Chereads / More than a Friend / Chapter 20 - Chapter 17

Chapter 20 - Chapter 17

Chapter Seventeen -->> CLOSURE

Mandyzon McBride Point of View

TANGHALI na akong nagising, syempre ikaw ba naman ang matulog ng umaga na. Hindi ka pa ba tatanghaliin ng gising diba. Pero at least masaya naman na kaming natulog lahat lalo na at may closure na kaming dalawa ni Harrysen. Pumunta naman agad ako sa kusina para kumain na nakaramdam kasi ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina. Pagdating ko naman roon ay naroon sina Alexander, Kuya Kriston, at si Harrysen. Ngumiti naman ito ng makita ako, nginitian ko rin siya. Nao- awkward lang ako kasi nasanay kaming hindi ganon.

"Hi Babe, mukhang masaya iyang gising mo ahh" sabi ni Alexander sa akin.

"Syempre, ikaw ba naman, iyang magkaroon ng closure sa isang dating kaibigan, siguro mas masaya pa ako sa masaya" sabi naman ni Kuya Kriston, minsan talaga hindi mapreno bibig ni kuya, dapat siguro i-zipper ko na minsan bibig ni kuya hehehe.

"Anong sinasabi mo Kriston, anong closure sa isang dating kaibigan, sino naman yung dating kaibigan" pagiging curious naman ni Alexander. Wala nga pala tong alam kasi nauna na itong natulog sa amin.

"Ede sino pa" sabi pa ni kuya at tinuro si Harrysen.

"Kuya, pwede bang zipper-an mo minsan yang bibig mo, kalalaki mong tao ehh, para ka ng si Queeny" sabi ko naman lang rito.

"Bakit parang narinig ko ata, pangalan ko Sis huh!" sabi naman ni Queeny mula sa likod ko, pagtingin ko naman rito ay kasama niya na rin si Ericka na kanina lang ay tulog na tulog pa ng binayaan ko sa kwarto.

"Ahh wala naman Sis" iyon lang yung sinabi ko, naupo naman lang ito sa isa sa mga upuan.

"Ohh nandito na pala kayo, kakain na ba kayo, ipaghahanda ko na kayo" sabi naman ni Lola Berta mula ulit sa likuran ko, kasama rin nito si Angela. Pumasok naman si Lola Berta sa kusina kasama si Ericka. Tutulungan raw kasi niya si Lola para ilabas lahat ng pananghalian namin.

"Angela, tara na muna rito" kinuha ko naman na si Angela kay Lola Berta at inupo sa inuupuan niya talaga kapag kumakain na kami. Hindi pa rin nakakapagsalita si Angela. Kahit ilang taon na ang nakalilipas sa halos mala-massacre na nangyari sa aming pamilya, ay hindi pa rin ito nakakamove-on. Si Angela kasi ang nakakita sa lahat ng nangyari kina mommy at daddy, na ginawa ng walang hiyang Tito Andrae namin.

"Babe mukhang nakatulala ka na diyan, ano ba iyang iniisip mo huh!" napatingin naman ako kay Alexander, at dahil wala itong alam sa kung anong nangyari sa aming mga magulang ay nagsinungaling lang ako rito.

"Wala naman iyon, naisip ko lang kung ano naman kayang gagawin natin mamayang gabi" sabi ko nga rito.

"Ehh kung karaoke tayo Sis mamaya, diba. Tagal na rin natin hindi nagsi- sing along diba" sabi naman ni Queeny.

"Ayy Oo nga bet, ko iyan" sabi naman ng kalalabas sa kitchen na si Ericka. "Maganda yon guys, may mic at tsaka song book naman sina Tito Mark kaya go tayo diyan mamaya"

"Oo nga maganda iyan, matagal tagal ko na rin hindi pinaparinig sa inyo boses ko ehh" sabi naman ni Harrysen habang hinihilot- hilot pa yung leeg niya.

