KANINA lamang nag aalala siya sa dalawang tao na importante sa kanya lalunat ayaw niyang magkagulo ang dalawa. Bago siya iwan ni Draken sa Resort kanina binilinan pa nito ang isa sa mga tauhan ni Keron na bantayan siya ng mabuti ngunit ang buong kala niya, ay binalikan siya ni Draken upang sunduin pero mali pala. ang taong bumungad sa kanya sa labas ng silid na pinag dalhan sa kanya ni Draken.
Gulat at takot ang naramdaman niya ng mga sandaling mabungaran si Pual nanasa pinto ng silid niya.
Lito at pagtataka ang pumapasok sa isip niya lalunat hindi lamang din ito nag iisa bagkos may mga kasama din itong mga tauhan na may mga dalang mga armas. Sapilitan din siya nitong pinasok sa loob nag kagulo pa sa labas ngunit walang nakapalag lalunat tinutukan ng mga tauhan ni Pual ang mga taong nag tangkang mangialam maging ang isang bantay niya ay hindi naka kilos.
"P-pual.. Nasasaktan ako---"
"Manahimik ka! " Bulyaw nitong sabi bago siya muling kinaladkad papunta sa tinutuluyan nilang dalawa ni Keron.
Nang matanaw niya ang kapatid at si Keron labis na rin ang pag aalala niya ng makita ang mga ito laluna si Keron na may mga pasa sa mukha.
"Tch. Tingnan mo nga naman ang gago. Gagawin talaga ang lahat para hindi ka mabawi ng kapatid mo no? "
Nakakalo ko pa nitong sabi bago siya nag pupumiglas mula sa pagkakahawak nito sa kanya.
"Pual---"
"Stop it bitch! Mas masasaktan ka kung ipipilit mo na makawala sakin. Tingnan ko kung hindi sila tumigil sa pag susuntukan nila kung makita ka nilang hawak ko laluna ni Keron. "
Tila baliw na sabi nito bago siya hinawakan sa buhok na ikina ngiwi niya. Ikiniskis pa nito ang pisngi sa kanyang mukha at humalakhak na parang isang baliw.
"A-ano ba kasing kailangan mo a-at bakit mo ba ito ginagawa---"
"Hindi mo parin ba alam? We'll malalaman mo din kapag nakaalis na tayo dito. Okay,
humm.. "
"N-no.. "
"Yes dear, hanggat hindi akong na kakaganti sa lalaking mahal mo bihag kita. " Natakot siya lalo pinilit niyang muling kumawala dito.
Hindi niya alam at malaman ang nasa isip nito at kung papaano nito na tuntun kung saan man sila na roroon ni Keron. Gayon dumagdag pa ito sa problema sa pagitan nilang tatlo.
"Ihanda niyo na ang sasakyan bago tayo
umalis---"
Bago pa man nito matapos ang sasabihin nakahanap siya ng tiympo lakas loob niyang siniko si Pual mula sa sikmura kayat nabitawan siya nito. May pag mamadali sa kilos niya ng tumakbo siya ilang dipa lang ang layo mula sa masyon mabilis ang pag takbo niya pababa napalingon siya ng makita ang madilim na mukha ni Pual na humahabol sa kanya.
"Come back here bitch!! "
Please... Lumingon ka Keron..
Naisabulong niya. Nag pasalamat siya ng mapansin siya ni Tregeer ngunit bago paman siya makalapit sa garaheng katabi ng mansyon nahigit na siya ni Pual.
"Ahh!! "
"Ano akala mo matatakasan mo ako huh! "
"Bitiwan mo ako! "
"Tch. Makulit ka. "
"Keron! "
Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ng binata sabay din napalingon ang mga ito pati ng kapatid niya.
"Sheen!! " Sigaw ng Kuya niya.
"Kuya!! "
Mabilis ang kilos na ginawa ng tauhan ni Pual at mabilis din siyang pinasan nito papunta sa sakyan na kadarating lamang habang tila inuurat pa ang dalawa nang may ngiting tagumpay sa mukha ni Pual.
"Pual!! Ibalik mo ang kapatid
ko! "
"Hayop! Ka Pual! "
Kumaway lang si Pual habang naka ngisi sa kanyang kapatid saka siya tinaliaan ng isa sa mga tauhan nito nang maisakay siya sa sasakyan at pinaandar iyon. Papalayo sa Mansyon ni Keron agad naman nakita niya ang ginawang pag kilos ng mga ito.
"Tayo na.. "
Kasabay non ang pagdilim ng paningin niya dahil sa pagsaklob ng isang sako mula ulo niya.
Oh.. God.
_________________________________________________
DAMN. Agad na silang kumilos nag tatagis ang mga baggang niya dahil sa ginawa ni Pual. Hindi niya alam kung anong pakay nito at kung bakit pati si Sheen-sheen ay nakuha pa nitong dukutin, O di kaya..
"Tangina."
"Padating na si Vilasco. " Ani ni Hadji habang may kinakalikot mula sa computer na dala nito.
Nagulat na lamang siya at naisandal sa pinto ng sasakyan ng makita niya ang kapatid ni Sheen-sheen na nag babaga ang mga mata.
"Alam mo kasalanan mo ito! Kung sana binigay mo na lang sakin ang kapatid ko hindi sana siya makukuha ni Pual---"
"Gago! Wag mo akong sisihin satin dalawa ikaw ang may kasalanan kung---"
"Putangina! Ngayon paba kayo magsisisihan kung kailan nakuha ng sira ulong yon si Sheen-sheen. Jusko! naman mga pre, puwede ba isang tabi niyo, muna ang alitan niyong dalawa ang isipin niyo kung papaano natin mababawi si Sheen-sheen hindi yong hindi pa kayo tapos sa kakasisihan niyo. "
Galit na sabi ni Luke bago ito sumakay ng sasakyan Natahimik at nagkatinginan na lamang sila ni Rojun bago siya tumalikod.
"Juro ikaw na bahal dito pag dating ni V. Pakilusin mo na sila. Nigo tayo na. " Agad naman din tumalima ang mga ito.
"Nakita ko na! Sa Tokuyo siya dinala ng
hudas. " Masayang sabi ni Hadji.
"Ano pang hinigintay natin ? Tara na. " Walang kibuan nang mag kanya kanya sila ng pasok ng mga sasakyan.
Kuyom ang mga kamao niya dahil sa nangyari. Gayon sumali pa sa gulo si Pual. Tangina hindi pa nga siya na kakabawi sa pang gugulpi ng kapatid ni Sheen-sheen ngayon heto nanaman siya sasabak nanaman para lang mailigtas ang babaeng mahal.
Tangina! Ang sakit kaya ng suntok ng isang
El Gacer.
Dibali na at least nasabi niya na sa kapatid nito na hinding hindi niya isusuko si Sheen-sheen.
Ngayon may isang surot pa siyang dapat na tapusin dahil sa ginawa nitong pag dukot sa kanyang pag aari. Umiiksena pa tch.
Tila ata nais gumanti sa ginawa niyang pag papabagsak sa kumpanya ng pamilya nito at sa ginawa niya taon na ang nakalipas.
"Hintayin mo ako Pual tayong dalawa ang mag tutuus, nag kamali ka ng kinalaban na
hayop ka. "
Nagagalit ang mga baggang niya ng mas binilisan niya pa ang pag papatakbo ng sasakyan habang nakasunod sa kanya ang mga kaibiga maging ang kapatid ni Sheen-sheen at ang kaibigan nito si Luke.
©Rayven_26