Chereads / OBSESSION Series #1: Keron LA VENUZ / Chapter 40 - Chapter 38

Chapter 40 - Chapter 38

TUWANG-TUWA siya nang makita ang mga kaibiga niya laluna si Keron, na mangiyakngiyak nang makita siya. Pinakiusapan at nakiusap siya sa kanyang ama at mga kapatid na tuparin ang kanyang hiling na makita ang mga kaibigan niya kahit ayaw pumayag ng mga ito nagmakaawa at nakiusap padin siya .

"I'm so glad you're alive, " Masayang sabi ni Nami habang umiiyak gayon din sina Luo-yin at nana kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

"B-buong akala namin h-hindi kananamin makikita

pa. " Tumawa siya ng mahina kahit siya din naman.

"Saka papaano kang nakaligtas at yung mga lalaking kumuha sayo? Hindi ba Keron may mga---"

"Mga kapatid ko sila. " Natahimik ang mga ito gayon din sina Keron at Luke maging sina Zina at Nana.

"Mga kapatid? Wait hindi namin ma intindihan papaanong magkakaroon ka ng kapatid hindi ba si Danica ang---"

"Hindi ako totoong anak ni Mama lili at hindi ko totoong kapatid si Danica. " Malungkot niyang sabi nagkatinginan naman ang mga ito.

"Oh.. God, "

"Kung ganon s-sila ang totoo mong pamilya? " Ngumiti at tumango siya maslalo naman nag saya ang mga ito at napahagolgol masayang masaya sa ibinalita niya.

"Masaya kami para sayo. Ashtrid, ang buong kala namin talaga ay patay kana saka simpre natakot kami dahil yung katawan mo kinuha ng mga hindi kilalang mga lalake tapos. Hindi ko makakalimutan kung papano ka ililigtas kay kamatay lalunat sa mga bisig ko---"

"Shh... Tahan na Nam. Nandito na ako sa harap niyo buhay at nayayakap niyo pa. "

"Waahh... Simpre kaibigan kanamin at mahal kanamin nang malaman namin ang balita halos magwala kami kasi hindi namin matanggap. "

"Kalimutan nanatin yon. " Tipid niyang ani bago lumapit sa kanya si Sheen-sheen. Hindi nanaman niya maiwasan ang hindi maging emosyonal habang kaharap ang mga kaibigan.

"Ash... "

"A-akala ko kasi hindi na ako magigising pa. Akala ko katapusan ko na. Pero nang madinig ko ang mga boses na bumubulong nakikiusap na wag akong bumitaw dahil may naghihintay pa saakin doon ako nagkaroon nangpagaasa. At mas nadagdagan pa iyon nang malaman kong

buntis ako. "

"Oh.. My god.. Ashtrid.. "

"You're pregnant that time? " Tanong ni Luke tumango siya. Maslalong napaiyak ang mga ito ramdam niya ang awa sa mga mata ng mga kaibigan.

"Nakaligtas ako sa kamatayan. At

na-isilang ko ang anak ko. Ngunit hindi ang mga paa ko. "

Lumapit ang mga ito sa kanya mariing siyang niyapos ni Luo-yin gayon din ni Nana at Sheen-sheen masaya naman nakangiti sina Keron at Luke habang pinag mamasdan sila.

"Basta ang importante buhay kayo pareho. At masaya kami para sa panibagong pamilyang mayron ka. "

"Salamat sa inyo--- "

"No. Kami dapat  ang magpasalamat sa mga

kapatid mo, kung hindi dahil sa kanila malamang wala ka saharapan namin."

"Oo nga saka hindi papala namin na meet ang Dad at mga kapatid mo kasi mga tauhan lang ng Dad. Mo yung nakipag usap saamin."

"She's right Ash, gusto lang naman namin makapag pasalamat sa kanila Sobra---"

"Sorry, medyo na late kami. "

Ani ng isang pribadong boses mula sa malaking pinto. Kasabay non ang pagpasok ng dalawa kasunod ang kanilang ama gayon din ang isang katulong habang karga ang kanyang anak.

