Chereads / Lost Souls Series: Close / Chapter 14 - Chapter 12: Confrontation

Chapter 14 - Chapter 12: Confrontation

JAZY woke up early in the morning because of a phone call. Akala n'ya ay may babati lang sa kanya, but she was wrong.

"Jasmine, you need to report. Asap."

"Po? What's the problem Mrs. Silca? Bukas pa po flight ko pabalik ng pilipinas."

"No. Book a flight on this day. We have an urgent meeting tomorrow afternoon and you need to be there."

"I don't understand."

"You made a big problem, Ms. Perez, and you know what I'm talking about. How could you do that to Ms. Alterro?"

Pagka-rinig nito ay para bang nanlamig ang kanyang katawan. Bigla itong nakaramdam ng panghihina. Pagkatapos ng maikli nilang pag-uusap ay nagmadali s'yang lumabas sa tinutuluyan. Gusto n'yang mapag-isa, gusto n'yang makapag-isip.

She sat on the ground at nakatingin lang ito sa malayo na 'tila ba napaka lalim ng iniisip. Nakita niya ang dalawang dalaga na nakaupo at masayang nagkukwentuhan sa damuhan. For a moment, she smiled. But this made her cry, too. Ganun na ganun kasi sila ni Regina, naalala niya lahat kung paano naging mabuting kaibigan ito.

Nagpupunas s'ya ng luha nang lapitan siya ng isang lalaki. Ini-angat ng dalaga ang kanyang mukha at gulat na nagsalita. "Jace? What are you doing here?"

"I know what happened," he said and sat beside the girl. Hindi na nagulat si Jazy sa sinabi nito. Alam n'yang malalaman at malalaman din ang ginawa niya pero hindi niya lang inaasahan na mapapaaga. She admits she was happy at first, but then she felt guilty.

"I was badly hurt. That hurt led me to do these things to my friend. God, I can't imagine what I've done." She covered her face with her hands and cried.

Walang ginawa ang binata kundi panoorin na lang ito dahil hindi siya magaling mag-comfort ng tao. Pinagmasdan niya lang ang dalaga at nakikinig sa sinasabi nito.

"Well, we do things we don't want to because we think it's the right choice. But I'm sure she'll understand you. After all, she's a good friend, right?"

Tumango naman ang dalaga sa narinig at pilit na ngumiti. Jace then thought about Regina. She wanted to see her. Ilang gabi din n'yang nasa isip ito at hindi mapakali kapag hindi niya ito nakikita.

"I have to go. Be back, I'm sure she'll be looking for you. By the way, Happy Birthday." Kinawayan ito ng binata at naglakad palayo sa lugar.

Naiwan namang mag-isa si Jazy at nakatanaw ito sa binatang naglalakad. "He's right. She might look for me. 'Panigurado may surpresa na naman siya,' she said in her mind and smiled. Nagpasya itong magpalipas muna ng ilang mga oras pa dahil hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap n'ya sa kaibigan. Inilabas nito ang kanyang cellphone at halos si Regina ang laman ng inbox nito. She opened the latest message she received from her.

'Friend, asan ka? I wanted to wish and greet you with a Blessed birthday! Thank you so much for being a good friend! I love you always! See ya later!'Napangiti muli ito habang binabasa nang paulit-ulit ang mensahe ng kaibigan. Taon-taon ay hindi sumasablay ito sa pagbati mapa personal o sa text man. Pagkalipas ng ilang oras ay naisip niyang umuwi na para makausap ang kaibigan, aaminin nito ang kanyang ginawa at hihingi ng tawad. Alam niyang masasaktan niya ito pag nalaman niya ginawa nito pero kung ano man ang kahahantungan ay handa siya sa kung ano ang mangyayari.

Dumaan muna ito sa isang bakeshop para bumili ng chocolate cake para kay Regina, alam niya kasing paborito niya 'yun. Pagkadating sa pintuan ng kanilang villa ay nagtataka itong napatingin sa mga pares ng sapatos na naka linya.

"May mga tao?" Inikot nito ang doorknob at napangiti ng bahagya sa nakitang disenyo ng sala. Ngunit nagulat ito dahil hindi lang si Regina ang nasa kanyang harapan, may kasama itong walong lalaki at hindi siya pwedeng magkamali, ang isa sakanila ay ang taong hindi niya gustong makita. Her smile immediately faded.

