Chereads / Lost Souls Series: Close / Chapter 18 - Chapter 16: When realization kicks in V.2

Chapter 18 - Chapter 16: When realization kicks in V.2

"Kaya naman natin kahit magkalayo tayo diba?" Alam niya sa sarili niyang kaya niya kahit malayo sila sa isa't isa. Marami namang paraan para magkita sila. But that question echoed in Jace's head a dozen times.

Kaya ba talaga nila? Kaya ba talaga niya? Long-distance relationship isn't as easy as he thought it would be. Gusto niyang laging nakikita at nakakasama ang mahal niya, gusto niya ay lagi niyang nahahawakan o nakakamusta.

Fear, he fears that her love ones might end up looking for someone better than him.

Doubt, sandali, why would she settle for someone na malalayo sakanya when she can find someone na araw-araw niyang pwedeng makasama? This made his thoughts mixed up.

No. He doesn't know the answer to the question. He wasn't prepared enough. He heard her say his name but he couldn't utter a word, he wanted to say something, but he slowly turned himself away from her and walked out in silence.

Nagpatuloy ito sa paglalakad at pinipigilan ang sarili na lingunin ang dalaga. He could have just answered, 'Yes', kaya nila, kakayanin nila. But he chose to stay silent.

Why? Dahil ayaw niyang magsalita ng bagay na hindi niya kayang tuparin. He's scared, he is scared that he might hurt her.

He stopped for a second and looked at her, hindi na niya na pigilan ang sarili at liningon niya ang dalagang pinipilit maglakad palayo.

He wanted to hold her, he wanted to hug her tight, but a part of him says he should leave. Lalong nanghina ang binata ng makitang napa-upo ang dalaga, he stopped beside a car when a tear slid down his cheek. He wiped a tear from his face as he gazed through her and walked away from the scene with mixed thoughts and emotions.

After a minute, a loud noise and a siren was heard when a white car speeding down the road hit a young man who was crossing over a busy street.

"Gaano ka niya ka-mahal?" Paulit-ulit na tumatak sa isipan ng dalaga. Nasusukat ba ang pagmamahal? Paano ba? Sa haba ng pasensya? Sa pag-intindi o pag-unawa? Sa tiyaga o diskarte? Hanggang saan ba nasusukat ang pagmamahal ng isang tao?

She rolled on the right side of her bed while thinking of this question. Kahit gaano niya pigain ang utak niya ay wala siyang alam na sagot.

"Isang araw nalang and I need to go." Bulong nito sa sarili. Hindi padin kasi siya tinatawagan o text manlang ng binata. Maski ang mga kagrupo nito'y hindi siya sinasagot.

Wala itong nagawa kundi mag-impake ng gamit. Dahan-dahan niyang tinutupi ang kanyang mga damit at nilagay sa maleta.

It was two thirty in the afternoon when she received a call from someone, akala niya ay galing na ito kay Jace but she was dismayed when she heard a girls voice.

"Jazzy..." Malungkot na sabi ng kaibigan. Sinubsob nito ang mukha sa unan na parang batang naaasar.

"Oo, ako lang to. Hindi ang taong inaasahan mo." Pang-aasar niya. "How are you? Nakausap mo na ba siya?"

"No, ni wala nga siyang tawag, kahit magtext manlang sana kaso wala. Flight ko na pauwi bukas pero hindi padin kami nagkakaayos." Naiiyak nitong sagot. Nakaramdam naman ng awa ang isang dalaga. Kung andon lang sana siya ay madadamayan niya agad ito.

"E anong plano mo ngayon?" Her friend asked. Plan? She doesn't have any plans. But an idea came into her mind, naalala niya ang isang lugar na asa kanyang listahan. She really wanted to go to that beach, kaya naman agad itong nagpaalam sa kaibigan para makapag-iwan ng mensahe sa binata.

"I have something important to tell you, let's meet at Daechon beach, 9:30 tomorrow morning. " Pagkacompose ng text ay agad niyang sinend ito.

Naisip nitong daanan muna ang Daechon beach bago ang flight nito sa hapon, total ay halos isang oras lang naman ang layo ng Incheon airport sa beach kaya naisipan niyang umaga sila magkita.

Nakapag-ayos na ng gamit ang dalaga at excited na ito sa pagkikita nila kinabukasan, maaga siyang natapos sa pag-aayos kaya lumabas muna ito upang mamili ng mga pasalubong.

It was around four in the afternoon when she arrived back at the villa. Marami itong dala at pakiramdam niya ay sosobra pa ata sa bigat ang maleta niya kaya muli niyang inayos ito.

"Hindi ka ba talaga magpaparamdam?" Sabi nito habang nakatingin sa kanyang cellphone. Hours has past since she sent the message pero wala padin siyang nakuhang sagot.

Natapos ang araw para sa dalaga na malungkot. Kahit madilim ay iginala ng dalaga ang kanyang mga mata sa paligid. She couldn't sleep well that night, paikot-ikot ito sa kama habang hinahanap ang pwesto sa pagtulog.

"Hey, wake up you sleepyhead." Sabi sa kanya ng isang babaeng pamilyar ang boses. He slowly opened her eyes and saw a lady wearing a satin wedding dress that went well with her earrings and white lace. Her face was blurry but he knew she had a beautiful face.

Masaya ang babaeng paikot-ikot sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan ng suot nitong damit pang-kasal.

"You're getting late." Sambit ng babae sa kanya. Kita niyang binulungan siya nito ng salitang 'Mahal kita' ngunit bigla itong naglaho at isang sanggol ang biglang asa kanyang tabi.

The baby was crying hard that he didn't know what to do. He held her in his arms at isang patak ng luha ang tumulo galing sa kanyang mga mata. It was a tear of happiness, sa paghele niya sa bata ay nakaramdam siya ng kakaibang saya.

