Chapter Six --> Bon Fire
Harrysen Bautista Point of View
PAGKATAPOS nga ng ilang minuto ay sumunod na ako kay Alexander. Pero hindi pa para makihalubulo kundi para kunin kay Kriston ang no. ni Mama na alam kong galit na galit na dahil sabi nito ay tumawag agad kapag nakarating na ng ligtas dito.
"Ohh tara na Harrysen, mag-ihaw ka na ng marshmallows" sabi ni Ericka.
"Sige, Pero maya na ako, tatawagan ko ai mama" sabi ko.
"Ahh Okay" sabi naman nito.
"Ahm, Kriston, hingiin ko nga no. ni Mama, bago kasi sim card ko ehh, hindi ko rin kabisado no. ni Mama" sabi ko. At napatingin naman sa akin ang lahat ng nandoon.
"Sure Bro" sabi nito at binigay na nito ang cellphone at kinuha naman niya. Pagkatapos ay hinanap na sa phone book ang no. ng Mama niya, na mabilis naman niyang nahanap. "Facebook na lang magvc kayo, mas maganda yung magkikita pa kayo." sabi nito.
"Wala pa akong load, bago nga tong sim ko diba" sabi ko. "Ewan ko rin kung may load si Mama, minsan lang yun magpaload, at minsan rin yun online"
"Ede gamitin mo na lang facebook ko, VC natin si Tita Kung online, pwro kung hindi may pangtawag naman yan" sabi ni Kriston.
"Okay" at inopen na nga ang fb ni Kriston at tri-nay kong kontakin ngunit wala ehh, call ended. "Wala ehh"
"Ede i-try mo ulit" sabi naman ni Queeny. Na ginawa ko naman. Pagkatapos ng ilang ring a sinagot na ni mama ang pagvideocall ko sa kanya
"Hoy Kriston, nasaan na si--" natigil si Mama ng hindi si Kriston ang nasa harap niya.
"Hi! Ma" sabi ko rito. .
"Hoy na bata ka, sabi kong tumawag ka kapag nakarating na kayo ng ligtas diyan, walang hiya ka, pinag-aalala mo pa akong loko ka" sigaw nito sa akin na kinatawa naman ni Kriston. Tawang- tawa talaga ito kapag pinapagalitan ako ni Mama.
"Ma, ayos naman kaming nakarating rito, kaya wala ka ng dapat na ipag-aalala" sabi ko rito. "Alam mo namang lumalayo sa akin iyang disgrasyang yan, lahat kaya ng disgrasya na dapat ay akin ay sinasalo nitong si Kriston" sabi ko at pinakita si Kriston kay Mama na nasa kabilang linya.
"Gago" sabi nito, at pinalo ang aking likod ng tuhod para matiko iyon. Pero bigo ito dahil malakas ang tuhod ko. "Hi Tita" sabi nito kay Mama.
"Hello naman sayo Kriston" sabi ni Mama sa kabilang linya. "Ohh, Kriston, nadala mo naman ng maayos, iyang mga kasama mo"
"Syempre naman tita, ako pa ba" sabi nito.
"Hambog" sabay na sabi ni Mama at Ericka na kinatawa naman namin.
"Grabe, sabay talaga ha" sabi ni Kriston. Na kinatawa ulit namin.
"Ohh Ma, ikaw diyan, ayos naman na wala ako" sabi ko.
"Ayus naman anak" sabi nito."Huwag kang mag-alala, na inom ko na rin gamot ko" sabi pa nito, alam na alam na ni Mama mga sasabihin ko.
Ma, hindi ko pa pala nasasabi sayo,
"Good" sabi ko rito. "Ahhmay bago akong sim card, i-text na lang kita para alam mo na"
"Ahh, sige Harrysen i-text mo na sakin, para alam ko na, paubos na rin yung aking load pang facebook, tawagan na lang kita, kasi may pangtawag pa to ha!" sabi nito.
"Okay Ma, Bye" sabi ko rito.
