Chapter Five -->> First Night in CampBarkada
Harrysen Bautista Point of View
MAHIMBING akong nakatulog kahit na ang katabi ko ay si Queeny naging kampante naman ang kalooban ko sa katabing matulog lalo na at kaibigan ko ito. Nakarinig ako ng konting ingay kaya unting-unti kong ibinuka ang aking mata at ng mabuksan ko na nga ay nagulat ako dahil halos one inch lang ang layo ng labi naming dalawa.
"Ahhhh" sigaw ko na kina gising rin ng katabi kong si Queeny.
"Ahhhh" sigaw rin nito habang ang kasama naming si Kriston sa kwarto ay tumatawa.
"Alam niyo bagay kayo" sabi ni Kriston habang tumatawa parin. "Tara na kakain na tayo"
"Gagoo" mura ko rito at tinanggal ko ang sapatos ko at binato rito ngunit hindi ito na tamaan dahil lumabas na ito ng silid.
"Harrysen, totoo naman ehh" sabi ni Queeny na lumapit ng konti sa akin.
"Ang alin" pagtatanong ko.
"Na bagay tayo" sabi nito at pagkatapos ay mabilis na tinahak ang pinto at lumabas rito.
"Gagoo, tong mga to talaga" sabi ko habang nanggigigil. Pero tumayo na rin ako sa higaan at inayos ang sarili. Pagkailang segundo ay lumabas na rin ako ng silid at ng makalabas na nga ako ay nagulat ako ng makasalubong sina Mandy, Lola Berta at Angela.
"Harrysen, iho pakikarga nga si Angela" sabi ni Lola Berta na sinunod ko naman.
"Ahh sige po, tara na Angela" at kinarga ko na nga ang bata, Pagkatapos ay bumaba na kami ng hagdan at nagpunta sa dining room. "Ok Angela,dito ka na" Pagkadating namin dito ay binaba ko na si Angela at umupo naman ito sa isa sa mga upuan dito. Napakatagal ko na rin hindi ito nakakarga at nakakausap, mula ng dumating ito ay hindi na talaga ito kumikibo dahil na rin sa tromang natamo nito at ni Mandy sa States, may masama kasing nangyari sa mga ito.
Mula ng naging close kami nitong si Mandy ay nalaman ko kung ano ang mga nangyari sa mga ito. Nasa isang parke kami noon ng mag kwento ito sa amin nina Kriston at Queeny ang dahilan kung bakit sila umuwi rito.
FLASHBACK
Nagsi-swing kami sa isang parke malapit sa school namin hapon na niyon at papauwi na ng maisipang tumambay rito sa parke, naisipan naming dito na kami sa swing pumwesto, si Mandy at si Ericka ang umupo sa swing at kami naman ni Kriston ang tumutulak sa mga ito. At si Queeny naman ay nakatitig lang sa amin.
"Itigil mo muna ang pagtulak Harrysen" sabi sa akin ni Mandy at itinigil ko naman at napatigil rin sa pagtulak si Kriston kay Queeny.
"Bakit ka rin tumigil Kriston" tanong ni Ericka kay Kriston. At tumingin ito sa amin ni Mandy.
"Bakit mo pinatigil Mandy" sabi ko rito, habang nakayuko ito.
"Gusto niyo bang malaman ang rason kung bakit na kami ni Angela titira dito" sabi nito.
"Oo Mandy, kasi wala na sina mama at papa" sabi ni Kriston. "Namatay kasi sila sa Car accident"
"Hindi totoong namatay sa kanila kuya Kriston" sabi nito habang nakayuko.
"Huh!!!" pagtataka ni Kriston sa sinabi nito, kahit kami rin ni Queeny at ay nagtaka iyon kasi ang unang sinabi sa amin nito ng maging close na namin ito, pero si Ericka naman ay mababakas sa mukha nito na hindi na ito nagtaka sa sasabihin ni Mandy.
"Mandy, wag na" sabi ni Ericka
"Ang totoo niyan ay may pumatay sa kanila ni papa kuya Kriston" sabi nito at tumingin na kay Kriston.
"Huh, bakit ngayon mo lang sinabi, ilang buwan na kayo rito, ngayon mo lang sinabi" sabi ni Kriston na mababakas ang inis sa mukha. "Pwes sinong hayop ang pumaslang sa magulang natin Mandy, bakit nila ito ginawa" sabi pa nito at lumapit na sa harapan ni Mandy.
"Hindi nila kuya Kriston" sabi ni Mandy. "Kundi sino siya, ang tanong"
"Pwes sino nga--" sabi ni Kriston na hindi na natapos.
