Chereads / Beg for a chance (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Unang araw ko sa kolehiyo. Excited na ako. Maaga akong nagising dahil halos lahat ng kinuha kong subjects ay pang umaga.

Maayos na sana ang unang araw ko ngunit hinahabol yata ako ng di kagandahang inerhiya nang mga oras na 'to. Isang hindi kagandahang babae ang natisod sa naka usli kong paa sa ilalim ng habang naka upo ako sa canteen ng unibersidad. Nadapa ang babae sa mismong harapan ko.

Mabilis ko naman siyang tinulungan, "Miss okay ka lang, nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Bitiwan mo nga ako!" Pagalit na hablot nito sa kamay niya na hawak ko.

"Nasaktan ka ba?" nag-aalala pa ring tanong ko sa kaniya dahil hindi pa niya sinasagot ang una kong tanong.

Tinulungan siya ng dalawang babaeng kasama nito na pagpagin ang tuhod niyang namumula na.

"Hoy! sa susunod huwag mong ikalat yang mahaba mong paa sa daanan, dahil baka tuluyang maubos ang natitira kong pasensya sa'yo," mahabang pagtataray niya sa akin. 'Pano ba naman kasing hindi siya madadapa eh tila rumarampa kung maglakad feeling yata niya nasa entablado siya. Maganda naman sana siya pero napaka kapal ng kulerete sa mukha nagmumukha na tuloy clown. Tantiya ko ay nasa 5 feet lamang ang taas nito kaya medyo nakatingala siya sa akin. 5'6" kasi ang height ko, nagmana ako kay Papa sa katangkaran.

"Sorry ho, pasensya na ho kayo," mapag pakumbabang tugon ko sa kaniya, ayaw kong magkaroon ng kaaway kaya kung maaari ay iiwas na lamang ako.

"ho? mukha na ba akong matanda?" gigil na sabi niya. Nagsisimula na kaming pagtinginan ng ibang tao kaya hinila na siya ng dalawang kasama, alam siguro ng mga ito na hindi na magpapa-awat ang kaibigang unano. Pinihigil kong mapabungisngis nang makatalikod sila palayo.

Nilapitan ako ng isang estudyante para maki-share ng lamesa nang maka alis ang tatlong babae.

"Hindi mo ba kilala ang mga iyon?" tanong nito sa akin.

"Hindi," maikling sagot ko naman, hindi ako enteresadong malaman kung sino iyon.

"Si Karina 'yon, anak mayaman. May-ari ng malalaking supermart dito sa bansa ang pamilya niya," sabi nito.

"Ah, kaya pala," wala sa loob na sambit ko. "kaya pala parang sa kaniya 'tong eskwelahan," patuloy ko, kaya pala pamilyar ang mukha niya, nakita ko na pala siya sa magazine before, hindi ko lamang nakilala dahil sa mala-clown na make-up.

"Mariane nga pala," maya-maya ay naglahad ng palad ang kaharap ko.

"Arianne," ngumiti naman ako at inabot ang kamay niya.

"Mukhang hindi ka taga Maynila," aniya pero maging siya ay may punto rin sa pananalita. Mukhang hindi rin taga Maynila.

"Isabela pa ako," sagot ko.

"Baguio naman ako," naka ngiting sagot niya.

Naging magkaibigan kami ni Mariane, tulad ko ay nasa unang taon din siya sa kursong BS Aeronautics. Isa siyang working student. Nagtatrabaho siya bilang kahera sa isang fast food pagkagaling sa eskwela.

Hindi man naging maganda ang unang araw ko sa University okay na rin atleast may nakilala akong bagong kaibigan.

"Pinsan! kumusta ang first day?" salubong sa akin ng excited kong pinsan.

"Ayun, muntik nang maka tisod," at kinuwento ko ang nangyari.

"Naku! mag-iingat ka, maimpluwensya pala ang pamilya," babala nito sa akin.

"Oo nga eh, pero don't worry, mag-iingat ako," sabi ko na lamang at binilisang umakyata sa aking kuwarto para magpalit ng damit pambahay.

"Oh, halina kayong dalawa at lalamig na ang hapunan,"tawag pansin ni tiya Gemma sa amin.

"Opo!" halos sabay naming sagot kahit na nasa kaniya kaniyang silid kami.

"Iha kumusta naman ang unang araw mo sa bago mong school?" tanong sa akin ni tiyo Arthur habang naghahapunan kami.

"Maayos naman ho tiyo," sagot ko habang patuloy sa pagkain.

"Kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang mag sabi," si tiya Gemma.

"Oho," naka ngiting tumango lamang ako dahil abala ako sa pag nguya. Marasap kasi magluto si Tiya, pakiramdam ko ay mabilis akong tataba sa pagtira sa bahay nila.

"'Ma, 'Pa, mag malling kami ni Arianne sa sunday," hirit ni Jasmine. "After church," dagdag nito.

"Sige, pero maaga ang uwi ha?" si Tiyo Arthur.