"Ang hangin mo Chong" lumabas na lang iyon sa bibig ko, hindi ko alam pero gumanda feel ko ng tawagin ko siyang Chong, nakakatawang pakinggan pero ewan ko ba basta.

"Sana all naman kasi, may Closure na ulit" sabi naman ni Alexander, mabuti na lang at hindi ito katulad ng ibang boyfriend na masyadong madali magselos sa maliliit na bagay.

"Tama na nga muna iyang daldal niyo diyan, magsikain na nga muna kaya tayo, hindi puro palabas ng laway, daldalan ng daldalan" sabi naman ni Lola Berta. "Ikaw Mandy kakain ka ba" napakunot yung noo sa sinabi ni Lola. Syempre kakain ako"

"Syempre po Lola, bakit hindi naman po" tanong ko naman sa kanya.

"Ehh mukhang parang ayaw mo ng umupo ehh"

"Bakit Lola, bawal bang kumain ng nakatayo" sabi ko naman rito, pero pilosopong sagot ulit yung natanggap ko.

"Ohh sige, kumain ka ng nakatayo huh! Hanggang makauwi tayo ganyan ka kumain, huwag kang umupo huh!" sabi nga nito sa akin.

"Si Lola naman, binibiro lang naman kita ehh" sabi ko rito at pagkatapos ay umupo na ako.

"Ngekngek mo" natawana naman ako sa sagot ni Lola. "Sige na kumain na nga tayo" Nilagyan ko naman muna ng pagkain yung plato ni Alexander.

"Sana all" sabi naman ni Kuya Kriston.

"Sus inggit ka lang, ohh nganga" sabi naman ni Ericka kay Kuya. Ngunanga naman si Kuya Kriston, para pa ngang kinikilig ehh, hahaha.

"Ayyiiee, sana all. Siguro nga tagasana all na lang ako" pagdadrama naman ni Queeny.

"Sus ede tawagan mo si King, papuntahin mo rito" sabi pa ni Ericka rito.

"Don't worry Queeny, nandito pa naman ako ehh, ohh nganga na rin" sabi naman ni Harrysen rito.

"Ayyiiee sana all, Queeny." tili naman ni Ericka. Mukhang kinilig naman si Queeny roon, napatawa naman kami ng makita namin na kinikilig si Queeny.

"Tsk, ewan ko sa inyo" sabi lang iyon ni Queeny. "Sige na, Harrysen isubo mo na iyan"

"Sus, pakipot pa tong baklang ito" sabi ko naman rito.

"Anong sabi mo Sis" sabi lang nito, may pasigaw pero alam kong hindi siya galit.

"Pwede ba kumain na lang kayo, tong mga batang ito. Sige na sige na kumain na nga muna kayo" sabi naman ni Lola Berta sa amin. Kumain naman na kami, may kwentuhan parin kami pero sabay niyon ay ang pagsubo namin ng pagkain sa bibig, hanggang matapos na nga kami.

Harrysen Bautista Point of View

NANDITO ako ngayon sa likuran ng bahay, katatapos lang naming kumain, syempre girls na nagligpit ng pinagkainan namin. Kaya kaming boys saan- saan na pumwesto para tumambay. Napili kong maupo na lang rito sa grass sa likod kasi nare- relax ako sa ganitong way. Ipipikit ko na sana yung mata ko para mas marelax ako ng may lumapit sa akin, at ang babae iyon ay ang babaeng matagal ko ng hindi nakaka- usap, at iyon ay si Mandy.

"Hi, Harrysen. Can I join?" tanong nito sa akin.

"Yes, sure" umupo naman ito sa tabi ko. Pag- upo naman niya ay hindi ko sinasadyang tingnan yung cleavage niya, umiwas naman agad ako baka kasi kung ano pang isipin nito.

"Ahh, Harrysen" nilingon ko naman ito. "Nagso- sorry ulit ako sayo, hindi ko alam kung napatawad mo na talaga ako, kaya sorry talaga ha" nagsosorry ulit siya sa akin.

