Chereads / Beg for a chance (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

"Nagpakamatay ka ba?" ulit kong tanong sa mas malumanay na tinig. Bakas rin sa mukha ko ang pag-aalala ngunit ipinagpatuloy ko ang sermon sa kaniya, para hindi halata siyempre! Medyo natatawa na ako sa sarili ko. Ang babaeng ito pa lang ang nagpapa kaba sa akin.

"Kung may balak kang mag suicide ay huwag kang mandamay," muling bulyaw ko sa kaniya, pero ang totoo ay gusto ko na siyang yakapin at halikan ang mapupulang mga labi niya.

"Mister, ikaw itong muntik nang maka patay sa akin!" matapang na sagot niya.

"Nasa loob ka ng school campus kung makapag maneho ka feeling mo nasa race track ka!" tila nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.

"Isa pa mister, nasa pedestrian ako!" dagdag pa niya. Tama naman siya at mali ako, nagmamadali lamang ako kanina at naghalo na ang inis ko kay Karina at inis ko dahil late na ako sa klase ko.

Tumingin siya sa kaniyang relo, binangga niya ako sa balikat kahit na di hamak na mas matangkad ako sa kaniya. Matapang pala si miss ganda.

"Tabi nga, mahuhuli na ako sa klase ko!" mataray pa niyang bulyaw sa akin.

"Miss,'apano ang gasgas ng kotse ko?" habol ko naman, pero ang totoo ay ayaw ko pa siyang umalis dahil gusto ko pang makita ang namumula niyang magandang mukha pero mabilis na siyang naglakad palayo.

Nagkakamot ng ulo na umiling iling na lamang ako. Ngunit napangiti ako nang maalala ang itsura ni miss ganda kanina.

Kahit na namumutla ito sa takot ay napakaganda nito. Walang ano mang kolerete sa mukha, makinis ang kayumanggi nitong kutis. Base sa aking obserbasyon bilang lalaki ay napaka seksi ng babaeng iyon, sa tantiya ko ay nasa limang talampakan at limang pulgada ang taas niya. Bakas sa suot niyang school uniform ang bilugang katawan at maliit na bewang. Napalunok ako nang maisip iyon.

Matapos ang insidente ay dumiretso na ako sa University kung saan ako nag-aaral. Third year na rin ako sa kursong business management.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang napakagandang mukha ni miss ganda, parang wala naman akong natutunan ngayong araw dahil inokupa lamang ni miss ganda ang isip ko.

First time ko siyang makita nang malapitan. Lagi kasi siyang mailap kapag nasa restaurant. Dahil regular siyang customer doon ipinatanong ko sa aking crew ang pangalan niya. 'Arianne' wala sa loob na sambit ko, pinagtinginan tuloy ako ng mga kaklase ko.

May-ari ng isang Airline ang aming pamilya at family friend namin ang pamilya ni Karina.

Speaking of Karina, matagal na itong may gusto sa akin ngunit parang kapatid lamang ang tinginko sa kaniya. Gusto rin isiya ng Mommy para sa akin.

ARIANNE'S POV

Padarag akong umupo sa tabi ni Mariane. "Sa dinami rami ng tao sa mundo, 'yung antipatikong iyon pa!" naghahaba ang nguso kong bungad kay Marianne.

"Napaka malas ko talaga sa mga first day!" dagdag ko pa.

Ngumiti lamang si Mariane sa nangyari kanina. Alam niyang iyon ang kinaiinisan kong lalaki sa restaurant.

"Pogi diba?" maya maya ay sabi ni Mariane na tinutukoy ang lalaking muntik nang makabangga sa akin! Inasar pa ako ng loka!

"Kapal ng mukha kamo! 'sya itong may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit!" nanggigigil pa rin ako tuwing maaalala ang nangyari.

Napatigil lamang kami sa pag-uusap nang dumating ang professor namin sa unang klase.