"Kilala mo siya kuya Kriston" sabi ulit ni Kriston.
"Pwes sino nga?" tanong ni Kriston na galit na galit na. "Hindi ako manghuhula, Mandyzon para hulaan kung sinong hayop na yo--"
"Si Tito Andrae, kapatid ni Mama" sigaw ni Mandy sa harap ni Kriston.
"Huh, paano yon magagawa ni Tito Drae ehh, bago kayo magpunta rito ehh, pumunta rito si Tito, sabi pa nga nito sa amin ehh, dumaan lang raw siya dahil may pinuntahan ito, rito sa Pilipinas" sigaw ni Kriston.
"Dalawa linggo na ang nakalipas ng mamatay sina mama Kuya Kriston, bago kami umuwi rito Kuya" sabi nito. "Nakauwi pa lang kami noon, dahil ayaw ni Angela na umalis sa lugar na iyon dahil ayaw niyang iwan ang mga alaala namin doon, masyadong na-troma si Angela dahil siya mismo ang nakakita sa lahat ng pangyayari, at ako ay nakita ko lang na nakahandusay na sina mama at papa at si Tito Drae ay may hawak na kutsilyo na may dugo" dagdag nito habang pinipigilan nitong umiyak.
"Iiyak mo na yan Mandy, sige lang magkwento ka lang, isang way yan para makalimot" sabi ko at hinimas ang likod nito lalo na't nasa likod na ako nito, lumingon naman ito sa akin ngunit hindi naman iyon nagtagal at yumuko ulit ito.
"Kami rin sana ay isusunod ni Tito Drae, ngunit bago kami nito mahablot ay nakalabas na kami ng bahay ni Angela, at dahil hindi naman kami nito hinabol na ay tumawag kami ng tulong sa mga kapit bahyay ngunit pagbalik namin ni Angela kasama namin ang kapitbahay ay wala na ai Tito Drae, nakatakas na ito, dumaan ito sa likod ng bahay namin at ng makita namin ito ay nakasakay na ito sa kotse niya at pinaharurot ito" sabi nito.
"Walang hiyang hayop yan" sabi ni Kriston na napaluhod na at pinagsusuntok ang lupa sa niluluhudan nito. Si Mandy naman ay Umiiyak na kaya ginawaran ko ito ng mainit na yakap. Si Ericka naman ay bumaba sa swing at pumunta kay Kriston at niyakap ito, sumunod rin si Queeny kay Ericka at niyakap rin si Kriston.
"I think we need to go home na" sabi ni Ericka habang yakap parin si Kriston.
"Ehh kararatin pa lang natin, Ericka" sabi naman ni Queeny na pinaningkitan naman namin ni Ericka. "Ok ok, we think na may better nga kung umuwi na tayo"
At umuwi na nga kami, pinatayo ko na si Mandy at pinatayo na rin si Kriston sa kinaluluhudan nito. Sumunod naman ang mga ito. Pero si Kriston ay bahid parin ang lungkot at galit sa mukha nito. Nang malaman nga iyon ni Kriston ay ilang weeks rin namin ito na makausap ng maayos. Mukhang hindi pa talaga ito mmakakalimot Masakit talaga ang mga nalaman para rito lalo na at ilang beses pa lang nito nakasama ang mga magulang, dahil mas pinili nito na manatili sa Pilipinas kesa ang manirahan sa States kasama ang magulang nito dati.
PREVIOUS
Bago ko nakilala si Kriston ay sa ibang lugar ito nakatira, lumipat na ang kasama lang ay si Lola Berta.
"Harrysen iho, ayos ka lang ba" tanong sa akin ni Lola Berta na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Ahhhhh opo, ayos lang ako may naalala lang ako" sabi ko rito at napansing halos lahat pala ng tao sa dining room ay nakatitig sa akin.
"Ahh, so upo na at kakain na tayo" sabi nito na sinunod ko naman.
"Eto na ang pagkain" sabi ni Ericka ng makaupo na nga ako ay siya rin namang paglabas ng mga pagkain na dala nito na kanin, si Manang Selya ay isang isda, at si Mang Ador naman ay adobong manok ang dala.
"Wait may roon pa" sabi ni Ericka at pumunta ito sa loob ng kusina, pagkalabas nito ay may dala itong tatlong galon ng ice cream na may flavor na chocolate, strawberry at ube na isa sa mga paborito kong flavor, pero lahat naman ng nilabas na ice cream ni Ericka ay paborito ko. "Hindi dapat syempre mawala ang desert" sabi pa nito.
