Chereads / ROYALTY SERIES #1 : The Only One / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Nandito kami ngayon sa condo niya, pagka pasok mo pa lang amoy mo na ang pabango ng panlalaki. Jo Malone.

Black and Gray ang tema, halatado mo talaga na lalaki nakatira dito.

"Do you want to eat something?" tanong niya sakin habang tumitingin ng kung ano sa ref.

"Anything, Brother." Saogt ko.

Naupo na ako sa sofa sabay kuha sa remote at binuksan yung TV. boring, wala na bang ibang channel?

Inihinto ko sa Channel 25 since Anime ang palabas. kahit bibihira na lang ako manood nito, wala akong choice dahil ito lamg ang channel na mas ok panoorin.

"Nga pala, Sasama ako sayo bukas ha? aasikasuhin ko yung requirements mo para makapag transfer kana." pagpapaliwanag niya sakin.

Wow! tuamtagalog na siya ngayon ah? dati pag uuwi siya dito nakaka kunot lagi noo niya sa pinagsasabi ko, ako naman na may malakas ang topak sinasadya kong magtagalog dahil alam kong hindi niya naiintindihan.

Pinag aralan na din pala niya ang pagsasalita ng tagalog, kung tutuusin madaming alam na lenggwahe si kuya dahil siya ang madalas na pumupunta sa iba't ibang bansa kapag may meeting ukol sa kapayapaan.

Yup! Siya ang representative namin, since siya ang nakaka tanda. Sumeryoso ang aking mukha sa susunod na naisip. humiga ako at tinakip ang braso sa mukha ko.

Malabo ang lahat sa hindi ko malaman na dahilan, hindi ko masyado maalala ang childhood ko, at pag pinipilit ko sumasakit ng husto ang ulo ko at hirap ako huminga. sabi nila nagkaroon daw ako ng post traumatic trauma.

Binaba niya yung juice sa may table, prinsesa na naman ako nito.

"Ok" Maikling sagot ko.

Wala naman kasi akong friends dun sa school kaya wala naman sakin kung lilipat ako, naging kasabayan? oo pero wala akong itinuturing na best friend na kasama o kausap mo palagi at laging nandyan sa tabi mo.

Ayoko den talaga makipag kaibigan lalo na mas gusto kong pinoproblema lang ang sarili ko.

Busy lang ako sa panonood ng magtanong uli si kuya.

"Nainom mo ba ang gamot mo?"

tumango lang ako bilang sagot. ang totoo, tinatapon ko mga gamot ko.

pagka lipas ng ilang minuto, nilapag na ni kuya ang mga niluto niya. tahimik lang kaming kumain at pagkatapos ko siyang tulungan sa hugasin ay pumasok na din agad ako sa kwarto ko.

pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot na kama. naka titig lang ako sa kisame.

Isang mabilis na memorya ang pumasok sa utak ko. napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit.

"FAIREN!"

Isang boses ng batang lalaki ang naririnig ko, sino ka? parte ka ba ng nakaraan ko?

"We need to get out of here fast."

Bakit? bakit ko naririnig ang boses niya? sino ba sya?

Kinakaa ko ang aking sarili dahil hindi na naman ako makahinga.

Tunog ng alon na nagmumula sa dagat naman ang naririnig ko. Isang bata ang pilit na inaabot ako ngunit dahil sa lakaa ng agos ng tubig eh lumalayo siya. malabo ang kanyang mukha, kaya hindi ko makita ang kanyang hitsura.

Grabe ang nagiging paghahabol ko ng hininga sa bawat minuto na lumilipas.

Ikinalma ko ang sarili ko at paunti unti akong kumuha ng hangin.

paulit ulit na ganun ang pangyayari sa tuwing may bumabalik na alala, ngunit malabo ang mga imahe at hindi lahat naipapakita.

Agad akong bumangon at inihilamos ko ang aking mukha gamit ang palad ko.

Gusto kong maalala lahat, bakit ganun? anong nangyari sakin para makalimutan ko?

Tinatanong ko sina Dad ukol sa nangyari 12 years ago pero wala silang binabanggit sakin. mas mabuti na daw na wag kong pilitin, hayaan ko daw magkusang bumalik.

