Simula nung nagising ako dahil sa panaginip, hindi na ako nakatulog pang muli.
Dumiretso na ako sa banyo para maghilamos at magbihis.
Sa loob ng isang taon, madalas ko mapaniiginipan ang pangyayari na yun. ipinapaalala sakin nito na mahina ako, na hindi ko kayang sumagip ng buhay ng iba.
Bakit nga ba? Ano bang ikinakatakot ko? kung tutuusin mas malakas ako kesa sa natitirang miyembro ng Grimoire.
Dahil sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa School.
"KASSIE!!!"
Lumingon ako para malaman kung sino ang tumatawag sakin. Nakita ko si Raile na tumatakbo papalapit sakin.
Kaibigan ko siya mula nung 1st year, isa sa mga member ng cheerleading squad. Matalino at Maganda. hindi kami napapaghiwalay dahil hindi naman kami naalis sa iisang section.
"Sabay na tayo." magiliw niyang sabi.
Tumango lang ako at nauna nang naglakad.
"Ang tahimik mo ngayon ah?" usisa niya.
Umiling lang ako, "Hindi kasi ako nakatulog ng maayos."
Nagulat ako nung bigla syang humawak sa braso ko.
"Dahil ba to sa gagong yun? hayst sinasabi ko na nga ba."
Ginulo ko na lang ang buhok niya at nauna nang dumiretso sa room.
Habang nakikinig ako sa discussion, may bumulong sakin.
"Ang tahimik mo."
Bulong ng katabi ko, kailan pa siya naging usisero? Napasimangot na lang ako. madalas naman akong tahimik ah? Hindi pa sila nasanay.
Napabuntong hininga ako at umiling na lang. nakikita ko sa gilid ko na nakatitig siya sakin. Hindi ko maiwasan maging uncomfortable, lalo na hindi ako sanay na ganyan siya.
Kinuha ko ang ballpen at papel at agad itong sinulatan tsaka ipinakita sa kanya.
May iniisip ako, gusto mo ba makisali din? willing naman ako ibigay sayo problema ko. eme!
narinig ko ang pagpipigil niya ng tawa. hindi ko siya tinignan at hindi na rin naman siya nangulit pa, siguro alam niya na madami ako iniisip.
"Ok! Class, pinapasabi sakin ni Miss Castro na pumunta daw kayo sa GYM para sa PE niyo. "
Pagka alis ni Mam tsaka kami nagsi tayuan at lumabas para makapagpalit na din ng PE. active naman ako sa sports, gusto ko nga lagi na nagpapractice, kaso wala ako sa mood ngayon. pero no choice ako, ayoko magkulang sa performance.
dumiretso na ako sa may locker room at hinanap yung locker ko para kunin yung damit ko at nagsimula na din magbihis.
pagkabihis ko agad na din akong lumabas ng locker room, pagkalabas ko nakasalubong ko si Jaxon.
"Sabay na tayo."
Tumango lang ako at sinabayan siya sa paglalakad. yung iba naming mga kaklase halata sa kanila ang pagtataka pero nanatili silang tikom. ganyan naman sila, tikom sila sa kahit anong bagay, magsasalita lang pag ikaw mismo nagsalita tungkol sa issue.
"Nakita ko sila kahapon sa may bar, nakausap mo na ba siya?"
"Hindi, wala akong balak kausapin, isa pa alam din naman niya kung ano lang kami."
Sagot ko, kung tutuusin wala naman talaga akong karapatan magalit, may kasunduan naman kami ni Josh dati. ewan ko ba?
"i-itutuloy mo pa din ba ang paglipat?"
tanong niya, tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang kalungkutan. tumango na lang ako.
Nakarating kami agad sa GYM, at gaya ng inaasahan, nakalapag na sa table ang mga gamit. kakaiba trip ni Mam, kung hindi Martial Arts, Taekwondo o minsan nga karate. ngayon naman archery.
Isa ang archery sa pinaka hilig ko, sunod sa billiard, badminton at pagsasayaw.
Nagkumpulan muna kami sa may bench ng marinig namin ang pito.
"For our PE, we will do archery today. Each of you will shoot a 3 for you to get a score. The person who shoots the red mark will have a prize."
Paliwanag ni Mam Castro samin, sisiw.
"First!"
Isa isa na kaming tinawag alphabetically, kung tutuusin wala naman magaling sa kanila dahil karamihan hindi naman marunong ng archery.
Bored ko silang pinanood, hanggang sa tawagin na si Jaxon.
"Next, Mister Garcia."
Bumaba si Jaxon mula sa kinauupuan niya. dumiretso siya sa may table at kinuha ang pana at palaso. halata mo sa kilos niya na may alam siya dahil hindi tulad ng mga nauna eh hindi siya nahirapan iassemble ang mga ito.
