Chereads / OBSESSION Series #1: Keron LA VENUZ / Chapter 36 - CHAPTER 34

Chapter 36 - CHAPTER 34

NAPABUNTONG hininga siyang muli, bago napasandal ang kaniyang ulo mula sa gilid ng bintana habang nakatanaw mula sa labas. Dalawang buwan na mahigit ang nakalipas matapos ang mga naganap na pagdukot na ginawa sa kaniya, ni Pual at sa nakalipas na buwan. Ni isang anino ng binata ay hindi niya pa nakikita. O tamang sabihin na hindi pa ito nag paparamdam sa kaniya, nang magising siya matapos mawalan ng malay sa mga bisig ng binata paggising niya naroon na siya sa sarili niyang silid.

Nakauwi na siya subalit. Wala siyang makitang Keron.

Kinausap niya ang kaniyang Mama at Kuya tinanong kung bakit wala si Keron.

Isa lang din ang laging sinasabi sa kaniya ng mga ito huwag niya munang isipin ang binata lalunat ito rin ang dahilan kung bakit siya nalagay sa panganib.

Gustohin man niyang magtanong sa mga kaibigan subalit umiiwas din ang mga ito.

"Sheen-sheen? " Lumingon siya ng bumukas ang pinto ng kaniyang silid.

"Ma.. " Ngumiti ito bago lumapit at naupo sa gilid ng kama.

"Iniisip mo nanaman ba si Keron? " Tanong nito saka siya bumuntong hininga at tumango.

"Bakit, hindi siya nag papakita sakin? Ayaw niya na ba sakin Ma? "

"Shh... Don't say that Anak. Intindihin mo muna kami ng Kuya Rojun mo, masyado kapang bata para makasama mo siya. Nakiusap ang kuya mo sa kaniya hindi naman din siya tutol sa pagmamahalan niyong dalawa kaya lang Anak---"

"Pero mahal ko po siya---"

"I know.. Dear. Siya, din ang nag disisyon na hindi magpakita sayo. Humingi din siya ng tawad saamin ng kuya mo Dahil sa ginawa niya sayo. At alam niyang mali kayat hanggat hindi kapa tumutongtong sa tamang edad maghihintay siya dahil ganon kaniya kamahal. Binigyan niya lang ng escape ang mga sarili niyo, upang makapag isip-isip kayo. Intindinhin mo rin sana ang naging disisyon niya---"

"Pero bakit hindi manlang siya nagpaalam ng maayos sakin? " Mangiyak-ngiyak niyang ani. Muling bumuntong hininga ang kaniyang Ina.

"Dear.. Makinig ka sakin talagang hindi siya nagpakita sayo dahil alam niya sasarili niya na maslalo siyang mahihirapan na iiwan ka niya pangsamantala. Wag kasanang magalit sa kaniya. "

"Mahal ko po siya Ma. " Maktol niya sa Ina.

Buwisit ka Keron matapos ng lahat iiwan mo rin

pala ako!

"Mahal mo nga pero Anak bata kapa kasi---"

"Ma. Opo masyado pa akong bata para sa gantong bagay pero ma alam ko po sasarili ko na hindi lang ito basta iniibig ng bata kong puso para sakin po totoo na po ito. Itong nararamdaman ko. Para sa kaniya. " Umiiyak niyang ani sa kaniyang Ina.

Mariing naman na hinaplos nito ang kaniyang mukha. At ngumiti.

"Nagkamali ako, dalaga kana nga lalunat marunong kanang umibig. " Subalit hindi paman din siya nakakabawi nakaramdam na agad siya ng pagkahilo.

At bago paman makapag salita ang kaniyang ina mabilis siyang tumayo ng makaramdam na para siyang maduduwal agad siyang nagmadaling makapunta ng banyo' at duon nag dududuwal ngunit wala naman mailabas.

"J-jusko, Sheen... " Lumingon siya sa Ina natotop ang bibig habang nakatingin sa kaniya nang maypagkabahala.

_______________________________________________

INISANG lagok niya ang laman ng bote na may alak. Bago nag sindi ng sigarilyo. Ilang minuto siyang tulala at balisa lalunat nagkausap sila ni Rojun. Ilang buwan din ang lumipas matapos ang mga naganap. Ayaw man niyang mangako sa Ina at kapatid ni Sheen-sheen pero wala siyang magagawa dahil nakiusap din ang mga ito sa kaniya, at nag disisyon din siya na huwag munang magpakita kay Sheen-sheen kahit labag na labag sa kalooban niya. Fuck!

Para siyang mababaliw kapag wala satabi niya ang babaeng mahal pakiramdam niya ikakamatay niya kung hindi niya ito makikita makakasama, mayayakap at mahahagkan.