"Why are you here?" Nagpabaling-baling ang tingin nito kay Zac at Regina. Ang kaninang konsensyang dinadala niya ay biglang naging poot at hinanakit. She's impatiently waiting for an answer. Lumapit naman ang kaibigan para yakapin sana ito ngunit isang malakas na tulak ang kanyang natanggap.

"Get away from me!" she said. Sa lakas ng pagkakatulak nito ay napaupo ang kaibigan sa sahig. Agad namang siyang nilapitan ng mga binata habang si Jace naman ay inalalayan ito patayo.

"Are you okay?" they asked her. Gulat man si Regina ay tumango lang ito at ibinaling ang tingin sa kaibigan at muling lumapit.

"Jazy? What's wrong?" Hinawakan nito ang kanyang kamay ngunit iniwasan siya ng dalaga. She followed her and was about to tap her shoulders when her friend shouted.

"I said get the hell away from me! Hindi mo ba ako naiintindihan?" Akmang itutulak niya sana muli ito nang biglang humarang ang kababata ng kanyang kaibigan.

"Stop it! You're making a scene." Zac pulled Regina away from her.

"Wow! Ang tagapagtanggol! Andito na ang kababata mong gago! Defending you!" Iyak tawa nitong itinaas ang dalawang kamay at pumalakpak. Pinipigilan nito ang sarili na umiyak.

"Jazy, she just prepared a birthday party for you. Please, calm down." Singit ni Jace. Akala niya ay makakapag-usap ang dalawang babae ng maayos ngunit kabaliktaran pala ang mangyayari.

"Calm down?" she chuckled in dismay. "How would I calm down? Paanong putang-ina akong makakakalma kung inahas ako ng sarili kong kaibigan. Tell me! "She looked at her friend with tears in her eyes. She's in pain, ang namumuong luha sa kanyang mata ay unti-unti pumatak.

Regina stared at her and was confused. "Inahas? Hear us out, " she uttered. Kita niya sa mukha ng kaibigan ang sakit habang nagpipigil ng iyak.

Unti-unting inilabas ng dalaga ang hinanakit na tinago niya nang halos dalawang taon. Nagpunas ito ng luha tsaka muling linapitan ang magkababata. She gazed at her friend and bitterly smiled.

"You and Zac were childhood friends and I have no take on that. But you should have told me you like him, para nakaiwas ako. Maiintindihan ko naman kasi nga kaibigan kita. But you didn't..." she paused and wiped her tears. "You just let me fall for him until what I felt was pain."

"Jaz- " Regina mumbled. Gusto nitong depensahan ang sarili pero alam niyang hindi makikinig ito. Just then, Jazy smiled in pain and looked at Zac.

"And you, Mr. Nice guy! Anong pakiramdam na pagkatapos mong nakuha ang pagkababae ko e bigla kang naglaho? Masarap ba? Nakadagdag ba sa pagkalalaki mo? Ha?" Muling namuo ang mga luha sa mga mata ng dalaga. She wanted to calm herself, but she couldn't. Pag naalala niya ang nangyari ay lalo itong nasasaktan. Almost two years have passed even so, she can't move on.

"Please, let's talk outside." Sabi ni Zac at hinawakan ang braso ng dalaga, but she refused. Instead, she slapped him hard with her right hand. Nagulat si Regina sa ginawa ng dalaga ngunit lalong gulat si Jazy dahil sa nagawa nito. Never in her life has she slapped anyone. Kinuyom nito ang palad n'ya dahil sa galit at dahan-dahang tinignan sa mata ang binata.

"I'm- "Hindi pa nito natatapos ang gustong sabihin nang lumapit ang lalaki sa kanya at muling nagsalita.

"If that made you feel better, then I would accept it. But don't hate your friend for whatever reason you have, because you misunderstood things." Giit nito sa dalaga. "Now let me just remind you, I was never yours and you know that." He said in a low voice and dashed away from the scene.

