Chapter two --> FLASHBACK
Harrysen Bautista Point of View
PAGKATAPOS lumabas ng dalawang bwisit sa kwarto ko, naisipan kong dumapa sa kwarto ko kahit basa pa ang buhok ko.
"Hay bakit ba ang tanga-tanga ko sa mga oras na iyon" sabi ko habang nakadapa sa kama ko.
Sana hindi ko na lang talaga sinabi kay Mandy na may pagtingin ako sa kanya. Masyado kasi akong umasa sa mga motibing pinapakita niya ehh.
Isa akong Valedictorian mula sa Elementary at ngayong nakakatapos palang kami ng High School, pero ng dahil doon feel ko na parang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo dahil nagmahal ako ng isang kaibigan na hindi ako ang mahal at ang mas malala pa roon ay may mahal na itong iba.
At dahil nga sa kakaisip ko sa nakaraan ko ay naalala ko na naman ang katangahang ginawa ko sa aking buhay.
FLASHBACK
"Ahm Mandyzon" pagpatay ko sa aming katahimikan, narito kasi kami ngayon sa sea wall ng dagat malapit sa amin habang nakahiga sa aking hita si Mandy at nakaharap sa palubog na araw. Iyon ang hilig namin ni Mandy kapag hapon. Ang makita ang paglubog ng araw.
"Hhm!!! ano yun Harry" sabi ni Mandy sakin na napatingin sa akin kaya nagbaba na rin ako ng tingin sa hita ko kung saan nakahiga si Mandy.
"Ahm may gusto akong sabihin sayo Mandyzon, matagal ko na itong tinatago nahihiya lang akong sabihin sayo na.... " sabi ko sa kanya ng dahilan ng pagkakaupo niya mula sa pagkakahiga niya kanina.
"Ano ba Harrysen Bautista, meron ka ba non" sabi nito sa akin na mukhang excited.
"Ano kasi ehh!!! ahh..." sabi ko habang pinagpapawisan na at hindi ko alam ang sasabihin dahil nakakalimutan ko kung ano yon pero alam iyon ng puso ko kaya puso ko na lang siguro ang pakikinggan ko.
"Ano ba iyon Harrysen, paintense ka naman ehh!!!" sabi nya sa akin na may halong inis dahil sa pagpapa intense ko sa kanya kaya natawa ako sa inasal nitong parang bata, sa kaibigan ko sila lang ni Kriston ang mahilig mag-asal ng ganito kaya napagkakamalan ko itong magkapatid at hindi magpinsan, kung magpinsan nga sila dahil hindi ko talaga alam kung magkaanu-ano sila dahil magkaapelyido sila kaya siguro ito na muna ang itatanong ko sa kanya.
"Ahm!!! Magkaanu-ano kayo ni Kriston magkaapelyido kasi kayo ehh!!!" sabi ko nga kay Mandy na ngayon nilingon ko na dahil ang tingin ko ay nasa dagat mula ng umupo ito sa tabi ko. Na ikinagulat ko kung bakit iyon ang nasabi ko na dapat ay ang nararamdaman ko ang masabi ko hindi kung anu-ano.
"Harrysen, alam mo kung mang intense ka parang importanteng- importante yang sasabihin mo. Atsaka ang tatagal na natin magkasama, lalo na nga kayo ni Kuya Kriston hindi mo pa alam" sabi nito.
"So ano nga kayong dalawa ba ay pinag- arrange married ng mga magulang niyo" pagtutuloy ko na lang sa tanong ko sa kanya dahil gusto ko rin naman malaman ang totoo kung ano ngang meroln sa kanila dahil baka ganon ang sabihin niya. Kaya gusto ko talagang malaman ang totoo.
"Ano bang pinagsasabi mo hindi sa ganon" sabi niya na ako naman ang iniintense.
" So ano nga" sabi ko talaga sa exited na tono.
