Now plating: Realize by Colbie Caillat
Tala POV
Meron kaming dinner date ngayon kasama ang magkakaibigan kaya naman panay ang pagpapaganda ni Lexie kanina pa.
Nauna na nga itong lumabas ng bahay para salubungin sina Eli at Faye dahil kanina pa sila naghihintay sa amin.
Napasilip ako sa gate dahil natatanaw ito mula rito sa guest room ng kuwarto ng bahay nina Mang Berto. Napansin ko na wala si Blake at hindi kasama ng mga ito. Nagtataka naman at agad na napakunot ang aking noo.
Nasaan kaya siya? Tanong ko sa aking isipan.
Gustuhin ko man ang hanapin siya at itanong sa mga kaibigan nito pero hindi ko gagawin. Alam kong aasarin lang ako ng mga ito kaya huwag na lang.
Bumaba na rin ako ng kuwarto pagkaraan ng ilang sandali.
Pero hindi talaga ako mapakali sa suot kong dress. Hays! Bahala na nga.
Bago pa man ako tuluyang makalabas ng bahay ay sandaling sumilip muna ako ulit sa nadaanan kong salamin. Napapahinga na lamang ako ng malalim. Masyado kasing hapit ang suot ko kaya talagang bumabakat ang katawan ko. Eh dinner date lang naman kasi ang pupuntahan namin at kami kami lamang din naman ang magkakasama.
Hindi ba masyadong garbo itong suot ko? Kaya lang ayaw ko naman magmukhang manang sa harapan ni Blake, 'no? Isa pa, wala na akong masuot na pantalon. Haaay.
I mean, sa harapan ng mga kaibigan niya.
"Wew! You look stunning as always." Mabilis akong napalingon sa may entrance ng bahay at agad na bumungad sa akin ang maganda at maamong mukha ni Blake, habang nakasandal ito sa door frame at pinagmamasdan ako ng palihim.
I coudn't hide the happiness in my heart. Lalo na noong kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil ang buong akala ko ay hindi namin siya makakasama ngayong gabi.
Para bang bumagal na naman ang pag-ikot ng mundo para sa akin at awtomatikong bumilis bigla ang pagtibok ng aking puso.
Agad na ginantihan ako nito ng isang matamis at malawak na ngiti na siyang dahilan para mangamatis ang aking itsura. Iyong ngiti niya kasi ngayon, kakaiba. 'Yung ngiti na masaya siya at tila ba may ibig sabihin din ang pagkislap ng mga mata niya.
Teka lang Tala, kumalma ka. 'Wag ka masyadong pahalata na masaya kang makita siya ngayong gabi. Saway ko sa aking sarili bago taas noo na napatikhim habang nakatingin sa kanya. Binawi ko na rin agad ang malawak na ngiti na ibigay ko kay Blake.
"Alam ko kung anong mas bagay sa'yo." Sabay nguso niya sa suot ko. Napansin siguro nito na hindi ako masyadong komportable dahil simpleng dinner lang naman ang pupuntahan namin. Ba't ba kasi ngayon pa ako naubusan ng pantalon or short? Tss!
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Me." Sabay kindat na sagot niya. Awtomatiko na namang napatirik ang mga mata ko.
Lumapit ito sa akin habang diretsong nakatingin lamang sa mga mata ko. Napapalunok naman na napaatras ako nang tuluyan siyang makalapit.
Kahit na naiilang akong tumitig pabalik, eh para bang may nag uudyok sa akin na tignan lamang din siya sa kanyang mga mata. Bago nito iniabot sa akin ang bagong pitas na gumamela, na hindi ko alam kung mula kaninong bakuran niya nakuha.
Pagkatapos ay napabulong ito sa aking tenga.
"Pinitas ko sa halaman ng kapitbahay nina Mang Berto." Isang malutong na tawa ang pinakawalan ko bago siya pinalo ng mahina sa kanyang braso, at tuluyang lumabas na nga kami ng bahay.
