Chapter Twenty_Two --> INGGIT
Harrysen Bautista Point of View
NAKAKAINGGIT sina Kriston, sila tuloy ni Ericka maaaring maging sila, pero kami ni Mandy, maaari kaya? May Alexander na si Mandy, ayaw ko namang maging kabet no. Siguro kailangan ko lang maghintay. Kung kami talaga kami diba, kung hindi naman ede hindi.
"Hoy, ano na namang iniisip mo diyan. Mukhang malalim ahh, ano nahuhulog ka na ba diyan sa bangin, Harrysen, hmmm..." sabi ni Queeny.
"Wala ka na don" sabi ko rito.
"Taray huh, grabe ka men, diyan ka na nga" sabi nito at umalis na sa harapan ko. Tumabi naman sakin si Kriston at umakbay sakin
"Bro, anong nangyayari sayo, huh" sabi nito.
"Wala, bored lang" sabi ko rito.
"Sus kilala kita Bro, hindi ka madaling mabored, kahit nag- iisip ka nga lang hindi ka nabo- bored ehh" sabi pa nito.
"Oo nga Harrysen, nasaan na ba mga libro mo, mukhang wala ka ngayong gana magbasa ahh, ilang days na" sabi naman ni Ericka sakin.
"Syempre gusto kong maenjoy tong days na nandito tayo, no" sabi ko. "At tsaka, naubos ko na dala kong books kababasa" sabi ko sa mga ito.
"Sus, pero ano ba talagang problema, Bro huh, tell me" sabi pa ni Kriston sakin.
"Wrong Kriston, tell us, hindi lang dapat ikaw, no. Kaibigan rin kami ni Harrysen. So we have the rights to know what's problem" sabi pa ni Ericka.
"Yes, friend ka ni Harrysen, Ericka. Pero matuturing tong Man's talk, so only for Man, and not for girls. So get out my girl" sabi naman ni Kriston rito.
"Girl mo muka mo" galit na umalis si Ericka, dahil sa sinabi ni Kriston.
"Ikaw talaga Kriston, nagsisimula ka pa nga lang manligaw, may bad mistakes ka ng ginagawa, sundan mo na si Ericka, baka ipatigil ni Ericka panliligaw mo, sige ka" sabi ko rito.
"Sus hindi yun, at tsaka maiintindihan naman ako non ni Ericka ehh. Ericka is a smart girl, she can understand everything kahit hindi mo iparamdam, kaya okay lang yun Bro" sabi pa nito
"Sure ka Bro huh"
"Oo nga, so tell me, what's wrong Bro, You know that you can tell everything to me, so just tell me what's problem and You know also that I will always there to listen to you, so tell me Bro, what's your problem, Bro. I'm listening" sabi pa nito.
"Ano ba kayo, masyado kayong Englisherist ngayon, at tsaka pwede ba, wala nga akong problem, ano namang proproblemahin ko huh"
"Lovelife, iyon lang naman problema palagi ng guys na katulad mo ehh, or else naiinggit ka sakin, kasi ngayon nililigawan ko na si Ericka, NA nagsimula sa friends but enemy to love"
"Ano ka ba Bro, hindi ako naiinggit no, bat naman ako maiinggit huh"
"Kasi, hindi katulad sa amin ni Ericka yung kinalabasan. Hindi katulad nung pinagtapat mo kay Mandy na gusto mo si utol, saklap pa nga nangyari ehh hindi kayo nagkibuan ng ilang taon"
"Ano ka ba Bro, hindi naman talaga about diyan iniisip ko, kaya pwede ba Bro" sabi ko pa rito. Tumayo na sana ako para umalis na pero hinila ako nito para mapaupo ulit.
"Pwede ba Bro, kilalang- kilala na kita. Sakin ka pa ba magsisinungaling" sabi pa nito, napabuntong- hininga na lang ako rito. Minsan nakakainis rin pala na kilalang- kilala ka na nila, mahirap na sabihan ng kasinungalingan.
"Nagsasabi ako ng totoo, Kriston McBride, kaya huwag ka na Bro makulit, okay" sabi ko rito.
"Hindi ako makulit, Bro. sadyang may care lang ako sayo, kaya kita tinatanong kung anong problema mo" sabi pa nito halos iyugyog na ang balikat ko nito, sabihin ko lang ang totoo sa kanya.