"Ano ka ba Mandy sabi ko nga matagal na rin iyon"

"Ahh basta Harrysen, hindi ako titigil kakasorry sayo, kaya sorry ulit huh" sabi pa nito. Napatawa naman ako sa kanya, para kasi siyang bata, magkambal nga talaga sila ni Kriston. "Ohh bakit ka naman natatawa diyan huh"

"Wala, magkakambal talaga kasi kayo ni Kriston, may pagka isip bata" sabi ko lang rito, mukhang naiba ko naman yung mood niya ng dahil sa sinabi ko. Tumalikod naman ito sa akin, kaya pinaharap ko ito sa akin, hindi naman ako nabigong ipaharap siya sa akin, pero ng makaharap naman na ito sa akin ay tumambad naman sa akin yung cleavage niya, at nakapa ekis pa yung braso niya rito, kaya tingin ko tuloy sa kanya ay isang hot chicks, at dahil nga roon ay mukhang nabuhay yung alaga ko. Iniwas ko naman agad yung tingin ko kasi mukhang nahalata niya kung saan ako nakatingin. "Sorry" iyon na lang sinabi ko.

"Sorry, bat ka naman magsosorry, nakita mo lang naman cleavage ko ahh. Mas malala pa nga yung mga pinapanood niyo ni Kuya Kriston ehh" napanganga naman ako sa sinabi nito. "Akala niyo di ko kayo nadakip noon, pero don't worry alam ko naman kailangan niyo iyon ehh" sabi pa nito. Grabe siya huh.

"Iba naman iyon, kasi iyon talagang don lang, ehh ayan totoo na iyan" sabi ko pa rito. Lumapit naman siya sa akin. "Ang harot mo" deretsahang sabi ko rito.

"Grabe ka, tina- try lang naman kita ehh" sabi naman nito.

"Mandy, kahit naman sinong lalaki maaakit, at mahuhulog, kung ganyan kaganda at kasexy yung tatambad sa lalaki , hindi pa flat" sabi ko rito.

"Hahahha, so nahuhulog ka na" tanong naman nito sa akin. 'Sa tingin mo, hindi pa ako nahuhulog noon' sabi ko sa isip ko, pero mukhang lumabas ata iyon sa bibig ko. "So nahuhulog ka na nga" sabi nga nito sa akin.

"Pwede ba Mandy, masyado kang pafall, may Alexander ka na kaya please lang ohh" sabi ko naman rito.

"So nafofall ka na nga"

"Matagal na" napatigil naman siya sa sinabi ko, tutal wala naman na iyon sa amin kaya bakit pa ako magpapatumpik tumpik diba.

"Sorry ulit"

"Bakit ka naman nagsosorry ulit sa akin" tanong ko rito.

"Kasi mukhang pafall na naman ako sayo ehh"

"Sus, huwag kang mag-alala pipigilan ko naman sarili ko ehh" sabi ko rito.

"Ayy may ganon, remember Harrysen, love can't stop. Kaya paano mo iyan pipigilan kung yung gusto talaga ng puso mo ay ako"

"Mandyzon McBride, stop saying that. Love CAN stop, kaya mong pigilan ang pagmamahal lalo na kung hindi nararapat, at lalo na kung hindi pa huli ang lahat" sabi ko lang rito.

"Ehh paano kung huli na ang lahat, anong gagawin mo" sabi pa nito natigilan naman ako roon, ehh paano kung ganon nga kung huli na para pigilan pa ang nararamdaman mo.

"Mandy, may tanong ako sayo"

"Ano iyon Harrysen"

"Ehh kung magbreak kayo ni Alexander, tapos manligaw ako sayo, bibigyan mo na ba ako ng chance" sabi ko naman rito.

"We'll siguro, bibigyan na kita ng chance" sabi lang nito. Na-excite naman ako dahil sa sinagot nito, hindi na ako makapaghintay na magbreak sila. Bad but nice thinking, hehehe.

"Ganon, sure ka ba" sabi ko pa rito, gusto ko kasing malaman kung totoo ba talaga iyang mga sinasabi niya.

