•••
Kinagabihan, naisip ko na kung anong gagawin ko. Pagka-alis ni Ryouhei ay siya namang pagbabalik ko sa plano ko ngayong gabi.
Kailangan kong bumalik sa lugar kung saan ko nakita ang bangkay, kung saan ko naabutan ang isang kagaya *ko* na umiinom ng dugo ng tao.
Pero taliwas sa inaasahan ko 'yon.
*Pumatay siya ng tao.*
Ngunit nagtataka ako kung bakit pinuntahan pa ako ni Ryouhei dito. Pagtapos niya akong alagaan kahapon. Bigla siyang pupunta dito na parang wala lang? Anong akala niya sa akin? Hindi ko kayang alagaan ang sarili ko?
Ganun ba tingin niya sa akin? At halos maghintay siya ng isang araw para lang makita ako? Anong tingin niya sa sarili niya?
Mai-i-stress lang ako lalo kung sasali ko pa si Ryouhei sa mga iniisip ko. Ang dami ko ng iniisip... nagkaroon na rin ng balita tungkol sa nangyaring pagpatay kaya pupuntahan ko ang lugar na 'yon ngayon.
At kailangan ay walang makakakita sa akin.
11PM na ng gabi, nakaupo lang ako sa sala habang hinihintay ang tamang oras para lumabas ng Apartment ko para pumunta doon. Kinakabahan ako dahil baka pagpunta ko doon ay may nag-aabang na sa akin, na baka ako ang sisihin o ako ang isiping may pakana ng bagay na 'yon.
Pero hindi... sila ang mga kagagawan ng bagay na 'yon at hindi ako ang dapat matakot dito. Kundi sila.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay napag-desisyonan ko ng tumayo at lumabas ng Apartment ko. Paglabas ko ay tahimik na hallway lang ang nakita ko. Agad akong lumabas at inilock ang pinto.
Nang matapos ako ay humawak ako sa jacket na suot ko at pinagmasdan ang paligid. Malamig at tahimik ang paligid, dahil na rin sa malalim na ang gabi. Nagsimula akong maglakad pababa sa hanggang sa makaalis na ako sa kung saan ako tumutuloy.
Paglabas kasi ay may highway na agad na makikita sa harap, pagpunta ko doon ay walang katao-tao o mga sasakyan na dumaraan. Naisipan kong bago ako pumunta doon ay dederetso muna ako sa park na madadaanan ko bago ako makapunta sa eskinita kung saan ko nakita ang lalaking 'yon.
Habang naglalakad sa gilid ng tahimik na kalsada ay hindi mawala ang saya ko. Pakiramdam ko kasi ay sa gabing ito... ako lang ang buhay, dito sa tahimik na at malamig na lugar na ito. Wala akong nauulinigan kundi kuliglig lang ng mga insekto at ang marahang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.
Lumanghap ako at saka bumuga ng hangin. Agad kong pinatalas ang pakiramdam ko habang naglalakad sa tahimik na daan. Baka may makasalubong ako bigla na kagaya ko, mahirap na.
Ilang minuto ang dumaan sa paglalakad ay nakita ko na ang park sa isang gilid. May iilang tao na nandodoon, may isang malaking fountain sa gitna habang nakapalibot naman dito ang mga nasa apat na benches.
Agad akong pumunta sa isang bench na walang nakaupo, pag-upo ko doon ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa totoo lang ito ang unang beses na lumabas ako ng Apartment na ganito kalalim ang gabi. Iniiwasan ko kasing lumabas, dahil ang mga oras na ganito... ay doon kami malakas.
At doon din kami naghahanap ng makakain. Mga taong makakain, na walang makakakita sa gagawin namin. Pero ang ginawa ng lalaking 'yon... umagang-umaga. Hindi tama 'yon. Mali... isang malaking pagkakamali.
Ilang minuto akong nakaupo doon hanggang sa maisipan kong ilibot ang tingin ko sa paligid ko. Mostly mga magkakaibigan ang mga nakikita ko dito, mabuti na lang at pwede pa silang lumabas ng ganitong oras? Mostly kasi ay hindi sila pinapayagan.
Sa tagal kong namumuhay... alam ko na kung paano sila mamuhay.
