"Jace?" She whispered as her face slowly brightened up. Alam n'yang darating ang binata, alam n'yang hindi s'ya nito hahayaang umalis ng hindi sila nakakapag-usap. With excitement, she hurriedly ran towards him.
Nakangiti ito habang sinisigaw ang pangalan ng binata. Wala siyang pakialam kahit magulo na ang buhok nito dahil sa hangin na sumasalubong sakanya.
Paglapit ay agad niyang yinakap patalikod ang binata. She was the happiest girl at that moment, ang dami nitong gustong sabihin pero biglang hindi siya makapagsalita. Naramdaman niyang humarap sakanya ang binata ngunit wala itong narinig na salita kaya hindi ito bumitaw sa pagkakayakap.
"I'm sorry, I'm sorry if I wasn't able to tell you earlier. I promise, we will work it out. Let's make thibgs work out together," sabi nito. Alam n'yang hindi magiging madali ang lahat pero kakayanin nila.
"Excuse me miss?" Naudlot ang pagdradrama sa isipan ng dalaga ng marinig ang boses ng kanyang kaharap. Never in her life has she heard this husky voice of him. Lumuwag ang pagkaka-yakap ng dalaga at mabilis na iniangat ang tingin sa lalaki.
She was shocked to see a different face, may kaputihan ito na may kalakihan ang mata, matangos ang ilong at may pulang labi, his hair was colored ash brown that complimented his medium pale skin. Napanganga ang babae, ilang segundo niya din ito tinitigan bago muling nakapagsalita.
"W-Who are you?" she asked in a stuttering voice. Napaka tanga ng kanyang tanong, siya itong biglang nangyakap ng tao pero siya pa ang may ganang tanungin ito ng ganoon. Ni hindi maka-kurap ng maayos si Regina dahil sa nangyari.
She saw him crease his forehead as he ran his fingers through his hair. Bigla nitong naalala ang nobyo dahil may ugali rin itong mahilig manghawi ng buhok. Hindi pa nakakapagsalita ang kaharap ay agad siyang humingi ng paumanhin.
"I'm sorry. I mistook you for someone else." She said and bowed. Hiyang hiya ito sa sarili. How could she not know it, hindi ito makapaniwalang napagkamalan niya ang ibang tao.
Nakita naman nitong ngumiti ang binata, his bunny teeth showed off that made her smile for a moment. He looked at her in curiosity dahil kanina pa lingon ng linigon ang dalaga na tila may hinahanap.
"Are you okay? You must have been looking for someone else." Sambit nito. Ngumiti nalang ang dalaga dahil wala itong maisagot sa binata. Totoo naman kasi na kanina pa siya may inaantay, pero mukhang wala itong mapapala.
"Jace, where are you?" Tanong nito sa kanyang isipan. Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga tsaka muling tumingin sa binata.
"I'm really sorry for what happened, I have to go." Tipid na sabi ng dalaga at nagpaalam rito. Agad itong tumalikod at naglakad palayo sa binata. Malungkot itong nakatingin sa tinatapakang buhangin habang unti-unting humahakbang.
Muli siyang napatingin sa orasan at liningon uli ang paligid. Mag-aalas dose na pala pero wala padin ang taong inaasahan niya. Inilabas nito ang cellphone para sana tignan kung may mensahe ba itong natanggap pero naalala niyang tinanggal na niya nga pala ang sim card, ni hindi niya maalala kung saan ba nito ito ipinatong.
"Ano ba yan Regina, bakit naman dinala mo dito sa Seoul ang pagka-ulyanin mo." Asar na sabi nito sa sarili. She wanted to stay a bit longer but she has to go, alas tres ang flight nito at kailangan niya pang bumyahe ng isang oras papunta sa airport.
She slowly walked away from the beach and went straight to the station, kelangan pa kasi nitong sumakay ng tren papunta sa Incheon Airport.
