Chapter one --> SIMULA
Harrysen Bautista Point of View
Sana hindi na lang ako umamin sayo noon na may pagtingin ako sayo. Edi sana hindi tayo nagiging sensitive sa isat-isa.
Nakaupo ako sa aking kama at kinuha ang aking salamin ng makita ko ang picture frame naming magbabarka at ang katabi ko pa ay si Mandy. Naalala ko kasi kung paano kami naging close at gaano kami ka close ni Mandyzon bago ako umamin ng nararamdaman ko para sa kanya.
FLASHBACK
"Pare, parang may dumating sa inyong bisita, pakilala mo naman, mukhang maganda" sabi ko kay Kriston habang naglalaro ng mobile games dahil summer kaya wala akong dapat na pagtuunan ng pansin para mag-advance reading, kaya nasa bahay kubo kami ng garden nila ng mayroon tumigil na sasakyan at may magandang babae na lumabas sa taxi na mukhang mas matangkad sa amin pero kasi mukhang mataray at maldita na kahit titigan mo lang ay magagalit na ito.
Ngunit kahit ganon ang iniisip ko sa babae ay ang isipan ko pa rin ay huminto ng bahagya at tiningnan ang magandang babae na nasa labas ng bahay nina Kriston.
Hanggang sa hindi ko na nga namalayang nasa harap ko na siya at kasama si lola Berta na lola ni Kriston at batang parang nasa seven years old pa lamang. LOLA BERTA napabalik ako sa kasalukuyan ng maisip ko na si lola Berta ang kasama nito.
"Kriston, Harrysen si Mandyzon pala apo ko at itong cute na bata ay si Angela at si Ericka kaibigan ni Mandyzon, ulila na rin itong tulad niyo dahil wala na rin ito kamag anak kaya dito na lang si Ericka titira" sabi sa amin ni lola Berta na hindi ata napansin at narinig ni Kriston dahil busy mag ML at ako naman nagmano kay Lola Berta at nakipag- kamay na sa malambot na kamay ni Mandyzon at kinawayan ko naman si Angela.
"KRISTON!!! busy ka na naman kakamobile legend diyan" tawag ni Lola Berta kay Kriston na dahilan kaya napatayo naman ito.
"Lola naman!!! bakit ka ba nang gugulat, hinay-hinay lang sa pasigaw-sigaw kasi baka atakihin ka na naman ng high blood mo" sabi naman ni Kriston na hindi pa ata nakita ang mga bisita nila.
"Ewan ko sayo Kriston, Ohh!!! siya nga pala apo hindi mo ba kakamustahin sina Mandyzon at Angela at kasama pala nila na si Ericka Anderson inampon ng papa mo ulila na siya dahil ang mga magulang niya ay wala na, na katrabaho rin ng papa mo" pagpapa alam ni Lola Berta na tinuro nito sa kaliwang side nito kung nasaan sina Mandy at Angela at si Ericka na nasa kanang side nito dahil hindi nga ata ito napansin ni Kriston.
At napalingon na nga si Kriston sa kaliwang side ni Lola Berta at sa kanan side, kung nasaan si Ericka nakapalagi
"Mandyzon, Angela??? Hello sayo Ericka" sabi nito
"Hello" tugon rin naman ni Ericka.
"Kailan pa kayo dumating. Lola naman!!! bakit di mo man lang sinabi na susunduin niyo sila sa airport, ang akala ko ba mamamalengke ka lang, bakit di mo man lang sinabi sa akin ha!!!" pagtuloy nito sa sasabihin kay Lola Berta habang parang batang nagdadabog kaya nabatukan ito ni Lola Berta.
"Lola naman bakit mo ako binatukan" pagtataka ni Kriston.
"Para ka na kasing bata diyan, dinaig mo pa sina Mandy at Angela, para kang batang babae, bakla ka na ba ngayon Ha!!!" si Lola Berta iyon.
"Hindi po, nagtampo lang" sabi naman ni Kriston.
At doon ko na nga nakilala si Mandy, dito na rin kasi siya nag-aral na nagiging magkaklase ko palagi dahil mataas rin ang kanyang mga grado katulad ko, hindi katulad ni Kriston at ni Queeny na palaging nasa second at third section dahil mga walang hilig sa pagrereview dahil tama na sa kanila ang makapasa sa bawat taon na nag-aaral sila.