"Wow, Ericka bumili ka pa niyan rito kanina" sabi ni Queeny na mukhang takam na takam na sa ice cream, ito kasi ang pinaka adik sa amin sa ice cream.
"Hindi binili ko na yan sa atin bago tayo umalis, natunaw nga eh, kaya ng lahat kayo ay nasa kwarto na lumabas na muna ako para ilagay ito sa ref kasi tunaw na tunaw dahil sa init sa byahe" sabi nito.
"So, bakit mo naman tinago sa amin" sabi ni Kriston.
"Aba syempre, maraming gumagalang adik!!! sa ice cream at adik sa lahat ng pagkain" sabi ni Ericka na diniinan pa ang adik na words.
"Grabe ka naman" sabay na sabi nina Kriston at Queeny. Na kinatawa naman naming lahat.
"Ehh, itong isda at manok saan to galing" tanong naman ng kinaiinisan kong si Alexander.
"Ahh etong manok at isda ay binila namin ni Manang Selya niyo kanina sa palengke" sabi ni Mang Ador.
"Grabe Mang Ador at Manang Selya, masaya parin kayo kahit nasunugan na kayo" sabi ni Queeny.
"Ahh ganyan talaga eh, kailangan natin maging masaya parati para wala nega, think positive lang palagi kung baga" sabi pa ni Mang Ador na kinatawa naman namin.
"Upo na po kayo, sabay na po kayo sa amin" sabi ni Ericka na nakatayo at umupo na ito,
"Ohh, sige" sabi ni Mang Ador na umupo na kasabay si Manang Selya.
"Ahh, Mang Ador at Manang Selya, bakit po kayo nasunugan, may nasalba ho ba kayong gamit" sabi ni Kriston.
"Lahat naman nasalba namin, naagapan naman kasi yung pag apula ng apoy kaya hindi nasunod lahat" sabi ni Manang Selya.
"Ehh bakit nga po kayo nasunugan" ulit ni Kriston sa una niyang tanong.
"Hindi naman kami sana masusunugan ehh, nadamay lang talaga bahay namin kaya maliit lang napinsala sa amin, yung katabi namin iyon talaga ang halos wala ng matira" sabi ni Mang Ador.
"Ahhhhh" sabi ni Kriston habang tumatango tango pa.
Masaya kaming kumain at habang nagtatawanan, tuwang tuwa kami sa mga kinukwento ni Mang Ador sa amin kaya hanggang matapos ay humahalakhak kani.
PAGKATAPOS naming kumain ay nagpresinta na si Ericka at Mandy na tutulungan nila sina Mang Ador at Manang Selya na magligpit ng kinainan namin. Nang makatapos na nga akong kumain ay naisipan kong pumunta sa likod kung saan may isang bon fire doon naisipan kong bumalik para kumuha ng posporo.
"Mang Ador, may posporo ho ba kayo" tanong ko rito ng ito ang maabutan ko sa kusina.
"Ahh hindi ako nagsisigarilio boy" sabi ni sa akin. Na kinatawa ko.
"Hindi rin naman po ako nagsisigarilio ehh, hihiramin ko lang sana po para sindihan yung bon fire sa likod" sabi ko rito.
"Ahh ganon ba, nadoon yung posporo sa may stove, kunin mo na lang don" sabi nito.
"Ahh sige po salamat" sabi ko rito at pinuntahan na nga ang stove at madali ko namang nakita ang posporo at kinuha ito. Pagkatapos ay tinungo ko na ang direksyon patungong bon fire sa likod ng bahay na ito. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Kriston na nakatayo, na ramdaman siguro nitong naroon ako dahil napatingin ito sa pwesto ko.
"Ohh, Harrysen ano gagawin natin ngayon" sabi nito at pinakita ang posporo.
"Pre kailan ka pa natutong magbiayo ha, itigil mo na nga yan, masama yan sa kalusugan mo pre " sabi nito.
"Gago, nakikita mo ba yung bon fire na yan" sabi ko rito at tumango naman ito. "Sisindihan ko yon, iihawin ko marshmallows doon"
"Oh sige tara na" sabi nito na mukhang exciting ang gagawin nila.
"Para ka na namang bata diyan Kriston, Binata ka na boy, kaya move and think like what is you now man" sabi ko rito.
"Grabe ka naman" sabi nito. Pagkasabi niyon ni Kriston ay kay tumawag sa akin at ng lingonin ko ay si Ericka.
"Harrysen kanina pa kita hinahanap, bakit ba di ka man lang tumutugon" sabi ni Ericka na papalapit sa amin.