"Bye anak, Bye rin na sa inyo Kriston" sabi nito.
"Bye Tita" sabi naman ng mga kasma ko.
At ti-next ko na nga kay mama ang bagong number ko, gamit pa rin ang cellphone ni Kriston. Ng alam kong na-send na iyon ay binigay ko na ang kay Kriston ang cellphone nito at nagpasalamat.
"Walang anuman pre, alam mo nami-miss ko na si Tita" sabi nito.
"Ako rin naman ehh" sabi ko rito.
"Harrysen oh, marshmallow" sabi naman ni Ericka.
"Thanks!!!" tipid na sagot ko rito. At kinuha ko na nga iyong marshmallows at tinusok iyon sa isang stick, at pinainit iyon sa apoy.
"Babe, iihaw mo nga ako ng marshmallows, nangangalay na kamay ko ehh" rinig kong sabi ni Mandy kay Alexander na nasa harapan ko.
"Okay Babe" sabi naman nito. Hindi ko alam kung bakit parang naiirita ako sa mga ito, alam ko sa sarili ko na wala na akong gusto kay Mandy, kaso pagnakikita ko itong mga to na sweet sa isa't isa.
"Harrysen Bautista, sunog na yan marshmallow mo" sabi ni Queeny sakin, hindi ko pala namalayan na nasusunog na iyon. Paglapit ko naman sa akin ay tutong na.
"An ba yang iniisip mo, at parang ang lalim" sabi naman ni Kriston na katabi ko. "Pre kung si Man-" hindi nito natuloy kasi tiningnan ko ito ng masama, alam naman kasi nitong nasa harapan lang namin si Mandy nagsasabi ng ganon. "Ahh, este si Mama mo, ehh wag kang mag-alala kay Tita malakas na tao yun, at saka kavc palang natin kanina"
"Ahh Oo, miss ko nasi Mama, alam mo naman ako hindi sanay mahiwalay kay Mama" sabi ko rito habang ginawaran ito ng mapait na ngiti, napasulyap naman ako sa mga ito kung nakatingin sa akin, pero hindi naman, isang tao lang ang nakatingin sa akin ngayon at si Mandy iyon, ng malaman kong nakatingin siya sa akin ay hindi man lang ito, umiwas man lang bagkus ay ako ang napaiwas ng tingin, kumuha na lang ako ng marshmallow para ihawin ulit.
Pagka- ilang segundo pa ay tumunog ang cellphone ko, at ng tingnan ko kung sino ay si Mama, kabisado ko yung last number nito, kaguro ehh tri-nay lang nito, kung tama ang si-nend kong no. sa kanya.
"Ahh Guys sagutin ko lang to" sabi ko sa mga ito.
"Wow naman pre, may katawag- tawagan ka na agad, kahit bago pa lang iyang sim card mo" sabi naman ni Kriston na akala mo'y gulat na gulat.
"Gago, si mama to" sabi ko rito.
"Ang dali ka namang mamiss ni Tita, sana all" sabi nito.
"Gaga, tri-nay lang siguro ni Mama kung tama yung no. Na binigay ko" sqbi ko rito. "Oh, sige sagutin ko na to" at lumayo ng konti sa kanila.
"Oh!!! Ma, miss mo na naman ako" sabi ko rito.
"Gaga, tri-nay ko lang kung tama" sabi naman nito. "At saka pala anak, kailan pala kayo uuwi"
"Ewan ko pa po ehh" sabi ko rito. "Di ko pa po alam ehh, baka po mag-isang linggo kami rito"
"Ahh ganon ba, ede tawagan mo na lang ako kapag aalis na kayo diyan ha" sabi nito.
"Ohh sige Ma, Bye" pagpapaalam ko rito.
"Grabe naman to, sige na Bye" sabi nito.
"Okay Ma, Bye ulit" sabi ko naman rito at pinatay na ni Mama ang pagtawag nito. At bumalik na ako sa mga ito at mag-ihaw ulit ng marshmallows. Mabuti na lang at tumawag si Mama, baka dahil sa pagiging tulala ko pa ehh marami itong mga iniisip..
