NAGISING ang dalaga kinabukasan dahil sa malakas na sinag ng araw, kaya napilitan itong buksan ang kanyang mga mata. She rolled on the right side of her bed and picked up her phone.
"What's new today?" She said while scrolling through her feed. Kahit papaano ay wala na s'yang natatanggap na mga threats from the fandom kaya naman magaan ang pakiramdam nitong buksan muli ang kanyang account. She then realized something.
"Hala! It's Jazzy's birthday today!" Taon-taon nitong binabati ang kaibigan at binibigyan ng isang surprise birthday party. She immediately got up and went to her friend's room. Ngunit nagtaka siya dahil wala ito sa kanyang kwarto. "Huh? Asan yun? Bukas pa naman alis nya a..."
She tried calling her but didn't get an answer. Pagkatapos maligo ay mabilis na nagbihis ito para pumunta sa bakeshop. She wanted to buy a strawberry cake for her friend since it's her favorite. Masaya siyang naglakad palabas sa kanilang tinutuluyan nang pansinin siya ng isang binata.
"Smiling really suits you."
Napa-angat nang tingin si Regina at liningon ang tinig na kanyang narinig. There, he saw a man standing close to her. Nanlaki ang mga mata nito at masayang nilapitan ang lalakeng naka puting polo sleeves, na naka rolyo sa braso nito at naka suot ng gray slacks.
"Zac!" she shouted excitedly. Ngunit imbis na yakap ang gawin nito ay isang malakas na hampas sa balikat ang ibinigay ng dalaga.
"Ouch! What was that for?" It shocked him.
"Kulang pa 'yan sa ginawa mo kay Jazy! Akala mo hindi ko malalaman!" Muling hinampas nito ang balikat ng kaharap.
"Hey! You didn't know what happened." Pagtatanggol nito sa sarili. Ang kamay nito'y nakahawak sa kanang balikat habang hinahaplos ito. Napaka-bigat kasi ng kamay ng kababata.
She gave him a strange look. Lalong nanlaki ang mga mata ni Regina kaya naman bago pa makatanggap ng isa pang hampas si Zac ay nagkwento na ito.
Hindi nila alam na sa hindi kalayuan ay may pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila. Jace rolled his eyes and pouted like a six-year-old kid. Napagpasyahan nitong bumalik na lang sa kanilang villa. Pagbukas nito ng pintuan ay dumiretso siya sa kanyang kwarto.
"Why would I get jealous?" Sabi nito sa sarili. Nakasimangot itong humiga sa kama at muling napa-isip. Bigla nitong naalala ang gabing naghalikan sila sa ilalim ng buwan. "Didn't she kiss me?"
Nakakatawa man pero para itong batang inagawan ng laruan kung umasta. Agad itong bumangon at napagpasyahang muling puntahan ang dalaga.
Sa isang banda naman ay gulat padin si Regina dahil sa mga nalaman nito.
"Why didn't you explain to her?"
"I tried. But she didn't listen. She was mad at wala syang ibang pinaniniwalaan."
"So that explains why. Kaya pala ramdam kong parang nanibago si Jazy saakin simula nung nag break kayo," she sighed. Nalulungkot siya para sa kaibigan. She then shifted her gaze back to him. "So ano pala talaga ang ipinunta mo dito? Don't tell me nagkita lang tayo ng hindi sinasadya? From Italy to Korea real quick. Nope, I believe there's a reason."
Nagpakawala ang binata ng isang malalim na hininga tsaka muling tinignan ang kababata. "I want to see her. I want to talk to her. I need your help. I wanted to clear things between us."
Para sa dalaga ay alam niyang mahihirapan ang binata sa gustong mangyari nito. Siya nga mismo ay hindi nya mabanggit-banggit ang pangalan ng kababata, ngayon pa kayang mag-uusap sila?
"Zac, I don't think this is the right time. Tsaka, babalik na si Jazzy sa pinas bukas. Baka mamaya hindi pa siya maka-concentrate sa trabaho."
