Chereads / More than a Friend / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Chapter Ten -->> KAIBIGAN

Alexander Kim Point of View

NASA MAY pinto na ako ng aming kwarto ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko sina Kriston at Harrysen na nag-uusap.

"Okay Bro, napag usapan naman na natin si Alexander" sabi ni Harrysen kay Kriston

"Ha! Ano namang meron kay Alexander" sabi naman nito kay Harrysen.

"Diba gusto mong malaman yung pinag- usapan namin ni Ericka" sabi ko naman rito ni Harrysen. Iyon pala ang pinag-usapan nila sa kwarto kanina ng Tito ni Ericka. Hindi ko kasi marinig kanina dahil na rin siguro soundproof iyon.

"Oo pero ano namang meron doon kay Alexander, bakit naman siya yung pinag- usapan niyo" sabi ni Kriston, gusto ko na munang pakinggan kung ano man ang sasabihin nito na tungkol sa akin.

"Hayy, pano ko ba to sisimulan" sabi naman nito at tumigil sa pagsasalita, maaaring iniisip nito kung paano sisimulan ang sasabihin. "Okay, ahh!! Si Ericka, narinig niya yung pinag- usapan ni Alexander at ng Papa niya" ha! Sabi ko na nga ba narinig ako ng babaeng iyon. Paano na to, maaaring ilang araw lang ay sasabihin na ng mga ito kay Mandy ang natuklasan nila. Kailangan ko ng mag- isip ng gagawin.

"Ohh diba, hindi na nga niya yun tinuturing na ama" sabi naman nito. Oo wala kaming closure ng totoo kong ama at hindi nila iyon kilala kung sino, pero hindi naman na ngayon, nangako siya sa akin na babawi siya, ngunit gagawin lang niya iyon kung gagawin ko raw ang gusto niya.

"Oo nga, pero iyon nga mukhang napatawad na niya ang ama niya" sabi naman ni Harrysen.

"Ohh ano naman sa atin yun, it's great sa kanila kasi may closure na iyong mag- ama" sabi naman. Oo nga sana ganon na lang isipin nila, para wala ng maging problema.

"Actually hindi lang naman iyon yung iniisip namin ni Ericka ehh" sabi pa ni Harrysen rito. Ano pa ba iyon, sana ilan pa lang ang nalalaman ng mga ito.

"Ehh, ano pa bang meron kay Alexander" sabi naman ni Kriston Nagbutong-hininga ito bago magsalita.

"Narinig niya ngang kausap ni Alexander ang ama niya, and ang sabi nito sa papa niya, na, napagtanto ni Alexander na hindi pa ito ang time para gawin nila ang binabalak, siguro hayaan na muna daw tayong magpakasaya, tutal nandito naman nga tayo para magpakasaya" sabi naman nito, walang hiyang Ericka at Harrysen yan, mukhang sila pa yung sisira sa mga plano namin ni Papa.

"Baka naman maganda iyong binabalak na iyon, malay mo may surprise pala siya kay Mandy" sabi naman ni Kriston. Sana talaga parehas sila ni Kriston mag- isip, para wala na kaming proproblemahin pa ni Papa sa mga pinaplano namin.

"Ehh pano mo naman maipapaliwanag sa akin, yung narinig ko rin bago ako magpunta sa bon fire at mag-ihaw ng marshmallow ha" sabi naman nito. Mukhang ito yung time rin na tumawag ako kay Papa, may narinig rin pala to. Next time magpapaka secured na ako.

"Ano naman yun, ha" sabi naman ni Kriston.

"Sabi niya, nandito raw yung dalawa, hindi namin alam kung sino ang tinutukoy niya sa dalawa" sabi ni Harrysen rito. I knew it, mabuti na lang at hindi ko binanggit yung mga pangalan ng mga iyon.

"Anong dalawa" sabi naman nito.

