Now playing: Sometimes by Britney Spears
Tala POV
Lumipas and dalawang linggo na pamamalagi namin sa Baryo maligaya. Mas lalong napapalapit kami ni Lexie sa magkakaibigan. Kung minsan pa nga ay para bang matagal na talaga kaming magkakakilala.
Ngunit sa dalawang linggo na iyon, ay tatlong araw din akong namalagi lamang sa loob ng bahay at hinayaan na lang muna si Lexie na sulitin ang summer niya kasama sina Eli. Kinailangan ko kasing ayusin 'yung storyline ng kwento na isusulat kong muli oras na makabalik ako sa Manila.
At finally, ngayong araw ay natapos ko na rin itong gawin. Kaya naman naisipan kong pumunta sa lugar kung saan mayroong signal, susubukan ko lang sana na kontaking muli ang PI ko at makikibalita sa pinahahanap ko sa kanya. Ngunit bigo na naman ako.
Dismayado na napabuntong hininga na lamang akong napapatingin sa magandang view na nasa aking harapan. Nagpalakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa lilim ng punong kahoy kung saan ko unang nakita si Blake na nakahiga noon.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ko ang pangyayari na iyon. Napatingin ako sa suot kong relo, alas kwatro na naman pala ng hapon. Sakto at hindi na masyadong mainit, kaya naisipan ko na dumito na lang muna hanggang sa dumilim.
Tiyak naman na kung nasaan man si Lexie ngayon ay sigurado akong masaya at nag-e-enjoy siya sa mga sandaling ito. Paano hindi mag-e-enjoy eh kasama na naman nito si Eli.
Hayyy! 'Yung kaibigan ko talagang 'yon.
"Looks like you need company?" Bigla na lamang akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa biglang nagsalita mula sa likuran ko.
Awtomatiko naman itong napatawa dahil sa naging reaksyon ko.
Gosh! Why is she here?
"B-Blake!" Utal na pagbanggit ko sa pangalan niya noong tuluyan itong lumapit sa akin.
"That's my spot." Pagturo nito sa inuupuan ko. Ngunit binigyan ko lamang ito ng isang irap.
"Well, wala naman akong nakikitang pangalan mo rito." Sarkastikong sagot ko sa kanya pagkatapos ay napangiti.
"I was just kidding." Sabi niya bago naupo sa tabi ko.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng palihim noong dumampi sa ilong ko ang pamilyar na pabango nito. Kusa na lamang din akong napalunok at lihim na napasulyap sa kanya habang tahimik nitong pinagmamasdan ang magandang view na nasa aming harapan.
I can't believe that this kind of beauty really exist. Hindi ko alam kung saan niya itinago ang mga pakpak niya but for me, she's really an angel na nahulog mula sa kalangitan.
Kulang ang salitang maganda para sa kanya. Napahinga ako ng malalim at agad na binawi ang aking paningin mula sa kanyang mukha, bago pa man ako nito tuluyang mahuli na nakatitig sa kanya.
Tahimik na nahiga na lamang ako sa kanyang tabi bago pinagmasdan ang mga dahon at sanga ng punong kahoy sa itaas. Habang si Blake naman ay ibinaling ang mga mata sa akin. Kunwari naman na hindi ko siya napapansin, at ipinikit na lamang ang aking mga mata.
Susulitin ko na ang malinis at sariwang simoy ng hangin dahil masyadong mabilis lamang ang oras, maya-maya ay magdidilim na naman.
"Stop staring. Baka matunaw ako." Saway ko kay Blake noong mamulatan ko itong nakatitig pa rin sa mukha ko.
Sino kasi ang hindi matutunaw sa mga mata niyang iyan. Gosh! Siguro kung close na talaga kami nito o matagal na kaming magkakilala, at kung hindi lamang ako maiilang sa kanya, gugustuhin ko palagi na makipagtitigan sa kanya.
"Paano kung gusto nga kitang tunawin?" She teased while smirking.
Muli na naman akong napairap ngunit nakangiti naman. Bumangon akong muli mula sa pagkakahiga at pilit na binabalewala ang mga titig nito sa akin.
"Can I ask?" Tanong ko sa kanya.
"Nagtatanong ka na." Pamimilosopo nito sa akin bago napatawa ng mahina. Pabiro ko naman itong hinampas sa braso.