Mas naging close kami ni Mandyzon dahil na rin siguro hindi kami nagkakahiwalay sa lahat ng mapuntahan at lagi rin kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay.
Nakahiligan rin naming tumambay sa sea wall malapit sa dagat kada hapon hanggang gabi. Nakatugpuan ko kasi si Mandy na nanood din ng sunset na matagal ko nang ginagawa dahil mula pagkabata ay nagustuhan ko rin ang paglubog ng araw na gusto rin pala nito.
Marami pa kaming masasaya at malungkot araw ni Mandyzon noon bago ang pag-amin ko sa kanya na may gusto ako sa kanya.
PREVIOUS
Pero ngayon para na kaming mga virus na kapag magkadikitan ay magkakahawaan na at mas masakit pa roon ay para kaming hindi magkakilala dahil kahit ang pagkikibuan ay hindi namin magawa, para tuloy walang kaming walang pinagsamahan at parang hindi magkakilala.
Nagpapasalamat rin naman ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko mararanasang masaktan ng ganon, at kung hindi dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko rin siguro mababago kung paano ako gumalaw, kung paano ako manamit, at higit sa lahat hindi ko rin magagawang baguhin kung ano ako noon at ano ako ngayon, dahil rin naman kasi sa pagbabago kaya maraming nangyari sa buhay ko mula ng baguhin ko yon.
Hindi lang kasi lumabas ang natatago kong kagwapuhan, dahil kasi doon naging Mr. San Nicolas High School ako at ako rin ang sumali sa competition ng bawat High School sa buong Probinsiya namin na hindi naman sila nagkamaling pumili sa akin dahil nasungkit ko rin ang korona at sash.
Kaya ng dahil doon nakilala ako sa campus ng San Nicolas High School at dahil din doon ay inaya ako ng varsity team sa aming campus sa pag-volleyball at hindi sila nagkamaling piliin ako dahil ng isali nila ako ay nakauwi kami ng trophy.
Palabas na ang mga luha ko ng maisip ko iyong mga mga iyon pero masaya ako dahil ng dahil sa kanya ay marami akong na-achieve na tagumpay. Natapos ang pag-iisip ko ng marinig ko ang malakas na boses ni Mama.
Si Mama talaga kahit kailan hindi mahina-hinaan ang boses, mula pagkabata kasi malakas na talaga ang boses ni Mama kaya nasanay na ako. Napapatigil ko lang yan kapag sinabihan kong "may exam kami bukas"
"HARRYSEN, ANAK NANDITO SA BABA SINA KRISTON AT EDWARD, MAY SASABIHIN SAYO". iyon nga ang sabi ni mama na kanina pa yata ako tinatawag ka parang nainis na.
"Osige ma, papuntahin mo na lang sila rito sa kwarto ko" sabi ko naman kay mama
"Osige Harrysen, ahh Kriston at Edward narinig nyo namn siguro yung sinabi ng bingi kong anak" rinig kong sabi ni mama sa mahinahon ng boses.
"Osige tita, pero sa susunod po pwede bang Queeny na yung itawag niyo sa akin kasi babae na po ako" sabi ni Queeny na mukhang nagpipigil ng inis kay mama.
"Bakit iyon yung itatawag ko sayo ehh iyon ang pangalan mo, mabuti ngat hindi Eduardo kundi Edward ang tawag ko sayo, mas pang-international na pangalan." sabi ata ni mama kay Queeny na alam kong nainis na kay mama.
" Ahh Tita sige na lang po tataas na kami sa kwarto ni Harrysen, tara na Queeny" rinig ko ring sabat ni Kriston.
"Osige na Kriston tumaas na nga kayo ni Edward" mukhang nangaasar na sabi ni mama kina Kriston lalo na kay Queeny.
At mukhang hinila na nga ni Kriston si Queeny pataas dito sa kwarto ko dahil naririnig kong nagpupumiglas si Queeny at narinig ko ngang kumatok ang dalawa sa pinto ng kwarto ko.
"Harry, pwede bang pumasok" sabi ni Kriston.
"Bakit....." sagot ko kay Kriston.
"May sasabihin lang kami sayong importante" sabi ni Kriston.
"Bakit bawal bang sabihin niyo mula sa labas at dapat pa kayong pumasok sa kwarto ko" pamimilosopo ko kay Kriston.