"Mukhang hindi yun ano, Bro. Kundi maaaring sino ang tanong Kriston" sabi ni Harrysen rito. Hindi ko alam pero gumalaw na lang ng bigla gumalaw yung kamay ko at pinihit ang door knob ng pinto,

"Ohh, bat parang nakakita kayo ng multo" sabi ko na lang sa mga ito, para hindi sila maghinala.

"Ha, wa-wala lang. Ahh kanina ka pa diyan" sabi ni Harrysen sa akin.

"Ahm, hindi naman, bakit?" pagsisinungalin ko sa mga ito, syempre kung ssabihin ko yung totoo ehh, may sasabihin ito sa akin na kahit na ano para lang hindi na ako maniwala sa pinag- usapan nila.

"Wala lang" tipid na sagot nito sa akin

"Ahh, sige may kukunin lang ako" at pumunta na nga ako sa may bag ko at kumuha roon ng damit at nagpunta na sa CR. para magpalit. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ito. "O sige bye" sabi pa nito at sinara na ang pinto. "At saka pala mga ilang minuto na lang daw kakain na tayo" tumango na lang ang mga ito at umalis na ito.

"Sa tingin mo narinig kaya tayo" rinig ko pa na sabi ni Harrysen at umalis na lang ako.

"Mga pakialamero" sabi ko naman sa sarili ko. Pagkatapos ay naisipan ko na lang pumunta sa lugar kung saan hindi na talaga ako ng mga ito marinig sa mga pag- uusapan namin ni Papa. Nakadating ako sa may malapit sa gate, siguro wala ng makakarinig sa pag- uusapan namin ni Papa. Hinanap ko ang no. ni Papa at tinawagan ito, pagkailang oras lang ay sinagot na ito ni Papa.

"Alexander, anong balita" sabi naman nito mula sa kabilang linya.

"Pa, mukhang nakakahalata na ang iyon sa binabalak na--" sabi ko rito dahil sinigawan na ako nito.

"ANO" sigaw nito sakin. "NAPAKATANGA MO TALAGA" sigaw pa nito sa akin, nasaktan ako sa sinabi nito, ngunit ayaw ko rito. "Paano naman nila iyon malalaman, ha"

"Ewan ko" pagsisinungaling ko rito, maaari kasi itong mas magalit pa kung sabihin ko ang totoo na may mga narinig na ang mga kasama ko rito.

"Gawan mo yan ng paraan, once na nalaman ng mga yan ang balak natin. Ikaw ang malalagot sa akin" sabi nito sakin.

"Anong pa--" hindi ko na naman natapos ang nasabi ko dahil binabaan na ako nito. "Bwisit kasi tong mga tsismosong kasama ko" galit na ko rito. Naisipan ko na lang na pumunta na lang sa bahay, lalo na't, manananghalian na kami gaya ng sinabi ko kina Kriston at Harrysen.

Mandyzon McBride Point of View

NARITO na kami sa kusina upang kumain na ng tanghalian, ngunit wala pa rin si Alexander. Tinanong ko na sina Mang Ador pero hindi daw nila ito nakita. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Sabi nito, magpapalit lang siya ng damit, tapos pupunta na rito, pero hanggang ngayon wala pa to.

"Hi babe, sorry kung ngayon lang ako" sabi nito mula sa likod ko. Nandito na pala siya.

"Oh! saan ka ba nanggaling, akala ko ba pagkatapos mong magpalit ng damit pupunta ka na rito. San ka ba galing" sabi ko rito.

"Wag ka ng mag- alala, sa akin. Tumawag lang si Mommy, kaya lumabas lang ako para sagutin iyon" sabi naman nito na may halong paglalambing. "Ikaw ayos ka na ba, hindi na ba masakit yang tiyan mo, sorry ha! nagpahinga na muna sana tayo, pagkatapos natin kaninang kumain, bago kita sinamang magjogging"

"Ano ka ba babe, ayos lang yun ginusto ko naman na magjogging ehh" sabi ko rito. "Sige na maupo ka na, at kakain na tayo"

"O sige babe" sabi naman nito at umupo na sa tabi ko. Napansin ko namang nakatingin sa akin si Harrysen, na kinataka ko. Bakit naman ako nito tinitignan? baka naman hindi ako, baka naman sina Alexander, o kaya itong si Queeny. Pero napansin ata ako nito, dahil umiwas ito sa pagkakatitig ko rito. Tumingin ulit ito sa akin pero madali lang naman ulit nitong iniwas ang pagka-tingin sa akin.