"Yes!" tuwang tuwa na napasuntok sa hangin si Jasmine, dati kasi ay bihira siyang payagang lumabas, pero ngayon ay panay ang gala nilang magpinsan.

Tinawanan lamang namin ito dahil sa tila paslit na reaksyo niya.

Umalis na si Mama pabalik ng Kuwait noong isang araw. Siguro ay uuwi na naman siya after two years. Nasanay na yata kaming kada dalawang taon lamang namin siyang nakikita.

Nang mga sumunod na araw ay iniwasanko na lamang ang grupo ni Karina.

Si Mariane ang lagi kong kasama. Mabilis kaming naging malapit ni Mariane, paano ba naman eh halos magkapareho kami ng hilig at mga gusto.

"Mar, sama ka sa amin sa Sunday," pag-aaya ko sa kaniya, gusto ko siyang isama sa lakad namin ni Jasmine sa linggo. Mar ang tawag ko sa kaniya at Ar naman ang tawagniya sa akin dahil pareho lamang naman ang dulo ng pangalan namin.

"Salamat, pero may duty ako sa Linggo," malungkot na tanggi niya.

"Alam mo na, pandagdag allowance, " dagdag pa nito.

"Sige, sa ibang araw na lamang," sabi kong ngumiti, naiintindihan ko ang kalagayan niya, madalas kasi kinakapos siya sa budget. Masuwerte pa rin ako dahil nandiyan lagi si Mama na nagbibigay ng mga pangangailangan ko

"Napaka sipag naman ng kaibigan ko, yayaman ka nang mabilis 'nyan," biro ko sa kaniya.

"Sana nga mag dilang anghel ka," sabi naman niya.

Pagkatapos magsimba ay dumiretso kami sa mall kung saan paborito naming puntahan nitong mga nakaraan. Naglakad-lakad at namili lamang ng ilang kailangan sa school. Pagkatapos ay kumain sa paborito niyang restaurant na ngayon ay paborito ko na rin..

Sa tapat ng aming mesa ay naroon na naman ang lalaking nakita ko noong huli kaming kumain dito, at ibang babae na naman ang kasama nito. Nainis na naman ako nang makita kong palihim na pinipisil ng babae ang ibabang harapan ng lalaki at tila gustong gusto naman nito. Napaka landi naman ng lalaking ito, mabuti sana kung iisang babae lang. Bakit hindi nalang kumuha ng pribadong kuwarto ang dalawa? sa isip-isip ko. Tinalikuran ko na lamang ang mga ito. Nakipagpalit ako ng upuan sa pinsan ko.

"Oh eh bakit?" nagtatakang tanong ni Jasmine sa akin.

Inginuso ko ang naglalampungang customer sa kabilang mesa, tamang namang naka tingin din sa akin ang lalaki, ngumiti ito at gumanti din ng nguso na tila nagbibigay ng isang flying kiss. Namula ako, para akong napahiya, alama kaya nito na kanina ko pa sila binobosohan? Hmp! nagtaas ako ng kilay.

"Tingnan mo!" sabi kong padarag na tumayo saka lumipat sa upuang katabi ng pinsan ko..

Natatawa na lamang siya sa akin.

Nang sumunod na mga araw ay naging maayos naman, nakasanayan ko na rin ang buhay syudad.

Hanggang sa matapos ang semester at nagpaalam akong umuwi ng probinsya kina Lolo at Lola. Hindi naman pumayag ang pinsan kong si Jasmine na hindi makasama sa pag-uwi ko .

"Lola!" excited na sigaw ko, malayo pa lamang ang sinakyan naming tricycle. Halos tumalon na ako hindi pa man ito huminto.

Masayang sumalubong ang dalawang matanda at iba pa naming mga pinsan.

"Ate Jasmine ang ganda 'nyo po," sabi ng limang taong gulang na pinsan namin.

"Wow! may fans ka agad!" tukso ko kay Jasmine.

"Paturo ka kay ate Jasmine kung 'pano magpaganda," sabi ko pa sa maliliit na batang pinsan namin.

Excited na hinila nila si Jasmine.

"'Tara ate," sabi nito habang nagmamadaling iginiya si Jasmine sa isang sulok ng salas kung saan naglalaro ang mga nang madatnan namin.

"'Lo, kumusta naman po, na miss ko kayo ni Lola," sabi ko at niyakap sila at tila batang naglalambing.

"Hay naku! yang Lolo mo napaka ulyanin na!" tukso ni lola habang naghahanda ito ng meryenda. Halos alas-tres na rin kasi.

"'Yang Lola mo, pikunin pa rin," sagot naman ni Lolo.

"Oh, tahan na. Kainan na!" sabi kong kinuha ang bandehado ng nilagang saging at nilabas sa sala kung saan naka-upo ang iba pa naming pinsan.

"Ito talaga yung namiss ko dito, pagkain!" sabi ko habang binabalatan ang ikatlong saging.

"Jas, tara kain," aya niya sa pinsang si Jasmine na nakikipaglaro sa batang pinsan.

"Sige," sabi niyang tumayo at inaya ang mga bata.

