"After lunch ihahatid na kita," si Justin habang ngumunguya.
"Nag-text kasi si ate, kailangan ko raw sunduin Pasensya ka na ha? Bawi ako sa susunod," nakangiting paliwanag niya na kumindat pa sa akin.
Walang hiyang lalaki to, sobrang landi! Inaakit talaga ako ng mokong. Kanina panaypapogi, pero kahit alam kong sanay ito sa ganoong pagpapa-cute sa mga babae ay kinikilig pa rin ako. Kahit alam kong hindi totoo.
"O-okay lang, salamat sa libreng lunch," medyo nahihiya pa ring sagot ko. Nahihiya ako dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kaniya. Paano kung mabait pala ang mokong na 'to?. Napaka-assuming ko naman na sabihing nagpapa-cute siya sa akin.
Pagkatapos kumain ay inihatid na ako ni Justin sa bahay. Hindi ko alam na nakadungaw lamang pala sa bintana ang pinsang kon si Jasmine.
"Hmmm...iba na yata 'yan," salubong nito sa akin. Kanina pa pala ito nagmamasid at nakikinig sa amin. Narinig din niya ang paghingi ng permiso ni Justine para dalawin siya at sunduin sa university.
"Ano ka ba, nag-magandang loob lang yung tao," sabi kong naiilang sa tingin ng pinsan ko. Para naman kasi akong naka gawa ng krimen sa tingin niya.
"Huwag ka nang mahiya, okay lang yan dalaga ka at maganda natural liligawan ka," sabi pa nitong bahagya akong siniko sa tagiliran.
"Halika nga Jasmine," sabi kong hinila siya paakyat sa silid saka mabilis kong isinara ang pinto.
"Ikaw ba may boyfriend na? Secret lang natin, hindi ko sasabihin kila tita," sabi kong itinaas pa ang dalawang kamay para manumpa.
"Huwag kang maingay, Oo meron na, seryoso na kami ni Daniel, minsan ay lumilipad siya rito mula Amerika kahit ilang araw lang para lang makita ako," pabulong na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko akalaing may komunikasyon pa sila ni Daniel. Well, maigi na rin iyon kaysa kung sino-sino lang d'yan ang manligaw sa pinsan ko.
"Kaya ikaw, kapag nanligaw yan si Justin na iyan sagutin mo na. Ang guwapo kaya!" aniyang medyo kinikilig pa.
"Alam mo, dagdag inspiration din ang boyfriend," kuwento pa nito.
Parang gusto na rin niyang umamin na crush niya si Justin noong una pa lang kahit na mayabang ito, at lalo na ngayong natuklasan niyang 'nice guy' naman pala ito.
Malalim na ang gabi pero iniisip ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon. Paano nga ba kung magtapat sa akin si Justin? Paano kung gusto pala niya ako? Bakit hindi? Maganda ako, matangkad, at kahit hindi ganoon kaputi ay seksi ako at higit sa lahat matalino. Pero parang malabo, napakayaman ni Justin, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad ko. Para ngang narinig ko pang usap-usapan sa school na naging girlfriend nito ang anak ng isang senador. Wow! malabong ihilera ako ni Justin sa mga iyon. Panaginip lamang talaga na magkagusto sa akin si Justin. Hmp! mag-uumaga na, pilitin ko na lang maka tulog!
Pagsapit ng umaga, kahit na puyat sa kade-dreaming nang nagdaang gabi ay maaga pa rin akong nagising. Pagkatapos maghanda ng almusal para sa lahat ay naligo na ako at naghanda para pumasok.
"Sinisipag yata ang isang dalaga namin mukhang mayroon nang inspirasyon," biro sa akin ni Tiyo.
"Hindi naman ho Tiyo, maaga lang talaga akong nagising," nahihiya kong tugon.
"Basta pag-aaral muna ang uunahin, makakapaghintay ang ligaw-ligaw na iyan," paalala pa nito.
"Oho," sabi ko na lamang. Alam kong hahaba na naman ang pangaral nito kapag hindi ako sumang-ayon katulad ng laging ginagawa ni Jasmine.
Nagulat ako nang mga sumunod na araw dahil halos lagi akong sinusundo ni Justin. Pinagkakaguluhan tuloy ako ng mga chismosang estudyante. Makita pa lamang ako sa umaga ay nagbubulungan na ang mga ito, lalo na ang grupo ni Karina. Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay basta na lamang hilahin ni Karina ang buhok ko at pagtulungang bugbugin ng mga kampon nito.