Pero ano bang magagawa niya diba? Kasi mali talaga ang naging hakbang nag padalos dalos siya, kayat nangako siya sa Ina at kapatid ni Sheen-sheen na hihintayin niya ito kapag nasa tamang edad na ito magtitiis siya na samalayo na lamang ito muling pagmamasdan back to zero nanaman siya, pero para sa babaeng mahal niya kaya niyang tiisin makasama lang itong muli. Pero ang tanong kayanin niya kaya?

"Fuck."

"Keron! Yooho!! " Marahas siyang umayos ng upo ng dumating ang mga kaibigan niya na biglabigla na lamang pumapasok sa opisina niya ng walang paalam.

"My god man. Nag iinom ka sa oras ng trabaho

mo at tanghaling tapat? " Sabi ni Hadji nanaupo sa single sofa nanaroon sa opisina niya gayon din sina Ziyon at Draken.

"Ano at naparito kayo mga unggoy? " May pagkairita sa boses niya ng sinabi niya iyon. Tumawa naman ang dalawa.

"Relax, lang Keron masyado naman mainitin ulo

mo lately. "

"Shut up. "

" By the way nga pala Keron pupunta kaba mamaya sa Party? " Kuwan nasabi ni Hadji.

Napahilamos siya sa mukha. Hindi naman din niya puwedeng hindi intindihin ang bagay na iyon lalunat kinagabihan lamang ay tumawag ang kaniyang Lola paluwas na ito ng Maynila Upang dumalo din sa Event na ikuwento niya na din ang nangyari sa kanilang dalawa ni  Sheen-sheen. Hindi naman din ito tumutol sa naging disisyon niya, ngalang galit nagalit ito matapos na malaman nito ang ginawa ni Pual kay Sheen.

"Kailangan."

"Good."

"Pero balita ko dadalo din si Luke kasama si Rojun. " Singit ni Ziyon kayat napalingon siya dito gayon din ang dalawa.

"Talaga? Ang akala ko si Luke lang din ang dadalo kasama pala si Roj. "

"Yeah.. " Nawalana sa tatlo ang antensyon niya bago siya muling nag salin ng alak sa kaniyang baso.

Napakuyom ang mga kamao kung dadalo ang kapatid nito posible din kayang kasama ang Ina at si Sheen-sheen? Damn.

Pangalan palang ng babaeng iniibig halos mag huromintado na ang kaniyang puso. Nais niya itong makita. Nananabik na siya kay Sheen-sheen.

Tangina. Ano ba ang dapat niyang gawin? Hindi  niya na kasi kayang maghintay pa ng masmatagal eh.

"Ano bang plano mo? Sigurado kaba talaga sa disisyon mong hindi magpakita kay Sheen-sheen? "

"Oo nga Ker. "

"I don't know. Fuck! Pakiramdam ko ikakamatay ko kapag hindi ko siya nakita at nakasama. "

"Tch. Pero ang pangako ay pangako, na ngako ka sa Kapatid at Mama ni Sheen-sheen na mag hihitay ka sa kaniya---"

"Pero hindi ko kaya... "

"Gago kayanin mo, Apat na taon lang naman Dude. kayang kaya mo din mang hintay tulad noon. "

"Natatakot ako, baka paggising ko isang araw wala na siya may iba na siyang makilala higitpa kaysa sakin---"

"Alam mo Pre. Kung hindi lang  kita kaibigan nasuntok na kita. Ngayon kapa talaga natakot sa lagay nayan? "

"Gago ka din Draken sinong hindi ah, halos mabaliw na nga yan kay Sheen-sheen makita niya lang yung mga lalaking tumitingin kay Sheen idinidispatsa niya. "

Iling na sabi ni Ziyon napa tawa na lamang si Hadji bago nagsalin din nang alak sa basong kinuha nito.

"Naintindihan naman namin yon tch. Kung makapag salita ka parang nagmahal kana--"

"Fuck you man. " Nakakunot ang noo na sabi ni Ziyon saka siya nagsalita.

"Ganon lang kasi kadali para sa inyo, na sabihin yan palibhasa hindi pa kayo nakaranas kung papaano magmahal ng sobra at mabaliw. "  Ani niya.

"Katakot pala kapag nabaliw ng sobra. Para ayoko nang umibig" Sabi ni Ziyon.

"Sinabi mo pa. "

"Mga buang hindi niyo masasabi kapag tinamaan kayo ni kupido. "

"Tch."

"O ngayon alam niyo' na mag silayas na kayo dito sa opisina ko gusto kung mapagisa. " Napakamot na lamang ang mga ito bago nag sitayuan.

"Kung may problema tawagan mo lang kami. "

"Yeah.. Baka mamaya magpakamatay kana---"

"Sira ulo. " Sabi ni Hadji kay Draken matapos batukan a g kaibigan.

"Aray. Naman sobra kanaman mapanakit Hadji. "

Hindi na niya pinansin ang mga ito bagkos natuon na lang ang atensyon niya sa alak at sa pagiisip kung papaano niya matitiis na hindi makita at makasama nang apat na taon ang babaeng mahal niya.

Fuck! I missed her.

©Rayven_26