"Bakit sisismulan mo na ba Harrysen, kasi kung ganon....." napanganga naman ako sa sinabi nito. Pero hindi naman niya iyon tinapos.

"Kung ganon ano Mandyzon, huh" napabalikwas naman kami sa nagsalita na si Alexander nga iyon. "Ano rin yung sisismulan ni Harrysen huh" mukhang wala naman narinig si Alexander, maliban lang sa huling sinabi sa akin ni Mandy.

"Alexander, mali yung iniisip mo. Ang ibig kong sabihin is....." hindi na ni Mandy natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Alexander.

"Ang ibig mong sabihin ay hihiwalayan mo na agad ako, tapos sasagutin mo agad si Harrysen, tapos magiging masaya kayo kahit alam niyong may nasasaktan, ang harot mo rin talaga Mandy ano" sabi ni Alexander kay Mandy.

"Alexander, grabe na iyan huh!" sabi ko naman rito, ayaw ko na sanang makealam pero grabe naman na sabihan niya ng harot yung sarili niyang girlfriend.

"Can you please Harrysen, huwag ka ngang makealam, away ng magjowa to, so huwag ka ngang magmagaling"

"Hindi ako nagmamagaling Alexander, pwede ba, kung ano mang nasa isip mo ngayon, tanggalin mo na nga iyan"

"Masyadong matino ang pag- iisip ko Harrysen. At malinaw rin sa akin lahat, lahat ng nakita at narinig ko. Kaya pwede ba ikaw yung tumigil"

"Alexander, please stop" sabi naman ni Mandy rito, may luha ng lumalabas sa mga mata nito.

"Stop on what Mandyzon, stopped saying the truth. Hindi ba dapat kayo yung tumigil kasi kakoclose niyo lang tapos naghaharutan na kayo, such a yuck"

"Pwede ba Pre hindi kami naghaharutan, wala kaming ginagawang masama"

"Sabagay, alam niyo mukhang bagay naman talaga kayo ehh, isang nanghaharot, at isang nagpapaharot, diba perfect combination" sabi pa nito habang tinuturo kami. At dahil nga sa sinabi nito ay nakatanggap ito sa akin ng isang malakas na suntok. Napatumba naman ito, tatayo na sana ito at susunggaban ako pero nahawakan na ito ni Kriston. Umawat naman si Queeny at Ericka sa amin kaya

"Guys ano bang ginagawa niyo huh" sabi iyon ni Queeny.

"Iyan kasing kaibigan niyo, masyadong maharot, ito namang si Mandy nagpapaharot" mukhang nalimutan niyang si Kriston yung may haeak sa kanya. Hinagis naman ito ni Kriston dahil para mapalayo si Alexander sa kanya at makabwelo para suntukin ito, pero dahil nga may kalayuan ang tinalsikan ni Alexander ay hindi niya na ito nasuntok pa dahil pumagitna na si Ericka rito. Kaya hindi na nito nasuntok pa si Alexander bagkus ay nagpigil na lang ito ng inis ng loob.

"Pwede ba..." hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil inunahan na akong magsalita ni Queeny, baka kung ano pa kasing masabi ko ditong masama, pero mukhang nagkamali ako.

"Pwede ba Alexander, grabe ka kay Mandyzon huh, nagkaroon lang ng closure yung dalawa, ano bang kinaiinis mo kung magkaroon man silang dalawa ng closure. Pwede ba kung hindi ka lang naman nagustuhan ni Mandy wala ka naman sa buhay namin ngayon huh, baka nga sina Harrysen pa yung nagkatuluyan ehh na matagal naman na talaga naming gustong mangyari, kaya sorry if it is hurt but that is the truth. At tsaka pwede ba napasama ka rin lang naman sa grupo namin kasi nga naging kayo ni Mandy, pano na lang kaya kung hindi naging kayo, siguro mas masaya at mas enjoy kami ngayon, hindi lang siguro ngayon baka forever na nga ehh, kaya please lang huwag ka ngang akala mo kung sinong welcome talaga sa buhay namin...." may sasabihin pa sana si Queeny pero pinigilan na ito ni Ericka.