Ngunit kahit hanggang noong mag-propose si Justin sa akin ay walang reaksyon mula kay Karina. Tahimik lamang siya na akala mo ay sasabog anytime.
Matagal ding nanligaw sa akin si Justin. Maging sina Tiyo at Tiya any sinuyo rin nito. Sinunod nito ang makalumang proseso ng panliligaw na gusto ni Tiyo. Dinadalaw niya ako sa bahay at doon nanliligaw.
Hindi naglaon ay sinagot ko na siya dahil nakikita ko naman ang sinseridad nito.
"Talaga? Sinasagot mo na ako?" anitong hindi mailarawan ang saya sa mukha nang ibigay ko ang aking matamis na oo.
"Oo nga, ayaw mo yata eh," biro ko pa.
"Uy hindi, gustong gusto nga. Wala bang kiss d'yan? uhmmm.." anitong naghahaba ang nguso palapit sa akin.
Tulad ng dati ay narito na naman siya sa bahay para dalawin ako. Nagkataong wala sina Tiyo dahil may dinaluhang kasal ng kamag-anak. Kami lamang ni Jasmine ang nasa bahay. Abala naman ito makipag-telebabad sa kasintahan nitong si Daniel na nasa Amerika.
"Yeeeesss!" malakas na sigaw ni Justin sa ikinagulat naman ni Jasmine kaya bahagyang sumilip ito mula sa pinto ng silid nito.
Natawa na lamang siya.
"Ginugulo ka ba ni Karina sa university?" pagkuwa'y seryosong tanong niya sa akin na humawak pa sa kamay ko.
"H-hindi naman," alanganing sabi ko. Kung pagbabasehan kasi ang mga tingin ni Karina at ang grupo nito sa akin ay baka matagal na akong patay.
"Sabihin mo lang kung ginugulo ka niya, my mom wants Karina to be my girlfriend but I see Karina as a little sister at hindi nila iyon maintindihan," pagkukuwento ni Justin sa akin.
"Don't worry, nobody can touch you habang buhay ako, dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko,"sabi pa nito at dinala sa labi ang mga kamay ko at marahang hinagkan.
"Sira ka talaga!" sabi kong bahagyang hinampas siya sa balikat. Pero ang totoo ay umiiwas akong mapadikit dito, tila kasi may kakaibang init na tumatawid sa balat ko sa tuwing madidikit sa kaniya. Para akong nakukuryente.
"I promise to love and care for you ti'l my last breath," sambit ni Justin at kinuha muli ang aking palad at walang pakundangang idinikit sa malapad na dibdib nito. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya, parang ganoon din ang kabog ng dibdib ko nang mga sandaling iyon.
"Ang korni mo," akmang hahampasin ko na naman siya sa balikat ngunit nahuli nito ang isa ko pang kamay at dinala iyon sa mga labi at muling hinagkan.
Ngayon ay wala na akong magawa kundi tumahimik at nahihiyang tingnan siya sa mga mata. Naka tingin din din siya sa akin!. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa aking mukha. Nataranta ako, hahalikann'ya ako! Oh my God! hindi ko man aminin pero eksayted siya! Kahit anong gawin ko ay hindi ko makalma ang sarili ko, tila aangat na ako sa kinauupuan sa sobrang kilig. Paano ba naman kasi parang nakakatunaw na ang titig nito, at samahan mo pa ng nag-aanyayang mga labi parang ang sarap papakin kahit sa totoo lang hindi pa ako nakakatikim no'n.
Para akong naliliyo nang dumikit ang malambot nitong labi sa aking bahagyang naka bukas na labi. Marahan ngunit mainit ang halik na iyon. Wala na akong nagawa at wala naman talaga akong balak gumawa ng kahit ano maliban sa pumikit na lamang at damhin ang mga labi ni Justin sa aking mga labi. Iginalaw ko rin ang aking mga labi para gumanti sa halik niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na naghinang ang aming mga labi. Basta kapwa na kami humihingal nang maghiwalay. Noon ko lamang naranasan ang mahalikan. Ganito pala ang pakiramdam, para kang idinuduyan at hindi mo alintana ang mga sandaling lumilipas.
Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin.