It is half past one in the afternoon and Jace was walking back and forth at the airport. Tagaktak ang pawis nito dahil kanina pa niya iniikot ang lugar but she couldn't see her. Tinanong nito kung meron bang flight papuntang pilipinas at nasabi naman sakanyang alas-tres pa ang alis ng eroplano at yun lang ang nag-iisa nilang flight papuntang Pilipinas.
"It's already 1:30, where are you Regina? You should be here before your flight." Hindi mapakali ang binata habang nakaupo na nagaantay sa dalaga. He misses her so much, sa isip nito'y handa na siya kahit pa maging magkalayo ang mga ito.
He thought that loving someone you wouldn't get to see everyday isn't a bad thing, it's just a proof that love is not in the sight but in the heart.
Malapit ng mag-alas dos ngunit ni anino ng dalaga ay hindi pa niya nakikita. Natigil naman ang pag-iisip nito ng bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kanyang kagrupo.
"Hyung! I received an update, she's at the airport. Go and look for her!" Hingal na sabi sakanya ng lalaki sa kabilang linya.
"I'm here at the airport. I have been waiting for her since 10 o'clock." Giit nito habang linilingon ang paligid. Hindi niya kasi talaga makita ang dalaga, kanina pa siya labas pasok sa airport pero hindi niya ito mahanap.
"That's impossible, my friend just sent me a photo of her. She's just waiting for her flight to take off. Are you sure you guys are in the same location? She's at Incheon Airport." Muling sabi ng kaibigan.
Pagkarinig nito ay napamura si Jace. He's been waiting at the wrong location for hours dahil sa Gimpo International Airport ito nag-aabang. Agad nitong ibinaba ang tawag at nagmadaling lumabas ang binata at sumakay ng kotse, kahit masakit ang katawan ay pinilit nitong magdrive papunta sa Incheon.
Kuwarenta minutos ang layo ng Incheon galing sa kanyang pinanggalingan. If he would drive faster then paniguradong maaabutan niya ang dalaga.
"Shit naman Jace, bakit hindi mo naisip na dalawa ang malapit na airport dito." Pagmumura nito sa sarili. Gustuhin man niyang lumipad ay hindi niya magawa. Sumabay pa ang traffic dahil may dalawang truck ang nagbanggaan sa kahabaan ng highway at inabot din ng kinse minutos bago naayos ito.
Kung nakakayaman lang ang pagmumura ay marami-rami na sigurong naipon ang binata. He's been cursing himself since the hour he left the hospital hanggang ngayong asa sasakyan siya at nag-aantay ng pagusad ng trapiko.
"Don't go." Bulong nito sa sarili. Lalong tumulo ang pawis ng binata dahil sa isiping ito. Paano kapag hindi niya maabutan ang dalaga? How would she communicate with her? Ni hindi niya alam bahay ng dalaga sa Pilipinas, he doesn't even know her relatives. Ano bang klaseng nobyo ito?
Bumusina ito ng malakas dahil sa asar. At lalo itong nanggalaiti sa sarili ng pagdating sa airport ay wala siyang naabutan.
Just like the movies, he tried to shout for her name, umaasa itong lilingunin siya sa oras na marinig nito ang kanyang pangalan, but all he could see were unfamiliar faces. The plane has just took off at minuto lang ang hindi niya inabot.
Kahit masama ang pakiramdam nito ay pinipilit niya padin maglakad, his fresh wounds opened at unti-unting may pagpatak ng dugo itong naramdaman sa kanang bahagi ng kanyang ulo. May mga nakapansin sa binata kaya agad siyang nilapitan ng mga ito, he started to have a blurry vision and right there, he fainted.
"It's you again." Bati sakanya ng isang lalaki. She was sitting right next to the window when a familiar voice spoke. She lift her head up and saw a man in a white shirt and a black cap, it was the same person she met at the beach.
"Hi!" Gulat nitong bati sa binata. Hindi niya alam na magkatabi pala sila sa economy class. "Where are you headed at the Philippines?" She asked politely.