Napangiti ako sa isiping may mga naging kaibigan rin pala akong mga tao noon. Noong mga panahon, nakaya kong wag ibaon ang pangil ko sa leeg nila at ubusin ang dugo nila.
Walang nakaka-alam sa kung sino ako... dahil hindi ako ganun kadaling magtiwala sa mga kagaya nila. Kaya sinanay ko na rin ang sarili kong mag-isa.
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng may mapansin ako sa madilim na parte ng park. Kung saan nandoon ang mga halamanan. Sa parteng 'yon ay walang mga tao o kakaiba, pero hindi ko maiwasang doon mapatitig dahil... may nakikita akong kulay pulang bagay.
Hanggang sa mapagtanto kong...
*Mata?!*
Kasabay 'nun ay ang pagvibrate ng phone sa bulsa ng jacket na suot ko. Pagkuha at pagtingin ko doon ay agad na nangunot ang noo ko.
*Bakit tumatawag si Ryouhei ng dis-oras ng gabi?*
Hindi ko na lang sinagot iyon. At dahil doon ay naalala ko nanaman ang pagpunta niya kanina sa apartment, lalo na ang mga salitang sinabi niya.
Ano bang problema niya at bigla-bigla na lang siyang magsasabi ng ganun sa akin? Mukha ba akong bata para sa kaniya na hindi alam ang gagawin? Na kailangan niya pang utusan?
*"Oo, hindi mo nga inaalagaan ang sarili mo."* Naririnig kong nagsasalita siya sa utak ko.
Bwiset naman kasi... sinong hindi mababadtrip? Kainis.
Dahil sa bigla niyang pagtawag ay agad kong naalala ang pulang bagay na nakikita ko sa halamanan kanina. Paglingon ko doon ay wala na ito. Argh! Panira ka talaga Ryouhei!
Nakita ko na lang na tumatawag nanaman siya kaya agad ko na ring sinagot.
"Hello? Ano bang kailangan--"
"Bakit nasa labas ka?" Ha? Anong sinasabi niya?
"Anong sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ang tanong ko, kung bakit nasa labas ka?" Nasa labas?
"Nasa labas?"
"Oo." Shit? Nandito rin siya? Anong ginagawa niya dito?!
Hindi ako agad nakapagsalita at biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. So... nakikita niya ako ngayon?
"Lingon ka sa kaliwa mo," utos niya.
Pero imbis na sagutin ay binabaan ko siya ng tawag at mabilis na naglakad palayo sa kinauupuan ko. Kung kailangan kong umalis para di niya ako masundan, edi tatakbo na lang ako.
Pero tatakbo na sana ako ng may humigit sa jacket na suot ko dahilan para mapahinto ako at agad na mapalingon.
At doon, nakita ko si Ryouhei. Kung anong suot niya kanina ay ganun pa rin iyon, hawak niya ang phone niya sa kabilang kamay habang ang isa naman ay hawak ang jacket ko sa likod.
"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko at sabay tampal sa kamay niyang nakahawak sa akin
Bigla naman akong umatras ng dalawang hakbang sa kaniya. Ano bang ginagawa niya dito? Atsaka... paano niya ako biglang nakilala ng ganun kabilis?
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Pakialam mo ba?" Mataray na tanong ko sa kaniya.
Nakakaramdam ako ng inis... hindi ko alam kung bakit.
Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. Magrereklamo na sana ako para bitawan ako ng mapagtanto kong .. nakayakap na siya sa akin.
Paano nangyari 'yon?
"Anong ginagawa mo?" Mahina kong tanong habang nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa at hindi 'yon... maganda.
"Hmm... niyayakap ka? Bakit?" Sagot niya na parang wala lang.
*Gago ba siya? Niyayakap?! Eh parehas kaming lalaki?!*
Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin, nakita ko ang pagkalito at pagkagulat sa mukha niya. At... sumunod niyon ay ang pagbaba ng mukha niya sa sahig at pagkamot ng kamay niya sa batok niya.
"Sorry. Alam kong ayaw mo ng--"
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Sigaw ko na siyang ikinagulat niya lalo.
"Y-Yuki... h-hinaan mo lang boses mo--"
"Paano ko hihinaan eh tinatanong ko nga kung bakit ka nandito eh!" Sigaw kong muli sa harap niya.
