Chapter 10 - Bloodsucker

•••

Mahihinang pag-iyak ang lumalabas sa labi ko habang pinipigilan ko ang dugong patuloy na lumalabas sa leeg niya. Kitang-kita ko ang kagat ng lalaking 'yon sa leeg niya, kaya kong takpan ang bagay na 'yon pero... hindi ako ang kumagat sa kaniya.

Tahimik kong nilingon ang lalaki sa likod ko, ngayon ay nakadilat pa ang mga mata niya habang wala siyang buhay na nakabulagta sa lapag.

Napapikit ako... gustong-gusto kong magalit. Gusto kong mainis... pero hindi ito ang tamang oras para doon.

Kung hindi agad darating si Hajime... baka hindi na namin mailigtas pa si Ryouhei. Muli ay lumandas ang luha sa mga mata ko. Sumasakit ang dibdib ko dahil wala akong magawa kundi ang manatiling nakaupo sa tabi niya at pigilan ang paglabas ng dugo niya.

"Hajime... please dumating ka na..." Bulong ko at tumingin sa nakapikit ng si Ryouhei.

Bigla akong tinamaan ng matinding kaba at takot kaya mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya. At doon, mas lalo akong naiyak ng maramdaman ko ang mabagal na pagtibok ng puso niya.

"H-Hindi..." Hinawakan ko ang mukha niya, tinapik ko ang pisngi niya. "R-Ryouhei? Ryouhei, gumising ka please... hindi ka pwede mamatay! Please!" Iyak kong sigaw at pinipilit siyang gisingin.

Nanginginig ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muli akong napaiyak at napayuko na lang habang hawak ang kamay niya.

"Ryouhei... parang awa mo na--"

"Yuki!" Napatingala ako ng marinig ko ang boses ni Hajime.

Nabuhayan ako ng makita ko siyang tumatakbo papunta sa pwesto ko. Pero bigla siyang napatigil ng makita niya ang itsura ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya... hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang mga nangyayari ngayon... pero mas kailangan ko na munang intindihin ang kalagayan ni Ryouhei.

Hindi siya pwedeng mawala!

"H-Hajime... tulungan mo si Ryouhei please..." Mahina kong pagmamaka-awa dito habang patuloy sa paglandas ang luha sa mga mata ko.

Matapos niyang mapatigil ay lumapit siya sa pwesto ko at mabilis na hinawakan ang leeg at palapulsuhan ni Ryouhei. Wala pa rin itong malay na nakahiga sa malamig na semento.

"Mauna ka ng pumasok sa sasakyan. Siguraduhin mong nakayuko ka kapag pumasok ka sa loob. Ako ng bahala kay Ryouhei." Sambit niya.

Magsasalita sana ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang tignan pang muli si Ryouhei na pinipilit akayin ni Hajime.

Tumakbo ako papunta sa sasakyan at pumasok doon ng hindi lumilingon o tumitingala man lang. Nang maka-upo ako ay siya namang biglang pagbukas ni Hajime sa pinto.

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng itabi niya sa akin si Ryouhei na punong-puno at balot ng sarili nitong dugo. Hindi ako makapagsalita... paano siya nakapunta dito ng ganun kabilis?

Pumasok siya sa driver seat at may ibinigay sa akin. Isang sumbrelo.

"You need this." Sambit niya at agad ko naman iyong kinuha mula sa kaniya at isinuot iyon sa ulo ko.

Muli ay inalalayan si Ryouhei na nasa tabi ko.

"Saan ka nakatira?" Tanong niya at saka ipinaandar ang sasakyan niya.

"H-Ha? B-Bakit? Kailangan natin siyang dalhin sa--"

"Sa kalagayan niyong dalawa, hindi ko kayo pwedeng dalhin sa ospital. Sabihin mo na lang kung saan kung ayaw mong mamatay sa harapan mo mismo si Ryouhei." Dahil sa sinabi niya at napilitan akong sabihin sa kaniya kung saan ako nakatira.

Hanggang sa huminto siya sa harap ng apartment ko. Agad niyang kinuha si Ryouhei at binuhat ito sa likod niya kahit na nadadamay na ang damit niya dahil sa dugo na nanggagaling dito ay wala siyang pakiaalam doon.

Pagpasok namin sa loob ng apartment ay agad-agad niyang ibinaba sa papag si Ryouhei na ikinagulat ko.

"A-Anong ginagawa--" nabigla ako at parehas na nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hawakan ang mukha at balikat ni Ryouhei at isinubsob ang mukha niya sa leeg nito.

Natutop ko ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makapagsalita. Punong-puno ako ng pagtataka dahil bakit niya ginagawa 'yon kay Ryouhei? Lalapitan ko sana siya ngunit agad niyang inilayo ang sarili sa leeg nito at pagtapos ay iniluwa ng sarili niyang bibig ang dugo sa tabi niya nanggaling mismo kay Ryouhei. Natulala ako ginawa niya at mas hindi ako nakagalaw dahil doon.