"Kami ni Kriston ay..... Magkambal at kapatid namin si Angela" sabi nito na kinagulat ko pero hindi ko pinahalata dahil nakakahiya na ang isang Valedictorian mula elementary hanggang High School ay hindi iyon nadiskubri. "Osige na muna Harry, baka hinahanap na ako sa amin" dugtong pa nito.
"Ahm!!! Mandy, may gusto pa akong sabihin sayo Mandyzon" sabi ko sa kanya. "Ano kasi ehh!!! Ano...., Ano na nga yun nakaka-inis naman ohh!!!" sabi ko kay Mandy na nagpapanggap na hindi alam ang sasabihin.
"Aba!!! ewan ko sayo, ano ba kasi yun, kavaledictorian mo ang dali mong makalimot" sabi nito kaya nahiya ako ng konti, pero hindi ako nagpatinag.
"Baka nahihiya ka lang sa akin sabihin yan kaya paputol-putol ka na naman, sige na sabihin mo na at wag ka nang dahil wala ka non" sabi nito na kinagulat ko.
"Grabe ka naman sa akin!!! Actually, matagal ko nang tinatago ang sikretong ito sa buhay ko, Mandyzon" sabi ko na kabadong- kabado ang boses.
"Ano ba yun Harry, At anong sikreto kanino, ang tagal mo naman sabihin, hahanapin na naman ako ni kuya Kriston dahil wala pa ako amin, bilisan mo na nga" sabi ni Mandy na inis na ang boses dahil na naman sa pagpapa intense ko kahit na ang totoo ay kinakabahan ako sa kalalabasan nito kapag nasabi ko na ito sa kanya.
"Baka hindi naman yan importante Ha!!! katulad kanina akala ko kung ano yung tanong na itatanong mo yun lang pala na kung magkapatid kami ni Kuya Kriston" dugtong pa nito pero ngayon ay tumatawa na, na parang pang insultong tawa.
"Mandy, stop laughing it is not easy to say that.... That...." sabi ko habang nakayukom.
"THAT!!! " sabi naman ni Mandy na kinagulat ko kaya nasabi ko na.
"That I love you since you leave here in Philippines, since they become closer to each other" sabi ko na ikinabigla ko dahil nasabi ko na pala sa kanya ang pagtingin ko.
Pero ang mas kinagulat ko ay ng makita ang reaksyon nito na pagkatulala. Kaya hinawakan ko ito sa braso at niyugyog ang katawan ko. At matauhan ito.
"Pero Harrysen!!! Alam mo naman na may mahal na ako diba, at si Alexander iyon Harrysen at alam mo iyon, at nililigawan na nya ako ngayon, madali ko na rin siyang sagutin. At tyaka Harrysen, magkaibigan tayo, at alam mong ayaw ko ng mga baduy, weird, nerd, at bookworm na tao diba. Kahit matalino rin ako Harrysen, hindi ako tulad mong bookworm at masyadong study hard at lalong hindi ako nagmamahal ng ganon kasi maraming ganyan na pinapabayaan ang relationship nila at hindi pinagtutuunan ng pansin." sabi niya ng deretsahan.
"Bakit iyon ba ang iniisip mo. Bakit ba yung gusto mo ehh!!! yung laging mukhang hanap palagi ay away" sabi ko sa kanya na may halong patataka.
"Kasi nga iyon ang kalalabasan non Harrysen. At mauuwi lang iyon sa paghihiwalayan kaya inuunahan na kitang mag-isip" sabi nito sa nagtataray na boses na ikinagulat ko dahil bakit niya ako tinatarayan ehh umamin lang ako sa kanya.
Hindi ko alam ganito pala siya mang-reject ng nanliligaw. Ginagawa ang ayaw makita at marinig ng manliligaw nito sa kanya. At isa na ron ay ang pagtataray, ayaw na ayaw kong tarayan dahil naiinis ako at isa pa ron ay ang pagdadamay sa pagiging masikap ko sa pag-aaral dahil gusto kong makakuha ng scholarship dahil hindi na kaya ni Mama na paaralin pa ako nito.
"Ehh!!! Bakit palagi mo akong hinahalikan sa chicks at niyayakap, ano yun!!! Wala lang ba yun ha!!!" sabi ko na alam kong nagtutubig na ang aking mga mata.