"Salamat sa pabulaklak." Malawak ang ngiti sa pasasalamat ko habang naglalakad na patungo sa sasakyan. Tiyak na naiinip na ang tatlo sa amin.
"You look nice in your dress!" Komento nito sa aking kasuotan habang nakasunod sa aking likuran. "Bagay sa'yo." Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang muling pangangamatis ng aking itsura.
Pati na rin ang pinipigilan kong kilig na nararamdaman.
Napayuko na lamang ako. "T-Thanks!" Utal sa pasasalamat ko. Humakbang ito ng mabilis para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse.
Iyong kotse na ni-rent ni Eli at Faye ang gagamitin namin papuntang bayan.
"Bagay sa'yo parang ako." Ayan na naman po siya. Kaya naman napairap akong muli ngunit may sumisilip naman na ngiti.
Magsasalita pa sanang muli si Blake nang mapatikhim si Faye.
"Pwede bang mamaya na 'yan at kanina pa namin kayo hinihintay?" Medyo iritable na ang boses nito.
Can't blame her. Ako naman kasi talaga ang dahilan kung bakit kami natagalan.
Naunang pumasok sa loob ng sasakyan si Blake, sa bandang kaliwa niya ay si Faye habang ako naman ay sa kanan. Bale nasa gitna namin siyang dalawa ni Faye.
Habang si Eli naman ang magsisilbi naming driver at si Lexie ang katabi nito sa passenger seat.
"You ready guys?" Tanong ni Eli. Napatango naman kaming lahat bago nito sinimulan ng buhayin ang makina at tuluyan ng binaybay ang daan.
"Nice legs, lets eat out?" Pilyang bulong ni Blake sa akin kaya naman pasimple ko siyang siniko sa kanyang tagilliran.
"Stop it, Blake. Will you?" Saway ko sa kanya habang nakangiti. Ba't ba biglang uminit? Ang lakas naman yata ng aircon dito sa loob.
"Fine." Rinig kong pagpayag niya. Natahimik ito ilang sandali nang muli na naman siyang magsalita.
"But you know, my lips make me wonder what the rest of you taste like." Muling pagbulong nito sa akin kaya mas lalo akong pinagpapawisan. hindi rin mapigilan na magsitayuan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa pagtama ng hininga niya sa aking tenga.
Gosh!
Ano ba 'tong si Blake. Ang pilya masyado! Kapag ito sinakyan ko na naman ang mga trip niya, hay naku!
"Tatahimik ka riyan or tatahimik ka?" Kunwaring saway ko sa kanya bago ito um-acting na para bang nasasaktan.
Napasulyap ito sa kamay ko kung saan hawak ko pa rin ang gumamela. Kinuha niya ito mula sa kamay ko at dahan-dahan na napaharap siya sa akin, akala ko kung ano lang ang gagawin niya nang walang sabi at marahan na isinukbit niya iyon sa gilid ng tenga ko.
"Perfect!" Matamis na ngiti ang muling iginawad nito sa akin.
Habang ako naman ay nakatitig lamang sa maganda niyang mukha pagkatapos ay pasimpleng napalunok noong bumaba ang mga tingin ko sa kanyang labi. Mabilis na nagbawi ako ng aking mga mata bago muling napatikhim, at ibinaling na lamang ang atensyon sa labas ng bintana.
Because I might not be able to control myself at basta ko na lang siyang mahalikan.
Wait, what?!
---
Katatapos lang naming kumain ng dinner nang maisipan kong tawagan ang PI ko. Kaya naman sandaling nag-excuse muna ako at pumunta samay parking na nasa harapan lang naman ng restuarant kung nasaan kami ngayon.
Sasamantalahin ko na ang pagkakataon na narito kami sa bayan at mayroong signal.
Ang kaso, nadidismaya lamang ako dahil kanina pa ring ng ring ang cellphone niya. Nakakatatlong tawag na yata ako pero walang sumasagot. Damn it!
