Chereads / Lost Souls Series: Close / Chapter 16 - Chapter 14: A day with a K-pop idol

Chapter 16 - Chapter 14: A day with a K-pop idol

IT was Sunday morning when the light of dawn seeped into Regina's room. She rubbed her bleary eyes and walked to the window.

"Good morning Seoul! Ang ganda ganda naman ng araw ngayon!" Sabi nito at lumakad papunta sa salamin. She was smiling the entire minute while looking at her gorgeous face. Rumampa ito na parang modelo at nagpose. "Taray! Kung hindi ka lang kinulang sa height siguro pwede ka ng pagtiisan sa miss universe!" Komento nito sa sarili na natatawa.

Maya-maya ay nakaramdam na ito ng gutom kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto upang sana ay magluto, but she was surprised to see sets of meal prepared for her. There was even a note on the table saying, "Eatwell, baby." Pagkabasa nito ay naghihiyaw itong napatalon sa kanyang kinatatayuan. Hindi nito maitago ang kilig na nararamdaman kaya agad niyang inilabas ang cellphone at nag message sa binata.

"I just woke up. Thank you for the meal."

Nakailang ulit ito ng type pero naisipan niyang simplihan nalang ang mensahe. Isa pa ay baka busy ang binata at marami rin silang activities sa araw na iyon. Pagkatapos kumain at maglinis ay napaupo muli ang dalaga sa sala. She was bored. Wala siyang ganang lumabas dahil wala siyang kasama kaya naisipan niyang tawagan si Jazzy. Mula ng bumalik kasi itong pilipinas ay hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya.

"Ay, bakit di manlang sumagot?" Nakasimangot nitong ibinaba ang cellphone. Nag-aalala ito kung napaano na ang kaibigan, kahit kasi ang supervisor nila ay hindi pa siya nito tinatawagan upang ipaalam ang sitwasyon. Naisip niyang mas makakabuti kung maglakad-lakad nalang muna siya sa labas, tutal ay maganda naman ang panahon.

Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras, pagkatapos maligo ay naghanap na agad ito ng isusuot. Naisip niyang suotin ang blush pink plaid lace-up backless mini dress, at dahil alam niyang pagtitinginan siya ng mga matatanda ay pinatungan niya ito ng beige knitted crop jacket with matching white sneakers. Konting make-up and she's good to go. Masayang naglalakad ito palabas ng bahay habang nakangiting kumuha ng sariling litrato.

"Now what do I have on my list?" Tinignan ni Regina ang listahan ng mga lugar na balak niyang puntahan. Una sa listahan ay ang Leeum Samsung Museum of Art. Inilibot ng dalaga ang kanyang mga mata. It amazed her how the place blends Korean history with modern art and works in between. It has great exhibits and a fantastic campus with killer architecture that satisfies your Instagram feed. She took another photo of herself and posted it in her ig account and continued walking. Pagkatapos ng halos bente minutos ay nakaramdam ito ng uhaw kaya naman pumasok ito sa isang nearby cafe at umorder.

Muli nitong tinignan ang cellphone, hoping someone's name would pop up in her message box, but she was dismayed. Ni 'ha' ni 'ho' ay wala. Napasandal na lang ito sa kanyang upuan.

"Hay, is this how you feel if you're dating an idol?" Mahinang sabi nito sa sarili. She scrolls her feed up and down hanggang sa mapagod ito. Nakaramdm ang dalaga ng lungkot dahil namimiss niya si Jace kahit magkasama naman sila magdamag nung isang araw. "Miss kaya ako nun?" She pouted like a kid habang umiinom ng inorder nitong iced coffee. Asa malayo ang tingin ng dalaga ng maya-maya ay may isang lalaking naka black shirt, denim jacket, black cap at naka suot ng shades ang umupo sa bakanteng upuan na asa kanyang harapan. She was shocked kaya hindi man niya kita ang mukha ng binata ay inirapan niya ito at tumayo paalis sa lugar.

Pansin ng dalaga na nakasunod pa rin sa kanya ang lalaki at mukhang gusto siyang kausapin. She then noticed that the guy was wearing acid wash jeans and chelsea boots. Gustuhin man niyang titigan ito ay di niya magawa kaya hindi niya manlang mamukhaan ito.

Sinadya niyang magpaikot ikot at pumasok sa girls' restroom. Dito ay sinubukan niyang tawagan si Jace, but his number couldn't be reached. Lalo itong nakaramdam ng inis sa lalaki kaya naisipan nitong lumabas nalang. Slowly, sumilip ito sa kaliwa at sa kanan, maaliwalas na naman ang mukha ng dalaga ng mapansin na wala na ang lalaking kanina pa'y nakasunod sa kanya.

"Sa wakas!" She confidently walked out ngunit sa kalagitnaan ay may mahinang nanghila sa kanyang buhok.

"Aray!" Tumaas ang kanang kamay ng dalaga na handa ng manghampas ngunit laking gulat nito na ang lalaking nasa kanyang likuran ay ang taong kanina pa nakasunod sa kanya. She was about to run when she heard the man speak.

"Sige tumakbo ka pa, pipitikin ko noo mo. I'm tired of chasing you," he said seriously. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig dahil pamilyar ang boses nito. Muli niyang tinignan ng kabuuan ang binata tsaka nagsalita.