"Ehem, baka naman matunaw na yung mga yan" rinig ko na sabi ni kuya Kriston na nasa harapan ni Alexander. Kami ba sinasabihan nito, o bakal may ice cream na naman na nilabas si Ericka.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Kriston, kumain ka na nga lang" sabi ng katabi nitong si Ericka. "Lagyan mo na yang bibig mo ng pagkain, mabawas- bawasan mo yang kadaldalan mo" sabi pa nito.

"Okay, okay! I zipped my mouth" sabi pa ni kuya Kriston. Hay! hindi ko alam kung kami ba ni Harrysen yung tinutukoy nito, pero mukhang kami ehh, kasi sa amin ni Harrysen ito tumingin. Hay! Hindi ko na alam ang dapat kong isipin, may boyfriend ako, pero hindi ito ang palaging nagiging laman ng isip ko. Nagsimula lang naman to nung may presentation kami sa unahan ehh.

FLASHBACK

NASA unahan ako ngayon at katatapos lang tumula, presentation namin iyon sa Filipino. Ako ang kauna- unahanang nagpresent ng ginawa kong tula dahil ako ang tinawag ni Sir na mauna nang magpresent ng ginawa kong tula, tungkol naman sa crush ang aking ginawa.

"Maganda ang tulang ginawa mo Mandy, that's nice" sabi nito sa akin.

"Thank you Sir" sabi ko naman rito.

"Okay, bumalik ka na sa inuupuan mo" sabi naman nito at tinanguan ko na lang at sinunod ito. Pagkaupo ko naman ay nagsalita ito. "Okay Class, sino namang susunod" sabi ni Sir. Philip sa mga kaklase.

"Ako na lang Sir" sabi ng isang lalaki sa likod ko, kaya alam ko kung sino iyon. Walng iba kundi si Harrysen.

"Okay Mr. Bautista" sabi naman ni Sir Philip.

"Ahh, Hello classmates, Ang Tulang ipi- prisenta ko sa inyo ay tungkol sa friendzone" sabi nito. May mga narinig akong wow sa mga kaklase namin, ako naman ay napayuko dahil mukhang inspired sa akin yung tulang ginawa niya. "Kaibigan Lang Dapat" sabi pa nito, mukhang tatamaan ako sa tula na ginawa nito. Patatamaan ba ako nito, o sadyang ito lang talaga ang napunta sa kanyang topic. May ginawa kasi si Sir na mga papel tapos may mga topic doon yung ibang papel, yung iba naman ay wala kaya ikaw ang mag-iisip ng topic mo para sa tulang gagawin mo.

"Kaibigan lang dapat,

Iyan lang dapat ang ituring ko sayo.

Bakit ba sa dinami- rami ay ikaw pa,

Ikaw pa ang magugustuhan ko."

Mukhang ako nga patatamaan nito. Kaya naisipan ko na lang na lumabas. "Ms. McBride saan ka pupunta" sabi ni Sir Philip sa akin, dahilan rin para mapatigil si Harrysen sa pagsasalita at napatingin sa akin. Sigurado akong magtataka ito kung bakit ako lalabas.

"Ahh, magsi-CR lang ako Sir" palusot ko naman rito, baka umeffective.

"Mamaya ka na magCR, patapusin mo muna si Harrysen sa tula niya" sabi naman nito. Bwisit naman si Sir sabi ko na lamang sa isip ko. Sinunod ko na lamang ang sinabi nito at pina- continue na si Harrysen, nagbutong-hininga naman ito bago magsalita, siguro nga ay alam nitong ayaw niyang marinig ko ang tulang ginawa niya.

"Ipaintindi mo nga sa akin,

Kung bakit ikaw pa.

