Chapter 13 - Chapter 12

Now playing: Ikaw lang by Nobita

Blake POV

Gabi na, pero heto pa rin ako, dilat na dilat ang mga mata at gising na gising ang diwa.

Hindi ko alam kung bakit ayaw akong dalawin ng antok. Kanina ko pa gustong matulog pero everytime na ipipikit ko ang mga mata ko, agad ko na rin imumulat ito.

Napahinga ako ng malalim at tinignan ng masama ang natutulog nang si Eli sa tabi ko. Ang lakas naman kasing humilik ng lalaking ito. Tsk!

Himala nga at nakatulog ito kaagad pati na rin si Faye.

Inaayos ko ang aking sarili bago nagpasya na lumabas na lang muna ng aming tent. Hindi rin naman kasi ako makatulog, anong gagawin ko doon sa loob? Magbilang ng oras?

Naupo ako sa may unahan kung saan matatanaw ang malawak na kalangitan at kitang kita mula rito ang nagkikislapang mga bituin.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili. I really love the stars.

Simula pa lamang noong bata pa ako, gustong-gusto ko na sila at talagang kusang kumakalma ang kalooban ko, pati na rin ang magulo kong isipan sa tuwing nakakakita ako ng mga bituin. Ang ganda kasi nilang pagmasdan. Hindi nakakasawang panoorin mula rito sa ibaba.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang malamig na simoy ng hangin kasabay ang pag ihip nito kaya medyo napayakap ako sa aking sarili.

Maririnig din sa buong kapaligiran ang ingay ng mga insekto na siyang mas lalong nagpapalalim ng gabi sa pakiramdam.

Noon naman naamoy ko ang pamilyar na pabango mula sa aking likuran. Napatikhim ito sandali. Kahit na hindi na ako lumingon, alam ko na kung sino iyon.

Naupo ito sa tabi ko,habang ako naman ay nanatili pa ring nakatangad tanaw ang mga bituin. Hindi ko ito binigyan ng isang tingin. But I must admit, her presence makes my heart so warm at this moment.

Napatingala rin ito sa kalangitan kagaya ko.

Napalunok ako at doon nagpasya si Tala na basagin ang katahimikan.

"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong nito. Ngunit nanatili akong tahimik habang kapwa nasa itaas pa rin ang aming paningin.

"They are all shining like you." Tukoy niya sa mga bituin na aming tinitignan.

Dahan-dahan naman na nagbaling ang aking paningin sa kanyang magandang mukha. Awtomatiko na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siyang nakangiti habang nasa mga bituin ang kanyang mga mata.

"But you are the brightest star I have ever seen." Buong puso na sabi ko sa kanya, walang halong pambobola o kung ano pa man.

She's the brightest and the most shining star I have ever seen. "Totoo nga pala talaga." Dagdag ko pa dahilan para mapakunot ang noo niya at tuluyang napatingin na ito sa akin. "Bumababa nga pala talaga ang tala." Pagpapatuloy ko bago siya binigyan ng matamis na ngiti.

Lahat ng sinasabi ko ngayon, hindi ito mga banat. Lahat ng ito, sinasabi ko mula sa aking puso at walang halong kabulastugan. Dahil siya naman talaga ang pinakamagandang tala na aking nakita. Para sa aking mga mata.

Napahinga lamang ito ng malalim bago napailing. Ngunit makikita naman na nakangiti ito sa gilid ng kanyang labi. Sandali na naman kaming natahimik, bago ito muling nagsalita.

"I have a sister." Panimula niya.

Hindi ako nagsalita at sa halip ay inihanda na lamang ang aking sarili sa susunod niyang sasabihin. Nakahanda akong makinig sa gusto niyang ibahagi sa akin tungkol sa kanyang sarili. I am so excited to know everything about her.

"I love her so much more than I love myself." Dagdag pa niya at halos napiyok pa sa dulo. Halatang nagpipigil sa pag-iyak.

"Really? I bet she is gorgeous like you." I said, to give her comfort because I know she needs it right now.

"She is." Napapatango na sabi nito. "Pero alam mo yun? Ang aga niyang kinuha sa amin." At tuluyan na nga itong napaluha. Ngunit mabilis niya itong pinunasan.

"I'm sorry to hear that." Paghingi ko ng tawad. I don't know kung ano ang pwede kong gawin, yayakapin ko ba siya, hahalikan, or what? Paano ba kasi ang tamang pag-comfort ng tao?

Tss!

"It's okay. Matagal na panahon na yun. Hindi ko lang maiwasan na ma-miss siya." Wika nito bago napangiti sa akin. Iyong ngiti na madalas kong makita sa kanya.

Ngunit hindi nagsisinungaling ang mga mata. Nakikita ko pa rin mula sa mga iyon ang lungkot na nararamdaman niya.

"Do you mind if I ask you kung anong dahilan bakit---"

"Brain tumor." Sagot nito at putol na rin sa akin. Napalunok ako ng mariin. "At the young age. 15 years old pa lang siya nang mawala siya sa amin." Malungkot ang boses na dagdag niya.