"Wala na nga kasi talaga akong mabasang Books, Bro. Kaya nag- iisip ako kung saan ako bibili, ayaw ko namang umorder kasi mas gusto kong bumili sa bookstore kesa iba yung bumili" pagsisinungaling ko rito, baka kasi madala na ngayon.
"Harrysen, lier's go to that fucking hell. So don't me Harrysen, I know you starting from your feet to your head" sabi pa nito.
"Bro, gumagaling ka na sa English, nice" sabi ko rito, baka maiba na kasi yung topic namin ehh, pero hindi
"Huwag mong ibahin, pinag-uusapan natin, Bro. So Bro, what's your real and serious problem" sabi pa nito.
"Okay, okay. Tama ka, naiinggit ako sayo kasi, ikaw nakuha mo si Ericka ng ganon ganon lang. Ang malala pa don, you'd starting in enemy rhyme to Lovers. Samantalang kami, best friend to friendship over pero noon at hindi na ngayon, friends na ulit kami"
"Friends nga ulit kayo, pero mahal mo pa si utol, pustahan" hundi ako nakaimik sa sinabi ni Kriston. Tama naman siya ehh, pero kasalanan ko bang hindi ko kayang limutin na lang ng basta basta ang nararamdaman ko para kay Mandy huh.
"See, I am right, Bro. Naiinggit ka nga sakin" sabi pa nito, napabuntong- hininga na lang ako sa sinabi nito. "Bro, hindi mo naman kailangang, maiinggit ehh. You're handsome man na ngayon Bro, maraming girl ang magkakandarapa sayo. Pero kung si Utol lang talaga ang kaya mong mahalin. Okay I'll help you" dabi pa nito.
"Anong help naman iyang sinasabi mo, baka kung ano yan huh" sabi ko rito.
"Don't worry, Bro. Akong bahala, just watch and learn, malaki laking acting-ngan ang magaganap pag ganon. But for now, bibili muna tayo Bro ng books mo." sabi pa nito.
"Talaga, Bro libre mo" pang- uuto ko rito.
"Gago, wala akong pera. Pero sasamahan na lang kita, Bro" sabi pa nito. Dumaan naman si Mang Ador sa harap namin na mukhang balisa.
"Mang Ador, bakit mukhang para kang balisa, huh, anong nangyari" sabi naman ni Kriston rito, nahalata rin pala nito.
"Huh wala, wala naman. Sige na mga iho at may pupuntahan pa ako" sabi pa nito at umalis na.
"Napano naman kaya tong si Mang Ador" sabi pa ni Kriston. Mukhang may problema si Mang Ador, pero bakit kinikimkim niya, dapat sabihin niya sa iba para matulungan siya.
"Teka, Bro nasaan pala si Alexander, palagi na lang kasi nawawalang bigla ehh" sabi pa ni Kriston.
"Abay ewan ko, alam mo namang magkasama tayo kanina pa, tapos ako tatanungin mo" sabi ko rito.
"Malay ko bang wala ka ring alam huh" sabi pa nito.
"Hey guys, ako ba hinahanap niyo" sabi naman ni Alexander na habang papalapit sa amin.
"Saan ka galing Alexander" sabi naman ni Kriston rito.
"Wala, diyan lang sa labas" sabi naman nito.
"Ahh akala ko kung saan ka na naman pumunta" sabi pa ni Kriston.
"Ahm, nakia niyo ba si Mandy, kanina ko pa kasi siya hindi nakikita ehh" tanong naman nito samin.
"Parang hindi naman lumabas sa kwarto nila ehh, baka nandon" sabi ko naman rito.
"Ahh okay" pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Mandyzon McBride Point of View
MAPAPAsana all na lang talaga ako kina Ericka, kasi ba naman ito yung hinihintay namin noon pa ehh. Ang umamin na si Kuya Kriston kay Ericka na gusto niya ito. At ang ganda lang ng nangyari kasi mala Wattpad story talaga yung kanila. Kasi, mula sa Enemy to Lovers. Kaya sana all talaga, kaya nakakainggit lang pero bat naman ako maiinggit diba, I have boyfriend. pero sana may ganon rin akong story sa buhay ko diba.
"Bwiset" galit na sabi ni Ericka habang papasok sa Kwarto namin.
"Ohh napapano ka girl, anong problema" sabi ko naman rito.
"Iyan kasing magaling mong kapatid, NAKAKABWISET" sabi pa nito.