Hinawakan niya ang balikat ko at pinakatitigan ako. Walanghiya 'tong lalaking 'to? Ang lakas ng trip niyang yakapin ako pero ayaw niyang sinisigawan ko siya?
"Ano ba!--"
"Ah, guys?"
Napatigil ako sa pagsigaw sa harap niya ng may dumating na isang babae sa gilid namin. Parehas kaming napalingon doon at nakita kong may dalawa pang lalaking nasa likod niya.
Sino naman 'tong mga 'to?
"Ryouhei, hindi mo naman sinabing may kaibigan ka pa pala maliban samin." Sagot ng lalaking may mahabang buhok sa likod.
Umayos naman ng tayo si Ryouhei sa harap ko at agad na akong binitawan. Humarap siya sa mga kaibigan niya at bigla akong inakbayan.
Ano bang ginagawa niya?!
"Ah, guys. Si Yuki nga pala, kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niyang nasa harapan ko.
So... bakit may something sa akin ng sabihin niya 'yon?
--
"Saan kayo nagkakilala nitong si Ryouhei, Yuki? Alam mo bang playboy nitong gagong 'to?" Natatawang sambit naman ng lalaking may bicolor na buhok.
Lumingon naman ako kay Ryouhei na nakatingin na rin sa akin. Inaabangan niya ba kung anong sasabihin ko?
"Sa School, kinausap niya ako habang may dalawang babaeng nakasampay sa kaniya." Sagot ko na biglang ikinatawa ng tatlong nasa harap namin.
Bigla naman akong tinapik ni Ryouhei na may nanlalaking mga mata.
"T-Teka? Hindi 'yon totoo, Yuki!" Sigaw niya sa akin pero 'di ko na lang siya pinansin.
Nakakatawang makita na may iba pa pala akong nakakausap maliban kay Ryouhei. At mga kaibigan niya 'yon.
Matapos nilang tumawa ay may nag-abot na tubig sa kanila. Napuno kasi ng tawanan ang kinakainan namin. Matapos kasi nilang makita na kasama ko siya kanina ay inanyayahan nila akong sumama sa kanila para kumain bago umuwi.
Hindi na sana ako papayag pero nahila na ako ni Ryouhei dahil naka-akbay siya sa akin. Gusto ko siyang saktan.
"Wow? Grabe ka 'tol!" Natatawang saad ng lalaking may mahabang buhok pero nakatali naman ito sa likod niya.
Hindi pa sila nagpapakilala kaya hindi ko alam pangalan nila.
"Ah? By the way, wag mo na lang sila pansinin ah?" Bigla namang sabi sa akin ng babaeng nasa kaliwa ko.
"Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako nga pala si May, tapos yung may mahabang buhok si Kin 'yon, tapos yung may bicolor naman, si Jiro." Pagpapakilala niya sa dalawang lalaking kanina pa nagtatawanan sa isang tabi.
Para silang may sariling mundo. Tumango naman ako kay May, saka ito nagpaalam na magbabanyo lang muna.
Kaya natira kaming apat dito sa lamesa habang ang dalawa sa isang gilid ay parang hindi kami nakikita.
"Ayos pa ba sila?" Tanong ko at itinuro ang dalawa na parang nababaliw na.
Tinignan naman niya iyon at saka tumawa.
"Hayaan mo sila, ganiyan lang talaga sila." Sagot niya sa akin.
Hindi na ako muli pang nagsalita at pinakiramdaman ang paligid. Wala namang nagbago, pero lumalalim na ang gabi. Kailangan ko ng pumunta doon ngayon.
"Nga pala, pagbalik ni May, uuwi na ako." Pagkasabi ko palang 'nun ay tumingin na siya sa akin agad.
"Ihahatid na kita." Sagot niya na nagpataka sa akin.
"Mukha ba akong bata para ihatid mo?" Naiinis kong tanong dito.
Ito nanaman siya, kung ano-ano nanamang sinasabi niya.
"Hindi. Pero responsibilidad kita." Sagot niya sabay inom ng tubig at tawag sa dalawang lalaki na tawa pa rin ng tawa.
*Responsibilidad? Paanong responsibilidad 'yon?*
Bumusangot ako pero hindi ko pinakita sa kaniya. Pero kung ihahatid niya ako, malalaman niya na hindi talaga ako sa Apartment pupunta? Anong gagawin ko? Kapag nagpumilit ako... magpupumilit rin siyang samahan ako.