"Seryoso kasi." Tatawa-tawa na sabi ko pa.
Muli na naman ako nitong tinignan sa aking mga mata. Hay! Bakit ba sa tuwing tinitignan na niya ako sa mga mata, pakiramdam ko natutunaw ako?
"Okay, what is it?" Curious na tanong niya. Napatikhim ako.
"How old are you?"
Hindi naman siguro masama kung itatanong ko yun, hindi ba? I mean, gusto ko lang na kilalanin siya. I'm just being friendly here! That's it and please, don't get me wrong.
"Hulaan mo." Sagot niya. "Kapag nahulaan mo, you are free to go." Dagdag pa niya dahilan para mapakunot ang noo ko. "Kapag hindi mo naman nahulaan, you will stay with me until sunset." Pagkatapos ay muling napangiti ito.
"Sure!" Lakas loob naman na pagpayag ko bago inayos ang aking pag-upo paharap sa kanya. Maingat at mainam na tinitigan ko talaga ang kanyang mukha.
Base kasi sa nakikita ko, mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa.
"25?" Sagot ko.
And yes, I am 25 years old.
Napailing ito. "Nope!" Sagot niya.
So, hindi kami magkasing-age. Hmmm. Maybe mas matanda siya sakin?
"26." Pagkatapos ay pinaningkitan ko pa ito ng mga mata ngunit pinagtawanan lamang ako.
"Hey, last answer na lang 'yan. Hanggang tatlo lang." May pagbabanta na sagot nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Ang daya!" Natatawa na sagot ko sa kanya. "Ah! Alam ko na. You're 23." Pagkatapos ay napasayaw-sayaw pa habang nakaupo, pero napatawa lamang ito at napailing.
"Eeennkkk! WRONG!" Bigay diin nito kaya agad na napabusangot ako. "I'm 24 years old." Astaka kinindatan pa ako. "So, paano 'yan? You have no choice now but to join me to watch the sunset."
Napatawa na lamang ako. Mukhang wala talaga akong magagawa kundi ang samahan siya at mas kilalanin pa. Kaya napatango na lamang ako.
"Sorry, matanong talaga akong tao." Muling panimula ko. "Ilang taon ka nung malaman mong gay ka?" Muling pagtanong ko sa kanya.
Matagal ito bago makasagot. Sandali siyang napayuko bago ibinalik ang mga mata sa akin. Napasulyap ako sa aking relo at malapit na palang mag alas sais ng gabi. Kitang-kita na rin mula rito ang papalubog na araw mula sa kapatagan sa ibaba.
"When I was 16." Sagot nito bago napangiti. "I have a crush on this girl, she's pretty, cute, and kind. She's my childhood friend. I'm happy when I'm with her, and you know? I'm even imagining that we're doing that...THING even though we're just friends ---" Bigay diin nito sa kanyang huling sinabi kaya napatawa ako.
"In that age?" Tanong ko. Napatango siya bago napatawa na rin kagaya ko.
"Yeah." Sagot niya habang napapatango. "So I told her I liked her. She said she liked me too. But you know, masyado pa kaming mga bata that time kaya we didnt wok out." Pagpapatuloy nito. Napapatango-tango na lamang ako.
"Sa madaling salita, naging kayo?" Pagkokompirma ko. Napatango ito bilang sagot. "And you two did THAT thing?" Pagkatapos ay muli na naman kong napatawa.
"Nope. We DID NOT." Pag-amin nito habang napapakagat sa kanyang labi na hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo o hindi.
Kaya naman hindi ko rin mapigilan ang mapatitig sa labi nito, ngunit mabilis na napaiwas ako ng tingin noong muli niyang ibinalik ang kanyang mga mata sa akin, pagkatapos ay napatikhim ako.
"Ilan na ba ang napaiyak mo? Sa gandang mong 'yan, of course marami na." Dagdag na tanong ko na naman.
I don't know, kapag talaga ganitong nagiging komportable akong kausap ang isang tao panay ako tanong at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para bang gusto kong alamin at kilalanin ang lahat ng bagay sa kanya. Ganoon talaga siguro kapag interesado kang kilalanin ang isang tao, right?
Marami kang ibabato na mga katanungan at palaging may kasunod 'pag nasagot na niya ang una.