"But it's alright. I know she's happy now." Pagkatapos ay muli na naman siyang napatingala sa mga bituin.

Hindi ako magaling mag-comfort ng tao. Or should I say, hindi ko talaga alam kung paano? Pero sa nakikita ko ngayon at nararamdaman kong lungkot sa ikinuwento niya, kusa na lamang akong napadipa.

"Hey, come here. I'll give you a hug." Pagkatapos ay binigyan siya ng aking most comforting with reassurance smile.

"May bayad ba 'yan?" Tanong niya na akala niya siguro ay nagjojoke ako. Maybe because she used to think that I am always a cool and funny person.

"Nope. Libre lang basta para sa'yo." Seryosong sabi ko habang tinitignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

"T-Talaga ba?" Napatango ako.

"Yes, Ms. Author. Nangangalay na po ako." Sabay pout ko pa. Napatawa naman ito bago ako niyakap ng tuluyan.

Agad naman na ginantihan ko ito ng yakap. Iyong yakap na mahigpit na mararamdaman niyang pwede niya akong maging sandalan, kaibigan, ano mang oras niya kailangan.

Hindi naman gaanong nagtagal ang payakap ko sa kanya nang siya na mismo ang kumalas. Ngunit nanatiling magkadikit ang aming mga katawan, habang magkalapit pa rin ang aming mga mukha na may ilang inches lamang ang pagitan.

Sabay kaming napalunok noong sandaling magkatitigan kaming dalawa.

"Your eyes...they look sad." Wika nito. Dahil doon ay ako na naman ang unang nagbawi ng tingin. Napalunok ako, tuluyang inilayo ang aking katawan mula sa kanya at inayos ang aking pag-upo.

"Do you want to kiss me?" Tanong nito na siyang ikinagulat ko.

Mabilis na napaharap akong muli sa kanya.

"What?" Kunwari pang hindi ko siya narinig.

"I said do you wanna kiss me under these stars?" Hindi ako agad nakapagsalita.

I don't know why I am so speechless at this moment. Ang tanging alam ko lang ay nakatulala ako sa maganda niyang mukha.

Siguro dahil nasanay ako na, ako ang nagfi-first move sa aming dalawa, and now is a little different because she is the one who's asking for a kiss.

"Of course, I want to kiss---" Ngunit hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin nang basta na lamang ako nitong sinunggaban ng halik.

But I was holding back. I didn't kiss her back because I might lose control. Alam ko kasi at kilala ko ang sarili ko kapag nawala na ako sa kontrol.

Hanggang sa pag hiwalayan nitong muli ang aming mga labi nang nagtatanong ang mga mata.

Napalunok ako ng mariin habang nakatitig sa labi niya.

"Are you sure? You want me to kiss you?" Hindi ito makasagot agad ngunit dahan-dahan na mapatango.

"Kasi kapag hinalikan kita alam ko sa sa sarili kong I won't stop until---"

Ngunit hindi na naman ako nito pinatapos nang muli niyang putulin ang aking sinasabi gamit ang kanyang labi.

Dahil doon ay wala na akong nagawa pa kundi marahan na inilapit muli ang aking katawan sa kanya at mas idiniin ang aking labi at nilaliman ang halik.

Para na naman akong gutom na gutom at uhaw na uhaw sa labi niya, especially when I bite her lower lip at naging access ko iyon to explore her mouth and suck her tongue, making her moan.

Naramdaman ko rin ang mas mahigpit na pagkapit nito sa sa batok ko. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg at marahan na nag iwan ng marka roon. Ang buong akala ko ay sasawayin niya ako ngunit mahinang pag ungol lamang ang iginanti nito sa akin.

Hanggang sa hindi na napigilan ng kanang kamay ko ang lumakbay pataas sa kanyang hinaharap at marahan na minasahe siya roon. Mas lalo pa akong nang init nang maramdaman ko ang tumatayo nitong nipple kaya muli kong ipinagsalubong ang aming mga labi.

Mabilis na pumaibabaw naman ito sa akin habang sitting position pa rin ako, at huhubarin na sana nito ang kanyang suot na damit ng bigla ko siyang pinigilan.

Nagtatanong naman ang mga mata habang kumot noo na tinignan ako nito. Thank God at nakapagpigil pa rin ako.

Ibinaba kong muli ang damit nito na nasa kalahati na sana ng kanyang katawan. Hinalikan ko siya sa kanyang noo bago dahan-dahan na nginitian.

"Not for now, Tala. We'll take it slow, okay?" Sabi ko sa kanya. Hindi ito nakasagot ngunit halatang inaasahan ang susunod kong sasabihin. "But is it okay with you?" Lalong napakunot ang noo nito.

Napahinga ako ng malalim. Nasa ibabaw ko pa rin siya.

"Na akin ka na lang at sa'yo ako?" Pagkatapos ay muli akong napahinga ng malalim.

"W-What?" Gulat na bulalas nito at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.