"Bakit naman, ano na naman bang ginawa ng magaling kong twin brother sayo huh" sabi ko rito..
"Paalisin ba naman ako ni Kriston dun. Gusto ko lang naman malaman kung anong problema ni Harrysen ehh" sabi nito.
"Bakit napa-pano ba si Harrysen, ano bang problema non" sabi ko naman rito.
"Iyon na nga, hindi ko nga nalaman kasi pinaalis na nga ako ng magaling mong kuya. May Man's talk pang nalalaman, hhhmmm bwiset" sabi pa nito na galit na galit.
"Bat ka ba naiinis, Man's talk naman pala ehh" sabi ko pa rito. "At tsaka ano ka ba, hayaan mo na sila. But wait, tell be bes kailan mo sasagutin si Brother huh"
"Ang tanong may balak ba ako" sabi pa nito.
"Bakla ka, ehh bakit ka pa pumayag na ligawan ka ni Kuya Kriston. Alam mo namang gustong gusto ka ni Kuya" nabigla ako sa sinabi nito, ehh bakit ba kasi pumayag pa siya na ligawan siya ni Kuya Kriston, kung wala naman pala itong balak na sagutin ito.
"Hindi, hindi naman sa wala akong balak, gusto ko lang na patunayan niya na sincere talaga siya sa panliligaw sakin, alam mo namang may gusto rin ako sa kapatid mo ehh" sabi pa nito.
"Ayyieee, talaga, may gusto ka rin pala kay Kuya. Sana all crinush- back, sana all talaga" sabi ko na lang rito. Sana all talaga may love story na pangwattpad. Nakakainggit bwiset.
"Ede sana girl, crinush-back mo si Harrysen noon" sabi nito. Pero bakit ko ba kasi hindi talaga crinush-back si Harrysen. Ewan ko ba baka kasi kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya noon. Napatigil pala ako ng sabihin iyon ni Ericka na napansin nito. "Sorry girl, wala akong intensyon na iba okay"
"Ayos lang, minsan nga talaga iniisip ko. Bakit kaya hindi ko man lang binigyan ng chance si Harrysen noon" sabi ko rito.
"Bakit nga ba talaga, ano bang problema kay Harrysen, ano bang wala kay Harrysen huh" sabi naman nito.
"Teka bakit ba napunta sakin yung topic, lovelife mo kaya girl yung pinag- uusapan" sabi ko rito na may konting pagkataray.
"Ehh, ano naman, sayo naman dapat yung topic ehh. So bakit nga girl" sabi pa nito.
"Ewan ko nga ehh, wala namang problema kay Harrysen, hindi lang sa mabait siya, matalino at gwapo na rin siya ngayon, marami ng nagbago sa kanya ngayon simula nung bastedin ko siya, pero ewan ko ba, may part na gusto kong sisihin sarili ko pero hindi ko naman alam kung bakit." sabi ko rito.
"Sus syempre marami na kasing nagbago sa tao, ganon lang siguro iyon" sabi nito, ganon nga ba talaga iyon.
"Hindi naman sa ganon girl, pero alam mo naisip ko rin. What if hindi ko binasted si Harrysen noon, magiging ganyan kaya siya" o magiging ganyan ba siya kahit hindi naman nangyari iyon sa amin.
"O kaya what if binigyan mo siya ng chance na maging kayo noon, tapos tinanggap mo na lang siya kung ano siya. Madali lang iyon diba"
"Hindi iyon madali"
"Ang alin, ang tanggapin kung ano si Harrysen"
"Hindi bes"
"Ehh ano bes"
"Bes ayaw kong mag-away tayo, kaya stop questioning me about that" sabi ko rito, natigil naman na ito. Halos isang minuto rin bago ko basagin ang namumuong katahimikan samin. "Sorry pala Bes" pagpatay ko nga sa katahimikan.