"Correction! Hindi ko sila pinaiiyak. Sila lang itong umiiyak ng kusa dahil sa akin. Magkaiba yun!" Dahil doon ay isang malutong na pagtawa ang aking pinakawalan dahil sa kanyang kasagutan.
"Ikaw? When was the last time you slept with a woman?" Bigla naman akong natigilan sa itinanong nito sa akin. Awtomatiko ring nangamatis ang aking itsura nang marinig iyon, atsaka nang init ang magkabilaang kong tenga, mabuti na lang at padilim na at hindi na nito makikita.
Napalunok ako ng mariin.
"I never did." Pagsisinungaling ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang naging sumeryoso ang awra nito habang napapatango.
"Okay? How about kiss." Atsaka ibinalik ang kanyang mga mata sa akin.
Muli akong napailing. There's no way na aamin akong I slept with a woman dahil walang pwedeng makaalam kahit isa, na may nakatalik akong isang babae.
"Really?" Tanong nito habang tinitignan na naman ako ng nakakailang, iyong tingin na para bang hindi naniniwala sa akin.
"Y-Yes!" Patuloy na pagsisinungaling ko bago napayuko.
"Paano kapag hinalikan kita ngayon? Means, ako ang first time?" Tanong nitong muli at walang sabi na inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya naman napa atras ako. Ngunit nakalimutan ko yata na meron nga palang malaking puno ng kahoy sa likuran ko kaya agad na na-corner ako ni Blake.
Awtomatiko naman na bumilis na lamang bigla ang pagtibok ng aking puso na tila ba gusto nitong kumawala. At mas lalo pang palakas ng palakas ang pagkabog nito noong bumaba ang mga tingin ni Blake sa aking labi, pagkatapos ay napalunok pa.
"B-Blake what are you d-doing?" Pabulong na tanong ko sa kanya habang nanghihina ang aking kalamnan.
Naaamoy ko na rin ang kanyang napakabangong hininga at konting kilos na lamang ay pwede nang maglapat ang aming mga labi.
"Your lips look so lonely…would they like to meet mine?" Pagkatapos ay napalunok itong muli kaya napalunok na rin ako, bago muling bumaba ang aking paningin sa mga labi niya na tila ba nanghihikayat din na sila ay tikman.
Ngunit pilit kong pinapaalala sa aking sarili na siya at ako ay parehong babae. Hindi ko hahayaan na maulit muli ang nangyari noong gabi na iyon.
Napahinga ako ng maluwag at tila ba gusto ring himatayin noong mabilis na inilayo nito ang kanyang mukha mula sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginagawa niya.
Rinig kong napahinga ito ng malalim.
"Taken?" Biglang tanong nito bago dahan-dahan na muling nagbaling ng tingin sa akin.
Napailing ako.
"Nope." Tipid na sagot ko bago napaiwas ng tingin mula sa kanya. Hindi ko alam pero nanghihina pa rin ang mga tuhod ko sa mga sandaling ito.
Napatango ito.
"Sa ganda mong 'yan?" Pambobola pa niya.
"Kapag ba maganda, dapat maging taken sa panahon ngayon?"
"Well, mas okay nang single ka." Napapatango na saad n'ya. "Tama 'yung desisyon mong yun." Kunot noo na napatingin akong muli sa kanya.
Iniinsulto ba niya 'yung beauty ko?
"Kasi malay mo, para sa akin ka."
Napaubo ako dahil sa gulat. Habang siya naman ay napatawa ng mahina dahil sa naging reaksyon ko bago tuluyan nang napatayo.
Seryoso ba talaga siya? Ang lakas ng fighting spirit ah!
Tinanong ba niya ako kung gusto kong mapasakanya?
"Come on, Tala. It's dinner time!" Pagtawag nito sa akin dahil madilim na nga ang paligid.
Mabilis na napatayo na rin ako bago sumunod sa kanya. Ngunit andiyan na naman 'yung mga tinginan niyang malalagkit na ayaw akong lubayan.
"Dinner first, or can we go straight for dessert?" Pagkatapos ay tinignan ako nito from head to toe habang napapakagat sa kanyang labi, na animo'y isa akong masarap na putahe na nakahain sa harap niya. Awtomatiko na naman na nangamatis ang aking mukha.
Noon naman ay muli siyang napatawa ng malutong.
Argh! Bakit ba ang halay niya ata masyado?