ARIANNE'S POV
Malapit na ang graduation ko ng sekondarya, iniisip ko kung saan ba ako mag-aaral ng kolehiyo.
Hindi pa kasi tumawag si Mama kaya hindi pa ako nakapag desisyon kung anong kurso ba ang kukunin ko.
gusto kong manging piloto, pero baka hindi kayanin ng budget ni Mama.
OFW lang si Mama sa bansang Kuwait.
Si Papa naman ay matagal nang patay. Natatandaan ko pa, walong taong gulang pa lamnag ako nang pumanaw si Papa dahil sa aksidente sa trabaho. Unang beses mag-abroad ni Mama noon dahil gusto nilang magkaroon kami ng sariling bahay. Pero ilang buwan pa lamang si Mama sa Kuwait ay naaksidente na si Papa.
Nagtatrabaho bilang lineman ng isang electric cooperative si Papa at aksidenteng nahulog siya mula sa poste ng kuryente. Dead on the spot si Papa dahil tumama ang ulo niya sa pader nang mahulog. Umuwi noon si Mama para ihatid namin sa huling hantungan si Papa. Medyo bata pa ako noon kaya hindi ko gaanong ininda ang pagkawala ni Papa. Sanay kasi akong malayo sa kanila dahil dito na ako lumaki kina Lola at Lolo. Paminsan minsan ay namimis ko rin sila lalo na kapag nakakakita ako ng masaya at buong pamilya.
Mula noon ay bihira na umuwi si Mama, kada dalawang taon na lang. Naiintindihan ko naman na akailangan niyang magtrabaho para sa kinabukasana naming dalawa at para sa pag-aaral ko. Hindi ako naging demanding na nagpapabili ng kung ano-ano dahil alam ko ang hirap niya sa ibang bansa. Minsan nga kapag tumatawag siya ng madaling araw ay katatapos lamang ng trabaho niya. Domestic helper lamang siya roon at hindi naman ganoon kalaki ang sahod niya.
Ibinibigay naman ni Mama ang lahat ng kailangan ko kaya hindi na ako humihiling pa ng kung ano-ano.
Noong 16th birthday ko ay niregaluhan ako ni Mama ng latest model ng cellphone kaya tuwang tuwa ako. Regalo na rin daw niya sa akin iyon dahil ga-graduate akong valedictorian.
"Oh, bakit naka mukmok ka pa diyan, gumayak ka na at pupunta tayo ng bayan para bumili ng isusuot ma sa graduation mo, hindi ka ba excited?" tanong sa akin ni Lola Cita.
"Okay na ako 'La, ganito na akong pupunta sa bayan sabi ko saka tumayo at ipinakita sa kaniya ang damit ko. Naka puruntong lamang ako at t-shirt ng maluwag. Para akong tambay lang sa kanto.
"Kuuu, eh hindi ka man lang ba maglalagay ng pulbos?" sabi niya. Si Lola kasi ang tipo ng babae na hindi lalabas ng bahay nang hindi presentable, kumbaga ay siya iyong Maria Clara noong kapanahunan niya. Pino kung kumilos si Lola hindi kagaya kong astang lalaki minsan kaya madalas akong mapagsabihan. HIndi bale dahin nandiyana naman si Lolo Isko para Ipagtanggol ako.
Minsan ay nagkaka tampuhan ang mga ito dahil sa akin. Ang gusto kasi ni Lola ay kumilos daw ako ng naaayon sa aking kasarian at ang sabi naman ng mahal kong Lolo ay kumilos at mag ayos daw ako kung ano ang kumportable para sa akin.
"Sakay na!" si Lolo Isko habang ipinarada ang tricycle sa harapan namin ng Lola.
"Huwag kang mag madali Isko at hindi pa nakapag handa itong si Arianne," si Lola Cita na inilabas ang pilbos at suklay sa shoulder bag niya.
Wala na akong nagawa nang simulan niyang suklayin ang mahaba kong buhok at lagyan ako ng pulbos sa mukha.
Nagkatinginan na lamang kami ng Lolo, kinindatan niya ako na ang ibig sabihin ay sundin na lamang si Lola.