"That is a friendly hug and friendly kiss, ano ka ba Harrysen!!! ang akala kong alam mo ang magiging ibig sabihin non dahil alam nating dalawa na matalino ka. Pero bakit ka nagpapakabobo ngayon" sabi nito sa akin kahit masakit pinipigilan ko pa rin maiyak sa sakit na nararamdaman ngayon.
"Hindi ako nagpapaka bobo Mandyzon, nagmamahal lang ako. Katulad ng pagmamahal na sinasabi mo kay Alexander, Mandy" sabi ko sa galit na boses kahit na alam kong lumalabas na ang aking mga luha dahil humahapdi na rin ang aking mga mata.
"Ngunit kung tinatawag mo akong bobo dahil minahal kita ng higit pa sa pagkakaibigan, alam mo sana siguro hindi na lang kita nakilala, sana hindi na lang kita kinlose, at higit sa lahat sana hindi na lang kita minahal kung alam kong hindi naman ito masusuklian" pagpapatuloy ko sa sina sinasabi ko.
"Sorry Harrysen ha!!! Pero hindi ko kasalanan kung umasa ka. Na umasa ka sa mga bagay na hindi mo dapat binibigyan ng anumang kahulugan" sabi nito sa akin sa mataray na boses, na pinagtaka ko dahil hindi ko nakikilala ang babaeng minamahal ko sa aktong ito dahil sa pagtataray nito.
"Alam mo Mandy, parang nagsisisi nga ako na minahal kita na dapat ay hanggang kaibigan lang, dahil alam mo kung bakit?" sabi ko sa kanya na ikinanormal ng mukha at pagkilos nito pero bumalik rin sa dating pagkaka- dekwatro ng mga kamay nito at patuloy pa rin itong kalmado habang walang boses na lumalabas.
"Dahil hindi pa pala kita kilala. Hindi ko pa pala kilala ang babaeng nakasama ko ng maraming taon. Alam mo sana nga talaga hindi na kita nakilala dahil masyado ka lang na pabida sa eskwelahan natin kaya ka siguro nakikilala sa buong campus ng dahil sa kasipsipan mo sa mga teacher sa ating campus, diba diba di---" natigil ako sa sasabihin ko dahil nasapak ako ni Mandy, dahil na rin siguro sa sakit ng nasabi ko pero wala akong pakialam.
"Siguro nga hindi mo pa ako kilala Harrysen dahil halos apat na taon pa lang tayong magkasama, pero tandaan mo wag na wag mo ko tatawing sipsip dahil hindi yan totoo" sabi nito sa akin habang dinuduro- duro ako ng kanyang hintuturo.
"Hindi Mandy siguro nga ganon, ganon ka nga, sipsip, pabida, baka... plastic ka rin kahit sa amin lalo naman siguro sa mga taong nakapaligid sayo. Kaya marami ka sigurong nalolokong lalaki, kaya siguro marami ka ng pina fall na lalak at sinaktan na kahit ako ay pinafall mo sayo kahit alam kong magkaibigan lang tayo" sabi ko na wala man lang pakialam kung may masaktan.
"Harrysen!!! tumigil ka na..." sabi ni Mandy sa akin na umiiyak na.
"Bakit Mandy anong rason mo, anong rason mo kung bakit ka sumisipsip ha!!!. Pero alam mo wala na akong pake kung anong rason mo, basta ang iwiwish ko lang sayo na wala na sanang magkagusto sayo at sana ang sinasabi mong pagibig mula kay Alexander ay isang pangarap lang" sabi ko bago ko talikuran ang babaeng hindi ko pa pala kilala.
PREVIOUS
Nakadapa pa ako sa aking kama habang inaalala ang nakaraang mahirap ng alisin kahit na sa araw ring iyon nalaman ko na kambal silang dalawa ni Kriston, dahil ang araw na iyon ang pinakamasakit na naramdaman sa aking buhay kahit alam kong parehas kaming may kasalanan.