"I-im sorry, kung hindi ka pa handa ay-"
"Im fine," mabilis kong putol sa sasabihin niya.
"18 na ako, at boyfriend na kita kaya huwag kang mag-sorry," sabi kong pinipilit magbiro.
Bahagya naman siyang ngumiti.
"Yeah, kaya pa-isa pa nga," aniyang mabilis akong kinintalan ng halik sa noo saka ginulo ang buhok ko. Gesture na niya iyon, laging ginugulo ang buhok ko dahil gustong gusto raw niyang panoorin akong hinahawi ang mahaba kong buhok..
"Mr. Rios nakakarami ka na!" sabi ko at pinandilatan ko siya. Baka mamaya biglang sumilip na naman si Jasmine at mahuli pa kaming naglalampungan, kahit papano ay may hiya naman ako.
Medyo lulalalim na ang gabi pero wala pa sina Tiyo, nagpaalam na si Justin dahil maaga pa raw ito bukas. HInatid ko siya sa labas ng gate dahil doon nakaparada ang kotse niya.
Bago siya pumasok sa kotse ay niyakap at hinalikan ulit ako, aba nakakarami na ang mokong na to!
"Sige na, bye! mag-iingat ka," sabi ko at bahagyang inilayo ang katawan ko sa kaniya. Ntawa naman siya.
"See you baby! I love you!" sabi niyang mabilis pang humalik sa pisngi ko. Kinilig talaga ako do'n. First time kong tawaging babay at sabihan ng Ilove you! Oh! di ba nakaka kilig naman talaga!
Inayos ko muna ang itsura ng mukha ko bago ko pinuntahan si Jasmine sa kuwarto niya. Siguradong sasabunin na naman ako no'n sa tukso kapag nagpakita akong kinikilig pa rin.
KARNA'S POV
Wala akong magawa, kahit na nasa akin ang lahat pagkakataon para maging malapit kay Justin ay siya naman ang kusang lumalayo. Kahit na itulak siya ng Mommy niyang si Tita Lucy palapit sa akin ay hindi pa rin ako magustuhan ni Justin.
I was 12 when I met Justin for the first time. May party noon sa company ni Daddy and their family was invited dahil bagong business partner ng Daddy ko ang Daddy n'ya. Simula noon ay naging close ang family namin, naging mag-best friend si Mommy at Tita Lucy, ang Mommy ni Justin.
Hindi kaila sa mga magulang namin ang pagkakagusto ko kay Justin simula pa noon. Kaya naman kinukumbinsi rin ni Tita Lucy si Justin na ligawan ako, kaso iba talaga ang gusto ni Justin. Ilang beses na niya akong ni-reject pero hindi ako sumusuko dahil alam kong magugustuhan din niya ako pagdating ng tamang panahon. Ilan na ang naging girlfriend ni Justin pero walang nagtatagal kaya malakas talaga ang pakiramdam kong kaming dalawa ang naka tadhana sa isa't isa.
Mag-iisang taon na rin mula nang nakipag break si Justin sa huling girlfriend niya, at mula noon ay nagkakaroon na siya ng time sa akin. Sa tulong din ni Tita Lucy ay lumalapit na sa akin si Justin. Hatid sundo ninya ako sa school. Maging sa bagong restaurant niya ay dinadala n'ya rin ako. Sinasamahan niya ako sa mga lakad ko minsan.
Pero hanggang noong sumulpot ang pangit at maitim na Arianne na iyon ay nagbago na naman siya.
Hah! Pagsabihan pa akong huwag na huwag ko raw kakantiin ang pangit na iyon! Magsasawa rin siya tulad ng mga naunang girlfriend niya!
Masakit na nakikitang ibang babae na naman ang kinalolokohan ng mahal kong si Justin pero kaunting tiis na lamang ay mapapasaakin ka na Justin!
Pinapanood ko lang na hinahatid at sundo niya ang probinsyanang pangit na iyon! May araw din iyang Arianne na 'yan!
Hinding hindi ko isusuko si Justin sa probinsyanang pangit na 'yun! kahit pa matangkad negra naman! Matalino lang s'ya ng konti sa akin pero lamang pa rin ako sa lahat ng bagay! Hmp! bakit ba kinukumpara ko ang sarili ko sa walang kuwentang babaeng 'yon?
Isang tawag ko lang kay Tita Lucy siguradong babalik si Justin sa akin!