He slowly put the baby in bed at sa paglingat nito'y naglaho ang bata. He found himself lying down once again, pagbukas ng kanyang mga mata ay isang batang babae ang nakatingin sakanya.

Pamilyar ang mga mata nito na para bang matagal na niya itong nakita, she has long straight black hair, hazel brown eyes, long curly lashes, cute little nose and pink lips. She was smiling at him like she already knew him.

"Da-ddy! Da-ddy!" She said in a small voice. Pinipilit hilain ng bata ang kanyang mga kamay. Natatawa na pinagmamasdan nito ang batang asa edad dalawang taong gulang na tumatalon-talon sa kama. He was about to reach her, but in a blink of an eye, she suddenly disappeared.

Gulat nitong nilingon ang paligid habang hinahanap ang batang babaeng nagtawag sa kanya ng 'daddy', bigla itong nakaramdam ng takot na para bang kadugtong ng buhay niya ang nawala sakanya.

"Hey, Jace. Thank God you're awake." Unti-unting ibinukas ng binata ang mga mata nito. His vision is blurry at first pero maya-maya naman ay bumalik na din ito sa dati. Tinignan ng binata ang mga kasamahan nito na tila nagtataka sa nangyari.

"You got into an accident. Mejo malakas ang pagkabagok mo pero buti nagising ka na. Sobra kaming nag-alala sayo, si Regina kahapon pa kami kinululit pero hindi namin sinabi ang sitwasyon mo." Sabi ng pinakabata sa kanila gamit ang kanilang pangunahing lenggwahe.

Magsasalita sana ito ng biglang dumating ang doktor at inobserbahan ang binata. Inilawan ang kanyang mata at tiningnan ang kanyang sugat.

"All is good. He just needs more time to rest." Sabi ng matandang doktor tsaka nagpaalam.

"Where is she?" Mahinahong tanong ng binata. Ang tinutukoy nito ay ang dalaga. Sa panaginip niya'y alam niyang si Regina ito, she wanted to see her. Kung noong isang araw ay takot ang nararamdaman nito, ngayon ay ayaw niyang mawala ang babae.

"We went to see her this morning, but she isn't there. Naka-lock na din ang pinto, sabi ni Mr. Choi aalis na daw siya." Sabi ng isang kaibigan nito. Maaga kasi nilang pinuntahan si Regina sa villa, pero tanging ang caretaker ang naabutan nila sa labas. They were told that she already packed her things dahil flight nito pabalik ng pilipinas.

Napakunot ang noo ng binata sa narinig. Sa isip nito'y hindi manlang siya naisipang puntahan ng dalaga. He looked for his phone pero hindi niya mahanap ito.

"Have you guys seen my phone?" Tanong nito. Gusto niyang tawagan ang babae para mapuntahan niya ito.

"Yeah, here it is." Iniabot ng leader ang phone nito sa binata. Sinabi nila na nasira ito noong gabing naaksidente siya kaya agad nilang pina-ayos. Kaso nga lang ay na reset ang phone nito kaya maski isang numero ay walang naiwan.

He took a deep breath and runs his fingers through his hair. Hindi niya kasi alam kung paano makakausap ang dalaga, maski ang social media accounts nito ay hindi niya malog-in dahil hindi niya maalala ang passwords nito. Agad niyang hiniram ang cellphone ng isang kaibigan nito at sinubukang tawagan ang dalaga, buti nalang at hindi binura ng kasama niya ang huling numerong ginamit ng babae.

"She can't be reached." Sinubukan nitong tawagan muli ang babae but he got same results. Hindi na ito nag-aksaya ng panahon at agad siyang bumangon sa kama. His friends were shocked dahil may mga sugat pa ito pero pinilit niyang bumangon.

"Hey, you still got fresh wounds. You need to rest." Saway sakanya, but he didn't hear a word at tinanggal nito ang swerong nakakakabit sa kanyang kamay. He put on his black cap and immediately walked out of the room. Wala namang nagawa ang ibang mga binata at pinagmasdan nalang ang kaibigan na aligaga sa pag-alis.

"Do people really get dumb when they're inlove?" Sambit ng isang binatang mala webtoon character ang mukha. Nagkatinginan nalang ang mga ito at sabay sabay na napangiti.

It was exactly 9:30 in the morning and Regina was there standing, waiting for someone to appear by her side. Maaga itong umalis ng villa dahil ayaw niyang nagmamadali, kaya nagpaalam ito ng maayos sa caretaker at ibinalik and susi.

She took a deep breath and looked at the waves. Kasabay nito'y palinga linga ito sa paligid, sa kanyang isipan ay pinagdarasal nitong makita niya ang isang taong noong isang araw pa niya gustong mayakap.

She glanced at her watch to check the time, kahit ilang minuto palang ang nakalipas ay paulit-ulit itong tumitingin sa relo. Pakiramdam niya kasi ay kanina pa siya nag-aantay kahit halos kakarating lang naman niya.

Isang oras na ang lumipas pero walang Jace ang nagpakita sakanya, nakaramdam ito ng pananakit sa paa pero binalewala niya ito. She decided to stay a few more minutes and walked along the shore, hindi naman masyadong marami ang tao noong araw na yun kaya makikita niya agad ang binata kung sakali.

She took a few steps to the right when she suddenly saw a familiar figure standing. Nakatalikod man ang binata ay hinding hindi siya pwedeng magkamali, nakasuot ito ng puting shirt, black cap, black shorts at puting sneakers.

"Jace?" She whispered as her face slowly brightened up. Alam niyang darating ang binata, alam niyang hindi siya nito hahayaang umalis ng hindi sila nakakapag-usap. With excitement, she hurriedly ran towards him.