Pero mas nanlaki ang mga mata ko ng magtagpo ang mata naming dalawa.

Nagliliwanag ang pares ng kulay pulang mga mata niya shabang nakatingin sa akin.

Agad akong napaatras... ibig bang sabihin nito...

"Kumuha ka ng bagay na makakapagsalok sa dugo niya. Kailangan kong maialis ang venom ng kumagat sa kaniya. Kung hindi mas lalo itong kakalat, at worst may tendency na baka..." Tumingin siya kay Ryouhei. "Mamamatay siya." Hindi ako makagalaw.

Pakiramdam ko isang balde ng malamig na tubig ang ibinuhos sa akin. Paanong ang kalma niya lang na nakatingin sa akin? B-Bakit?

"Yuki! Bilisan mo kumuha ka na!" Sigaw niya na nagpagulat sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang kumuha ng bagay na ipinapahanap niya. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin ko, bakit... paano...

"Yuki!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at agad na ibinigay sa kaniya ang hinahanap niya. At doon niya iniluwa ang dugo na kinuha niya galing sa kagat na nasa leeg ni Ryouhei.

Kumalat ang matamis na amoy ng dugo niya pati na rin ang masangsang na amoy na 'yon sa hangin. Ang uhaw na naramdaman ko kanina ay tila ba bumalik dahilan para mapaupo ako sa harap ng dugo na nakukuha ni Hajime mula dito.

Paulit-ulit niyang ginawa 'yon hanggang sa maipon na ang mga dugong 'yon. Hanggang sa makita kong wala ng tumutulo o lumalabas sa leeg nito mismo.

At bago ko pa man magawang mailagay ang mga daliri ko sa dugong nasa lagayan ay bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko ng malanghap ko ang dugo na 'yon.

Napatingin ako sa harap ko, si Hajime, sa hintuturo niya... tumutulo doon ang dugo mula sa daliri niya.

"Yuki," tawag niya at saka siya lumingon sa akin.

Nagliliwanag ang mga mata niya, kasabay ang halimuyak ng dugong nagmumula sa kaniya.

"Sipsipin mo ang dugo na ito at ipainom mo sa kaniya." Sambit niya.

Sa gulat ko ay agad akong napatayo at napaatras.

"A-Anong sinasabi mo? Anong sipsipin? Nababaliw ka na ba?! Parehas tayong bampira--"

Bigla siyang umiling sa sinabi ko. Muli siyang tumingin kay Ryouhei, nakikita ko na nagsisimula ng mamutla ang balat nito.

"Ipapaliwanag ko ang lahat-lahat sayo mamaya. Sa ngayon... ikaw lang ang may kakayahang makapagliligtas sa kaniya." Sagot niya at saka inilapit sa akin ang kamay niya kung saan kitang-kita ko ang dugo mula sa daliri niya.

Kaya ko ba talagang gawin? May tendency na mamamatay si Ryouhei at may tendency rin na ang uhaw ko ang magpagalaw sa sarili ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko.

Pero nakikita ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa kaniya. Lumuhod ako sa kabilang gilid ni Ryouhei, hinawakan ko ang kamay ni Hajime. Hinawakan ko ang daliri niya at dahil doon lumabas lalo ang dugo mula sa kaniya.

Mahalimuyak ang dugo na nalalanghap ko mula sa kaniya. Nagkatinginan kami sa isa't-isa, muli kong tinignan si Ryouhei.

Kung ako ang may kakayahang makaligtas sayo, kung magigising ka man sa gagawin ko, kung malaman mo man kung sino ako... tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo sa akin. Dahil in the first place, hindi ito ang tirahan na dapat para sa akin.

Para sa amin.

Inilapit ko ang daliri niya sa bibig ko at ng malasahan ng sarili kong dila iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng uhaw. Nagugutom ako. Gusto kong uminom ng dugo.

Pero pinigilan ko 'yon. Sinipsip ko ang dugo na nagmumula sa kaniya at ng sinabi niyang tama na ay binitawan ang inalis ko sa bibig ko ang daliri niya.

Sinabi niya sa akin na ipainom ko daw ito kay Ryouhei. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Ibig sabihin 'nun... mahahalikan ko siya?

"Ano pang ginagawa mo? Wala na tayong oras, Yuki. Mamamatay si Ryouhei o gagawin mo ang sinabi ko?" Seryoso niyang sambit.

Napapikit ako. Hinawakan ko ang mukha ni Ryouhei, bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.

Ililigtas kita. Kahit na ano mang mangyari.

Hinawakan ko ang pisngi niya at ng magdikit ang labi namin doon ko ibinigay ang dugo na mula kay Hajime.