"Osige Harrysen mas maganda ngang sabihin namin mula dito sa labas ang tungkol sa inyo ni Mandyzon para marinig rin ni Tita kung---"
"Pasok na kayo" putol ko sa sasabihin ni Queeny dahil baka kung ano pang sabihin niya na ayaw kong marinig dahil masakit ng marinig ang mga sasabihin niya.
"Takot ka no, minsan talaga ang gandang magalit nitong si Queeny, ang galing kasi manakot" sabi ni Kriston na hangang-hanga kay Queeny sa pagiging mainitin ang ulo.
"Sino bang nagsabi sayo na natakot ako ha!!!. Pumasok na lang kayo at maliligo ako" sabi ko nga kay Kriston na tawang-tawa sa sinabi ko.
At pumasok na nga ang dalawa sa aking kwarto ng napakabilis. Habang ako ay naiwan sa may pintuan ng aking kwarto dahil mabilos nilang magawang makapok ng ganon ka bilis.
"Ahm!!! Maliligo lang ako ha hintayin nyo na lang ako at huwag kayong makialam sa ibang gamit ko ha baka kasi kumalat". Sabi ko sa dalawang tao ngayon na nasa kwarto ko.
"Osige Harrysen, basta sama ako maligo" sabi ng baklang si Queeny sa reaksiyon na mukhang may pagka-inis pa kay mama.
"Pwede kang sumama basta si Eduardo ka hindi ang baklang si Queeny, ano DEAL" sabi ko kay Queeny na diniinan pa ang last word dahil hinahamon ko siya kung kaya pa niya maging lalaki sa sitwaayon niya ngayon.
"Ano bang problema niyong lahat ha bakit lahat kayo tinatawag akong Edward, may pangalan akong iba at Queeny iyon so don't even try again to say that name bcoz I will rape you in your own bedroom and i will sure that you should be FEY IN ZEST" pananakot ni Queeny sa akin.
"Ow I'm scared Eduardo, Eduardo, Eduardo, E_D_U_A_R_D_O, Eduardo" sinasabi ko iyon habang patalikod na binabagtas ang C.R sa aking kwarto dahil alam kong hahabulin niya ako kaya dere-deretso akong pumasok dito at ni-lock ang pinto.
"Paglabas mo talaga, Harrysen Bautista dito sa C.R na ito makikita mo, papatayin talaga kita sa hirap at hindi na sa sarap" sabi ni Queeny sa galit na galit na boses mula sa labas ng CR kung saan ako ngayon naglalagi.
"Ehh kung ako na lang kaya ang patayin mo sa sarap Queeny" sabi naman ni Kriston na sa tingin ko ay nakahiga sa kama ko.
" Kapal mo naman Kriston, akala mo kung sino ka lang naman na yummy at delicious eww yuck!!! Hanggang yabang ka lang naman na yummy ka" inis na sabi ni Queeny kay Kriston
Hay si Queeny talaga ang sarap inisin lalo na kapag inunahan ng iba at itutuloy-tuloy ito mo naman, napakadali kasi nitong mainis.
Natapos ako ng paliligo ko na wala man lang narinig na ingay mula sa labas kahit na pagbabangayan ang dalawa, dito rin ako nagbihis sa CR dahil kinahiligan ko na rito magbihis, may iba kasing mga taong pumapasok rito gaya nina Kriston at Queeny, kapag wala kasi si mama at ako lang ang narito pumapasok na lang sina Kriston sa kwarto ko kahit wala pa akong kasaplot-saplot, kahit tumungtong na kami ng high school kaya naisipan ko na dito na ako magbibihis.
Hanggang sa naisipan ko ng lumabas ng banyo at...
"Hiee!!! yah!!!" sinakayan ako ni Queeny at binugbog ako nito mahina lang naman ang bawat suntok nito kaya madali ko itong nababa mula sa likod ko at pagkatapos niyon ay lumuhod ito at sinubukan akong hubaran ngunit ang suot ko ay nilagyan ko ng sinturon dahil masyadong maluwag iyon sa akin kaya happy akong hindi niya ito nahuhubad, ngunit ng hindi niya ako mahubaran ay tinangka niya ng alisin ang suot kong sinturon.Kaya tumakbo na ako ng mabitawan niya ako at nagtatakbo sa loob ng kwarto ko.
"Ano Harrysen Bautista takot ka na halika rito at papatayin kita anong gusto sarap o hirap" sabi ng baklang nababaliw na na si Queeny at halatang pagod na.