Naisipan ko na munang lumabas at puntahan si mama na naghahada ng agahan namin. Nagtimpla naman ako ng kape at si mama ay hinahanda na ang sinangag at itlog na agahan namin.
"Ohh!!! Harry nandiyan ka pala" sabi ni Mama na hindi pala ako namalayang dumating. "Bakit mo naman pinaalis sina Kriston ha!!! hindi mo man lang sila inalok na kumain dito" pagpapatuloy nito.
"Ehh!!! bakit hindi kayo ang nag alok sa kanilang kumaim dito" sabi ko na may halong pagtataray.
"Ehh!!! narinig mo naman siguro kung paano ko ininis si Queeny kanina di bha, lumabas nga ng hindi man lang ako pinansin at si Kriston lang ang nagpaalam sa akin na aalis na sila" tawang-tawa si Mama ng sabihin iyon sa akin. "Ehh bakit mo ba kasi sila agad pinaalis, pinagtripan ka ba ng mga iyon" dugtong pa ni Mama.
"Ahh!!! hindi po Ma, may sinabi lang po talaga sila sa akin na pwede lang naman i-text pero ewan ko kung bakit pinuntahan pa nila ako dito sa atin" sabi ko kay Mama, hindi ko sinabi ang totoo kasi walang alam na ganon si mama, ang alam niya lang ay ang pagbago ko sa buhay ko na isa ring kasinungalingan dahil sinabi ko kay Mama na may nagsabi sa akin na dapat na baguhin ko na kung ano ang istilo ko sa buhay
"So, ano nga yung sinabi nina Kriston" sabi ni Mama habang nakaitaas ang isang kilay.
"Ahh!!! ano Ma, kung sasama raw ako sa Batangas sa isang Camp site na kung tawagin rin daw Mama ay CampBarkada" sabi ko.
"Oww sounds exciting Harrysen" sabi ni Mama na mukhang mas excited pa sa akin, na akala mo ay siya ang sasama.
"Mama alam mo parang mas excited ka pa kesa sakin" sabi ko. "Ikaw na lang kaya ang sumama Ma" pagpatuloy ko.
"Hindi naman sa ganon anak, pero masaya lang ako kasi hindi na puro libro ang aatupagin mo, kaya sumama ka na para naman makapag saya ka naman, tama na muna iyong pag- aaral mo kasi summer naman na" sabi ni Mama.
"So ibig sabihin Ma, pinapayagan mo na akong sumama sa Batangas" sabi ko kay Mama.
"Aba oo naman naging masikap ka sa pag-aaral mo ngayong sekundarya kaya it is the time na sumaya ka naman anak" sabi ni Mama, strikto kasi si Mama pagdating sa pag-aaral ko dahil gusto niya akong makakuha ng scholarship para konti na lang ang babayaran ko kapag nag college na kami at hindi ako maiwan ng mga kaibigan ko.
"Hihihie!!!" natawa ako sa sinabi ni Mama dahil hindi nito alam na Mama na ang palagi kong binabasa ay hindi ang mga librong pangschool kundi ito ay ang mga Wattpad books na laging nakaikim sa libro habang ako ay nagbabasa.
At kapag sa Cell phone naman ako nagbabasa ay inaakala ni Mama na nagse search lang ako o nagpe Facebook na allow naman sa akin dahil minsan kailangan ko rin magfb para makachat ang mga kaklase ko kapag hindi ako nakapasok dahil may sakit.
"Ohh!!! bakit ka naman natatawa" sabi ni Mama.
"Wala po Mama, taas lang ako sa kwarto ko, Thanks na lang Mama ha!!!" sabi ko sa kanya at tumayo na ako dahil nakaramdam ako ng iihi at tapos na rin akong kumain.
Tumaas na ako sa kwarto ko at pumunta na sa CR para umihi at pagkatapos ay humiga ako sa kama ko at kinuha ang CP ko para magbasa ng story sa Wattpad. Ganyan talaga ehh!!! Pag adik...
Please Vote and Comment po.....