Ikaw pa na kaibigan ko,

Kaya dapat hanggang doon lang." pagpapatuloy nito, at tumingin sa akin. Sabi ko na ehh, mukhang ako talaga ang pinatatamaan nito.

"Natakot ako sa nararamdamang ito,

Kasi, hindi ko alam kung ano ba ito.

Pero hindi ko napigilan itong nasa loob ko,

Kaya lumalala na lang at hindi ko na napigilan."

"Hanggang sa malaman ko na lang,

Na minamahal na pala kita.

At syempre hindi mo pa alam iyon,

Dahil alam kong may mahal kang iba." Yumuko ako ng marinig ko iyon, bakit ba kailangan niyang i-dedicate pa sa akin iyan, kinokonsensiya niya ba talaga ako. Kahit naman sana, iyan ang nakuha niyang topic ehh hindi niya idi-dedicate sa akin, sa aming dalawa, at sa mga nangyaring hindi maganda sa amin. Nagsisi naman ako nang mapagsalitaan ko siya ng hindi maganda, na dahilan naman para masaktan ko ang damdamin niya. Kaya sana naman huwag niya akong saktan ng mas malala pa sa inaasahan ko. May pinagsamahan naman kami ehh, kaya sana isipin niya rin ang mga bagay na iyon.

"Kaya bakit ko pa itutuloy,

Kung alam ko naman wala ng dapat na ituloy.

Ano bang mapapala ko,

Kung makikipag- agawan pa ako sa mahal mo" sa mga katagang binitawan niyang iyon ay naiyak na ako, at dahil iyon sa sakit ng nararamdaman ko,

"Pero hindi na talaga kinaya ng puso ko,

Ang itago pa ang nararamdaman kong ito.

Ginusto na niyang sumobog at lumabas na sa loob ko,

Kahit na maaaring masaktan lang ako ng husto" may pumatak ng mga luha sa lamesa ko at maaaring ilang segundo ay may mapapansin na iyon ng mga malapit sa akin.

"Kaya nga ayun, nasabi ko na lamang sayo,

Kahit wala ng script na kailangan pang isaulado,

Na kailangan pang ihanda ang sarili sa mga sasabihin ko,

Basta ang alam ko lang ay kailangan ko ng pakawalan ito." Narinig ko na lang na may mga sumisinga sa panyo at nagpupunas rin ng mga luha, siguro dahil na rin sa nakarelate sila doon sa tula ni Harrysen.

"At ayun na nga, sumobog na ang nasa damdamin ko,

At akala ko non, ay mababawasan ang kargada ko, rito sa loob ko.

Ngunit nagkamali pala ako,

Dahilan pala iyon, ng mas mabigat na kalooban" siguro kung tayong dalwa lang rito, at walang nakapaligid sa amin, pinatigil ko na ito. Oo aaminin ko nanalo na siya, dahil ngayon durog na durog na rin ang puso ko. Minsan talaga kasi no, mas masakit talagang masaktan ang loob mo, kesa sa pisikal kang masaktan, kasi wala pa ngang ginagawa sayo at nagsasalita lang ito sa harapan mo ay nasasaktan ka na.

"Kaloobang, hindi ko rinanas kanino man.

Kaloobang, akala ko ay hindi ko mararanasan kahit kailan.

At ang kaloobang inakala kong hindi ipaparanas ng taong iniibig ko"

"Kaya salamat pala ha, sa pagpapadama nito.

Salamat dahil naranasan ko ring masaktan,

Hindi man dahil sa paghihiwalayan ng magjowa,

Pero mukhang paghihiwalayan ng magkaibigan" sabi pa nito, ano bang sinasabi niya, nakikipag Friendship Over na ba siya, at ito ang ginawa niyang paraan. Huwag naman, mas masakit pa iyon sa nangyaring friendzone.

"Friendzone to Friendship Over,

Masakit man isiping, mawawala ka na.

Pero nararapat na gawin,

Dahil iyon ang paraang kailangang gawin" bakit niya pa dito iyan sinabi, sa harapan pa ng lahat nang kaklase namin. Nahihibang na ba siya.