Bumili kami ng dress na isusuot kong pan-loob sa aking toga. Bagong sapatos at bagong damit para kay Lolo, dahil nga sadyang mitikulosa si Lola ay marami siyang magagandang damit. Gusto ko kasi ay silang dalawa ang kasama ko sa aking graduation.
"Smile!" sabi ng aking pinsan habang kinukunan kami ng picture nina Lola at Lolo.
Sabay naman kaming ngumiti, naka handa na kami para pumunta sa aking graduation ceremony pero mag picture daw muna habang maayos pa ang mga suot namin.
"Oh, lahat tayo!" ang Lolo na hinila pa ang aking mga maliliit na pinsan na kanina ay nanonood lamang sa amin. Naki-picture na rin ang aking mga Tiya at Tiyo na kapit-bahay lamang namin.
"Cheese!" malakas na sigaw ng maliliitn kong pinsan. Kung titingnan ay larawan kami ng masayang pamilya, pero para sa akin ay kulang pa rin. Kung maaari sana ay nandito rin si Mama, siy ang dahilan ng lahat ng ito, kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako rito para tuparin ang mga pangarap namin. Alam ko, simula pa lamang ito at marami pa kaming pagdadaanan.
Pagdating namin sa school ay handa na at naka pila na ang lahat para sa gagawing grand enntrance para sa mga magsisipagtapos. Mabilis akong pumila at pumunta naman sina Lolo at Lola sa upuang nakatalaga para sa kanila.
Nagsimula ang ceremony hanggang sa tawagin ako para sa isang speech. Hindi ako gumawa at nagmemorya ng speech dahil sabi ng aking guro ay mas maganda raw na natural at galing sa puso ang aking mensahe sa araw ng graduation.
"Isang taos-pusong pagbati para sa aking kapwa magsisipagtapos, congratulations sa ating lahat," panimula ko.
"Sa mga bisitang narito, maraming salamat sa inyong pagdalo. Sa mga magulang at aming mga Guro na nag sakripisyo para kami ay makatapos, maraming salamat sa inyo," sabi ko habang inilibot ang aking paningin sa kanila. Tahimik ang lahat.
" At sa aking Ina na laging wala sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko, laging wala sa mga pasko at kaarawan ko," ibinaba ko ang aking tingin dahil gustong dumungaw ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko, marami pa akong gustong sabihin.
" Sa aking Ina na nagsasakripisyo para maihatid ako sa aking mga pangarap, aking Ina na nagpapakahirap para maibigay ang lahat ng mga kailangan ko," nagsimulang gumaralgal ang aking boses.
"sa aking Ina na patuloy akong sasamahan sa mga hamon ng buhay at tatayong Ama't Ina para sa akin, Mama, maraming salamat po," at tumingin ako sa karamihan, tumulo ang butil ng luha sa aking mga mata. Maging ang aking mga guro ay naantig sa aking pasasalamat kay Mama.Ibinahagi ko rin ang hirap at mga pagsubok bilang estudyante at kung paano namin ito nalampasan ng mga kapwa ko estudyante. Ang aming mga katuwaan at kapilyuhan sa iskuwela. Tinapos ko ang aking maikling talumpati sa mga salitang magbibigay lalo ng inspirasyon sa lahat ng naroon.
Nakababa na ako ng entablado ay patuloy pa rin ang palakpakan ng mga naroon. Ang hindi ko alam ay kanina pa naroon si Mama. Sinorpresa niya ako, umuwi siya para samahan ako sa aking pagtatapos. Siya ang nagsabit ng aking mga medalya dahil bukod sa pagiging valedictorian ay marami rin akong nakuhang awards.
"Congratulations anak! I'm so proud of you," sabi ni Mama habang isinasabit niya ang aking medalya.
"Salamat 'Ma," sagot ko at hindi ko mapigilang yakapin siya.
Tuwang tuwa sina Lolo at Lola, maging sila ay nasorpresa rin sa biglaang pag-uwi ni Mama.
Inanyayahan ko rin ang ilang kaklaseng malapit sa akin para a kaunting salo-salong ipinahanda ni Lola.