Pauwi na ako nang namataan ko ang lalaki sa gate ng University. Sumimangot ako. Siguro ay hihingi siya ng tawad! Pero nang lumapit siya ay tila isang boss na binulsa nito ang dalawang kamay at pumunta sa harapan ko. Napatigil ako sa paglalakad, nagtaas ng kilay at tumingin sa kaniya, hah! akala siguro nito ay matitinag niya ako?

"Hindi ka man lang ba hihingi ng paumanhin Miss simangot?" arogante nitong tanong o mas bagay siguro ang utos sa tono niya.

"Abat-!" pinigilan ko ang sariling mag mura. Huminga ako ng malalim at halatang nagtitimpi.

"Mister,-"

"Justin Rios," putol nito sa sasabihin ko. Habang naka ngiti at tila aliw na aliw sa namumula ko na namang mukha.

Lumapit siya ng bahagya kaya napaatras ako. Ngunit tila ba sinasadyang may poste sa likuran ko, para bang tumubo lang itong bigla doon para pigilan ako sa pag-atras.

Mas mataas sa akin si Justin kaya't naka tingala ako, wala akong malulusutan kaya't no choice, nanatili akong malapit dito. Amoy ko ang natural na masculine scent nito. Napaka bilis ng tibok ng aking puso habang halos naka dikit ako sa kaniya, para bang tatalon na ito mula sa aking dibdib.

"Justin!" malanding sigaw ng pamilyar na tinig. Si Karina.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis," sabi nito habang palapit sa amin. Sinamantala ko namang umalis nang matuon kay Karina ang atensyon niya.

"Si Mommy makulit eh!" narinig ko pang sagot niya, aba't talagang mukhang close pa ang mommy nito kay Karina? Hmp! pake ko ba? eh ano ngayon? Nagtama pa ang aming mga mata nang lingunin ko ito habang palayo, lumingon din siya sa akin at kumindat pa!

Nakasimangot ako nang pumasok sa bahay. Sinalubong ako ni Tiya.

"Oh, bakit ganiyan 'yang mukha mo?" nag- aalalang tanong niya sa akin.

Kinuwento ko ang nangyari, syempre maliban sa pagkakalapit namin ng antipatikong pogi at ang mabango nitong amoy, pati ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa edad kong 20 ay first time kong maramdaman ang mga 'yun kaya secret na lang muna.

Kanina pa rin pala nakikinig si Jasmine kaya hindi na niya napigilang sumabat.

"Pogi ba pinsan?" Nanunudyong tanong niya.

"Ano ka ba, muntik na ngang mapahamak yang pinsan mo, pogi pogi pa yang nasa isip mo," at kinurot ni Tiya si Jasmine sa tagiliran. Napatili ito.

"Maaaaa!" sigaw nito saka tumakbo.

Hinabol naman siya ni Tiya. Napaka sweet nilang mag-ina para lamang mag barkada. Nangingiti na lamang ako nang tunguhin ang kuwarto ko para mag bihis at magpahinga ng kaunti. Alas tres pa lang kaya mamaya pa ako bababa para tumulong mag handa ng hapunan.

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay nahiga ako sa kama,, balak kong matulog ngunit mailap ang antok sa akin. Bigla kong naalala ang guwapong mukha ni Justin! "Ang guwapo 'nya," wala sa loob na sambit.

"pero napaka arogante," bulong ko sa sarili.

Naalala ko kung paano kami magkalapit ni Justin kanina, hindi naman ganoon ka lapit pero pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang tao nang mga sandaling iyon.

Dati sa pocket book ko lamang nababasa ang mga ito. Kadalasan ay ganito ang pakiramdam ng bidang babae kapag napalapit sa bidang lalaki.

Hindi! Alangan namang in love ako sa aroganteng 'yun! Isa pa, may Karina na siya!

Nakatulugan ko na lang ang isiping iyon. Magdidilim na nang magising ako. Hindi na ako naka tulong sa Tiya para maghanda ng hapunan!

Mabilis akong bumaba at naabutan kong naghahain na si Tiya.