"Ano pa bang mapapala ko,

Kung sumama- sama pa ako sayo.

Kung hindi naman magbabago,

Iyang nararamdaman mo."

"Kaya kahit masakit man sabihin,

Na sabihin iyon, paalam na minahal kong kaibigan.

Sa pagkawala ko sa buhay mo,

Sana'y ikaligaya mo." gusto ko na siyang patigilin pero bawal, dahil hindi naman iyan kung ano man lang project rin yan kaya hahayaan ko na lang.

"Paalam na, sa isang kaibigan,

Kaibigang minahal ko ngunit nasobrahan.

Salamat na rin pala, sa pagpapadama nito,

Dahil sayo naranasan ko ang ito"

"Sana'y sumaya ka sa iyong minamahal,

At mahalin ka rin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sayo.

Maging maligaya ka, wag mo akong alalahanin,

Magiging ayos rin ako, sa maraming panahon." At tumingala ako sa kanya para tingnan ang ekspresiyon nang mukha niya, at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Bahid ng lungkot, galit, at pagpipighati.

"Uulitin ko, salamat at paalam,

Salamat at nangyari ito sa akin,

At paalam dahil namamaalam na ako sa iyo,

Sa iyo na maling iniibig ko, ng higit sa isang kaibigan." sabi pa nito. At nag baw na sa amin.

"Wow, Harrysen, that is. Ahm! That is so sad" sabi ni Sir Philip kay Harrysen. "Tingnan mo nga ohh, halos mapaiyak mo lahat ng kaklase mo" sabi pa nito kay Harrysen.

"Sorry po Sir Philip kung napaiyak ko sila" sabi naman nito.

"Don't mentioned it, it is a nice poem Harrysen. Napaiyak mo sila, siguro relate na relate sila sa iyo, nice work Harrysen" sabi pa ni Sir Philip kay Harrysen. "Okay you can seat na, Okay next" sabi pa ni Sir Philip pero bago pa may makataas ng kamay ay tumunog na ang bell, hudyan para sa uwian. "Okay again class, mukhang mahaba ang mga ginawa nina Mandy and Harrysen, kaya hindi kayo nakapag recite, kaya mukhang ako na lang ang pipili bukas kung sino ang mauna. Bye classy" sabi pa nito, ang iba ko namanvg kaklase ay umangal sa gusto nito.

PREVIOUS

"Mandy, Mandy, anong nangyayari sayo, bat ka tulala diya, hoy Mandyzon" sabi ng katabi kong si Alexander.

"Ha- ha, Bakit?" wala sa huwestiyon sa isip na sabi ko. Siguro napakatagal akong natulala kaya hindi ko narinig na kanina pa pala ako nito tinatawag.

"Tulalang- tulala ka diyan, ano ba yang iniisip mo, ha. Parang ang lalim, hindi ko rin ginagalaw yang pagkain mo" sabi pa ni Alexander.

"Ahh, wa-wala lang yun" sabi ko naman rito at kinain na ang nasa harapan kong pagkain.

"Masakit pa rin ba tiyan mo, pahinga ka na muna" sabi naman ni kuya Kriston.

"Mukhang ganon nga kuya Kriston" pagsisinungaling ko rito,kanina pang hindi masakit ang tiyan ko, mula noon halikan ako ni Harrysen sa may ulo. Wow naman pala si Harrysen may healing power yung mga masarap niyang labi. "Osige, taas na muna ako" sabi ko pa sa mga ito.

"Ihatid na kita babe, tara na" sabi naam ni Alexander.

"Wag na babe, kaya ko na to, ubusin mo na lang yang pagkain mo" sabi ko rito at tumaas na sa aming kwarto, pagkatapos ay dumapa na lang ako sa kama. Ang sakit pa rin talagang maalala ang tulang ginawa ni Harrysen pagkailabg minuto sa kakaisip ng tulang iyon ay hindi ko na namalayang najatulog na pala ako.

Please Vote and Comment po.....