"Makati." He answered. Nahihiya ang binata kaya tipid lang ang kanyang mga sagot. Nakangiti itong napakamot sa kanyang ulo habang nakatingin sa dalaga. Buti nalang at palakaibigan ang babae kaya nauna itong nagpakilala sa binata.
Nagpakilala din naman ang binata at dito'y napagalaman niyang half korean at half filipino pala ang lalaki. He's just going back to the Philippines for a vacation.
Sa panandaliang oras ay nawaglit sa isipan ng dalaga ang nobyo. Nakagaanan na niya din ng loob ang katabing binata dahil pala-kwento din ito.
"Really? I live at Itaewon. If we had met earlier then we should've visited exciting places around Seoul." Nakangiting sabi sakanya ng binata.
"Too bad we just met hours ago." Natatawang sagot naman ng babae. Sayang nga at hindi siya masyadong nakapaglibot sa Seoul, andami niyang lugar na asa listahan pero iilan lang ang napuntahan niya.
Nagkibit balikat nalang ito at tumingin sa labas ng bintana. Tansa niya ay may trenta minutos na din silang asa ere. Nakatingin ito sa ibaba at muling naisip ang nobyo.
"Ano kayang ginagawa niya ngayon?" Sabi nito sa kanyang isipan.
"Doc, how is he?" Nag-aalalang tanong ng manager ni Jace. Agad kasi itong nakatanggap ng tawag nang isugod sa ospital ang binata. Napag-alaman niyang nawalan ito ng malay sa airport, mabuti nalang at may mga nakakita sa binata at mabilis na rumesponde and medical team.
"He is fine, he just needs to rest. Nagulat nga ako at bigla siyang nawala sa kwarto niya, the staffs told me that he immediately left the hospital hours ago." Pagkatapos magsalita ay nagpaalam ang doktor sa mga ito at lumabas ng kwarto.
The manager looked so stressed while looking at the young man, agad din naman nitong liningon ang mga kasamahan ng binata bago magsalita.
"Why was he at the airport?" He asked them seriously. Kita niyang nagpalitan ng mga tingin ang mga ito at tila ba may tinatago. Ang iba naman ay nagkunwaring walang narinig.
Hindi nalang nagsalita muli ito at nakipagtitigan sa mga binatang kasama niya sa kwarto. Lumipas ang isang oras ay gumalaw ang binata at ibinukas ang kanyang mga mata.
Ang mga kagrupo nito ay magkakahiwalay at nakahanap ng sariling pwesto sa loob ng silid. May nakahiga na tila sila ang pasyente, may nakaupo at meron ding nagbabangayan. Ang manager naman ng grupo ay lumapit sa kakagising na binata at pinagmasdan ito.
"W-Who are you?" Said Jace in a low voice. He felt pain at the right side of his head pero pinilit nitong umupo at muling tinignan ang lalaking kanina pa nakatingin sakanya. Inilibot niya ang tingin sa mga kasamang binata at ibinalik ang tingin sa lalaking asa kanyang harap.
Narinig niyang nagbulungan ang mga kasamahan na tila nagtataka sa tanong niya. "Did he just ask who our manager is?" Rinig niyang bulong ng isang lalaki.
"Who are you?" Muli niyang tanong. Lalo namang inilapit ng lalaki ang sarili sa binata at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang balikat nito.
"I'm your child, you were in a coma for 20 years and you just woke up." Sagot ng manager gamit ang kanilang lenggwahe.
Ang seryosong mukha ng mga binata ay biglang sumaya dahil sa sagot nito. Maski ang pagdradrama ni Jace ay nawala dahil sa narinig niya. Binigyan niya ang isang mahigpit na yakap ang manager at maya maya ay nakisali na din ang iba.
"Akala namin hindi ka na magigising," sabi sakanya ng pinakabata sa grupo.