Ilang minuto pang nakalipas hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa katok ni kuya at sa malakas niyang boses.

"Fairen, Gising na, aalis pa tayo."

onti onti akong dumilat, tumama ang sikat ng araw sa mata ko kaya napa pikit ako, peste! di masakit.

ilang minuto pa akong nakahiga bago bumangon at dumiretso sa banyo para maligo at makapag bihis.

Nang naka ayos na ako eh lumabas na ako ng kwarto, sakto naman na naka hain na si kuya ng agahan.

"Kain na mahal na prinsesa" tunog ssarcastic na sinabi nya.

"Salamat alipin ko."

Nagdiretso ako sa pag upo upang makakain na.

Nakita ko naman ang pag bago ng ekspresyon niya kaya napatawa ako.

"Galing mo diyan, tsk"

tumawa lang ako, pikon.

Umupo nanrin siya sa kaharap na upuan at pinag sandok ako ng kanin at bacon.

pinanood ko lang siyang magsalin ng mga pagkain sa pinggan ko. sino kita mo to, ginagawa akong prinsesa. alipin nga talaga hahaha.

Nagsimula na din kami kumain, nasabi ko na bang Gwapo ang kuya ko? wala naman pangit samin. kahit sino kaya niya mapa ibig, kaya hindi ko alam bakit wala pa din siyang natitipuhan.

Black ang kulay ng kanyang mata, Ma amo ang kanyang mukha pag hindi seryoso ang ekspresyon niya. dagdag pa ang makapal at mapupula niyang labi. pati ang matangos niyang ilong.

Nasa kolehiyo na din siya, matalino siya na kung tutuusin inalok siyang dumiretso ng 4th year dahil sa talino nya. pero tinanggihan niya ito, mas gusto niya daw makasabay ang mga kasing edad niya.

Nang matapos na kami kumain eh niligpit muna namin ang aming pinagkainan tsaka umalis para pumunta sa school.

Last day ko na pala.

Pag dating namin sa Main gate agad akong bumaba na sinundan naman ni kuya, pagbaba niya pa lang kapansin pansin ang pag lingon ng mga estudyante sa katabi ko, baka kuya ko yan?

Binalewala lang sila nitong isa na para bang sanay na sanay siya na nililingon. edi ikaw na pogi.

Habang papalapit kami sa Entrance ng building, nakita kong naka tingin sakin si Jaxon mula sa 2nd floor. seryoso mukha niya. kelan pa hindi? kulang na lang maging permanente na niya yan.

"Sis! mauuna na ako sa Guidance, pumasok kana. susunduin na lang kita mamaya." sabi niya.

Binigyan niya muna ako ng halik sa noo bago tuluyang umalis. nagdiretso lang ako sa pagpasok, hindi ko pinansin ang mga titig at bulong bulungan nila.

Pagka tapak ko sa 2nd floor may biglang humila sakin.

"Jaxon, ano ba?"

Hindi siya sumagot, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan.

"tsk!"

Galing mo, nung nakaraan pa ako nababadtrip sa kanya, ano bang problema niya? hinayaan ko na lang siya na dalhin ako kung saan.

Nang makarating kami sa roof top bigla niyang binitawan ang kamay ko at sinandal ako sa pader, ginamit niya ang dalawang kamay niya para i corner ako.

"What's your problem, Jaxon?" seryosong tanong ko.

Seryoso ang mukha niya, at nakatitig lang ito sakin.

"Why? why are you in my mind?"

kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ano ba sinasabi niya?

"I can't erase you in my mind, every time that i hear your name, your face suddenly pop up."

napatulala ako sa sinabi nya.

"I get it, you're pretty and smart, but i don't know why i suddenly become interested in you?" pagpapatuloy niya.

Wala akong masabi, natulala lang ako sa sinasabu niya.

Ramdam ko ang pagkainins niya sa pag tahimik ko, sino bang hindi matatahimik sa biglang pag amin niya?

Tatalikod na sana ako pero agad din niya akong hinigit at ang ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako.