung paano magkakaroon rito ng papel. Kaya pinulot ko iyon, ng tingnan ko ang papel, ay may nakita akong sulat.

"Ericka, magpunta ka sa likod ng bahay mamayang gabi, may sasabihin ako" sabi don sa sulat. Tumingin- tingin naman ako, kasi baka prank lang to nina Mandy sakin. Pero wala namang sila rito. Kaya pumasok na lang ako ulit sa kwarto at sinara ang pinto, at hihintayin na gumabi.

GABI NA NGA, katatapos lang naming kumain, pero katulad ng tatlong araw na nakalipas ehh nauna ng kumain sa amin si Kriston. Pagkatapos nga naming kumain ay kanya- kanya kami ng ruta kung saan pupunta, pumunta naman agad ako sa likod ng bahay pero thirty minutes na ehh wala pang lumalapit sakin, para makipag- usap. Iyon kasi ang sabi sa sulat ehh kaya ayun baka nga talaga prank lang to, pero siguro wait na lang ako mga ilang minuto pa.

Ilang minuto pa nga akong naghintay pero wala talaga, kahit sina Mandy man lang hindi, tatanungin lang nila ako kung anong ginagawa tapos ayun na aalis na sila. Hindi ko nga alam kung dapat pa ba akong maghintay rito ehh.

Halos isang oras na talaga akong naghihintay pero wala talagang dumating kaya tumayo na lang ako at nagbabalak ng umalis. Patalikod pa lang ako ng may marinig akong naggigita, Pagtingin ko roon ay si Kriston iyon at nakatingin sa akin.

"WALANG IBA" ng Ezra Band ang kinakanta nito. Habang kinakalabit ang hawak nitong gitara.

"Ilang beses nang nag away

Hanggang sa magkasakitan

Di na alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan"

Tumigil naman ito sa paglapit sakin at sige lang sa pagkanta habang nakangiti, nginitian ko rin naman ito.

"Ngunit kahit na ganito

Madalas na di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong

makapiling sa buong buhay ko"

Sige lang ito sa pagkanta habang kinakalabit ang gitara. Lumapit naman ito sa akin ng bahagya pero ng may kalapitan na siya ay tumigil na naman ito.

"Kahit na binabato mo ako

Ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't

Sinisipa, Nasusugatan mo

Ikaw pa rin, walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba, Walang iba"

Kinanta niyang part na iyan habang dine- describe niya yung lyrics. Ang cute nga niya ehh habang dine-describe yung lyrics.

"Pacute" sigaw ko rito, pero sige lang ito sa pagkanta. Humakbang naman ito ng mga limang hakbang palapit sakin.

"Nagsimula sa mga asaran

Hanggang sa magkainitan

Isang eksenang bangayan na naman

Ba't ba kasi pinagpipilitan

Ang di maintindihan?

Di naman kinakailangan"

Lumapit na talaga ng lubusan sakin si Kriston, ngayon ay nasa harapan ko na nga siya, gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako. Tumigil naman ito sa pagkanta at nagsalita.

"Ano Ericka, miss mo ko no..." sabi nito.

"Bakit naman kita mamimiss, nasa malayo ka ba, at tsaka sino ka ba para mamiss ko" sabi ko rito na kinatawa lang nito.

"Ako???" pagtatanong nito. "Ako si Kriston McBride your enemy in rhyme, at kung maaari nga lang baguhin na natin iyon, ngayon" sabi pa nito at nagpatuloy na ulit sa pagkanta.

Pinagmasdan ko lang ulit itong kumanta at maggitara, tumingin naman ito sa akin, mata sa mata, halos mailang na nga ako sa titig nito. Hindi ko alam ang gagawin, halos mapaluhod na ako dahil sa mga mata nito. Pero ayaw kong ipahalata dahil baka pagtawanan ako nito.

"Ngunit kahit na ganito

Madalas na di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong

makapiling sa buong buhay ko"

Gusto ko na ngang umiwas sa mga tingin nito kaso parang may magnet ang mga mata nito dahil kapag inaalis ko ang mga tingin ko rito ay parang talagang minamagnet ako dahilan para mapatingin ulit ako rito.

"Kahit na binabato mo ako

Ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't

Sinisipa, nasusugatan mo

Ikaw pa rin, walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba"

Mukhang bahalata naman nito na naiilang ako, dahil hinawakan nito ang baba ko at pinatingin sa kanya.

"Huwag kang mailang sakin Ericka, hindi mo naman kailangan mailang sa mga titig ko ehh. At kung nagtataka ka sa mga nakikita mo sa mga mata ko, huwag kang mag- alala totoo lahat iyan Ericka, walang halong biro, at lalong walang halong pambobola, lahat iyan totoo Ericka, Lahat" sabi nito, pagkatapos ay tinapos na nito ang pagkanta.