Jazzy was left speechless. Maging ang mga binata na hindi naintindihan ang nangyayari ay napamaang nalang. They volunteered themselves to step out for a moment except for Jace, who stood by Regina's side.

"Kanina ko lang nalaman yung rason kung bakit pakiramdam ko na may nag-iba sa pagkakaibigan natin. You should've told me these things Jazy, and I'm sorry kung nasaktan kita." She gave her a hug. Yakap na kanina pa niya gustong ibigay sa kaibigan.

Lalong napaiyak ang dalaga, may pagka ma-pride ito but that hug changed it. Lalo na't sinabi nito ang lahat ng nalaman n'ya kay Zac.

"I'm sorry. I don't deserve you to be my friend. I did horrible things to you. I'm sorry Reg." Iyak nito at niyakap pabalik ang kaibigan.

"Shh, I already know what happened. Let's not talk about that," she answered with a calm voice. "It's done. Isa pa, birthday na birthday mo, you should not be crying." Inakay ni Regina ang kaibigan at sabay ang mga itong naglalakad papunta sa lamesahan. The birthday girl wiped her tears and tried to smile as her friend lit the candle.

"Thank you," she whispered.

Sa isang banda ay nakangiting nakatingin si Jace sa dalawang babae. Masaya siya para sa mag-kaibigan dahil naresolba na ang problemang hindi naman sana naging problema. Agad nitong naalala ang mga kasama kaya naglakad ito palabas ng pintuan. Sakto namang nagtawag na ang mga dalaga para makakuha ng sariling mga pagkain kaya agad niyang tinawag ang mga ito para pumasok.

He looked around the area and there; he saw Zac sitting under a big tree kaya agad niya itong pinuntahan.

"Zac, tara sa loob," he said.

"Sige lang bro, hindi ako welcome dun. Alam mo naman." Huminga ito ng malalim at tumingin sa binata. "Jace, right?"

"Yeah. And you're Zac. Her childhood friend." Sagot nito habang binubunot ang mga maliit na tubo ng damo sa kanyang harapan.

"Well, how long have you guys been dating?"

Jace swallowed a lump in his throat. Kunwari ay hindi niya narinig ang tanong nito. "Huh?"

"You're blushing." Tawang sabi ni Zac. "Okay, I won't ask you that question again. But if you guys are dating, I just want to tell you one thing." he paused and looked in his direction, making sure he was listening. "Please take care of her. She's too precious."

Napasinghap naman ang binata dahil hindi n'ya alam ang dapat isagot. Hanggang ngayon kasi ay parang may pumipigil sa kanya na umamin sa dalaga. But a part of him says he should. Or else, baka maunahan siya ng iba. "Don't you have feelings for her? I mean... you were childhood friends. It's impossible for someone not to-"

"I don't," sagot agad ni Zac. Tumawa ito ng bahagya at muling nagsalita. "You're not the first person to ask that kind of question. Natatawa na lang kami pero ang parehong sagot namin ay hindi. Never had we got feelings because we treat each other as siblings and that stays there."

Napatango naman si Jace sa narinig at may munting kilig itong nararamdaman dahil sa isiping wala pala siyang kaagaw sa dalaga. Akala niya'y tapos na ang kanilang pag-uusap nang magsalita muli ang lalaki. "You like her, don't you?"

There was a moment of silence between them. Eto na naman ang mga biglang tanong na ikinagugulat niya. Jace creased his forehead and was about to respond when the other spoke before him.

"Because if you do, tell her. Or else you might regret." Zac looked at him and smirked. "Baka ligawan ko," he said seriously. Tumayo s'ya at natatawa na tumalikod sa binata. Naisip niyang biruin ito para makita ang magiging reaksyon niya and he was right. He really is into Regina.

Kunot noong liningon ni Jace si Zac. Ang singkit na mga mata nito'y nanlaki at napaawang ang kanyang bibig dahil sa narinig. "What? Ya! Kala ko ba kapatid lang turing mo?" Ngunit hindi ito nakarinig ng sagot kaya't pinagmasdan niya lang ito habang naglalakad palayo sa lugar.

It left Jace speechless. He then pursed his lips, forming into a pout. He, too, stood and headed back inside when he heard the man shout at him.

"Ang bagal mo! Go get her! She likes you!"