Itinututok na niya ang pana sa target, napangisi ako, maganda ang kanyang postura. binitawan niya na ang palaso at tumama ito sa nuebe.
"Woahhh!" hiyawan ng mga kaklase namin, dahil na rin siguro na mag isang nakatama sa target, dahil ang mga nauna ay hindi man lang pumasok sa bilog ang mga palaso nila.
"not bad"
bulong ko, kinuha niya na ang pangalawang palaso at muli itong itinira, tumama naman ito sa otso.
Kinuha na niya ang panghuling palaso at mabilis itong itinira. nuebe.
"WOOHH! GALING MO JAXON HAHAHAHA"
Hiyawan nila, magaling pala siya.
"Next, Grimoire."
"Basta si Idol, papalakpakan ko WOOOHH"
Sigaw ni kenth. agad naman nagtawanan ang iba naming kaklase.
Umiling na lang ako at bumaba na para pumunta sa gitna.
Sinuot ko na chest guard at kinuha ang pana at palaso, inassemble ko ito habang pumu pwesto sa gitna. ipinuwesto ko ang pana sa aking harap at dahan dahan hinila ang bow string. nang ok na, binitawan ko ang string.
"WOAH!"
Nasa may gitna mismo ng gold ring ang palasong itinira ko.
kita sa kanila ang pagkagulat, well, wala naman akong pinagsabihan na magaling ako dito, lagi naman silang nagugulat dahil magaling naman daw ako sa kahit anong sports.
Kinuha ko na ang pangalawang palaso at ini attach ito sa pana, inasinta ko ang target tsaka pinakawalan ang bow string.
"pasok na naman"
bulong ko, kinuha ko na ang huli at dali kong inayos sa pana, sabay ipinuwesto at itinira.
"Ang galing"
"Grabe no? sa lahat ng naging PE natin lagi siyang nag-excel."
rinig kong usap usapan nila.
"Good job, Miss Grimoire. ok next."
pinatong ko na ang gamit sa lamesa at itinanggal ko na ang suot kong chest guard.
Bumalik na ako sa bench, at ang mga loko loko nakipag apir pa sakin. batok ang isinukli ko sa kanila at bumalik kung saan ako naka pwesto kanina.
Ramdam ko na may nakatitig sakin at hindi ko na kailangan malaman pa kung sino yun.
Sinilip ko siya sandali, katabi niya ang mga kaibigan nya at mukhang may pinag uusapan, pero ang mata niya nasa akin.
Hindi ko alam kung bakit siya ganyan, simula nung nakita namin si Josh na may kahalikan eh lagi siyang nakatitig, kung hindi nakatitig sasabayan niya ako.
Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang iba.
"Class, pwede na kayo bumalik sa room, and Miss Grimoire, puntahan mo ko bukas para sa premyo mo."
Tumango na lang ako at nauna nang bumalik sa room. inaantok ako.
Nauna akong nakabalik sa room, hindi na ako nagpalit kasi hassle, agad ako umupo sa pwesto ko at dinukdok ang sarili sa lamesa. naramdaman ko na den na may umupo sa tabi ko, at alam kong siya na yan. Ilang minuto pa ay naka idlip ako.
Nagising ako sa kalabit ng kung sino.
"Gising na."
Sabi ng kung sino.
Agad akong umayos ng upo at tinignan ang paligid, kami na lang pala natitira.
Kinuha ko ang gamit ko at naglakad na palabas. agad siyang sumunod sakin.
Wala kaming imik, at wag siya nagsalita dahil inaantok pa talaga ako.
malayo pa lang napansin ko na ang itim na Honda civic na naka parada sa harap ng school.
"pangit talaga ng taste sa kulay."
bulong ko, agad akong tumakbo papalabas ng gate. nakita kong lumabas si kuya Karsen mula sa drivers seat.
"Kuya!"
Agad ko siyang sinalubong ng yakap. namiss ko siya, ang tagal namin hindi nagkita.
"Namiss mo ba ako little sis?" natutuwang tanong niya
Tumango ako, agad din ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Bakit ka pala nandito?"
Usisa ko, hindi naman to pupunta dito ng walang dahilan.
Umiling siya, "namiss lang kita, bawal ba?" tanong niya.
"Hindi naman" sagot ko.
"Halika, pinagpa alam na kita sa Mama mo, sa condo ko muna ikaw matutulog."
Binuksan niya ang pinto sa driver's seat kaya agad din ako pumasok. umikot siya at pumasok na din sa Driver's seat.
"How's school?" tanong niya habang kinakabit yung seatbelt ko.
"Nakatayo pa den."
"pfft!"
Inistart na nya ang engene at nagsimula na siyang mag drive, mula sa bintana nakita ko si Jaxon na nakatitig sakin, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
"Weird!"