Napakabilis ng mga araw. Pabalik na naman kami ng Maynila.
"Mag-iingat kayo," bilin sa amin ni Lola.
"Luluwas kami ng inyong Lolo sa susunod buwan para dalawin kayo roon," pangako pa niya.
Bitin man ang bakasyon, masaya pa rin kami. Balak na naming bumalik dito sa susunod na bakasyon. Lalo na si Jasmine na tuluyan nang naging kasintahan ang manliligaw kong si Daniel. Laking pasasalamat niya sa akin dahil ipinakilala ko siya at ipinaubaya si Daniel sa kaniya. Pero ang totoo niyan ay natutuwa pa nga ako dahil nawala na sa akin ang atensyon ni Daniel. Napaka bait niya kaya mabuti na rin na ang pinsan ko ang nagustuhan niya.
Simula na naman ng pasukan, tulad ng dati ay umiiwas pa rin ako sa grupo ni Karina. Ayaw ko ng gulo kaya kung maaari ay ayaw ko rin itong makasalubong. Malaki naman ang naitulong ng kaibigan kong si Mariane, lagi siyang nakadikit sa akin sa mga bakanteng oras namin.
Kapag may pagkakataon naman ay binabalikan namin ng pinsan ko ang paborito naming restaurant. Nagustuhan ko talaga ang masarap na pagkain doon. Minsan pa nga ay kasama namin si Mariane.
Biyernes, wala kaming klase sa hapon kaya inaya ko si Marian para lumabas.
"Mar, pizza tayo," sabi ko paglabas pa lang namin sa huli naming subject ,alam na agad niya kung aling restaurant ang tinutukoy ko.
Wala naman siyang duty sa ganitong araw kaya't sumama ito sa akin.
Tulad ng dati sa paborito naming mesa kami pumwesto, nasa bandang sulok kasi ito walang masyadong dumadaan daan sa tapat namin ka kumportable kami.
Alam kong makikita ko na naman ang antipatikong lalaki kaya't pumwesto ako sa upuang nakatalikod dito. Iba't ibang babae pa naman ang kasama nito. Wala sa loob kong napa-irap nang maisip iyon. Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ba kasi epektado ako?
Naghihintay kami ng order nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Nagkatinginan kami ni Mariane at sabay lumingon sa kung saan galing ang boses.
Si Karina! Muntik naakong masamid nang makita na kasama nito ang lalaki sa kabilang mesa.
Mukhang regular customer na rin si Karina dito, kilala na kasi ito ng mga crew ayon sa naririnig kong pag-uusap nila, hindi naman ako chismosa sadyang malakas lamang ang mga bibig nila.
Nakita n'ya rin kami, himalang hindi niya ako tinarayan. Ngumiti lamang ito ng pilit saka patuloy ang pagbibida sa lalaking tila hindi naman naikinig. Pagkatapos kumain ay umuwi na kami, isang block lamang ang layo ng boarding house ni Mariane sa bahay nila Tiyo. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko. Kilala rin ni Karina ang lalaking antipatiko. Hmp! no wonder, pero sila ng ugali!
.
Napaka bilis ng paglipas ng panahon. Magtatapos na ang school year. Nagpapasalamat ako dahil maayos na nairaos ko ang unang taon sa kolehiyo, maliban sa maliit na problema kay Karina ay naging smooth ang lahat. Matataas ang mga grades ko, bonus pa ang pagkakasama ko sa dean's list.
Nagkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay dahil kaarawan din ni Tiyo at celebration na rin daw sa aking achievement. Si Mariane lamang ang aking bisita dahil wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kaniya. Nag-imbita rin ng ilang kaibigan ang pinsan kong si Jasmine kaya nakilala ko rin ang mga ito mukhang mayayaman at mga sosyal ang mga kaibigan niya.
Mag-isa lamang akong umuwi sa probinsya ngayong bakasyon dahil pilit na isinama ni Tiya si Jasmine sa probinsya nito sa Bicol. Gustong gustong bumalik ni Jasmine sa probinsya nina Lola dahil naroon din si Daniel, sa abroad kasi ito nag-aaral at umuuwi lamang sa San Isidro kapag bakasyon.
Nag-enjoy pa rin naman ako kahit wala si Jasmine, tumulong na lamang ako sa bukid ng Lolo tulad ng dati kong ginagawa kahit na pinipigilan ako ng Lola.
"Ano ka ba, naririto ka para magbakasyon," sabi ni Lola.
"Masisira ang balat mo bata ka!" dagdag pa niya.
"Ipa-ubaya mo na ang gawain sa mga pinsan mong lalaki," sabi naman ni Lolo.
"Lola, dati ko nang ginagawa ito," sabi kong pinagpatuloy pa rin ang paghahakot ng bungkos ng mga inaning malagkit.
"Tumawag nga pala ang Mama mo, uuwi daw sa makalawa," nag-aalalang sabi ni Lola.