"That's why I wanted to see her." the man breathed a sigh of dismay. Batid n'yang hindi magiging madali ang gagawin n'ya, but he needs to do it. Kalaunan ay wala na din nagawa ang dalaga sa paki-usap nito kaya naman pumayag s'ya.
After buying some food and birthday cake, ay diretsong umuwi ang dalawa. They wanted to surprise Jazy kaya naisipan nilang mag decorate sa loob. Malapit lang naman ang mga bilihan kaya hindi sila nahirapan maglakad na lang pabalik.
"Who's that?" Tanong ni Zac sa dalaga. Isang lalaki ang nakakunot ang noo ang nakatingin sa kanila sa hindi kalayuan. Paglapit ng dalaga ay agad na umaliwalas ang tingin ng isang binata, at saka sila binati kasabay nang matamis na ngiti.
"Hi!" Jace said in a bubbly way. Sa kaloob-looban nito ay asar talaga siya lalo't ang binatang kasama ng dalaga ay hindi rin naman maikakaila na gwapo ito. He looked at him up and down then slowly walked in front of him para sana makipag-angasan, but then he realized the man was taller.
"How tall are you?" Kunot noo nitong tanong. "'He looks like a playboy.' Zac was about to answer pero biglang nagsalita ang dalaga.
"Jace! What brings you here?"
"I... I wanted to check on you. Cause I thought you're not doing okay because of what happened these past few days. But it seems like you're having fun. "Pagdi-diin n'ya."
'Anong problema ng lalaking to?' Natatawa siya sa itsura ng binata. Para kasi siyang bata na hindi isinama ng nanay sa pamamasyal. "Ah, I'm actually doing okay. If that is your concern," she answered and smiled back at him.
She saw him roll his eyes as he brushed his ash blonde hair with his fingertips. Nakipag-titigan ang binata sa kanya na para bang may sinasabi sa kanyang isipan. Syempre ay hindi siya magpapatalo sa titigan. Naningkit ang mga mata nito at pinag-aralan ang kilos ng kaharap na binata.
'You kissed me. And now you're talking to someone else. How dare you?' Bulong ni Jace sa kanyang isipan.
Kung gaano naningkit ang mata ng dalaga ay siyang inalaki naman nang mata ng binata. He even crossed his arms and sat on the bench. Nagmukha tuloy na parang si Regina pa ang may nagawang kasalanan. Si Zac naman ay hindi alam ang gagawin dahil and dalawang taong nasa harap niya ay parang nagtatalo sa kanilang mga isipan.
"Um, sorry to cut you off but, can we go inside?" They rode in a moment of silence, pero agad din namang gumalaw ang dalaga at pumasok sa loob. Nagkatinginan ang dalawang lalake at maya-maya pa ay sumunod na din ang mga ito.
"So what's the plan?" Zac asked. Tumingin ito sa kanyang kababata ngunit wala itong nakuhang sagot. He looked at Jace but still didn't get an answer. Now he thinks he knew what was going on.
"Okay. I'll go out for a while and you guys talk." Dali itong naglakad paalis at tumambay sa labas ng pintuan. Natatawa itong sumilip sa loob kung saan ang binata ay linapitan ang kanyang kaibigan. Kahit ang isang Zac Castiglione na kilala bilang isang Forex Trader ay chismoso din minsan.
"Aren't you going to confess something?" Sabi ni Jace habang papalapit nitong kinorner ang dalaga.
"Confess what?" she answered with a hint of sarcasm.
Jace's eyes narrowed, then lowered his head and took a step closer. "That you like me," sabi nito at ngumiti na para bang nang-aasar.
"Hoy! Anong like. Can you not ask that question?" She felt awkward, so she slowly pushed him away. Naglakad ang dalaga sa kusina para uminom ng tubig pero agad itong sinundan ng binata.
"Hey, you kissed me!" Pasigaw nitong sabi sakanya. Napahinto sa paglakad ang dalaga at nanlaki ang mga mata nito sa narinig.
