Now playing: You Got Me - Colbie Caillat
Tala POV
"Good morning!" Rinig kong pagbati ni Blake noong iminulat ko ang aking mga mata. Napangiti ako bago nagsumiksik sa unan na aking yakap.
"G-Good morning!" Ganting pagbati ko naman sa kanya habang nag-bu-blush! Hindi ko alam pero buong magdamag yata kaming hindi natulog at nagkwentuhan lamang.
Naabutan pa kami ni Eli na magkayakap kanina habang nakaupo pa rin sa puwesto kung saan kami naupo kagabi. Huwag kayong malisyoso at malisyosa, walang nangyari sa aming dalawa.
Dahil katulad ng sabi ni Blake, hindi naman daw namin kailangang madaliin. At some point, tama rin nga naman siya. Mas mabuti nang makilala na rin muna namin ang isa't isa, lalo na sa tulad kong baguhan lamang sa ganitong klase ng relasyon.
Isa pa, makakatulong na rin ito sa mga katanungan na gumugulo sa aking isipan. Marahil isa ito sa mga kasagutan na aking hinahanap, at matatagpuan ko lamang iyon oras na makilala ko pa si Blake ng lubusan.
Kung magiging kami man ni Blake, siya ang kauna-unahan na magiging kasintahan ko na babae. And maybe last? Kasi sino ba naman ang hindi gugustuhing makasama ang tulad niya habambuhay?
But I hope, I just hope we will work this out.
Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin nang maisip na magiging girlfriend n'ya ako soon, at magiging akin din siya.
"Hmmmm."
Dahan-dahan na napasilip ako sa kanya mula sa unan na nakaharang sa aking mukha. At nahuli na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa akin, inaabangan na muling magtama ang aming mga mata.
Napataas baba ito ng kanyang kilay habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Lalo namang nangamatis ang aking mukha bago nahihiyang hinampas siya ng mahina sa kanyang braso.
"Stop looking at me like that!" Saway ko sa kanya ngunit nakangiti naman.
"What?" Tanong nito sa akin. "Eh ang sarap mong titigan eh. Ang ganda-ganda mo kasi."
Gosh! Ang aga-aga niya para magpaka-cheesy.
"Hindi ka ba inaantok?" Tanong ko sa kanya, pilit na iniiba ang usapan.
"Nope!" Sagot nito. "Kulang ang magdamag na kwentuhan kasama ka eh. Atsaka paano naman ako aantukin? You are my coffee in the morning." Dagdag pa niya.
Awtomatiko na napakagat na lamang ako sa aking labi.
"Okay. Ako inaantok ako kaya pwede lumabas ka na ng tent at tulungan mo na lang sila sa pagluto ng almusal?" Pagtatabuyan ko sa kanya. Agad naman na napa-pout ito na parang batang pinagalitan ng kanyang iba.
Gosh! Bakit ba ang cute niya? Ang ganda-ganda! Jusko!
"Ayaw. Dito lang ako sa tabi mo." At mas isiniksik pa nga nito ang kanyang katawan sa akin. Agad naman na napasinghap ako at kusang bumilis ang pagtibog ng aking puso.
"Dito lang ako sa baby love ko." Dagdag pa niya at kiniliti ako sa tagiliran.
Pabiro ko naman na pinalo itong muli. Iyong mahina lang at hindi siya masasaktan. "Baby love ka d'yan!" Saway ko sa kanya ngunit sa totoo lang, sasabog na ang dibdib ko sa saya at kilig na nararamdaman.
"Hmmmmm." Ipinagdikit nito ang aming mga noo habang nakapikit siya. Noon naman ay naglakas loob akong halikan ang dulo ng kanyang ilong, dahilan upang dahan-dahan na muling iminulat nito ang kanyang mga mata.
"I love this moment." Sinasabi niya ito habang nakatitig lamang sa aking mga mata at mayroong ngiti sa kanyang mga labi. "I wish we could stay like this forever. You and me--- wake up in each other's arms, feelin' the warm of your breath and body and then, we will have breakfast together." Dagdag niya na para bang nag-i-imagine.
Kumalas ito mula sa pagyakap sa akin ngunit nandoon pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Gosh! I could see and imagine myself with you already. I can already see my life with you for 20 to 40 years." Pagkatapos ay muli itong nagbaling ng kanyang mga mata sa akin.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok ng mariin. I have never seen her so serious like this. And swear, she was the first person na nag-look forward ng future ko kasama siya. I never thought na magiging ganito siya ka thoughtful and sweet. She looks like a different person now. She was different from the naughty and funny person I had ever met.