"Bakit kaya," nagtatakang tugon ko. Unang beses na uuwi si Mama nang isang taon lamang ang nakalipas.
Puno pa rin ako ng agam-agam hanggang sa bako ako maka tulog, iniisip ko kung ano ang nangyari kaya Mama. May sakit kaya ito? Diyos ko huwag naman sana! Marami ako nababalitaang umuuwing mga OFW na may sakit. Napapraning na yata ako, sobra akong nag-aalala kay Mama. Tinetext naman niya ako lagi pero wala siyang nababanggit sa akin.
Nang dumating si Mama ay tila nangayayat siya, nag-alala kaming lahat maging sina Lolo't Lola.
"May problema ba anak?" narinig kong tanong ni Lola kay Mama.
"Alam naming matibay ka at malakas ang iyong loob sa mga pagsubok, pero 'nandito kami magsabi ka 'lang kung anong bumabagabag sa'yo," sabi naman ni Lolo.
"Inay, 'Tay," simula ni Mama, at saka tumingin sa akin. Naka upo kaming lahat sa sala nang mga oras na iyon.
"Arianne, sana ay maintindihan n'yo ako sa pagkakataong ito. Inalok kasi akong magpakasal ng nobyo kong isang Emirati at pumayag ho ako," mahabang paliwanag ni Mama. Naka hinga ako ng maluwag akala ko ay may sakit na si Mama.
"Hindi naman kami tutol sa iyong pasya, ngunit nag-aalala kami, baka naman kung ano'ng ugali ng lalaking 'yan anak," nag-aalalang tugon ni Lolo.
"Ako Ma' okay lang, malaki na ako, kaya ko nang sarili ko. Natutuwa ako at nagkaroon ka naman ng oras para sa sarili mo," sabi ko namang bukal sa kalooban ko, parang ako pa nga ang kinikilig para kay Mama.
"Ayyiieee...si Mama lumalove life," sabi kong medyo kiniliti ko pa si Mama sa tagiliran.
Pinandilatan ako ni Lola, "Arianne tigilan mo iyan! batang 'to," saway niya sa akin.
"Siyempre kung saan kayo masaya 'dun ako," sabi ko na lamang, pinigil kong matawa sa reaksyon ni Lola.
Nagliwanag ang mukha ni Mama sa sinabi ko.Para bang ako lang naman talaga ang hinihintay niyang magbigay ng saloobin.
"Salamat anak," sabi niya.
"Ano pa ba ang magagawa namin kung mismong si Arianne eh pumapayag na?" naka ngiti na ng bahagya si Lola.
"Sa susunod na Linggo ay darating si Ahmed, kahit sa huwes sa bayan na lamang kami magpapakasal," sabi ni Mama.
"Napaka bilis naman yata?" reklamo naman ni Lolo.
"'Tay, ngayon lamang kasi siya magkakaroon ng medyo mahabang bakasyon," paliwanag ni Mama rito.
"Siya, nang makapag handa naman tayo kahit paano," tugon ni Lolo Isko.
May-ari ng isang malaking kumpanya ang magiging step father ko. Pero hindi naman ako interesado sa estado nito sa buhay, ang mahalaga ay mahal at tanggap niya si Mama. Divorce raw ito sa unang asawa nito at may isang anak.
Dumating nga nang sumunod na Linggo si Tito Ahmed. Simple lamang ang naging kasal nila sa huwes sa bayan. May kaunting salo-salo lang din pag-uwi sa bahay.
Nanatili sila ng halos isang buwan dito sa San Isidro. Balak nilang umuwi ng UAE bago ang aking pasukan para makasama ko pa raw sila ngayong bakasyon. Mukhang plantsado naman na ang mga plano nila. Inalok pa ako ni Tito Ahmed na sumama at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral pero tumanggi ako.
"Hindi ko po maiwan ang Lolo't Lola," sabi ko, "Sa Maynila na 'lang ho at mas madali silang makapunta 'pag namimis ko sila."
Naintindihan naman ako ni Mama.
"Ano mang oras na magbago ang isip mo ipa-alam mo 'lang," sabi pa niya.
Sabay-sabay na kaming lumuwas ng Maynila. Ngayon ko lamang ihahatid si Mama sa Airport nang may ngiti, alam kong magiging masaya siya sa piling ni Tito Ahmed. Nakita ko kasi kung paano siya itrato ni Tito Ahmed, medyo may edad na ito at malaki man ang pagkakaiba nila ay nakita kong magkasundong magkasundo ang mga ito. Nararamdaman ko na mahal niya si Mama.
Pagkatapos kong ihatid sa Airport sina Mama at Tito Ahmed ay dumiretso ako sa apartment ni Mariane. Nakipagkwentuhan lamang ako at ibinigay ang ilang chocolate na itinabi ko para sa kaniya, wala kaming secret ni Mariane sa isa't isa kay ikinuwento ko ang nangyari sa nagdaang bakasyon.