Dalawang buwan ang bakasyon ni Mama kaya medyo matagal naming siyang makakasama. Tinanong niya ako kung ano rawa ang balak kung kunin sa kolehiyo para habang maaga pa eh makapag hand na raw ako.
"Gusto kong maging Pilot 'Ma," pabiro kong sagot,
"Okay, kung iyan ang gusto mo, kailan mo balak mag exam at mag-enrol?" sagot niya, tiningnan ko siya para masigurong hindi siya nagbibiro. Seryoso nga!
"Talaga 'Ma?" hindi ako makapaniwala. Inaasahan ko kasing tutol siya tulad ni Lola, mag-teacher na lang daw ako. Eh sa hindi ko nga nakikita ang sarili ko sa pagiging Teacher. Retired Teacher kasi ang Lola ko.
"Akala ko ba iyan ang gusto mo?" balik tanong ni Mama sa akin.
"Hindi, I mean akala ko sasabihin mo rin ma-teacher na lang ako," sabi kong tumingin pa kay Lola sa di kalayuan at siguraduhing hindi niya narinig ang sinabi ko. Sesermonan na naman kasi ako 'pag nagkataon.
"Ihanda mo ang mga kailangan mo at luluwas tayo sa makalawa para ayusin ang pagtira mo kina kuya Arthur, doon ka muna habang nag-aaral mas kumportable akong mamalagi ka roon. Marami namang university malapit sa kanila," final na talaga ang desisyon ni Mama. Sa Maynila ako mag-aaral.
Nag-iisip naman ako paano na sina Lolo at Lola? Tila nahulaan naman ni Mama ang iniisip ko, "Lagi ka namang dadalawin ng Lolo at Lola mo," sabi niya.
Pumayag akong sa Maynila mag-aral, isa pa wala namang iskuwelahan para maging piloto rito sa amin.
Tumira ako kina Tiyo Arthur at Tiya Merced habang nasa Maynila. Mabilis ko namang nakasundo ang nag-iisa nilang anak na si Jasmine. Ito siguro ang nagmana sa ugali ng aming Lola Cita dahil hindi nito kayang lumabas ng bahay nang hindi naka ayos at presentable ang itsura.
"Cous, halika ayusan kita, malling tayo habang wala pang pasok," minsan ay aya niya sa akin.
"Wow! ang ganda!" palatak niya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Hindi na ako naka tanggi kanina dahil baka sabihin niyang kj ako.
At dahil puro puruntong at T-shirt ang mga damit ko ay pinahiram niya ako ng mini skirt. Pero hirap akong kumilos kaya nag request ako na kahit mini dress na lamang ang ipahiram niya sa akin. Pina pili niya ako sa kaniyang close, napakarami niyang damit kaya naguluhan ako, sa huli ay napagdesisyunan kong isuot ang isang kulay beige na bestida, sleeveless iyon at may kuwelyo. Tinernuhan ko lamang ng flat doll shoes na bili ni Mama.
Bagay naman sa akin dahil matangkad ako, nagmukha tuloy akong Koreanang sunog dahila sa medyo sunog sa araw na kutis ko.
Naglakad lakad kami sa mall, at nang tumanghali ay inaya ako ni Jasmine sa kumain sa paboritong restaurant nito.
Pumasok kami at habang unu-order si Jasmine ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant. Nahagip ng aking paningin ang babaeng halos lingkisin na ang lalaking katabi nito. Unang beses kong maka kita ng ganoon kaya parang ako pa ang nahiya para sa babaeng iyon.
Inilipat ko ang aking tingin sa lalaking katabi nito, nagulat ako nang magtama ang aming paningin. Nakatingin din pala ito sa akin. Kumindat pa sa akin bago tuluyang ibinaling nito ang taensyon sa babaeng kasama nito.
"Hmp!" sabi kong inalis ang paningin sa kanila.
"Napano ka?" tanong ni Jasmine nang mapansing nakasimangot ako.
"W-wala, sabi ko naman na kuwari ay itinuon ang atensyon sa menu.