"Jace? Uy, ikaw pala yan. Ba't ka naman kasi nka full force denim. Akala ko sasayaw ka e." Pagbibiro nito. Hindi niya kasi talaga namukhaan ang binata. Magbibiro pa sana ito pero napansin nitong naningkit lalo ang mga mata ng lalaki.

"Shh, give me your hand." Sabi nito sa kanya. Kunot noo na inabot ni Regina ang kamay sa binata, akala niya ay kung anong gagawin niya pero kinilig ito ng mag holding-hands sila habang naglalakad. Hindi naman mapigilan ng dalaga na itago ang mga ngiti sa labi. She had never felt this way before.

Kabado si Jace na hawakan ang kamay ni Regina sa pampublikong lugar, sa isip nito'y baka hindi ito magustuhan ng dalaga, but he was wrong. Pansin ng lalaki na kanina pa tinitignan ng dalaga ang kamay nilang dalawa, so they stopped walking and he looked at her.

"There will always be room for your hand in mine," he added, and kissed her on the forehead. There she was, smiling like it's the first time she's seen the sun after a decade of winters. For her, that kiss on the forehead is one of the sweetest things in this world.

NATAPOS ang araw para kina Jace at Regina na masaya, kahit pa na naka disguise ang binata ay laking pasasalamat nila at walang nakakakilala sa kanya. Nakapaglibot ang dalawa na parang normal couple.

"What's your perfect dating idea?" Tanong ng binata habang hawak padin ang kamay ng dalaga.

"Ako? I love to see the ocean's beauty. I think dating at the seaside while watching the waves would be romantic. Tapos, sabay nating panoorin ang paglubog ng araw," she confidently answered. "and ikaw?"

"Me? Well, I would like to date you on the seaside too while we talk about life, except for the sunset, because I want to see the sunrise."

"Ang saya siguro non no? Us watching the sunset together, then at night, we'll be looking at the stars and the moon that shines above. Tapos sa umaga, sabay tayong gigising para makita yung pagsikat ng araw."

He stared at her pretty eyes and smiled. Napakasaya kasi nitong mag-kwento. Napapangiti siya sa tuwing nagkukwento ang dalaga. At that moment, he felt fear. He has this fear that whenever happiness is around the corner, something sad follows. Ipinagsawalang bahala niya na lang ito at binigyan ng mahigpit na yakap ang babae.

It was already six in the evening when the two felt hungry. Kaya kumain ang mga ito sa isang restaurant at pagkatapos ay umuwi na din pabalik ng villa. Both were tired of kaya naman pagkauwi ay agad na nakatulog ang dalawa.

Kinaumagahan ay maagang nagising ang dalaga at pinagmasdan nito ang itsura ng lalaking katabi. Ang kaliwang palad nito ay nakatakip sa kanyang mukha na tila ba tinatakpan ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Lingid sa kaalaman ng binata ay nakaramdam din ng takot si Regina, she was scared that one day, the happiness that she's feeling will end soon.

"I don't want to over analyze situations because I fear to what will happen if I'm not prepared for it," she said. Hindi kinaya ng dalaga ang isiping yun kaya pinilit niyang iwaglit ito sa isipan at bumangon sa kama. She cooked food for him.

"Ano bang magandang lutuin ngayon?" Tanong nito sa sarili. Naisipan niyang ipaghanda ang binata ng typical filipino breakfast, sinangag na may tapa at longganisa. After preparing, she went straight to her room to wake him up.

"Hey sleepy head, it's time to wake up." Sabay tapik nito sa binata. Hindi naman nahirapan ang babae sa pagtawag dahil bumangon na din agad ang binata.

He kissed her on the lips, bago tuluyang bumangon sa kama. At the dining area, Jace noticed that she keeps on staring at her phone. Hindi naman nagsinungaling ang dalaga ng tanungin nito kung bakit kanina pa siya nakatingin sa kanyang cellphone.

"I'm thinking of Jazzy. I haven't talked to her yet." Pag-aalalang sabi nito. "Baka kasi mamaya kung ano na ang nangyari." She added.

"Everything will be fine. I'm sure she'll call you soon. Baka may inaasikaso lang. By the way, how did you know that she's behind all that happened to you?" Seryosong tanong ng binata. Nagulat kasi ito noong araw na sinabi niya sa kaibigan na alam niyang siya ang may pakana ng lahat ng nangyari sa kanya.

"Nalaman ko nalang din noong kaarawan niya. I searched for her in the room but I didn't expect to see that embroidered mask under her pillow. Dun ko pinagdugtong-dugtong lahat ng nangyari." Sagot ng dalaga habang humihigop ng kapeng tinimpla nito.

"And you still forgave her. Why?" he asked curiously.

She released a deep breath, looked at him and answered, "Because I still want her in my life. She's my friend."

After hearing that, he smiled in a way that made him want to kiss her on the spot. Kahit magkaharap ang mga ito ay tumayo ang binata at hinalikan sa labi ang dalaga. "Sorry, I just want to give my girlfriend a kiss. I have no excuses." He again tipped his lips down as she tipped her lips up and, without a care in the world, they kissed passionately.