"Wow! eh 'di sana nasa Dubai ka na ngayon!" manghang sabi niya.
"Hindi naman ganun kasimple 'yun," sagot ko naman.
"Pano sina Lolo?" dagdag ko pa.
"Bilib na talaga ako sa'yo, 'yang pagmamahal 'dyan sa puso mo pang forever talaga," tukso niya sa akin.
"Oh, Lord ibigay po ninyo ang tunay na prince charming kay Arianne!" sabi niya habang naka taas ang dalawang kamay na tila humihingi ng himala sa langit.
"Tumigil ka nga!" kinurot ko siya sa tagiliran.
"Malay mo, magkatotoo," hirit pa niya.
"Sige na, see you tomorrow," sabi kong nagpaalam na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil unang araw ng klase at ayaw kong mahuli. Tulad ng dati ay pinili ko ang mga pang-umagang slot ng mga subjects ko.
Nagmamadali ako sa paglalakad para habulin si Mariane na namataan ko sa di kalayuan.
Tatawid na ako sa pedestrian nang may mabilis na sasakyang parating! Mababangga na ako nito pero mabilis itong lumiko at gumilid saka bumagga sa may fence. Umingit ang nagkiskisang mga bakal. Napahinto ang lahat. Mabilis na lumabas ang lalaki sa driver's seat at binulyawan ako! Naka yuko pa rin ako at hindi pa naka bawi sa gulat at pagkabigla, mauntik na akong mabangga! Alam kong tinakasan ng dugo ang mukha ko, ramdam kong namumutla ako at bahagyang nanginig ang mga tuhod ko. Para akong hindi maka galaw. Bakit ba napaka malas ko sa mga unang araw ng school year?
"Nagpapakamatay ka ba?" bulyaw ng lalaki sa akin pagbaba pa lamang sa kaniyang kotse. Mabilis nitong siniyasat ang unahang bahagi ng sasakayan nito. Marami ang gasgas niyon dahil inararo nito ang bakal na fence.
"Ano bang problema mo at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" ulit na bulyaw niya sa akin. Bigla akong natauhan at nagsalubong ang mga kilay ko. Ako na nga itong muntikan ng maaksidente ay ako pa ang may kasalanan?
Madilim ang mukha kong nagtaas ng tingin, medyo tumingala ako dahil higit na mataas ang lalaki sa akin. Nagulat siya nang makita ako, ganoon din ako.
Ito iyong preskong lalaki sa may restaurant na lagi kong nakikita tuwing pumupunta kami roon. Iyong lalaking playboy na paiba-iba ang girlfriend! Lalong nag-init ang mukha ko sa galit! Kung kanina ay namumutla ako sa takot at nerbyos ngayon naman ay nag-iinit at namumula ang mukha ko sa galit!
JUSTIN'S POV
Male-late na ako sa klase ko. Kung bakit kasi iniwan-iwan ni Karina ang shoulder bag niya sa kotse ko. Naiinis akong bumalik sa university kung saan ito nag-aaral. Ipinasok ko ang kotse sa campus nila dahil hihintayin daw niya ako sa driveway sa mismong harap ng building nila.
Pagka kuha ni Karina sa bag niya ay mabilis kong pinatakbo ang kotse palabas na sana ng campus nang hindi ko mapansing tumawid ang isang babae.
"Sh*t!" napamura ako nang muntik ko nang mabangga ang babae! mabuti na lamang at nakabig ko ang manibela kaya sumadsad ako sa bakal na fence na nasa gilid.
"F*ck!" muling mura ko nang ma-realize kong puro gasgas ang harapan ng kotse ko. Ito pa naman ang kotseng regalo sa akin ni mommy noong nakaraang birthday ko! Bukod sa late na ako sa klase ko ay sira pa ang harapan ng kotse ko!
Galit akong bumaba at pinuntahan ang babaeng hindi na yata maka galaw dahil sa nerbiyos, alam ko namang kasalanan ko dahil pedestrian crossing iyon at mabilis ang patakbo ko pero hindi ko talaga mapigilan ang init ng ulo ko. Nilapitan ko siya at binulyawan.
"Nagpapakamatay ka ba?" malakas na tanong ko sa kaniya, naka yuko pa rin at tila walang narinig.
Muli ko siyang binulyawan, unti-unti siyang nagtaas ng mukha at kitang kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Pero ang ikinagulat ko ay ang maamo at magandang mukha na matagal ko nang inaabangan sa restaurant ay siyang nasa harapan ko ngayon at galit na galit sa akin!
Napaka galing ko sa mga babae, iyon ang alam ko sa sarili ko. Pero bakit tila ninenerbiyos ako ngayon kay Miss ganda? O mas bagay siguro ang Angry bird sa kaniya sa nakikita kong reaksyon niya ngayon.