"Ahh Harrysen, samahan mo nga ako" sabi naman ni Ericka ng makaupo na ako at siya ay tumayo naman. Kaya tumayo na lang ulit.
"Bakit? Saan naman tayo pupunta" sabi ko rito.
"Basta sumama ka na lang" sabi nito sa nang-aakit na boses at may pakindad kindad pa. Na kinatayo naman ni Kriston.
"Teka? Saan kayo pupunta?" Pagtatanong ni Kriston sa amin na mukhang nagseselos. Binalingan naman ito ni Ericka.
"Wala ka na don" taray na sabi ni Ericka kay Kriston
"Sasama ako" sabi naman nito.
"Wag na, kaya na namin iyon ni Harrysen, pangdalwahan lang dapat iyon, ayaw ko naman na maging group iyon, no" taray na sabi pa nito. "Diba Harrysen, dapat tayo lang diba" sabi nito at hinaplos pa ang aking pisngi. Na kinaitim naman ng aura ni Kriston.
"Ahh, ehh" pag-iisip ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Makisama ka na lang" pabulong na sabu sa akin ni Ericka. At binilingan si Kriston na sobrang itim na ng aura. Parang anong oras ay susuntukin na ako nito.
"Ahh, oo pre kami lang dapat don pre, moment namin yun ehh, kaya bawal muna ng group, sa panahon ngayon pre bawal na muna ng threesome" sabi ko rito, ngunit binulong ko na lang ang huling word na sinabi ko dahil may iba kaming kasama, at tinapik ito sa balikat. "Huwag kayong mag-alala, babalik lang kami" sabi pa sa mga ito.
At dahil nga sa inis nito ay susuntukin na sana ako nito ngunit nakaiwas na ako at tumakbo kami papuntang kusina ni Ericka at nagtawanan ngunit may kahinaan dahil baka marinig nito.
"Kita mo yon, galit na galit, ano bang sinabi mong last sa kanya" tanong nito, at sinabi ko naman rito ang eksaktong dinabi ko rito na kinatawa naman nito.
"Ano bang gagawin natin at bakit tayo pumunta rito" tanong ko rito ng makatigil na ako sa pagtawa, tumigil naman ito at kinalma ang sarili.
"Wala, magpapatulong lang akong magtanggal ng plastic sa hotdog at hihiwa- hiwaan, ito naman ihawin natin, sawa na ako sa marshmallows, ehh" sabi naman nito. "Bakit? May gusto ka pa bang gawin natin" pang- aakit nito.
"Bakit, ikaw meron?" Sabi ko sa nang-aakit na boses at nilapit ang mukha sa mukha nito. Na kina urong naman nito at kina abante ko naman rito, natatawa naman ako sa kinilos nito, mang-aakit kasi daig naman pala siya.
"Wa- wala" sabi pa nuto habang nauutal at hindi makatingin ng deretso sakin.
"Talaga?" Sabi ko pa rito habang papa-urong ito at pasulong siya, at hanggang tumamana ito sa lababo at wala ng matatakasan pa.
Hanggang mapansin kong may nakatingin sa amin at alam kong si Kriston iyon. Kaya nilapat ko ito sa akin, na kina alis naman ni Kriston sa likod namin. Ng matukoy ko na wala na ito ay binitawan ko na ito. Pagkatapos ay tumawa ako ngunit, hindi ko ito nilakasan.
"Walang hiya ka, Harrysen" mura nito sa akin, at pinagpapalo ako sa braso.
"Hindi mo ba napansin si Kriston sa likod natin, galit na galit nga ehh" sabi ko habang tumatawa.
"Ehh bakit di mo naman ako ininform" sabi pa nito habang pinapalo pa ako sa braso. "Ede sana, mas nagselos pa yun" at tumigil na ito sa pagpalo sa kamay ko.