Nang matapos 'yon ay pinunasan ko ang bibig ko at muling tumingin kay Hajime. At ang huling ipapagawa niya sa akin...

"Isarado mo ang sugat sa leeg niya, kaya mo naman sigurong gawin 'yon hindi ba? Gawin mo na agad." Bigla siyang tumayo at kinuha ang lagayan na 'yon na punong-puno ng dugo.

Lumabas siya ng apartment ko at naiwan akong mag-isa sa tabi ni Ryouhei. Kitang-kita ko ang dalawang sugat mula sa leeg niya.

Hindi man lang ba niya ako bibigyan ng second thoughts tungkol sa gagawin ko? May posibilidad na mainom ko ang dugo ni Ryouhei hindi niya ba alam 'yon?! oh nananadya lang siya?

Isarado... kaya ko bang isarado ang sugat niya?

Bakit pa ba ako nag-iisip? Eh kailangan na kailangan ko na ngang gawin?

Inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at ididikit ko na sana ang labi ko sa balat niya ng marinig ko ang boses ni Hajime.

"Make sure na hindi mo iinumin ang dugo niya, Yuki. Alam kong uhaw na uhaw ka na." Rinig kong paalala niya sa akin.

Ilang beses akong napalunok dahil nalalanghap ko na ang dugong ilang araw ring laman ng isipan ko. At ngayon... nasa harapan ko na.

Mabuti naman.

Tumango ako sa sinabi niya at narinig ko na lang ang muling pagsara ng pinto. Hindi pa pala siya lumalabas kanina.

Huminga ako ng malalim at napatitig sa mukha niya, sa mga mata niyang nakapikit, sa matangos niyang ilong at sa labi niya. Muli akong napalunok at ginawa ko na lang ang dapat kong gawin.

May kakayahan ang saliva naming makapagpasarado ng sugat mula sa sarili naming kagat, pero sa pagkakataong ito hindi ko alam kung magsasarado ito... lalo na kung hindi galing sa akin ang kagat na iyon.

Sumikip ang dibdib ko mabilis kong inalis ang bagay na 'yon sa isipan ko. Nang matapos ako ay pinakatitigan ko ang leeg niya... at dahan-dahang nawala ang sugat mula doon.

"Mabuti naman at nagsarado na." Muli ay napatingin ako kay Hajime na nakasandal sa pinto.

Nakatingin siya sa akin... nakatitig ang pula niyang mga mata sa akin.

"Ngayon... ipaliwanag mo na ang lahat. Bakit isa ka ring... Bampira?"

--

Matapos naming pagtulungang buhatin si Ryouhei papunta sa kwarto ko at palitan ito ng damit ay nanatili kaming dalawa sa kusina. Ako na nananatiling tahimik at nakatitig sa kawalan at siya naman na umiinom ng wine na hindi ko alam kung saan niya nakita o nakuha man lang.

Tumingin ako sa kaniya at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko na nagliliwanag ang pulang mga mata niya. b-bakit ganun na lang niya ipakita ang mga mata niya sa akin?

Hindi ba siya natatakot na baka may pagsabihan ako?

"Hindi mo na magagawa 'yon, Yuki." Tapos bigla siyang tumingin sa akin.

Ngumiti siya na parang wala lang, Teka? Nabasa niya ba ang iniisip ko?

Napabuntong-hininga ako kasabay ang muling pagtingin ko sa pinto ng kwarto ko dahil nandoon si Ryouhei… tulog at wala paring malay. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, dahil once magising si Ryouhre at maalala niya ang mga nakita niya niya ngayon… may posibilidad na… layuan niya ako dahil nalaman na niyang hindi ako kagaya niya.

Na isa akong Bampira?

Bakit namomroblema pa ako sa mga bagay na 'yon kung may mga ipapaliwanag pa sakin si Hajime? Hindi ko pa nakakalimutan ang gusto niyang ipagawa sa akin ng mga sandaling 'yon.

"Magpaliwang ka na, Hajime hangga't hindi pa ako—"

"Anong gusto mong unahin ko?" Tanong niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang maglakad palapit sa akin. Ibinaba niya ang kopita ng alak na hawak niya sa lamesa sa harap ko, at saka niya ako tinitigan gamit ang nagliliwanag niyang pulang mga mata.

Napaatras ako habang nakatingin rin pabalik sa mga mata niya.

"Anong mga tanong mo? Susubukan kong sagutin ang mga 'yon dahil alam kong masyadong kang nagulat sa mga nasaksihan mo kanina." Panimula niya at saka umupo sa katapat kong upuan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang mga mata niya at hindi ko alam kung nanakot ba siya o hindi.

Ngumiti siya bago sagutin ang mga tanong ko na kanina gumugulo sa akin.

"Una ay kung paano ka... naging isang bampira kagaya ko?" Tanong ko na bigla niyang tinawanan.