Kung makakaya kong makalayo sa kaniya ngayong gabi, mapupuntahan ko ang lugar na 'yon.
"Oh? Nasaan si May?" Tanong ni Jiro na may bicolor na buhok.
Inabutan niya ako ng basong may alak. Pagka-amoy ko palang 'don ay napahawak na ako agad sa ilong ko. Masakit sa ilong... hindi pa rin talaga ako sanay sa amoy ng alak na iniinom ng mga tao.
Nabigla naman ako ng kunin ni Ryouhei ang baso na 'yon at ininom ang laman 'nun, na para sa akin...
Gulat na gulat na nakatingin si Kin at Jiro sa kaniya at ng ibaba niya ang baso ay bigla siyang nagsalita.
"Hindi siya umiinom. So stop giving him alcohol." He said in a serious tone.
Napatulala ako at puno ng pagtataka dahil... paano niya nalamang hindi ako umiinom ng alak?
"A-Ah, ano, si May, nagbanyo siya kanina." Sagot ko sa tanong ni Jiro na tinanguhan naman niya agad.
Pero bigla akong tinamaan ng kaba ng hindi pa siya bumabalik sa pwesto namin. Kanina pa siya sa banyo ah? Dahil sa kabang nararamdaman ko ay napatayo ako bigla at napako ang tingin ko papunta sa banyo.
*Hindi kaya...*
"Yuki? Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Ryouhei pero hindi ako lumingon sa kaniya.
"Pupuntahan ko si May," sagot ko at mabilis na naglakad papunta sa banyo.
Liliko palang sana ako papunta doon ng makarinig ako ng malakas na sigaw na galing sa boses ng isang babae. Mas lumakas ang kaba na nararamdaman ko.
"May!" Sigaw ko at patakbo na akong pumunta doon pero may malakas na bumangga sa akin dahilan para mapasubsob ako sa lapag.
Napapikit ako dahil sa sakit ng pagkakaupo ko sa lapag, at hindi ko na nakita kung sino ang bumangga sa akin. Nakita ko na lang si Ryouhei na nasa tabi ko at tinatanong kung ayos lang ba ako.
Pero hindi ko siya sinagot. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang madilim ang banyo ng pinuntahan namin. Nagkakasigawan na mula sa labas dahil sa taong lumabas mula doon.
Nakatitig lang ako sa dilim, bumibigat ang bawat paghinga ko, mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba... kundi dahil sa takot na baka... na baka pati si May... pati si May ay...
Nakita na lang namin ang paglabas ng isang lalaki sa dilim. May blonde na buhok, may pagka-mahaba ang buhok niya at nakatingin siya sa akin. Hindi normal na tingin... kundi parang kinukutya ako.
Napanganga ako ng makita kong karga niya si May, duguan ang braso nito. Kukunin ko na sana ito ngunit si Ryouhei ang kumuha sa walang malay na si May sa lalaking 'yon.
"Dalhin niyo siya agad sa ospital," pagkasabi niya 'nun ay bumaling siya muli sa akin.
At halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko sa mga mata niya. Agad siyang umalis kahit na tinatawag pa siya nila Jiro at Kin ngunit hindi na siya lumingon pa.
Napatingin akong muli sa braso ni May, may dalawang bagay akong nakita doon... na para bang kagat. Napakuyom ako... wala akong nagawa.
At saka ko naamoy ang masangsang na amoy na 'yon, nang-gagaling kay May 'yon, humahalo ang amoy ng dugo niya sa naamoy kong masangsang. Kaya napalunok ako dahil... nakakaramdam akong muli ng uhaw.
Makalipas ang ilang oras ay umalis na rin kami agad doon. Dinala na sa ospital si May at sumama naman si Kin at Jiro. Sasama rin sana ako ngunit nagsabi sila na umuwi at magpahinga na lang ako.
Dahil kung hindi raw sa akin... hindi nila malalaman na may nangyari na kay May. At isa pa... doon sa isang lalaki na tumulong rin kay May. Kaya sila na lang ang magbabantay dito. Pinahatid pa nila ako kay Ryouhei, wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanila.