Kinagabihan ay dumating ang hindi namin inaasahang bisita, si Daniel. Dating manliligaw at kaklase ko si Daniel noong high school. Anak ito ng Mayor sa bayan namin. Guwapo at mabait naman ito pero hindi ko alam kung bakit wala man lamang tumayong kahit na isang balahibo ko sa kaniya. Siguro ay dahil naka concentrate ang isip ko sa pag-aaral at mga pangarap ko.

"Magandang gabi ho Lola, Lolo," bungad nito nang mapagbuksan ni Lolo ng pinto.

"Ikaw pala iho, tuloy ka," si Lola na agad pinapasok si Daniel at isang bodyguard nito. Mayaman ang magulang ni Daniel mula pagka bata ay hindi na ito nawalan ng bodyguard.

"Daniel! kumusta!" bati ko naman sa kaniya at malakas na tinapik sa balikat. Ipinapakita ko talaga sa kaniya na pagkakaibingan lamang ang kaya kong ipagkaloob sa kaniya.

"Arianne naman!" tila batang reklamo nito.

"Halika upo ka!" aya ko sa kaniya sa lumang sofa nina Lola, hindi naman ito maarte kaya ayos lang.

"Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kaniya. Nakakatuwa dahil mahilig din ito sa kape tulad niya.

"Diyan ka lang at tatawagin ko muna ang pinsan ko samahan ka habang gumawaga ako ng kape," sabi ko bago tumalikod.

"Jasmiiiine!" tawag ko sa pinsan ko.

"Daniel this is Jasmine my cousin," sabi ko habang hila hila ko sa kamay ang atubiling si Jasmine. Nakatitig ito sa mukha ni Daniel.

"H-hi," si Daniel na nauutal. Iniwan ko sa sila dahil ipapakulo ko pang paboritong kape ni Daniel, ang barako.

JASMINE'S POV

Tuwang tuwa ako mula nang dumating ang pinsan kong si Arianne sa bahay. Magkasundo kami kaht na magkaiba kami ng mga hilig. Medyo boyish si Arianne, laging naka puruntong at over sized t-shirts. BS business management ang aking kusro samantalang BS Aero naman siya. Medyo may pagka makaluma ang pananaw ng aking pinsan pagdating sa pakikipag relasyon. Naniniwala siya na dapat at pormal na nililigawan ang isang dalaga sa bahay nito. Natatawa na lang ako minsan sa pagka inosente niya.

Lagi kaming magkasama sa pagma-malling, at himalang pianayagan akong magbakasyon nina Mama at Papa kina Lola. Sumama ako kay Arianne nang umuwi siya.

Narinig ko ang pagparada ng isang sasakyan sa harap ng bahay nina Lola kaya dumungaw ako sa bintana. Kahit na madilim na at tanging malamlam na liwanag mula sa poste ang umiilaw sa bahaging iyon ay kitang kita kong bumaba sa hi-lux ang napaka guwapong lalaki. Para akong naka kita ng korean actor.

Pinakinggan ko ang pag-uusap nila, nalaman kong kaibigan siya ni Arianne, bakit hindi sinasabi ng babaeng iyon na may kaibigan siyang guwapo?

Maya maya pa ay narinig kong tinawag niya ako. Sana ipakilala niya ako sa kaibigan niya!

"Jasmiiiiine!" malakas na tawag ni Arianne sa akin.

Dumungaw ako sa pinto, mabilis niya akonh hinila at dinala sa harap ng bisita niya.

Nakita kong tinitititgan ako ng guwapong bisita kaya tiningnan ko rin siya sa mata.

"Daniel this is my cousin Jasmine," narinig kong pakilala ni Arianne sa amin.

"H-hi," nauutal na sabi ni Daniel. Nabighani ba siya sa beauty ko?

"Jasmine," sabi ko at bahagya akong ngumiti, iyong ngiting alam kong magandang maganda ako.

Hindi naman niya maalis ang tingin sa akin. Alam ko, nabihag ko ang guwapong bisita ni Arianne.

Dahil hindi siya maka imik ay ako na lamang ang unang nagsalita at nag kuwento ng kung ano-ano para kahit paano ay mabawasan ang kaba niya.

Para namang sinasadya ni Arianne sa talagang super tagal sa kusina.

"May boyfriend ka na?" maya maya ay tanong nito sa akin.

"Ngayon pa lang sana kung papayag ka," biro ko sa kaniya. Hindi na uso ang pakipot ngayon, kung kailangan ikaw ang gumawa ng hakbang ay gawin mo na girl!

"Talaga?" naka tawa namang tanong din niya sa akin.

"Oo naman," sabi kong tinamisan pa ang ngiti ko sa kaniya.

"Be my girlfriend," sabi niyang dinagap ang kanang kamay ko at akmang hahalikan iyon, ngunit tila isang kabuteng sumulpot si Arianne mula sa kusina.

"Ahhhmm," malakas na tumikhim ito, nananadya ba talaga ang babaeng ito? pagktapos akong isubo sa bisita nito ngayon naman ay biglang eepal?