Hindi niya masabi kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan niyang mga babae lalunat nakita na ngmga ito ang mga kapatid at ang kanyang ama.

Maslalo siyang natawa dahil si Nana ang mas naapektuhan sa pagdating ng dalawa halos maglaway na kasi ito habang titig na titig sa magkambal.

Lumingon sa kanya si Luo-yin pinandilatan siya. Bago bumulong.

"Seryoso Ash? Kapatid mo sila? "

"Oo. "

"Bakit ang pogi at ang hot.. Shit! " Nagtawanan silang mag kakaibigan dahil sasinabi ni Nana.

Kahit papaano naibsan ang kanyang nararamdaman at masaya nanakasama ang mga totoo niyang mga kaibigan.

MARIING siyang napayakap sa kanyang anak ng umihip ang malamig na simoy nang hangin. Nasa resort sila ni Kaide napagpasiyahan nang kaniyang ama na magbakasiyon muna bago sila bumalik ng Nayin City. Kahit papano ma irelax niya ang kanyang katawan gayon ayaw naman din niyang magpagamot mas minabuti niya na lamang na ganon ang kalagayan niya. Maari panaman din siyang makalakad kung sasanayin niya ang mga paa na igalaw-galaw at ihersisyo ayon sa doctor.

"Hi.. Baby ko, look oh. Ang ganda ng view alam mo ba kapag na lulungkot ang mommy lagi siyang nag pipinta ng magagandang mga tanawin. " Ani niya sa kanyang anak habang pinag mamasdan ito.

Hinalikan niya ang maliit nitong palad habang nasa dalampasigan sila. Mariing niyang pinunasan ang mga luha na hindi na niya nanaman napigilan.

"M-mahal na mahal ko ang Daddy mo. Pero hindi niya ako kayang mahalin. Kung makikita kaman kaya niya ikakatuwa niya kaya? Siguro masaya na siya kasi may anak na sila ng babaeng mahal niya. " Ani niya pa habang hinahalik-halikan ito nang buong puso.

"Kahit tayong dalawa lang at kasama sina tito at lolo masaya na ako mahal ko. Tanggap kona din naman na hindi niya ako mamahalin. "

"Ahem! baka bumaha dito kung iiyak

kanananan diyan. "

"Tch. Oo nga saka ang ganda ganda ng panahon ngayon sis wag mo naman sanang sirain---Aw. " Napa ismid na lang si Kaiden ng sikuhin nito ang kakambal.

"Siya nanaman ba? " Tanong ni Kaiden.

"Mahirap kalimutan. "

"Tch. Madali lang kalimutan ang ganong uri ng tao. "

"Bakit Kai, ano bang uri ng tao si Vilasco? " Piloso po nasabi naman ni Kaide. Kayat impit siyang natawa.

"Wag kang magpatawa hindi ako na tutuwa sayong

gago ka. "

"Bakit? Nag tatanong lang naman---"

"Puwes! Wag kanang magtanong. "

"Kayo talaga. " Napa iling na lamang siya maingat naman si Kaide na kinuha ang kanyang anak mula sa mga bisig niya.

"Aalis na kami ni baby bahala kayo diyan hmf! " Napa tiim baggang na lamang si Kaiden dahil sa ugali ng kakambal nito animoy parang isip bata kung kumilos.

Nasundan na lamang nila ito ng tingin panabay pa silang natawang magkapatid.

"Halikana. Mag gagabi na nagpahanda na din ako ng dinner sa loob baka mamaya darating na si Dad at tita Helen. "

Tumango siya saka ito pumunta sa likuran niya upang itulak ang wheelchair. Pabalik ng cottage. Ngunit bigla siyang nakaramdam na parang may mga pares na mga mata ang pakiramdam niyang nakatingin sa kanila. Umiling siya ipinag sawalang bahala ang nararamdamang kaba sa dibdib.

Na paparanoid lang siguro ako. Fuck.

©Rayven_26