Haayyy naman talaga, oo!
Habang abala pa ang apat sa pagkukwentuhan sa aming table ay noon ko naman naisipan na balikan ang messages sa akin ng taong pinahahanap ko.
Ewan ko ba, pero nalulungkot ako ng sobra kapag nakikita kong wala na siyang message pa na lumalabas sa screen ng cellphone ko. Mag-tatatlong buwan na magmula noong huling beses niya akong pinadalhan ng minsahe.
Mag-iisang buwan na kaming nasa Baryo Maligaya, umaasa ako na oras na magka-signal na ay babahain ako ng messages mula sa kanya, pero bigo ako.
Paano kaya kung siya ang unang i-message ko?
Paano kung ako na naman ang unang mag-message sa kanya?
Tama! Nakangiting sang-ayon ko sa aking sarili.
Bigla naman akong nakaramdam ng sobrang excitement, kaya naman magta-type na sana ako ng message para sa kanya ng nang bigla namang dumating si Blake kaya mabilis kong nabitiwan ang hawak kong cellphone at nalaglag sa mismong paanan niya.
Awtomatikong napayuko ito at dahan-dahan na dinampot ang cellphone ko. Kahit na hindi ko tignan, alam kong makikita niya ang mga messages mula sa screen nito.
Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin nang mabilis na hablutin ko ito mula sa kanyang kamay. Habang hindi naman maalis ang kanyang paningin sa aking buong mukha.
Iyong tingin na para bang pinag-aaralan niya o kinakabisado ang buong itsura ko.
"Stop staring!" Saway ko sa kanya at mag-wa-walk out na sana dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya sa mga nabasa niya, nang mabilis naman ako nitong pigilan sa aking braso.
"Do you miss her?" Tanong nito sa akin ngunit hindi naman sa aking mukha nakatingin.
"What?" Naguguluhan na tanong ko.
Muli nitong ibinalik ang kanyang mga mata sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti, ngunit bakit tila ba may lungkot na gumuhit sa kanyang mga mata.
"Nothing." Tugon niya. Napatango na lamang ako at tatalikod na sana ng tuluyan para makabalik na sa table namin nang muli itong magsalita.
"Ms. Author." 'Pag tawag nito sa akin dahilan para matigilan ako. Napalunok ako ng mariin dahil ito ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa ganoon.
Lumapit ito sa akin bago inilahad ang kanyang kanang kamay. Isang malawak at masigla na ngiti rin ang ibinigay nito sa akin.
"Salor." Wika nito kaya clueless na napakunot lamang ang aking noo.
"Huh?" Naguguluhan talaga ako at the same time kinakabahan din sa kanya.
"My last name." Sabi niya.
Napa 'O' na lamang ako ng aking labi habang napapatango. Hindi pa rin inaalis nito ang kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan.
"Remember, my last name will be added to your name." Dahil sa sinabi nito ay napatawa na ako ng mahina.
Is she being serious this time or what?
"Hindi mo ba talaga tatanggapin ang kamay ko?" Pagkatapos ay napa-pout pa ito na parang nagpapaawa. Napapailing na lamang ako habang nakangiti na tinanggap iyon.
"Very good." Sabi niya at walang sabi na bigla akong hinila palapit sa kanya dahilan para maging isang pulgada na lamang ang layo ng aming mga labi.
Kapwa kami napalunok habang nakatitig sa labi ng isa't isa.
"I told you, my last name will be added to your name, and now you have accepted my hand, means you agree with what I said." Mabilis na naitulak ko siya sa sinabi niyang iyon at magsasalita na sana nang walang sabi na tinalikuran na niya ako.
"And uhh, by the way, Ms. Author," muli itong napahinto at napaharap sa akin habang ako naman ay speechless pa rin. "I miss you more. Everyday and night."
"What?!"
Ano raw?!
Can somebody please tell me, what is she saying??
Atsaka bakit parang medyo seryoso ng konti ang awra niya ngayon?