"Don't worry, worth it naman ehh" sabi ko rito. "Tara na, kunin mo na yung hotdog ko, at balatan mo na" biro ko rito.
"Gago" mura ulit nito sakin na kinatawa ko. At kinuha na nito ang mga hotdog sa freezer, frozen na iyon dahil sa freezer nilagay, kaya nilagay muna namin sa tubig at naghintay ng ilang minuti para lumambot iyon. Naghari sa amin ang katahimikan, kaya pinatay ko ito at magkwentuhan na lang kami. Hanggang matapos kaming magtanggal ng plastic rito sa hotdog at hiwa-hiwaan ito.
Mandyzon McBride Point of View
NANDITO parin kaming lahat sa may bon fire at nag-iihaw ng marshmallows, pumasok sina Ericka at Harrysen sa loob at hindi namin alam kung anong gagawin, sinundan ni kuya Kriston, ngunit ilang minuto lang ay lumabas na ito at masama ang mood.
"Hay" sabi ko ngunit sa isip ko lang iyon, ayaw kong mapansin nila na may iniisip ako lalo na at ang iniisip ko ay si Harrysen, hindi ko ba alam kung anong nangyayari sa aking katauhan, lalo na kung malapit ito sa akin, parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya, aminado ako na may nasabi akong masama sa kanya noon, pero pinagsisihan ko iyon, walang katotohanan lahat ng sinabi ko sa kanya, at alam kong wala rong katotohanan ang sinabi nito sa akin, siguro ay dahil lang sa inis na nararamdaman namin noon.
"Pre, bakit mukhang bad mood ka" sabi ni Alexander kay kuya, boyfriend ko ito at mag-aanniversary na kami. Sa tagal na naming magjowa, hindi ko alam kung bakit kapag malapit sa akin si Harrysen ay nag iiba ang takbo ng puso ko, parang iba ang tinitibok, parang hindi ang boyfriend niya ang nasa loob nito, samantalang ng hindi pa sila nito ay para siyang madedesperado na at gagawin ang lahat para makuha lang ito.
Pero ngayon hindi niya alam kung bakit nag- iiba ang puso niya para rito. Ang dating inis na ramdam niya, ay nababago ito ng hindi niya alam na bagay sa loob ng puso niya. Hindi naman ako dapat magagalit rito ehh, pero may sinabi talaga itong ayaw niya palaging maririnig sa ibang tao, ngunit nanggaling iyon sa kanya ehh, kaya may karapatan naman akong magalit.
"Ayos lang ako, naiinis na lang ako sa dalawang tao na nasa loob" sabi nito. "Sabi ko na kasi eh, may relasyon iyong mga iyon" bulong nito sa sarili ngunit rinig ko pa naman.
"Anong sabi mo kuya" sabi ko rito at nagpanggap na walang narinig.
"Wa- wala, wala lang Mandy" sabi nito. "Wag mo kong intindihin"
"Ahh, okay" sabi ko pa rito at kumuha ng marshmallows na nasa bowl at inihaw iyon.
Naubos na namin ang marshmallows sa bowl at hindi pa bumabalik sina Ericka at Harrysen, nagtataka na kaming lahat pero walang balak na puntahan ang mga ito. Halata rin ang inis ni kuya Kriston sa mga ito, na hindi namin alam kung bakit.
"Ahh guys, wala bang balak sa inyo na sumunod sa mga iyon, sabi nila babalik lang sila" sabi naman ni Queeny.
"Puntahan ko na kaya" sabi ni Alexander. At tumayo na ito.
"Huwag na, baka maka istorbo ka pa sa kanila" sabi ni Kuya Kriston sa amin. Anong bang problema sa mga ito. "Baka may ginagawa na ang mga ito ng kalibugan" dagdag pa nito. Ang harsh ni Kuya Kriston.
"Ayy grabe, naman yon Kriston" sabi ni Queeny. "Puntahan ko na sila" sabi nito. At tumayo na.