"Kahit na binabato mo ako

Ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasampal mo ako't

Sinisipa, nasusugatan mo

Ikaw pa rin, walang iba

Ang gusto kong makasama

Wag ka nang mawawala hmm

Walang iba, walang iba"

Tinapos na nga nito ang pagkanta, pagkatapos ay binigyan ako ng mainit na yakap.

"Alam mo, Ericka. Hindi ko talaga kakayaning hindi ka kausapin, o makita man lang. Kaya sorry na talaga Ericka sa nagawa ko. Promise ko sayo babawi ako sayo, promise" sabi nito sakin habang yakap- yakap ako, inalis ko naman ang pagkakayakap nito.

"Huwag ka ng bumawi, tama na tong ginawa mo para patawarin kita, at tsaka nangyari na iyon ehh, at tsaka ikaw naman yung nakakuha ng first kiss ko ehh at tsaka masyado na akong nagiging OA para lang sa kiss na iyon" sabi ko rito.

"Sorry ulit huh, pero siguro napag- isip- isipan mo kasi na I am so good damn kisser, kaya nabago ko yung galito noon diba, pustahan" pagyayabang nito. Sinungitan ko naman.

"Gago, hindi no" sabi ko rito at tumalikod sa kanya.

"Ericka" tawag nito sakin. Dinead ma ko lang ito nung una. Pero paulit- ulit naman ito sa pagtawag sa pangalan ko.

"Ano" sabi ko rito.

"Tumingin ka sakin"

"Bakit"

"Basta, hoy!!!" kinalabit ako nito.

"Ayaw" sabi ko rito.

"Sige ka ikikiss kita sa leeg, hanggang magkaroon ka ng kiss mark diyan sige ka" pananakot nito, humarap ako rito.

"Ikaw tala..." sabi ko rito pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ninakawan na ako nito ulit ng halik. Mga ilang minuto nito sinakop ang mga labi ko, hanggang sa pakawalan na nito.

"Ikaw talaga Kriston..." hindi ko na lang tinuloy yung sasabihin ko. Pinalo ko na lang to sa braso. "Ikaw na naman yung second kiss ko, huwag mong sabihin na ikaw pa yung third kiss ko" sabi ko rito.

"At fourth, fifth, sixth, hanggang one hundred kiss pa, ako lang dapat Ericka, ako lang" sabi nito. Nagbuntong hininga naman ako bago magsalita.

"Kriston, ano bang tingin mo sakin, may gusto ko ba sa akin, ohh magiging isa rin lang ako sa babaeng paiiyakin mo" sabi ko rito.

"Ericka wala pa akong pinaiyak na babae no" sabi nito.

"So, ano nga, may gusto ka ba sakin" sabi ko rito. Napatigil naman ito.

"Sa tingin mo Ericka" tanong nito sakin.

"Ano nga Kriston, gusto ko manggagaling sa bibig mo yung sagot Kriston, ano" sabi ko pa rito.

"Mahal kita, Ericka, mahal na mahal kita, kaya sana nga pagbigyan mo ako na manligaw sayo Ericka, please Ericka, Pleassssseee" pagmamakaawa nito.

"Sige Kriston, papayagan....." sabi ko rito pero hindi na ako nito pinatapos.

"Talaga Ericka, Yesss. Woahhh" sabi nito, natawa naman ako kasi ligaw pa nga lang ehh tapos, kung makareact parang akala mo sinagot ko na.

"Biro lang, bahala ka diyan" napatigil naman ito, na kinatawa ko.

"Ano, please lang babe" sabi nito.

"Anong babe"

"Babe, sabihin mong 'Oo pinapayagan kitang ligawan ako' sige na babe" sabi pa nito.

"Ayaw" sabi ko rito.

"Please Babe"

"Osige na, Oo na pinapayagan na kitang ligawan ako, ano masaya ka na" sabi ko rito. Katulad nga ng kanina ehh, iyon nga ang ginawa niya. nagsisisigaw na naman.

"Kriston napapano ka" napatingin naman kami kung sino ang nagsalita yung apat pala.

"Wala naman" sabi nito, pagkatapos ay inakbayan ako. "Guys let me introduce my girlfriend" sabi nito.

"Anong girlfriend???, Correction hindi pa tayo manliligaw stage ka pa lang, no"

"Ede, Guys let me introduce my future girlfriend, or wife, Ericka Anderson McBride" sabi nito.

"Bakit sure ka na bang sasagutin kita" sabi ko rito at inalis ang pagkaka- akbay nito sakin.

"Oo sure na iyan, ako pa" sabi nito.

"Ede sana all" sabay sabay na sabi ng tatlo maliban kay Alexander pero nakangiti naman ito.

Please Vote and Comment po.....