"Masarap ang pizza nila rito, bagong bukas lang kaya kaunti pa lang ang kumakain," kuwento ni Jasmine, pero hindi naman ako nakiinig dahil namboboso na ako sa kaninang babae sa katapat na lamesa ay ayun, pinapapak na ang lalaking katabi. Halata namang todo iwas si lalaki pero kinoner ito ng malanding babae sa pinaka dulo ng upuan sa may pader.
"Tanghaling tapat!" bulong ko sa sarili pero narinig pala iyon ni Jasmine at sinundan ang tinitingnan ko.
"Cous, normal na yan dito. Karaniwan mo nang makikita ang mga naghahalikan kahit saan," sabi nito.
mabuti na lamang at hindi siya tinatawanan ng pinsan sa kaniyang pagka-promdi.
"Kung sa probinsya iyan, bukas ay siguradong kasalan na,"sabi ko naman.
Hindi naman ako inosente sa mga ganiyan dahil mahilig naman akong mgabasa ng mga pocketbook at novels, at napapanood ko rin minsan online. Hindi rin ako nahuhuli sa mga trends sadyang hindi ko lang gusto ang sumunod sa mga uso.
Mamaya pa ay dumating ang order namin. Tama si Jasmine, masarap nga ang pagkain nila rito. mukhang pati ako ay magiging suki ng kainang ito.
JUSTIN'S POV
Habang bakasyon ay abala ako sa restaurant, ipinatayo ko ito dahil pinipilit ako ni Daddy na magtrabaho sa pag-aari nitong kumpanya. Tinulungan naman ako ni Mommy para magpatayo ng sariling negosyo, at ito nga isang restaurant. Maganda naman ang takbo so far, kahit na bago pa ay may mga kostumer nang bumabalik. Katulad na lamang ngayon, Ang babaeng iyon na simula yata nang buksan namain ang restaurant ay narito na, at ngayon ay may kasama pang napakagandang binibini. Morena nginit litaw ang ganda at seksing hubog nito sa suot na bestida. Syempre eksperto tayo diyan, kahit na balot pa sa kumot ang isang babae ay masasabi ko kung seksi ba o hindi. Gusto kong lapitan pero nandito kasi si Charie, kaklase ko noong high school at sa Amerika na ngayon nag-aaral. Pumunta lamang dito sa Pilipinas para sa bakasyon. Matagal nang may gusto sa akin si Charie, ilang beses na nga rin nitong ini-hain ang sarili sa akin, ako lamang ang tumatanggi dahil hindi ko naman s'ya type at ayaw ko namang lokohin siya at paasahin.
Kanina pa nakatingin si Miss ganda kay Charie, magaslaw kasing kumilos kung saan-saan nakakrating ang mga kamay, halos hindi na nga ako maka-hinga sa mga yakap at haplos niya. Kanina pa rin niya ako gustong halikan, kung bakit ba kasi ako umupo rito. Akala ko ay oorder lang kanina, nahiya naman akong tanggihan nang hilingin niyang samahan ko siya.
Liberated woman si Charie kaya wala lang sa kaniya itong mga pinag-gagawa niya sa akin.
Biglang tumingin sa akin si Miss ganda pero naka angkla ang mga kamay ni Charie sa beywang ko kaya hindi ako maka-alis. Kinindatan ko na lamang si Miss ganda dahil naramdaman kong tinutulak na ako ni Charie pasandal sa pader at akmang hahalikan. Matagal kami sa ganoong posisyon, mabuti na lamang at biglang tumunog at cellphone ko kaya may dahilan akong lumayo kay Charie. Mabilis akong pumasok sa maliit kong opisina sa bandang likod ng restaurant at binilin ang aking mga tauhan na kung hanapin ako ng babae sa table 3 ay sabihing may emergency akong pinuntahan. Mabilis akong lumabas gamit ang backdoor.
Maaga na lamang akong umuwi. Bigla kong naramdaman ang pagod ko, o baka na stress lang ako sa makulit na si Charie. Siguradong naka buntot na naman ito lagi sa kahit saan ako pumunta. Patay na patay ang babaeng ito sa akin, minsan pa nga halos mag hubad na ito sa harapan ko pero iniwan ko dahil inaalala ko pa rin na may kapatid akong babae at takot ako sa karma.