Nagtaka ako doon ngunit naghintay pa rin ako sa isasagot niya sa akin.

"Hindi ka dapat magtaka, Yuki. Hindi lahat ng tao na makikilala mo... ay tao talaga. Minsan ang iba sa kanila, kagaya mo, kagaya ni Ryouhei o kagaya ko." Sagot niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang itinatatak ko sa isipan ko ang mga sinasabi niya sa akin.

"Pasensya na rin kung nagulat kita sa biglaan kong paglalabas ng anyo kanina. Kailangan ko na ring gawin 'yon dahil nakita na rin mismo ng dalawang mata ko ang itsura mo." Ani niya.

Kaya pala hindi man lang siya nakitaan ng takot kanina ng makita niya akong ganoon ang itsura. Napatingin ako sa mga kamay ko, nawala na ang mahahabang mga kuko at pangil ko lalo na ang kulay pula kong mga mata kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang iyong nawala.

"Sino ka ba talaga, Hajime?" Sa pagkakataong itanong ko iyon sa kaniya ay lumawak bigla ang ngiti sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong nginingiti-ngiti niya ngunit nagulat na lang ako ng bigla kong maramdaman ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga at ang una kong gustong gawain ay ang makalayo sa lugar na kinauupuan ko.

Mabilis akong napahawak sa dibdib ko, biglang kong naramdaman ang biglang paghaba ng mga kuko ko pero hindi ko na iyon inintindi pa dahil... ang mas ikinakatakot ko ay ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng sobra para sa buhay ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Si Hajime, mas lalong tumingkad ang pulang kulay ng mga mata niya at ang mas lalo kong naramdaman ang biglang pagbigat ng kung ano sa paligid ko.

"Kanina ko pa gustong marinig ang tanong na yan mula sayo, Yuki." Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at ng ilang hibla na lang ang layo nito ay bigla siyang bumulong.

"Kung sino ba talaga ako."

Mabilis ko siyang itinulak palayo mula sa akin at halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil gusto kong lumayo mula sa kaniya. Sobrang lakas kung anong inerhiya ang nanggagaling sa kaniya at halos hindi ko 'yon makayanan.

Kung parehas kaming Bampira, bakit hindi ko makayanan ang kung anong inilalabas niya? Hindi ba dapat kaya kong indahin 'yon dahil parehas lang kami?

"Good question again, Yuki." Sambit niya na ikinatingin ko mula sa kaniya.

Anong sinasabi--

Wag mong sabihin na...

"Nababasa mo ang nasa isipan ko?" Tanong ko mula dito pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay itinungga niya ang laman ng baso na nakapatong sa lamesa.

Nang maubos niya iyon ay muli siyang tumingin sa akin.

"Kahit na parehas tayong ng lahi, hindi ibig sabihin 'nun ay parehas tayong nagmula sa iisang laman at dugo." Sagot niya na ipinagtaka ko.

Anong ibig sabihin niya doon?

Bigla siyang napatingin sa bintana at muling tumingin sa akin.

"Kailangan ko ng umalis. Magkita tayo mamaya, tatawagan kita at para na rin sagutin pa ang ibang katanungan mo. Pero sa ngayon, bantayan mo muna si Ryouhei at kapag nagising siya... sabihan mo kaagad ako." Paalala niya at agad na kinuha ang susi na nakapatong sa lamesa.

Lalabas na sana siya ng pinto ng muli akong magtanong sa kaniya.

"S-sandali may tanong ako," Pagtawag ko dito kaya huminto siya bago buksan ang pinto.

Lumingon siya sa akin.

"Idagdag mo na lang yan sa mga itatanong mo. Kailangan ko ng umalis" Bigla nitong sabi at hinawakan ang sedura ng pinto.

Pero agad ko siyang piniglan. Muli siyang lumingon sa akin.

"Yuki--"

"T-Tungkol ito kay... Ryouhei," Ani ko na ikinatitig niya sa akin.

"Tungkol kay, Ryouhei? Aning tanong ba yan?" Muli niyang tanong pabalik sa akin.

Napalunok ako at nagaalangan akong itanong 'yon mula sa kaniya. Alam kong marami akong katanungan at lahat ng 'yon ay gusto ko agad niyang masagot.

Pero ang tanong na ito ay may kinalaman kay Ryouhei...

"M-may posibilidad bang maging... Bampira si Ryouhei?" Tanong ko dito.

Matagal niya akong tinitigan at saka tumaas ang gilid ng labi niya.

"I want you to find out about it. If he's going be a Vampire like you or not or in any worst... if he's going to be dead." At agad na siyang lumabas at iniwan akong gulong-gulo sa kinatatayuan ko.

He's going to be a Vampire like me or not...

Or he's going to be... Dead... like the others as well.

•••