"Sorry rin bes, wala akong ibang intensyon bes, kaya sorry kung nao- offend na kita"
"Sorry rin bes" iyon na lang ang sinabi ko. "But for now, Let's talk about your lovelife, tutal wala namang masama kung pag-uusapan natin yun ehh"
"But girl" natigilan ito. "Pero sige na nga, ano bang gusto mong sabihin ko huh"
"Simple lang bes, may balak ka bang sagutin si Kuya Kriston, if not kasi just stop it. Ayaw kong masaktan si Kuya Kriston, iba iyon pagnasaktan, halos mapariwara na iyon"
"Girl alam ko iyon, Remember the day na nakita natin si Kriston sa kwarto niya na halos mabaliw na kakaiyak kasi nakipag- break si Nicole sa kanya, his ex girlfriend right" Yeah, Nicole is my brother's ex girlfriend, maganda, matalino rin, pero syempre mas matalino kami ni Harrysen doon. Minahal rin iyon ni Kuya Kriston kahit mas mahal niya noon si Ericka, hindi pa kasi noon alam ni Ericka ehh.
"Oo nga, alam mo bang mas gusto ka pa pero non ni Kuya Kriston pero kung makaiyak wagas"
"Talaga girl, ede sana all" sabi pa nito at nagtawanan kami. Pero napatigil kami ng dumating si Alexander.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo diyan ahh, anong meron" sabi nito.
"Wala naman babe. Ahm kanina ka pa ba diyan" sabi ko naman rito.
"Hindi, kararating ko lang babe, bakit" mabuti naman at kararating lang niya, sabi ko sa isip ko. Baka kasi marinig nito lahat ng pinag-usapan namin ni Ericka, maaaring maging gulo iyon.
"Wala naman" sabi ko rito.
"Anong kailangan mo pala Alexander huh" sabi naman ni Ericka rito.
"Wala naman tinignan ko lang naman ang girlfriend ko" kinilig naman si Ericka, hay, parang si Queeny masyadong mababaw kiligin.
"Ede sana all, ayyieee" at tinusok- tusok pa nga ni Ericka ang tagiliran ko.
"Ahh sige, dito na ako" sabi pa nito.
"Bye babe" kumaway na lang ito sa akin at tuluyan na ngang umalis sa silid namin.
"Pasalamat ka bes, walang narinig si Alexander, kundi gulo iyon" sabi naman nito nang tuluyan nang nakalabas si Alexander.
"Kaya nga ehh, mabuti na nga lang. Next time kasi i-lock mo yung pinto" sabi ko rito.
"Osige po girl" sabi naman nito.
"Good, ilang beses na nangyari to satin, yung bigla bigla na lang may pumapasok" sabi ko rito. Ilang beses na kasi talaga ehh.
Third Person Point of View
HINDI ALAM nina Ericka at Mandy na kanina pa pala si Alexander nakikinig sa kanila. At ang hindi pa nila alam ay hindi si Alexander ang nagpakilala sa kanila, dahil si Charlie iyon nagswitch ulit sina Alexander at Charlie dahil may mahalagang kailangang gawin si Alexander.
BALISANG-BALISA naman si Mang Ador dahil hindi na niya kayang itago pa ang kanyang nalalaman, Ngunit takot na takot siyang magsalang dahil ayaw niyang mawala pa sa mundo o ang may mawala sa kanyang pamilya. Pero kahit anong pilit talaga niya sa kanyang sarili na huwag magsalita ay hindi na niya talaga kayang kimkimin pa ang nalalaman.
Ilang beses na niyang tinangkang magsalita sa mga kasama niya ngunit hindi niya kaya, kahit nga sa asawa niya ay hindi niya ito mapagtapat. Dahil palaging bantay sa kanya si Alexander na minsan naman ay si Charlie ang gumaganap.
Minsan masyado na siyang halata, pero mabuti na nga lang ay nakakaisip siya ng paraan para matanggal ang pagdududa ng mga kasama niya. Mas halata pa kasi siya kesa sa totoong nagpapanggap.
Nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niya, masyado na siya matanda para mamroblema pa ng mga ganito kahirap na bagay, Ngunit naisip na lamang niya na may dahilan ang diyos kaya siya ang nakaalam nito. Maaaring siya ang magiging dahilan para malaman ng mga bata ang pakay ng impostor nilang kaibigan. Ngunit paano niya sasabihin sa mga ito ang plano ng kanilang kaibigan. Paano niya sasabihin ang mga nalalaman, paano niya ipapaalam sa mga ito ang masamang balak, paano???
Bakit ba kasi kailangan pang may inggit sa loob ng isang tao, minsan ring tanong niya, dahil halata namang kainggitan ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Alexander at ang Ama nito. Sana kasi wala ng inggit sa bawat tao, sana wala na.
Please Vote and Comments po....
Just follow me na rin po....
Thank you and God bless to all my readers..... 😘😘😘