"Ano Harrysen halika rito papatayin lang naman kita".
"Baliw ka na talaga Queeny, magpamental ka na nga" sabi ko na natatakot na sa ikinikilos ni Queeny dahil para siyang nasapian ng masamang baklang espirito.
"Bakit ako magpapamental Ha!!! Gusto ko lang naman na patayin ka sa sarap ha!!!" sabi ni Queeny na talagang nasiraan na ng ulo.
"Eto!!! si Kriston na lang kaya tutal handa naman na si Kriston sa gusto mong gawin. At tsaka crush mo naman tong lalaking to diba" nakihiga kasi si Kriston sa kama ko at ang sarap ng tulog.
"Yuck, kadiri ha!!! Ayaw ko nga masyado yang hambog" at doon na nga bumalik ang katinuan ni Queeny dahil basta kasi usapang crush niya tumitino yan.
Hay salamat at bumalik na sa katinuan ang baklang yon. Hingal na hingal nga itong umupo sa kama ko katabi namin ni Kriston na tulog na tulog pa rin. Kinain naman kami ng katahimikan dahil wala ng lumabas ditong boses at tinitigan na lang ang bulto ng natutulog na si Kriston.
"Ehem!!!" tumikhim ako para mawala na ang nakakabinging katahimikan at iyon na nga ang nangyari dahil tumingin na sa akin si Queeny.
"Ha!!! A-Ano Harry" sabi ni Queeny na mukhang natulala na sa katahimikan.
"Ano palang sasabihin niyo sa akin" sabi ko kasi iyon naman talaga ang pinunta nila rito.
"Ahh!!! Ano na nga iyon. AHH!!! Kasi si Ericka, nag-aayang mag bonding sa Bulakan, mayroon daw kasi doon ng isang camp site na tinatawag na CampBarkada, aalis tayo rito sa April 8 at uuwi sa anong araw na nga iyon...." sabi ni Queeny na nag-iisip kung kailan ang uwi namin dito.
"Ahh!!! Basta uuwi tayo rito na masaya at walang problema. Ano Go ka ba, ha!!!" dugtong nito sa sinabi niya.
" Oo nga pre kasi yung lugar na iyon daw sabi ni Ericka pampasaya daw iyon sa mga taong may mga problema like sa family problem, sa mga iniisip at syempre sa mga heartbroken" sabi ni Kriston na kinagulat namin ni Queeny dahil ang himbing ng tulog nito.
Ngunit ngayon para na siyang nakainom ng napakatapang na kape para magising at magkaroon ng siglang hindi mo inaasahan.
"Ahh!!! Oo naman bakit hindi, wala naman akong gagawin kasi summer naman at wala na akong dapat na pagtuunan ng pansin para mag- advance reading." sabi ko sa tanong ni Queeny.
"At sino ba pare ang nagsabi sayo na malungkot ako ha!!! at sino bang may sabi sayo na heartbroken ako" sabi ko naman sa sinabi ni Kriston na parang ako ang pinariringgan, pero totoo naman talaga ehh!!! na heartbroken ako.
"Bakit pare hindi ba totoo" pang-iinis sa akin ni Kriston.
"Oo nga Harrysen, minsan kailangan nating maging masaya para hindi tayo pumangit tingnan mo yung mukha mo" sabi naman ng baklang si Queeny.
"Alam niyo pare, may gusto rin akong sabihin sa inyo, at gusto kong gawin niyo agad iyon ha!!!" sabi ko sa inis ng reaksyon at alam kongalam nila iyon dahil alam nilang ayaw na ayaw kong marinig at maalala ang mga nasa isip ng mga ito.
"What!!! Pare, ayaw mo bang sumaya. Come on pare wag mo ngang ideny pa sa amin lalo na sa akin dahil kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang paa" sabi naman ni Kriston sa akin na tawang-tawa pa sa aking reaksyon. Alam kong ako naman ang pinagtritripan ng mga ito kaya....
"LAYAS!!!! lumabas na nga kayo sa kwarto ko, kung hindi magbibilang ako ng tatlo. ISA..... DALAWA" sabi ko habang tinitingnan ang dalawa habang hinay-hinay ang mga ito tumatayo at papunta sa pinto ng kwarto ko habang nakatalikod sa pinto "TATlo!!!" at nakalabas na nga ng kwarto ko ang dalawang iyon sa kwarto kaya naisipan kong isubsob ang aking mukha sa kama ko.