"Gisingin mo na nga rin `yang pinsan mo nang maka kain na, hindi ko na kayo inabala at alam kong pagod kayo," sabi niiya sa akin nang makita akong pababa ng hagdan.

"Oho," maikling tugon ko saka kumaripas sa ulit paakyat sa hagdanan papunta sa silid ni Jasmine.

Bigla akong nagutom sa amoy ng ginataang tuna ni Tiya. Masarap talaga siyang magluto, ito siguro ang nagustuhan ni Tiyo rito. Ano kaya kung magpa turo akong magluto kay Tiya?

Napangiti ako. Bakit ba ito ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon?

"Jasmine! Jasmine!" tinapik tapik ko siya sa braso.

"May sunooog!" sabi niya nang magmulat ito ng mata.

"Sira!" sambit nitong hindi pa gaanong mabuka ang bibig.

Huminga sa palad at inamoy iyon. "amoy ba?" sabi nitong natawa.

"Bumaba na kayo at lalamig ang pagkain!"

tawag muli ni Tiya.

"Opo!" magkasabay naming sagot saka nagtawanan.

JUSTIN'S POV

"Tara hatid na kita," sabi kong hindi man lang nilingon si Karina at nagpati-unang maglakad papunta sa sasakyan.

"Kumain muna tayo," naghahaba ang ngusong tugon niya pasakay ng kotse.

"Pasensya na, biglang sumakit ulo ko eh," tila nakonsensyang paliwanag ko naman.

"Kung gusto mo magpapahatid na 'lang ako ng favorite mo," bawi ko pa.

Mabait naman si Karina, sadyang wala lamang akong damdamin para sa kaniya. Maka-ilang beses ko na rin nilinaw ito sa kaniya.

"Why don't you try?" lagi lamang sagot ni Mommy, pinipilit talaga nitong maging kami ni Karina, hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya ito. Napapa-iling na lamang ako. Mahirap talagang makipag talo sa mga babae.

Pero bakit nag-eenjoy ako kapag si Arianne ang nakikipag talo sa akin?

Napangiti na lamang ano nang maalala ang magandang mukha ni Arianne.

"Akala ko ba masakit ang ulo mo? bakit ngingiti ngiti ka 'dyan?" basag sa katahimikan ng naka simangot pa ring si Karina.

Bigla naman akong sumeryoso nakalimutan kong kasama ko nga pala si Karina. "Wala, may naalala 'lang ako,"

Wala itong imik hanggang makarating sa harap ng bahay ng mga ito.

"Salamat," sabi nito habang pababa ng kotse. Ngumiti lamang ako at tumango. Nakokonsensya naman ako, ayaw ko siyang paasahin pero makulit kasi ito. Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyang pinaharurot ang sasakyan pauwi na sa bahay.

Sinalubong ako ni Mommy pagpasok ko pa lamang sa bungad ng mansion.

"How's your date with Karina? bakit ang aga mo namang umuwi?" excited na tanong niya sa akin.

"Ma' we didn't go on a date! I don't have to date Karina, sinabi ko na sa inyong wala akong nararamdaman kay Karina," matiyaga kong paliwanag kay Mommy.

Kahit anong gawin ko ay malabo ko talagang magustuhan si Karina. Isa pa, interesado ako kay Arianne, mukhang siya na ang hinihintay ko. Dati kasi ay para lamang akong nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend. Sa edad kong 25 ay walang nagtatagal na kasintahan sa akin. Kapag ayaw ko na ay basta na lang akong makikipag hiwalay, girl is just for fun. Papawi lamang sa pangangailangan ko bilang lalaki.

Kaya nga ayaw kong idamay si Karina dahil parang kapatid na ang tingin ko sa kaniya.

Mag-iisang taon na rin akong walang girlfriend at parang Arianne is perfect for the spot. Gusto ko siya, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang I want this girl permanently. Parang hindi ako magsasawa sa kaniya kahit pa siguro araw araw niya akong tarayan.