"Lala, Sleep na tayo, it's 9:00 pm na, antok na po ko" sabi naman ni Angela kay Lola Berta.
"Ahh sige, iha" sabi naman ni Lola Berta rito. "Mandy, itaas na kami ha" sabi nito sa akin.
"Kami rin mga Iho't Iha, matutulog na kami, dahil antok na rin kami" sabi naman ni Lolo Ador.
"Ohh, sige po Lola Berta at Lolo Ador, kami na rin po bahala rito" sabi ko sa mga ito. "Ahh Queeny, samahan mo na sila, tutal pupuntahan mo naman sina Ericka doon"
"Ahh iha wag na, kaya na namin ito, diba apo" sabi ni Lola Berta at tumango naman si Angela rito.
"Ahh okay po" sabi ko naman dito at umalis na. Umupo naman na si Queeny sa inuupuan. "Nasaan na ba ang mga iyon"
"Sorry guys natagalan kami" sabi ni Ericka sa likod namin kaya napalingon kami. May dala itong mga hotdog at may dalang anim na can ng beer naman si Harrysen.
"Nice naman" sabi naman ni Alexander. "May pa-beer sila"
"Syempre, ako pa" sabi naman ni Ericka.
"Anong ako pa, kami dapat, kasi tayong dalwa yung magaling" sabi ni Harrysen.
"Ohh, ede tayong dalawa" sabu pa ni Ericka.
"Bat ang tagal niyo" seryosong sabi ni Kuya Kriston habang nakayuko. "Ano pang ginawa niyo" sabi naman nito na tumingin na sa mga ito. Mababakas sa mga mata nito na may mali.
"Wala? Bakit anong dapat naming gawin ha, Kriston" sabi naman ni Ericka.
"Malay mo" sabi naman ni Kuya Kriston. At napatayo ito sa kaniyang kinauupuan at hinarap si Ericka. Ngunit hindi naman ito nagpatalo, bagkus ay ito ang natalo. Kaya umupo na ulit ito.
Binaba naman ni Ericka ang tray ng hotdog at binaba naman ni Harrysen ang mga beer, kumuha kami ng tig-iisa, Na baling ang atensiyon namin kay kuya Kriston ng isahin lang nito ang isang can ng beer.
"Pre, hinay-hinay lang" sabi ni Harrysen.
"Wala kang pake" sabi pa ni Kuya Kriston. Ng masimot na nito ay kinuha nito ang aking beer.
"Kuya" sigaw ko rito.
"Bawal to sayo" sabi pa nito at kinuha at inisang inom iyon. Pagkatapos ay kinuha naman ang kay Queeny na gulat na gulat.
"Hey" sabi pa ni Queeny.
"Bawal to sayo" sabi pa ni Kuya.
"At Bakit?" tanong nito at pinilit pa rin nitong kunin. Ngunit nilagok lang nito iyon kayavwala ng nagawa.
"Dahil manyak ka, kapag lasing" sabi pa nito. Na kinatawa naman namin.
"Ehh isa lang naman ehh, hindi ako malalsing niyan. Kaya akin na" sabi pa ni Queeny. Pagkatapos ay inisang lagok ni kuya Kriston iyong beer ni Queeny.
"Sorry, wala ng laman ehh" sabi pa nito.
"Hayop ka talaga" sabi naman nito, nq kinatawa naman ni kuya.
"Meron pa ba" ssabi pa ni kuya, anong bang nangyayari dito.
"Eto pa Bro oh" sabi naman ni Alexander at binigay naman nito ang beer nito. "Ano ba yang iniisip mo"
"Kung ano man yon, wala na kayo doon" at kinuha na ni kuya ang beer ni Alexander at inisang lagok rin. "Bakit ilan lang nilabas niyo, meron pa ba doon, kunin niyo pa nga" inis na sabi pa nito.
"Sige pero mamaya na" sabi ni Ericka.
"Sabi ko, ngayon na!" galit na sabi ni kuya, natakot na ako sa kinilos ni kuya Kriston, ano bang nasa isip nito. Ngunit si Ericka ay hindi naman natinag.