"Ha! Sorry wala akong narinig eh!, Ikaw Kriston, narinig mo bang tinatawag ako nito" sabi ko rito habang tinuturo si Ericka gamit ang hinlalaki ko kumbaga naka like sign ang kamay ko ngunit ang hinlalaki ko ay nakaturo kay Ericka. "Ehh, bakit mo ba ako tinatawag"
"Ahh, wala papa-sindihan mo nga yung bon fire, mag-iihaw tayo marshmallows" sabi nito.
"Iyon naman talaga gagawin ko ehh" sabi ko rito at pinakita ang posporo at lumapit na ako sa bon fire at sinindihan ito, di kalaunan ay umapoy na ito.
"Ohh nice Harrysen, ayan na kukunin ko na Marshmallows wait lang" sabi ni Ericka.
"Tawagin mo na rin sila, Ericka. Kahit sina Mang Ador at Manang Selya" sabi ko.
"Ohh, sige. Tatawagin ko na sila" sabi nito.
"Okay" sagot ko rito. At binalingan ko naman ang katabing kaibigan. "Ahm, Kriston pakibantayan nga muna, wag mong papatayin yung apoy ha!" sabi ko rito.
"Saan ka rin ba pupunta" sabi nito.
"Diyan lang, tatawag lang ako kay Mama, mangagamusta na rin" sabi ko rito.
"Ahh, pakisabi kay Tita miss na miss na siya ng gwapong binata" sabi nito.
"Ha, sorry Kriston, baka pag sinabi ko iyon, mabasag screen ng cellphone ko" sabi ko rito. "Baka pati mainis si Mama non Kriston"
"Wow naman Bro" sabi nito. "Ahh, Basta Harrysen, sabihin mo kay Tita na miss ko na siya"
"Ohh sige Bro" sabi ko rito at pumunta na sa may puno.
Ng makarating na ako sa may puno ay hinanap ko agad no. ni mama sa phone ko, ngunit hindi ko nahanap kaya babalik na muna ako ron, at hihingiin kay Kriston ang no. ni Mama. Bago pala sim card ko, nalimutan ko nasira pala dati kong sim card nong isang araw, kaya bumili ako kahapon. Hindi ko rin iyon kabisado kaya hihingiin ko na lang kay Kriston.
Bago pa ako makalayo sa punong tinatayuan ko kanina ay may narinig akong boses mula sa kabilang side ng puno. Kaya bumalik ako at tiningnan kung sino iyon. At ng makita ko na kung sino ay, si Alexander iyon at may kausap sa cellphone.
"Papa, narito kami sa Batangas ngayon, sorry kung hindi ko nasabi" sabi nito sa kausap sa cellphone. "Yung dalawa, narito yung dalawa Pa, sinama nila rito kaya wala sila diyan"
"Alexander, anong ginagawa mo rito" sabi ko rito. At ng balinganin nito ako ay
"Ahh wala lang, bwiset" bulong nito sa huling sinabi pero rinig ko naman at hindi na lang nagpahalata na narinig ang sinabi. "Tinawagan ko lang papa ko, di kasi ako nagpaalam na pupunta tayo rito ehh" sabi pa nito. "Ahh Papa, mamaya na lang ulit, bye" sabi naman nito sa kausap sa cellphone na tinawag nitong papa. Ng tinapos na nito ang tawag ay nilagay na nito ang cellphone sa bulsa at naglakad na papunta sa harapan niya. "Tara na" sabi nito.
"Sige na mauna ka na, susunod na lang ako" sabi ko naman rito.
"Ahh, ohh sige" sabi nito at naglakad na papalayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman sa kinilos nito lalo na ng marinig kong magsabi ito ng bwiset.
Para kasing may mali sa kinikilos nito, lalo na at nakakapagtaka, na nagulat ito sa kanya ng tawagin niya ito. Nakakapagtaka rin kung sino ang tinawagan nito, kahit na sinabi nitong ang ama lang nito ang tumawag ay nakakapagtaka parin lalo na at hindi pa nilang lahat nakikita ang ama nito, at palagi lang ang ina ang pumupunta. At sino kaya ang dalawang tao ang tinutukoy nito na kasama nila. Nakakapagtaka talaga ang taong iyon minsan, kaya nga wala kaming tiwala rito ni Kriston.
Ahh Basta ang alam niya dapat siyang magmanman at siguraduhin na walang mapapahamak sa kanila lalo na at may kasama silang matanda at bata.
Please Vote and Comment po.....