Kahit na gusto kong makita 'yon... naisip ko na hindi pala pwede. Nalanghap ko ang dugo niya, kaya nakakaramdam ako ng uhaw at pagka-gutom ngayon.
Pag-alis ng ambulansya ay naiwan kaming dalawa Ryouhei sa labas ng kainan na 'yon, marami pa ring tao pero nagsimula ng maglakad si Ryouhei kaya sumunod na ako sa kaniya.
Ilang minuto na kaming naglalakad at ang awkward lang dahil... sa katahimikan na pumapailanlang at dahil malalim na rin ang gabi. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong 1:30AM na ng madaling araw.
Ang daming nangyari sa loob ng dalawang oras. Nagtataka ako kung anong ginagawa ng lalaking kumarga kay May kanina sa banyo. Bakit nandoon siya... at parang hindi siya nakikitaan ng takot.
Normal lang ang mukha niya kanina kahit na duguan ang taong karga-karga niya, at sino ba siya? Bakit ganun siya makatingin sa akin? Bakit ganun ang napansin ko sa mga mata niya?
"Ayos ka lang?" Napailing ako bigla dahil sa tanong ni Ryouhei sa akin.
"Bakit?"
"Iniisip ko si May," sagot ko.
Nagsabay na kaming maglakad sa gilid ng daan.
"Magiging maayos lang si May, hindi mo kailangang mag-alala." Sagot niya na para bang kumbinsido siya sa sinasabi niya.
Hindi na ako nagsalita. Napabuga na lang ako ng hangin, kung hindi sana ako pumunta sa park at dumeretso na sa dapat kong puntahan... mangyayari pa rin kaya ito?
"Yuki," napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako.
Lumingon ako at nakita kong ilang hakbang ang layo naman sa isa't-isa. Nagtaka ako kasi nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Nakita kong inalis niya ang mga kamay niya sa bulsa ng jacket na suot niya at itinaas ang mga ito na para bang inaanyayahan akong yakapin siya.
*Ano nanamang trip ng isang 'to?*
"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Kanina ko pa yan tinatanong sa kaniya at para siyang tangang bigla na lang sumimangot.
Tumalikod na ako at nauna ng maglakad.
"Una na ako, ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko dito at hindi na siya muli pang nilingon.
Nakakailang-hakbang palang ako ay agad akong napahinto ng bigla kong maramdaman ang pagpulupot ng dalawang braso sa bewang ko. Sa sobrang gulat ay nakalimutan kong huminga bigla.
"R-Ryouhei..." Utal kong sambit habang nararamdaman ko ang unti-unting paghigpit ng hawak niya sa akin.
Napahawak ako sa braso niya at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin, pero hindi... mas humigpit pa ito lalo na ikinanlaki pa lalo ng mga mata ko.
"R-Ryouhei... bitawan mo--" naiwan lang lahat ng sasabihin ko ng bigla niya akong hinarap sa kaniya at muling niyakap.
Doon... naamoy kong muli ang matamis na bagay na ilang beses na tumatak sa isip ko. Natulala ako habang naamoy ko 'yon...
Wag mong sabihing...
*Sa kaniya nanggaling ang matamis na... dugo na 'yon?*
Mabilis na mabilis ang pagtibok ng puso ko, at ang gusto ko lang ngayon ay ang ibaon ang mga pangil ko sa leeg niya at inumin ang dugo sa buong katawan niya.
*This is the first time that i encounter such sweet smell...*
Pero bigla ko siyang itinulak palayo sa akin, dahil naramdaman ko masakit at paghapdi sa labi ko.
Oo... kinagat ko ang sarili kong labi upang mapigilan ko ang sarili kong gawin kung anong pinag-uutos ng sarili ko sa akin.
"Y-Yuki..." Gulat na gulat siyang tumingin sa akin. Dahil doon ay tumakbo na ako palayo sa kaniya.
Narinig ko pang isinigaw niya ang pangalan ko pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makauwi. Para maikulong ko ang sarili ko sa loob. Para magpigilan ko ang gusto kong gawin sa kaniya.
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko gamit ang likod ng palad ko. Nakita ko ang malapot at mainit na dugo roon na nanggaling sa labi ko... shit!
*Bakit si Ryouhei pa?!*
•••