I became so speechless.
Kaya naman napatikhim na lamang ako.
"B-Blake, I-I thought we will take it slow?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. At para na rin maging klaro. Because I feel like she's going to marry me right now.
Napatawa ito ng mahina. "Of course!" Sagot naman agad niya. "I'm just telling you that I can imagine myself with you in the future. You and me, together. Like---" Natigilan ito sandali at tinignan ako sa aking mga mata na para bang hindi ako naniniwala sa kanyang mga sinasabi.
Napahinga ito ng malalim at tuluyan ng napabangon mula sa paghiga. "You don't believe me, do you?" May himig ng hinanakit sa kanyang boses.
Agad naman na nag-alala ako at napabangon na rin. Marahan na inabot ko ang kamay nito at hinawakan.
"Hey, look at me, Blake." Hinalikan ko ang likod ng kanyang palad. "Of course I believe---"
"Sa tingin mo ba, hindi ako seryoso sa mga sinasabi ko?" Tanong nito at putol sa akin. "All my life, ngayon lang ako naging seryoso ng ganito sa isang tao. And I have never been like this." Dagdag pa niya. "Believe me or not, it was my first time na magsabi ng ganito sa isang tao. At sa'yo ko lang 'to nasasabi. Nakakagulat nga at nagiging ganito ako ka thoughtful when it comes to you."
Para namang tinutunaw ang puso ko sa mga sinasabi niya ngayon. Kung para sa kanya ngayon lamang siya nakabitiw ng mga ganitong salita, paano na lang ako?
Ngayon lang may naging ganito sa akin. That genuine smile of her, her laughs, everything about her at mga pinapakita niyang pure instensyon sa akin, lahat ng iyon ay bago rin sa akin.
Siguro naman hindi niya rin ako masisisi, hindi ba? Hindi niya ako masisisi kung minsan hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya because I didn't know that someone like her existed. At hindi ko alam kung deserve ko ba 'yung ganitong treatment dahil hindi ko pa naman naramdaman ito mula sa iba, especially sa mga ex ko.
Natigilan ako nang basta na lamang ako nitong yakapin at ikulong sa kanyang mga bisig.
"You don't have to worry anymore. I know sinabi ko na hindi natin kailangang magmadali, kaya hindi natin mamadaliin. Okay?" Sinasabi niya ang mga iyon ng may lambing sa kanyang boses. Iyong boses na mapapanatag ako at mawawala lahat ng gumgulo sa isipan ko.
"Just let me hold your hand, Tala. Hinding-hindi ko yun bibitawan. At maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na." Pagkatapos ay hinalikan ako nito sa aking noo.
"Blake..." Naluluha na pagbanggit ko sa pangalan niya.
"And please, gusto kong damhin mo 'yung treatment na binibigay at ipapadama ko sa'yo magmula ngayon, dahil wala akong ibibigay at ipapadama that you do not deserve. I want you to know that you deserve peace, genuine love, joy in your heart, happiness and unlimited reassurance, Tala." Patuloy na pinatitibok nito ng mabilis ang aking puso to the point na gusto ng umiyak.
Bakit bigla siyang naging ganito? Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin at itatatak sa utak ko 'yung mga sinasabi niya, lalo na 'yung sinseridad na nakikita ko sa mga mata niya.
Mataman na tinitigan ko na lamang siya sa kanyang mga mata habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
"M-Masyado mong ginagalingan. Baka mahalin na kita ng mas maaga kapag palagi kang ganyan, sige ka." Pananakot ko sa kanya na alam ko namang hindi uubra.
Napatawa lamang ito ng mahina bago ako marahan na hinalikan sa aking pisngi.
"Mahalin mo lang ako, ako ng bahala sa lahat." Sabay kindat na dagdag pa niya. Noon naman may napatikhim mula sa aming likuran.
Sabay kaming napalingon ni Blake rito at nakita si Faye na nakatayo sa labas ng tent.
"Sorry to interrupt. K-Kain na raw." Pagkatapos ay mabilis na niya kaming tinalikuran.
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo habang tinitignan si Faye papalayo. She seemed upset and hurt.
Mabilis na napailing na lamang ako at muling ibinalik ang mga mata kay Blake, bago ito hinalikan ng mabilis sa kanyang pisngi at tuluyan na ring lumabas ng tent kasabay siya.