"So tama nga ang nasa isip ko, hindi naman talaga ako welcome sa Barkadang ito. Siguro nga kung ano-ano yung mga pinagsasasabi niyo kung nakatalikod ako. Huwag kayong mag-alala hindi ko rin naman kayo gustong kasama ehh, masyado kayong OA, masyado kayong pabida. Alam niyo ba minsan tawag sa inyo ng ibang estudyante sa school natin, Barkadang Pabida. Masyado kasi kayo akala kung sinong magagaling, akala niyo kasi kung sino na kayong magaling, akala niyo kung sino na kayong mga ewan" sabi ni Alexander sa amin.

"Pwede ba guys, maiinit lang talaga mga ulo niyo, pwede ba mausap- usap na lang kayo kung okay na kayo, kung malamig na mga ulo niyi" saway naman ulit ni Ericka. Wala namang nag- imikan sa amin, hindi makatingin sa isa't-isa lugi lang talag si Alexander kasi kinalaban niya ang isang Barkadang nagkakaisa. Ilang minuto naman ang lumipas ay umalis na si Alexander sa harapan namin. Tinawag naman ito ni Mandy pero hindi ito kumibo.

"Hayaan mo na muna si Alexander, Mandy. Mainit pa mga ulo natin, siguro bigyan na muna natin siya ng konting oras, kahit maraming oras. Ikaw naman kasi Queeny ehh, grabe ka sabihin ba naman na hindi welcome si Alexander sa barkada natin"

"Bakit Sis, iyon naman talaga yung turing natin kay Alexander ahh" sabi naman ni Queeny rito.

"Kahit na girl, hindi mo na sana sinabi iyon" sabi pa ni Ericka rito.

"Guys tigil na, baka kayo pa yung mag- away diyan ehh" sabi naman ni Kriston sa mga ito.

"Sus si Kriston, porket si Ericka yung makakaaway ko" sabi ni Queeny kay Kriston.

"Guys please stop" saway naman ni Mandy sa mga ito, ayaw ko ng makisali pa sa mga ito kaya hindi na lang ako umimik. Hindi na rin naman umimik sina Queeny, ng si Mandy na ang nagsuway sa mga ito. Nagsialisan na lang ang mga ito, at kami na lang ulit ni Mandy ang naiwan. Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami magsalita.

"So pano na iyan si Alexander" ako na ang unang nagsalita. "Sorry Mandy, mukhang ako pa yung magiging dahilan ng hiwalayan niyo. Sorry talagq, siguro hindi na lang sana muna dapat tayo magkaroon ng closure sa isa't-isa"

"Ano ka ba Harrysen, huwag kang magsorry, at tsaka wala ka namang kasalanan at tsaka huwag ka nga ring magsisi na nagkaroon tayo ng closure, kasi hindi naman masama yung ginagawa natin ehh, at tsaka ako naman talaga yung may kasalanan kasi hindi ko iniingatan yung mga sinasabi ko sayo. Sometimes I need to watch my words, para hindi na ma-isinterpret ng iba"

"Ehh syempre may kasalanan rin ako kasi nakikisabay ako sayo"

"Gagiks" sabi lang ni Mandy may konting saya namang kumabas sa labi nito pero napawi naman agad iyon at napalitan ng lungkot pero pinalitan naman agad niya. "Tara na nga rin muna sa loob. Siguro gutom pa tayo" sabi pa nito. Tumayo naman agad ako para alalayan na siyang tumayo.

"Tara" sabi ko rito. Hinawakan naman ni Mandy yung kamay ko para makatayo siya.

"Tara" sabi niya naman ng makatayo na siya, at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako sa kanya.

[A/N: Hindi ko alam kung nagustuhan niyo, pero sana Oo kasi nasa sad attitude ako ng isulat ko iyan, ewan ko ba kasi sa attitude ko, palagi na lang malungkot. hehehe]