"What?!" she said in a loud voice. "I kissed you?!"
"I said you kissed me that night! Don't you remember? You were crying, so You. Kissed. Me." Paulit-ulit na sabi nito sa dalaga. Jace even tried to show how their lips met that night. Kumuha ito ng babasaging baso at akmang hahalikan ito.
"Hoy! What are you doing? And did you just say that I initiated that kiss?" Maang na tanong ng dalaga. Hindi n'ya maalalang hinalikan nya ang binata dahil napaka klaro sa kanyang isipan na siya mismo ang humalik sa kanya. Ibinaba ni Jace ang baso at natatawa itong nagsalita.
"Well, I must admit. I'm addicted to the feeling of your lips on mine." He said seductively at may panunukso na ngumiti ito sa dalaga.
Her face suddenly turned red, not because of what happened, but because of what he said. Maya-maya ay isang malakas na hampas sa balikat ang ibinigay ng dalaga kay Jace. 'Aba't ang loko, maya gana pang makipag-landian. '
"Aray!" Biglang sigaw ng binata. Hinaplos nito ang kanyang kanang balikat. Hindi kasi nito akalain na mabigat pala ang kamay ng dalaga.
"So nagtatagalog ka pala? Ha?" Muli niya sanang hahampasin nito pero mabilis na nakasagot ang lalaki.
"Yeah! Marunong ako! And don't you hampas me!" He said and took a step backwards. Pagkarinig nito ay hindi napigilan ng dalaga na matawa ng bahagya. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng koryanong nag tag-lish.
"I started learning the Filipino language since 2017. Hanggang ngayon."
"So bakit hindi ka nakikipag-usap sakin ng tagalog? Isang basket lang ng english dala ko."
"Cause you didn't ask me at all? Isa pa, you always talk to me in english, so I might as well answer back in English. Right?" Bago pa mapunta kung saan ang pag-uusap nila ay nagpasya ang binata na magtimpla nalang ng kape. He grabbed a cup of coffee and before he went straight to the living room, nag-iwan ito ng isang mensahe.
"You don't flirt with anyone, Ms. Alterro, you're mine." He said in a flirty tone. Hindi pa siya nakuntento at nilapitan niya ang dalaga at akmang hahalikan sa labi pero tinitigan niya lang ito at bumulong bago tuluyang umalis. "You kissed me, panindigan mo ako."
Naiwang napanganga ang dalaga dahil rito. All this time, naiintindihan pala ng binata ang tagalog pero umaakto itong parang di nya alam. Nagpakawala ang dalaga ng isang malalim na hininga lalo na't naisip nya ang huling sinabi ng binata. Pinilit niyang kumalma, although her heart keeps on beating fast.
She erased that thought in her mind and just shrugged it off. She needs to prepare for her friend's party pero nagtataka ito kung bakit sa mga oras na 'yon ay wala padin ito. Pagsapit ng alas-dos ay natapos na nila ang paghahanda ng surpresa. Zac prepared the balloons and designed the living room. Ang bongga kase alam nya kung ano ang taste ng kaibigan.
Habang sina Regina at Jace naman ay inihanda ang pagkain, bukod sa mga inorder nila ay nagluto din ang mga ito ng spaghetti. Paborito kasi ni Jazzy ito kaya hindi pwedeng mawala sa hapag-kainan. Dumating din ang iba pang grupo ni Jace para tumulong sa pag-handa, dahil mas marami ay mas masaya! Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din ang kanina pa nilang inaantay. Pagbukas ng pinto ay nag senyasan ang mga ito na sabay-sabay nilang batiin ang dalaga.
"Happy Birthday!" Masayang sabi ng mga ito. May pa-confetti, may balloons at may pa torotot pa sila. They even sang a song for her. Isang masayang mukha ng dalaga ang inaasahan nilang makita, but they thought wrong. Unti-unting napasimangot si Jazy habang ang mga mata nito ay nakatitig sa direksyon ng lalaking hindi nya inaasahang makita.
"Why are you here?" was the question she asked.