"Ehh kung mamaya na" sigaw rin ni Ericka na hindi talaga natitinag sa galit ni kuya Kriston na halis umusok na ang lahat ng butas ni kuya Kriston. Naupo naman ito sa dating inuupuan at kumuha na lang ng hotdog at inihaw ito.
Tahimik kaming nag-ihaw ng hotdogs. Ni wala atang gustong magsalitaz dahil na rin siguro sa nangyari kanina kina kuya Kriston at Ericka.
"Nasaan na yung beer" pagpatay ni kuya sa katahimikan. Mukhang lasing na ito, at nawawala na sa katinuan
"Sorry, hindi pa siya malamig ehh" sabi ni Ericka.
"Wala akong pake, basta ikuha niyo ko ng beer" galit na galit na sigaw nito.
"Ehh, kung ayaw ko ha! Ehh kung ayaw namin" matapang na sabi Ericka kay kuya.
"Or else" nananakot na sabi nito kay Ericka. At lumapit ito malapit sa tenga nito.
"Or else what?" matapang rin na tanong nito kay kuya Kriston, na halatang lasing na talaga. At lumapit ito sa may tenga ni Ericka at may binulong hindi ko na narinig, at kalaunan ay nakita naming hinalikan ni kuya si Ericka sa leeg. N kinatulala ni Ericka. At pagkailang minuto pa lang ay nakatulog na ito sa balikat ni Ericka.
Harrysen Bautista Point of View
GULAT NA gulat ako sa sinabi ni Kriston kay Ericka, sinabihan kasi nito na once na hindi siya sinunod nito ay magme- make love raw sila. Mukhang ako lang ang nakarinig sa sinabi nito. Lalo na at ako ang pinakamalapit sa mga ito.
Mas kinagulat ko pa ng halikan nito ang leeg ng dalaga at sinipsip iyon kaya may bakas na namula. Ngunit ng mga ilang segundo pa ay nakatulog na ito sa balikat ni Ericka. Kaya naisipan na naming idala ito sa kwarto namin.
"Bro, lasing kana" sabi ko rito at tinanggal ito sa balikat ni Ericka.
"Hindi... Hindi pa ako lasing, apat lata lang iyon, di ko non kayang patumbahin" sabi nito at sinampa ang kamay sa balikat namin. Naalala ko tuloy na inalog alog namin nu Ericka ang lahat ng beer, akala nga namin ay bubula iyon, ngunit hindi ehh, bagkus ay nakapadali ng pagkalasing nitong si Kriston.
"Tara na lang Bro, idadala ka na namin sa kwarto natin" sabi ko rito.
"Wag mo nga kong tawaging Bro, wala akong kaibigang taksil" sabi pa nito. Ngunit halatang hindi naman ito galit, para lang galit na isip bata. Kaya idinala na namin ito sa kwarto, nagtulungan kami nina Alexander at Queeny na ipasqn ito. Sa laki ba namang tao, hindi naman sa mataba ito, pero matangkad lang talaga ng konti sa akin. Kaya ko nga to minsan natatawag na baby damulag ehh.
"Damulag ka talaga" sabi ko pa rito.
"Anong sabi mo" tanong nito, na halatang lasing na nga.
"Wala, matulog ka na" sabi ko pa rito.
"Ahh!!! Okay!" sabi pa nito at natulog na nga habang pinapasan papunta sa aming kwarto na kung saan ay nasa second floor. Tinahak namin ang kwarto ng pagod na pagod, napakabigat kasi talaga nito ehh sa hagdan pa kami dumaan, kung wala lang sigurong hagdan, hinila ko na to parang maleta, pero meron ehh kaya ayun.
Nakarating nga kami sa kwarto na pagod na pagod, hiniga namin si Kriston sa kama nilang tutulugan ni Alexander. Nahiga narin ako sa pagod at hindi kalaunan ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Pls. Vote and comment naman po